Sunday, June 26, 2011

sa Pinas ang Spratly Islands

Spratly Islands
Malamang at marahil ay naririnig o narinig niyo na ang balita at usapan tungkol sa Spratly Island. dati pa issue ang kung sino bang bansa ang dapat na umangkin sa Isla na kakabanggit ko lang. nalaman ko nga lang ang Spratly nung nagbabasa ako ng Comics na Pugad Baboy dati eh, pero anyway.

Sino nga ba ang dapat na may-ari? at paano ba malalaman kung sino ang may karapatan? solusyon ba ang digmaan?

Ang mga bansa na kabilang sa mga nagsasabing sa kanila ang Spratly ay ang mga bansang Vietnam, Taiwan, Brunei, Malaysia, China at syempre kabilang ang bansa nating Pilipinas diyan kung saan mas lingid na makikita na mas malapit ang Spratly.

pero bakit nga ba pinagaagawan ang Isla na ito?. Nandito ba ang Fountain of the Youth na matagal ng hinahanap ni Captain Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean? oh baka naman nasa ilalim niyan ang Atlantis? bakit ba nila pilit na inaangkin yan? di ba nila alam na siguro ay mga year 2020 eh lumubog na yang isla na yan hmmmm. deh syempre alam ko na diyan sila kumukuha ng langis pero paano kung naubos yun?  

Spratly Islands
Anong bansa ba ang pinaka mahigpit na kalaban natin sa pagaangkin sa Spratly? oh wag na magisip, yun ay ang China, oo isa sa mga malalaking bansa sa mundo at mayaman at dahil nga malaking bansa siya malaki din ang pangangailangan niya ng langis, triple pa siguro ang bilang ng mga gasolinahan dun kumpara dito sa Pilipinas.

CHINA/chinese/INTSIK bakit kaya hindi nawawalan ng isyu ang Pilipinas sa mga 'yan?, hindi na sila nakuntento sa panghuhuli ng mga pagong natin sa palawan, ayun critically endangered na tuloy, tapos sasabihin nila na sinusuklian daw nila ng China Phone tsktsktsk!. Hindi pa buwaya na lang ang ismuggle nila tutal over loaded ang Pinas diyan meron pa sa Gobyerno.

Kung magGiyera ba? aling bansa ang maraming magiging casualties? syempre tayong nasa Pinas, hindi naman kasi tayo ang lulusob sa China eh, kundi sila ang lulusob sa atin wala naman tayong mga Fighter Jets meron lang tayo mortar yung parang BOGA?

Pero kung tutuusin pwede namang idaan sa magandang paraan at usapan eh. May mga naisip na nga ako kung anong mga deal ang gagawin na kung saan sino mang magtagumpay eh.... eh di sila na!!
MGA DEAL ko
1. Bakit hindi nalang daanin sa Boxing ang laban?, Ilabas nila yung pinaka magaling na boksingero nila at ilaban natin kay Pacquiao.
2. Kung ayaw nila nung nauna iharap na lang nila yung pinakamagaling na basketbolista na Shooting Guard ng bansa nila at ilaban natin ng 1 on 1 kay James Yap.
Oh diba? pwede naman ang sistema kung saan walang mamamatay na nilalang. Kung kaya ko lang mag magic eh, hihiramin ko na lang yung linya ni Harry Potter na Expecto Patronum at ayos na ang lahat.

For Chinese
Chinese Carrier Warship
 For Philippines
BRB Rajah Humabon 
Brand new yang warship ng Philippine Navy oo Brand new pa noong 1943.

For Chinese
Missile Launcher 
For Philippines
AFP bomb Launcher
Pero kahit gaano pa silang kaadvanced sa mga kagamitan nila ay hindi ibig sabihin na mauubos ang mga pinoy sa digmaan, mga tropz kahit ang dala ng sundalo natin ay kalibre 45 nakamamatay pa rin yon, baril yun eh. at kung tutuusin mga duwag nga yang mga chinese, improve sila ng improve ng mga kagamitan para hindi sila mamatay, yun nga takot silang mamatay. pero ang mga sundalo natin na nasa Spratly kahit alam nilang dehado sila sa kalaban ayun at matapang na nagbabantay at handang magbuwis ng buhay para lang sa bansa natin.

Kaya eto lang no, para sa mga pinoy na minamaliit ang sarili nilang kababayan (Hihiramin ko muna yung line ng teacher ko nung hayskul) gamitin niyo ang inyong Sentido Komon, at imbes na maliitin ay dapat natin silang saluduhan sa ginagawa nila, yun lang po bow. :D