Sunday, July 10, 2011

James Yap most Popular player sa PBA

the Man with a Million Moves
PBA version of KING JAMES
Big Game James
Big Daddy James
Boy Thunder (with Paul Artadi as Kid Lightning)
wEw bago ko sinimulang itype to ay nagiisip ako ng magandang Title?, pumasok sa isip ko ang "Bakit sikat si James Yap" at "James Yap mukha ng PBA?" pero naisip ko, ayos na din naman 'tong title na ginamit ko.

Kung aagree ang lahat ng basketball fans sa Pilipinas na si James Yap ay most popular player, mahahati ang mga dahilan sa dalawa. Kapag ikaw ay Purefoods/Bmeg fan at James Yap fan ang sasabihin mo ay "Sikat siya dahil magaling" at kung ikaw naman ay fan ng ibang mga teams ang sasabihin mo ay "Sikat yan dahil kay Kris". Sinasabi nila yan dahil kahit saang poll na nagtatanong kung "Sino ang Player Mo?" ang laging lumalabas ay ang bar ni James ang pinakamataas.

James Yap
Pero ako meron din mga sariling dahilan kung bakit gusto ng mga tao si James Yap.

Una. Good looking, kita naman sa picture diba?

Pangalawa. Humble, bakit nasabing humble? kasi pag nakakatira siya ng buzzer beater/clutch shots/ at 3points hindi niya pinagyayabang. ang expression lang niya ay natural lang, hindi kagaya nung iba na sumisigaw pa. nagtatambling at tinatrashtalk pa ang kalaban.

Pangatlo. ay dahil franchise player siya ng Purefoods isa sa may pinakamaraming supporters na team sa PBA.

Pangapat. Pure Pinoy siya. syempre mas masarap nga namang suportahan ang isang purong pinoy at walang halong dayuhan sa dugo diba? kung mapapansin mo nga eh lahat ng mga star sa PBA ngayon ay puro Fil-Am at ang iba pa nga eh hindi man lang marunong magsalita ng tagalog at meron pa ngang player na peke ang papeles pero nakakalaro pa din at siya ay si..... secret. pero ang team niya ay nalipad :D

At sa mga nagsasabing si James Yap ay isa lamang overrated na player sa PBA ay marahil kayo ay insecure lang sa kanya dahil ang Idol niyo ay hindi Most Popular Player at hindi pa nagiging MVP.

Reality Bites! masasabi mo bang overrated ang isang player kung dalawang beses na siyang naging MVP? masasabi mo bang bobo maglaro ang isang player na kahit tatlo ang injuries ay umaaverage pa din ng 20pts pataas?. at kung hindi siya magaling ay bakit siya napabilang sa Team Pilipinas dati at ngayon ay hinihiram ng Smart Gilas para makasama sa international games nila.

At bakit siya magiging mukha ng PBA kung hindi siya magaling?. at kung bakit ko nasasabing siya ang mukha ng PBA ay dahil sa mga dahilan na ito.

-Palagi siya ang ginagawang cover ng Sports Magazine ng PBA. 

-Kapag commercial siya ang huling pinapakita.

-Sa Intro Video ng PBA na pinapalabas bago magsimula ang isang game nila siya yung nasa hulihan na pinapakita

-Sa Calendar ng PBA siya din ang nasa pinakahuling page.

-At pati ang PBAlive 2011 na computer game ay siya din ang Icon.


-At meron pang isa, malamang ay napanood niyo din yung SMART Ultimate All Star Weekend? kita naman sa banner ng PBA All-Star siya yung may malaking picture na nasa middle AT siya din ang huling pinakilala sa line-up ng PBA AT siya din ang ininterview na parang nagsasabing siya yung representative ng PBA tapos sa NBA eh si Kobe. 

At dahil nga Magaling ay Sikat at kapag sikat madaming endorser at commercial sige nga. pipiliin ba ng NIKE ang endorser kung pipityugin ang player? hindi diba? oh yun yon mga dudes.

Kung hindi ka pa rin satisfied sa mga nasabi ko ay manuod ka ng game nila kahit yung start lang, yung pinapakilala pa lang ang starting five, hintayin mong tawagin ang Jersey Number at Pangalan niya Laksan mo ang Volume ng TV at makinig sa posibleng maririnig.

Thanks for Reading