Friday, August 31, 2012

Sa Bintana ng Bus

ISANG MAGALING NA ARAW:

Kung nase-save ko lang as video-file ang mga nakikita ko kada araw, 
 E di sana may sarili na 'kong pelikula na ako mismo ang direktor.
--rEguLardReams
Sa Bintana ng Bus

MAGANDANG UMAGA, o hapon? o gabi? o kung kelan mo man 'to basahin. Ang hirap talagang mag-isip ng magandang intro no?.

Anyway, halina't samahan ulit si BERTO sa isa sa kanyang Magagaling Na Araw.  (Isipin n'yo na lang ulit na siya yung nagkukwento).

Hello, ako si Berto, hindi mayabang, hindi suplado, hindi pumapayag na masakop ng China ang Spratly Islands, hindi naniniwalang "Ang taong tamad ay walang kinabukasan" dahil 'yung kapitbahay naming tamad palaging nagigising kada Umaga. Gusto ko'ng nakakakita ng maganda pero ayaw ko sa mga suplada, wala akong Instagram sa Cellphone, pero meron akong Bluetooth, sosyal pa din naman 'yun diba?. 'Kung hindi, mabuti nang meron kesa wala. Ayoko sa Mayayabang, ayoko sa pa-Sosyal, ayoko sa mga Palaka, pls. lang :), ayoko sa mga pa-english-english pa sa Facebook-Status para lang mag-mukhang edukado. But I love using big words to sound smart. I mean utilizing gargantuan idioms to fabricate intelligence, haha.

So, nandito ulit ako para mag-kwento ng isa 'ko nanamang adventure. Nangyari ito isang Lunes, jusko, ayoko talaga sa araw na 'to. Mahirap kasing gumising ng maaga matapos ang Isang Magandang Weekend. Kaya nga tuwing Linggo ng Gabi, hinihiling ko na lang na; sana Sabado na lang ulit kinabukasan. Lagi na lang kasi akong late kahit ang aga-aga ko namang naga-alarm. Kanina nga, nag-alarm 'yung Phone ko ng 5am, sabi 'ko sa isip ko: "5 minutes na lang".... Pag-mulat 'kong muli 6am na. Grabe, ang unfair talaga ng oras tuwing Umaga.

Pero Okay lang, 50% lang naman ng aking pag-gising ang ayaw ko. Dahil masaya din namang gumising dahil alam mong binigyan ka pa ni Bro ng isa pang panibagong Araw. Masaya din namang gumising ng Madaling-Araw at malalaman mong may mga tumitilaok pa ring mga manok para mag-alarm sa mga amo nila. At makaka-kain ka pa ng mga bagong hango na mga Pandesal galing panaderya. At nararanasan mo pang kumanta ng Lupang-Hinirang dahil gising ka na bago pa man mag-start ng airing ang mga TV-Stations.

Pero kaya lang naman ako gumigising ng maaga ay dahil meron akong kelangang pasukan, ANG SCHOOL. Lumipat na nga pala ako ng bahay mga kaibigan, hindi na ako nakatira sa Lugar City. Ngayon, ako ay nasa tahimik na lugar na City of Place. Mukha s'yang sosyal pakinggan pero probinsya siya. Isang bayan lang ang namamagitan mula sa dati kong tinitirahan, yet, doon pa rin ako pumapasok sa aking mahal na eskwelahan; ang COLEGIO de COLLEGE. At dahil malayo na kami e Aircon bus na ang transport ko, kaya hindi ko na kelangan ma-curious sa buhok ko kapag buma-biyahe.

Maganda naman sa bago 'kong bayan, may isang SM na walking distance lang, siguro sampung tambling nandun na 'ko. May nakita akong isang traffic-light tapos hindi pa gumagana. 'Yung drainage system nila, pinaliwanag naman sa'min nang mabuti. Hindi naman daw bumabaha dito kapag SUMMER, kaya nakumbinsi kami. 'Yung bahay namin?, ayos naman, mas malaki kesa sa dati, 'yung mga kapitbahay? ayos lang, tahimik naman sila kapag Gabi.

At syempre, masarap ding bumiyahe ng mga malalayong destinasyon, pero depende pa rin. Depende pa rin sa sasakyan mong Bus, kung standing capacity o hindi. Alam 'ko, naglabas ng bagong transportation law ang Gobyerno na No-Standing policy sa mga bus. Weh? Di 'ko s'ya napansin na nag-exist. Siguro binase ang aspeto nito dun sa pagse-segregate ng mga cart ng MRT at LRT sa mga Babae at Lalaki.

Malas kasi 'yung mga babaeng malalaki ang hinaharap kapag standing sila sa bus, 'yung mga bumababa kasi minsan ay nakaka-tsansing na sa kanila. Pero pinaka-swerte naman ay ang mga kundoktor. Lalo na kapag full-house 'yung bus. Nagagawa n'ya kasing magpa balik-balik mula unahan hanggang dulo ng bus para magbigay ng ticket at maningil ng bayad. 'Yung talagang sobrang sikip na, pero si Manong may kasabihan: "We'll find a way"

Anyway, masarap talagang bumiyahe lalo na kapag nasa komportable kang sasakyan at syempre sa Komportableng-Pwesto: "sa tabi ng bintana". O, sino ba naman ang may ayaw na pumwesto sa tabi ng bintana?. Advantage sa'yo 'yun kapag doon ka naka-upo.

Una, nasa Teritoryo mo ang AIR-CON. Ikaw na ang mag-pasya kung paghahatian n'yo pa ng katabi mo 'yung dalawang roll-on na aircon ng bus.

Pangalawa, Ikaw ang may ari ng KURTINA. Kaya nasa'yo ang karapatan kung sasaran mo ba 'yung bintana o hindi. At syempre meron kang full-view ng mga dinadaanan mong lugar.

Pangatlo, Wala ka sa Danger-Zone. I mean, nasa permanenteng upuan ka hanggang sa bumaba ka na lang. kapag kasi nando'n ka sa way-side na upuan eh pwede ka pang mapaalis. Kasi syempre kapag may bagong sakay na pasahero at nag-standing sa tabi mo eh parang makokonsensya ka pang; ibigay na lang 'yung upuan mo sa kanya. pero syempre, effective lang to sa mga lalaki gaya 'ko. Kung gentleman ka, ibigay mo na lang 'yung upuan mo. Kung hindi naman eh, Magtulog-tulugan ka na lang.

At sinasabi ko sa inyo, 'yung mga lalaking nagpapa-upo lang kapag sexy o maganda 'yung sumakay, tapos kapag matanda e patay malisya lang? Hindi pa rin kayo pagpapalain mga dre. Kaya tularan n'yo ko. Pumwesto na kayo sa may bintana. Just kiddin.

At siguro naman, marami ang maga-agree sa'kin na mas masarap umupo sa pwesto na sinasabi ko. Sa oras kasi na nasa tabi ka na ng Bintana at nasa kalagitnaan ka ng iyong biyahe e, parang may pelikula sa TV kang napapanood. Minsan para ka nang walang paki-alam sa mundo 'pag nandun ka na sa pwestong 'yon. D'yan din sa lugar na 'yan, kusa mong maalala 'yung mga istorya ng iyong buhay mula pagka-bata. Minsan nga 'di mo mapigilang ngumiti at tumawa kapag may naaalala kang nakakatawa. Ingat lang, dahil baka may nakatingin sa'yo at akalain ka pang baliw. :)

At please mga Sir at Mam. Magdala ka ng ear-phone para naman may background-music ang moment mo sa bus at para hindi ka mag-mukhang O.P.. Mabuti nang may sarili kang mundo kesa naman mag-pipipindot ka sa Cellphone mo, eh sa totoo naman, wala ka talagang ka-text.  At 'wag mong idadahilang nagge-games ka. Dahil ginawa ko na. Hindi ako maka-concentrate, palagi akong game-over.

Kaya bago ka umalis ng bahay, gumawa ka na ng playlist mo. mag-download ka na ng mga kanta. 'Di talaga maiiwasang may mga kanta na ang sarap pakinggan lalo na kapag bumibiyahe ka. Ang sarap nga sa feeling kapag naka-shuffle setting 'yung playlist mo, tapos tamang-tama 'yung pagkakasunod-sunod ng mga kantang nagpe-play dun sa moment mo.

At ayun, kalimitan naman ay maganda ang biyahe 'ko. Minsan lang pangit, minsan kasi 'di mo mapigilang sumakay sa mga standing-mode na mga bus lalo na kapag late ka na at may oras kang hahabulin. Tapos minsan, may makakatabi ka pang hindi mo gusto. Ako kasi gusto ko lang na puro magaganda at sexy ang makakatabi ko. Hahahahaha. Ibig kong sabihin eh, minsan kasi may makakatabi kang amoy sigarilyo o kaya hindi ayos yung hygiene at 'yung mga MANANAKOP. 'Yun bang isang tao lang s'ya pero pang-dalawang tao 'yung sakop n'ya sa upuan.

At ayun nga mga kaibigan, dre, pre, tropz. Tandaan n'yo ang aking mga tips at habilin sa inyo. Hanggang sa muling pag-biyahe ng ISANG MAGALING NA ARAW!


▲▼▲▼ ▲▼▲▼▲▼▲▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲

Isang Magandang biyahe sa aking post. :)
Salamat sa Pagbabasa!!

REGULARDREAMS LEGENDARIUM

Roberto Zaragoza: Ang tunay na pangalan ni Bertong Tambling

LUGAR CITY: Ang Una at Sinilangang bayan ni Berto.

City of Place: Ang nilipatang bayan ni Berto [Isang probinsiya]

Colegio de College: Ang eskwelahan ni Bertong Tambling.

MANANAKOP: Mga taong, dalawang upuan ang saklaw ng pwet. Kaya lugi ang katabi sa upuan ng bus.

Isang Magaling na Araw Chronological Order:

Isang Magaling na Araw I:
Ang isang araw sa eskwela >> ✳LINK✳ Click to read

Isang Magaling na Araw II:
Kung bakit mahirap maging Torpe >> ✳LINK✳ Click to read