Magandang umaga mga kaibigan dahil Umaga ngayong tina-type ko 'to at Magandang Gabi naman dahil sinulat ko lang 'to kagabi, pero depende pa rin kung anong oras ngayon, ngayong binabasa mo 'to :). Salamat sa mga bumasa ng aking adventure sa loob lamang ng Isang Magaling na Araw, at ngayon, ako'y nagbabalik. Kung 'di mo pa nababasa, may link sa taas, kaibigan. =)
Well, kung isa ka sa mga torpeng tao sa mundo, natural lang na bihira ka lang magka-syota, Pero hindi pala dapat nating gamitin ang salitang syota sa ating mga girlfriend. Ayon sa aking mahal na guro noong High-School, Salitang kanto daw yan, mas disente daw tignan kung tatawagin mo na lang siyang "kasintahan". Pero depende pa rin yan sa mga gagamit, sa panahon kasi ngayon ay hindi lahat ng girlfriend eh, babae.
Anyway, Torpe ka kung hindi ka agad-agad nagkakaroon ng relasyon. Ang kasarapan naman niyan ay hindi ka napapabilang sa samahan ng mga Foreveralone, yun bang mga taong nagmadali sa kanilang paghahanap sa righteous one kaya nung nagka-aberya eh ayun, NGA-NGA!. Dahil nadapa sila ng malakas ay ayaw na daw nilang makadanas ulit non kaya hindi na sila magrerelasyon ulit. Swerte ng mga torpe no?, hindi kasi sila nakakaranas agad ng mga pang-iiwan dulot ng maling pagpili ng kapareha. Dahil hindi kasi sila nagmamadali katulad ng iba na hanap-ng-hanap ng kanilang pag-ibig at sa kaka-hanap, unti-unti na silang nagmamadali at napupunta sa mga maling tao. at ano ang napapala nila pagkatapos?, Kung anong saya nila nung dineclare nilang "In a Relationship" sila sa Facebook ay siya ding saya ng mga may crush sa kanila nung naging Single siya. Basta ako prenti lang, sabi nga sa kanta: "Huwag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating sa'yo.".
Ang kahirapan lang sa pagiging torpe ay hindi mo agad nakukuha ang taong nagugustuhan mo, at kadalasan pa'y, nauunahan pa. Kase hindi agad sila sumusunggab, may halong kaduwagan ba. Pero hindi kaduwagan sa babae, kundi naduduwag sa posibleng isagot sa mga sasabihin nila. Minsan kasi ay hintay lang sila ng hintay ng chance, at kadalasan naman ay nauuwi rin sa wala. Dapat kasi minsan mauna nang magbigay ng motibo ang babae eh! haha
Oo, tama nga naman na: "Walang mangyayari, kung hindi mo sisimulan." pero tama din naman na "Huwag mo munang simulan, kung hindi ka sigurado sa kahihinatnan." Pero nasa may katawan pa rin ang desisyon kung anong gagawin nila. Sabi nga ni Green Goblin ng SpiderMan Series: "We are who we choose to be." o pwede din nating sabihin na, kung anong pipiliin mo ngayon ay siya rin ang magiging bukas. Ibig sabihin, nasa pagpili pa rin natin ng mga bagay-bagay nakasalalay ang ating magiging bukas. Kaya yung reto-reto?, 'wag kang umasa diyan, Minsan mas makakabuting hindi muna tayo hihingi ng opinyon ng iba. Sabi nga ng Astrologer na si Zenaida Seva ng Umagang kay Ganda: "Meron tayong free-will, gamitin natin 'to.".
At ang totoo, ang mga torpe talaga ang mga sincere sa pangako at binibitawan nilang salita, kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon para patunayan ay ipapakita ko hehe. Pero sabi din naman ng iba, "Ang torpe, tahimik yan, pero 'pag nagmahal, totoo." Agree ako don! kase kung ako lang, ayy hindi na ako magtatangkang maghanap pa ng iba kapag napasa'kin na siya. Araw-araw ko siyang pakikiligin, 'yung halos tumambling siya dahil hindi na niya mapigil sa pag-simple lang ng ngiti. 'Yun bang tipong minsan ka lang mag-I love you sa kanya para hindi agad mag-sawa. 'Yun bang hindi ko siya bibigyan ng mga literal na bagay na karaniwan na lang na binibigay ng iba ngayon. Dadalhin ko na lang siya sa kalawakan ng imahinasyon ko, dadalhin ko na lang siya sa Narnia ni C.S. Lewis o kaya sa The Shire ni J.R.R. Tolkien, kung saan may green-fields, wala kang maririnig sa umaga kundi ang huni ng mga ibon sa himpapawid at ang pag-gapang ng tubig mula sa batis. Hindi ko na rin kailangan pang pumunta ng Dangwa para bumili ng bulaklak dahil pipitas na lang ako sa paligid, fresh pa. At yung sa tanghali eh pwede kayong maglakad ng magka-hawak-kamay nang hindi naiinitan dahil hindi nage-exist ang Global Warming don. At sa gabi ay manonood na lang kami ng Meteor Shower na komportable kaming walang iistorbo sa aming moment, yung walang kakahol na Aso at walang magbi-videoke na kapitbahay habang sinasabi ko ang mga salitang magpapa-ngiti sa kanya, habang ako'y nakayakap mula sa kanyang likuran at nakasandal sa kanyang balikat sa ilalim ng milyong bituin at isang buwan na nagbibigay ng ilaw sa isang magandang gabi na 'yon :D, teka-muna-wait!!. masyado na pala, parang Daoming Se at Sanchai lang, haha!.
Pero sa ngayon, tayo'y maghintay lang, dadating din ang panahon na magkakaro'n ka ng katawagan na sweet, labs, at babes mo. Kaya, 'wag kang atat!, 'wag kang umasa!, dahil kung hindi talaga itinadhana ang isang bagay, hindi talaga mangyayari. At kung ako sa'yo pumili ka ng torpe! at 'wag kang umasa sa mga ugaling PBB Teens! :D.. Magulo ba 'ko? kakasabi ko lang na 'wag umasa sa opinyon ng iba pero nag-rereto ako sa inyo, pero sinabi ko din naman na "Meron tayong free-will!" kaya nasasa'yo pa rin kung magpapaniwala ka sa mga nabasa mo.
Hanggang dito na lang mga kaibigan, si Berto po ulit, hanggang sa muli!
Salamat sa Pagbabasa!
Isang Magaling na Araw Chronological Order:
Isang Magaling na Araw I:
Ang isang araw sa Eskwela >> ✳LINK✳ Click to read
Isang Magaling na Araw II:
Kung bakit mahirap maging Torpe >> Currently reading
Isang Magaling na Araw III:
Sa Bintana ng Bus >> ✳LINK✳ Click to read