Eto ang aking Status bago magsimula ang Game, wala na palang follow-through status pagkatapos ng game. |
Biglang tahimik ang mundo na B-Meg Planet.. masakit isipin na magbibitaw ulit kaming mga fans na "Good luck sa next conference" ewan, pero yung game na 'to talaga ang pinakamahirap na talo na kelangang i-move on naming mga fan.
Nagbago ang lahat pati na ang momentum pagkatapos ng base-ball pass ng isang veteran-point guard, well, kaya nga crucial time eh kahit mga player na-tetense din sa mga ganong pangyayari. ang Lakers nga na- 4-0. Sa Basketball nga kasi "Where Amazing Happens".
Nadinig lahat ng pangalangin ng mga haters ng team ko!. pero hindi naman dininig ang mga panalangin naming mga fans na manalo sila. buhay nga naman. pero sa mga oras na 'to susundin ko ang mga payo ng haters. Sa Panaginip ko na lang iisipin na panalo sila ngayong gabi!
History to eh, panahon na ang nagtakda. At kung papipiliin ako ng bet kung sino ang magtsa-CHAMPION ngayong Philippine Cup, hindi na 'ko lalayo, doon na ako sa tumalo sa amin. Kung malaki ang tyansang manalo ng mga desedido mas malaki ang sa "MAS DESEDIDO".
Well, Sometimes the underdog is the winning-est.
Thanks for Reading!