Monday, August 12, 2013

GILAS and the Non-Believers

Captured by: Nuki Sabio
Heart over Height.



Napaka-exciting ng mga game. Kada umaga ng isang game-day, para bang hindi ako mapakali at gusto ko sanang mag 8:30 ng gabi na agad. At ang galing. Parang umayon ang lahat ng pagkakataon para sa pambansang koponan ng Pilipinas. Kinapos man sa dulo ng laban nila kontra Chinese-Taipei, eto't sila'y bumangon at nakarating uli sa Final-Four at 'di nagtagal; ay nakamit ang pangarap na makasaling muli sa World cup.

Parang isang panaginip. Finally, nakawala ang Pilipinas sa sumpa at tinumbasan ang mga pagka-bigo sa Korea ng isang napaka-gandang panalo. Hindi ako agad makatulog no'n. Tatlong oras yata akong nakapikit; at naaalala ko parin ang mga pangyayari sa laro. Yung mga drive ni Jason Castro, Yung mga hustle-play ni Pingris, yung dunk ni Japeth na gusto kong ipagyabang na HOY, PINOY YAN!.

Ansaya no? Matapos ang tatlong dekada, sa wakas, nasa Fiba-World na ulit ang Pilipinas.

AND THEY GET INTO THE FINALS

Baka-marahil maraming hindi magaakalang aabot pa sa puntong 'to?. Pero para sa puso ng lahat ng tunay na Pinoy na may nananalaytay pang dugo ni Andres Bonifacio, iisipin mong hinding-hindi 'yan susuko at patuloy lang yan na mananalo.

Size advantage ng kalaban? Given na 'yan. Di makakapag-laro ang Sentro natin?, walang magagawa e. Pero hindi sila sumuko. Nahirapan din ang kalaban. At hindi nila tayo natambakan ng bente-puntos kahit para nalang silang nagbibisikleta na kulang ng isang pidal. Dahil kung hindi lang sana na-penalty agad noong third quarter? Kung naglaro lang sana si Douthit?, e baka nagkabaliktad ang lahat.
-

Ang sakit lang isipin na may mga kontra. May mga hindi parin bumilib. May mga nagsasabing hindi nila kaya. At ang mas masakit, PILIPINO din sila.

Para sa iba, wala lang. Para sa 'instant-fan' lang, parang dumaang laro lang ang lahat.

Pero ako? o kahit sino mang tunay na fan ng Philippine Basketball, hindi ko/natin agad to makakalimutan. 'Yung mga three-point-shots nila Jeff Chan. 'Yung mga buwis-buhay-sama-puso drive ni Jason Castro. 'Yung mga tres ni Jimmy Alapag na galing pang Baclaran. 'Yung mga dakdak ni Japeth Aguilar. 'Yung mga nakakakilabot na rebound ni Marc Pingris. Kung tunay na fan ka, di mo agad makakalimutan yan.

Kaya para sa mga hindi naniniwala, para sa mga wapakels lang, para sa mga nagdududa sa ibilidad nila. Sayang, hindi n'yo man lang naramdaman ang saya, galak, pagkatuwa na naramdaman namin. Sayang hindi n'yo naranasang ma-excite sa bawat game nila; yung tipong habang papalapit nang papalapit ang oras ng pagsisimula ay para bang 'di mo maintindihan ang pakiramdam at gusto mo na agad magstart ang game. Yung parang pakiramdam na meron kang litsong kawali sa kamay mo na isasawsaw mo nalang sa Mang Tomas saka mo kakainin (gano'n ka-exciting para sakin e). Yung nakaka-kuryenteng pakiramdam kapag naririnig mo yung libo-libong mga pinoy na sama-samang sumisigaw sa loob ng Moa Arena. Ang sarap sa pakiramdam, parang lagi lang laban ni Pacquiao.

Pero higit sa lahat. Salamat sa Gilas dahil binigyan nila tayo ng mahigit isang Linggong kaligayahan.

Ako ay isang Pilipino; Mahilig sa Sinigang at Adobo; buong pusong sumasaludo sa Gilas Pilipinas!

Congrats, Gilas Pilipinas!
Salamat sa Pagbabasa! :)