Sunday, February 21, 2016

Ako si Manny Pacquiao

Photo from: foxnews.com

Ako si Manny Pacquiao,
Galing sa kahirapan, nagbuhos ng sandamakmak na pagod para sa Pilipinas.
Elementary lang ang natapos ko,
Drop out ako ng highschool kase wala na kong pambayad pang matrikula.
Kaya mas minabuti kong magbenta ng donat sa kalye.
Gigising ng maaga para makiusap sa panaderya,
Okay lang kahit maliit ang kita, basta may pang-kain.
Ayoko na kasing gawin pang ulam ng Itay ko ang alaga naming aso.

Gaya mo rin ako, ay mali, gaya rin ako ng karamihan.
Naghangad maging mayaman.
Nangarap ng isang mansyon.
Naghiling ng mahimbing na tulog sa malambot na higaan.
Gaya rin ako ng iba.
Nangarap, Nagkamali, Nagsisi, Natuto, Nagtagumpay.

Simple lang akong tao.
Okay lang sa'kin magpabugbog noon,
Kumita lang ng ubeng papel sa fiesta.
Ngayon, balewala na sa'kin kung gaano kalaki ang premyo.
Kahit maglabas man ako ng galon ng pawis.
Kahit ilang beses ako maputukan ng kilay.
Kahit magbuwis man ako ng buhay.
Basta para sa bayan. Para sa Pilipinas.

Dahil lahat, itataya ko para sa bansa.
Habulin man akong muli ng BIR.
Ang laman lang naman ng mga panalangin ko sa sulok ng ring,
E manalo para sa inyo.
Para may maibigay akong bigas sa mahihirap.
Para mapagaral ko ang mga walang pang-bayad sa eskwelahan.
Para may maitayo akong mga bahay sa mga walang tahanan.
Dahil ayokong makakita ng Pilipinong naghihirap.

Hindi naman ako nag Mayor at Congressman para maging angat sa tao.
Hindi ko ninais maging intelehente gaya ni Miriam at Bongbong.
Ang sakin lang,
Ngayong maalwan na ang buhay ko,
Nais kong tumulong.
Pero hindi galing sa tax n'yo,
Kundi sa sariling mga bulsa ko.

Kaya nagpursigi ako sa Boxing.
Dun ako magaling e, hindi sa inggles, kaya pasensya na kung barok ako.
Pasensya na kung dinadaan ko sa absolutely at of course ang lahat.
Pasensya na kung minsan MALABO at hindi maintindihan.
Pero sana MALINAW yung ibig sabihin ko kapag sinabi kong
"I'm not condemning them, 'yung marriage lang, 'yung committing sin against God."

Kasi sa Boxing ko lang gustong manakit.
Ayoko sa kapwa.
Kasi mahina ang puso ko pagdating sa mga kababayan ko.
Mawalan lang ng traffic at krimen sa tuwing may laban ako,
Malaking bagay na sa'kin.
Kaya kung nasaktan man kita, patawarin mo naman ako.
Hindi ko sadya.
Hindi ko intensyon.

Kaya kung hindi man ako palarin bilang Senador? 
Okay lang.
Basta may naibigay akong maayos na bahay at lupa sa nangangailangan.
Nagbigay ng kabuhayan sa iba.
At mas marami pa kong natulungan kesa kay Mar Roxas.
Mas magaling ako mag-english ngayon kay Sen. Lito Lapid.
Wala akong kaso gaya ni Enrile.
At hindi ako nagnanakaw gaya ng ilang mambabatas na nakaupo.

Wala naman akong ibang hangad.
Makatulong lang.
Kaya kung hindi para sa'kin, okay lang.
Kung laitin mo man ako,
Ang mga anak ko,
Ang asawa't magulang ko para sa komedya, sige lang.
Di ka makakatikim sa'kin ng reklamo.

Hanggang sa pinaka-huling laban ko nalang.
Sana isigaw mo parin ako.

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao po.
Maka-Tao. Maka-Diyos. Maka-Bayan. 


Photo from: Philippine-evolution.com

Thursday, December 31, 2015

Pero Bago Ang Lahat

Photo from: memegenerator.net
Ngayong taong ito.

Hindi tumangkad ang mga tumalon ng New-years eve last year.

Hindi natuloy ang diet ng mga kaibigan mo.

Hindi ka nakapag everyday exercise gaya ng sinabi mo.

Hindi nagkaron ng trabaho ang kaibigan mong umaasa lang sa reply ni lina@jobstreet.com

Hindi parin nawawala ang trapik sa Edsa pati sa Epza.

Hindi parin nababawasan ang laman ng Pringles.

Hindi parin nahuhuli ang pumatay kay Ninoy.

Hindi na kasama ang NAIA sa top 10 worst airport sa buong mundo- kaya bilang souvenir, namimigay sila ng bala sa pasahero.

Hindi parin nakakahuli ng isda yung taong nasa buwan sa logo ng DreamWorks.

Hindi natupad ang pangakong LRT project ni P-Noy at Abaya.
(Magpapasagasa daw, EDI WOW!)

Haaaay nako kuya kardo talaga. Gayunpaman, ngayong taon din kasi,

Lumaban na si Mayweather kay Pacquiao sa wakas.

Naging Miss Universe ulit ang pambato ng Pilipinas.

Maraming naguluhan kung dapat bang sabihing nanalo ang Pilipinas after 42 years o nanalo ang Pilipinas after 3 minutes dahil kay Steve Harvey.

Wala paring half-rice sa Mcdo.

Naging viral si Binay.


Nanguna si Alma Moreno sa survey- hindi dahil magaling s'ya.

Mas marami paring naipasang batas si Lito Lapid kesa kay Enrile.

Binati parin ng mga hunghang ng Happy Birthday si Rizal nung Rizal-Day kahit kamatayan n'ya.

Naging isang magandang regalo sa mga kaaway ang Mitsubishi Montero.

At naging song of the year ang kanta ni Kim Chiu na may lyrics na- "Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko" 

Anyway, OPM is still not dead pa naman.

Daming nangyari!

Pero bago ang lahat.

Bago magsampalan sina Mar Roxas at Rodrigo Duterte. 

Bago pa kunin ng China ang buong Spratlys.

Bago n'yo marinig ang walang kamatayang Dessert ni Dawin sa tabi-tabi.

Bago maupong Bise si Bong Bong sa Mayo ng susunod na taon. 

Bago magsunog ng mga effigies ni Aquino ang mga ralihista next year. 

Bago ka makaimbento ng panibagong #FriendshipGoals #RelationshipGoals at kung ano mang goals mo.

Bago pumutok ang mga piccolo, pla-pla, labintador, sinturon ni hudas, kwitis, super lolo at kung ano ano pang mga paputok.

Bago mo kantahin ang Auld Lang Syne.

Isang Magandang Taon at Masayang Bagong Taon sa'yo kaibigan! 

Saturday, June 27, 2015

BAKIT HINDI ITO TRAVELING






















TRAVELING: Taking 3 steps without dribbling the ball - Super educated basketball fan explanation

Sa madaling salita. Kapag naka tatlong hakbang ka sa basketball ng walang dribble, ikaw ay matatawagan ng traveling violation. Yan ang pangunahing deskripsyon ng mga karaniwang nanonood ng basketball. Wala nang ibang argumento. Wala nang ibang dahilan. Wala nang ibang konsiderasyon. Traveling yan. Yan ay sabi ng P.E. teacher nila.

Simple and plain. Bakit pa ba magsesearch ng iba pang meaning. E yun na nga 'yon.

Balikan natin ang dunk na nasa itaas


Traveling ba? Para sa iba, OO. Para sa marunong mag research at tunay na Basketball fan mula pa noon, ang sagot ay isang malaking HINDI.

Kung ang tatanungin mo ay si Google, marami s'yang pwedeng ibato sa'yong dahilan kung BAKIT HINDI ITO TRAVELING. Dahil ang dahilan n'ya. Ay hindi lang basta; "Three steps = traveling". Dahil maraming dapat na konsiderasyon bago tawagan ng traveling ang isang move. Maraming "ELSE-IF" statement.

Ilan sa mga konsiderasyon ay ang mga ilang move at rule na ito. Halimbawa:

HOP STEP MOVE
Else If: Kung ikaw ay nag-drive, at ang first step mo matapos ang isang dribble ay ang iyong right foot. Ang susunod mong hakbang ay dapat sa kaliwang paa. Kung ang susunod mong hakbang ay sa kanang paa, ito ay hindi matatawag na traveling violation. Dahil ang first step ay walang count, sapagkat ito ay off the dribble.
If: Pero kung ang first step mo matapos ang isang dribble ay ang right foot mo, at ang sumunod na hakbang ay right foot muli bago ang isang hakbang kaliwa. Ito ay violation na.
Ito ay malinaw na ipinaliwanag sa link na ito: www.youtube.com/watch

GATHER STEP or TWO AND A HALF STEP
"You're allowed 2 steps upon completion of a dribble, so if you dribble while pushing off of one foot it is not counted toward one of your 2 allowed steps." - NBA RULE BOOK
Ito ay madalas na tinatawag na "Two and a half step" kung saan ang half step ay ang "Gather step" na ginagamit ng mga player na gumagawa ng "EURO-STEP MOVE".

Kaya sa mga nag mamarunong. Paki-explain kung bakit hindi traveling si Dwyane Wade dito

Pati sa dunk ni Manu Ginobli dito

At lalo na sa layup ni Michael Jordan dito.

Yun lang. Maraming Salamat.

Sunday, April 19, 2015

Parang Namumulaklak ang Hardin

Sa pagsilay sa panibagong araw,
Ikaw ang s'yang unang tinatanaw.
Kapag wala ka ay sobrang lamig,
Parang lunch time na walang sabaw.

Sa pag-daan mo'y ika'y inaabangan,
Sa paglapit mo'y ako'y kinakabahan,
Sa tuwing ikaw ay ngumingiti,
Ako'y labis na nasisiyahan.

Para kang isang paru parong naligaw,
Sa gitna ng isang malawak na damuhan.
At lahat ng madaanan mo'y
Namumulaklak ng tuluyan.

Wala na akong gusto pang iba,
Ikaw lang ang s'yang aking inaasam.
Wala na akong nais pang iba,
Dinggin ang aking nararamdaman.

At dahil nakilala na kita,
Ang gusto ko lang ay makilala ka pa.
At dahil nakasama na kita,
Ang nais ko lang ay makasama kapa.

Tuesday, February 3, 2015

I Don't Want To Go Home - Marqus Blakely

Marqus Blakely wearing San Mig Coffee's white uniform in a Finals game in Governor's Cup 2013
If you will read the list of Imports for the current PBA conference. You will notice that his name has the smallest height in the tally. 6'5" s'ya mga tol.

If you will make time to read the box-score of Purefoods vs Global port game last Friday. You will see these numbers beside his name, 26 points, 19 rebounds. 7 blocks. Almost a triple-double. 

Actually, the first thing that cross my mind when I heard that he will be the temporary import of Purefoods, I thought, dehado sa height, baka hindi kayanin. But when I saw him made a three point shot, grabbed 19 rebounds and just missed one free-throw that game. Men, we should make him stay!

Here is a guy, who knows the system very well. Knows the team for so long (I will not get surprise if he already shared an Ice-cream with Joe Devance)Became one of the reasons of 2 championships of the team's 4-peat. Beside the fact that his contract will just take 2-3 games, he still giving Purefoods so many reasons why they should keep him. 

Tonight, in his 'virtual' last game vs Alaska. He scored 17points and 11 rebounds. Double-Double is the best two words in sports for him, no doubt.

Every game he bring-up huge numbers. Suffer a lot of bumps inside the paint (bumps with the floor are not included). But I don't think he used salonpas for body-pains. Because literally and figuratively, his body is made of titanium.

What more can we ask for? A 6'5" player who rebound like a 6'9". With a titanium body combined with energy who can light up the whole Farmers plaza. Who is so familiar in any aspects of the team. I wish, Purefoods franchise should give him a permanent Philippine-address and keep him forever. You agree?

And if you still find a person who doubt Mr. Blakely. Pakisabi nalang, "huy si Mr. Everything s'ya".

Friday, January 23, 2015

Skip the Dream XX

In some moment of time, sometimes, life is unfair.

Sometimes, life is on your side and then the next day, you probably don't have any clue what it will throw to you.

I have a very good friend who passed away yesterday. And it was stunning. Every people who knew the news about him were totally shocked. He was a really good person. His personality is great when it comes of dealing with people. He has a very friendly type of personality. And as I heard, and as I think so, he is also a hard working father. His name is Melchor, not the one in 3 Kings. He range about more than 50 years old, I guess. The only way his family will receive coins and bills is when he will go back to home from the barbershop that he stayed-in from 7am in the morning til the barbershop close at 7pm. He used to smoke every-time he doesn't have a customer, or read  newspapers outside the barbershop and turn the tabloid's page to sports section and find the latest news about the PBA. That is what I used to know him. When he got a tabloid on his hands, its either he is reading some articles on Sports or just answering Sodoku and Crossword-puzzles.

He lost his wife in the middle of last year because of a serious health-condition. But he stayed humble beyond that obstacle of his life. He continue to support his childrens in school and in some way, he also made their house renovated. That is what you called, bunga ng pagta-tiyaga

And then his time on this Earth ended.

What can we do? If your time is now, we do not have the rights to demand. That is the reality of life. 

"Many that live deserve death and some that  died deserve life." 
- Gandalf 'The Lord of the Rings: Fellowship of the Ring'

Monday, December 29, 2014

Bakit Iwas si Bob Arum sa Pacquiao-Mayweather bout

Photo from www.latinopost.com

























Makalipas ang isang buwan. Matapos magbitaw ng anim na suntok na umiskor ng anim na knockdown at nagpabagsak sa kalabang Amerikano. Nakabangon muli si Pacquiao mula sa multo ng kamao ng isang meksikanong minsang nagpatulog sa kanya. Ang muntikan nang career na matapos ay naiahong muli. Sa kabila ng mga kwestyon at pagdududang makakaya pa. Sa kabila ng mga kontrobersiya sa posibleng laban kay 'Mayo de panahon' (Mayweather) at sa kabila ng banta ng pala-ngiting si Kim Henares, tumabo ulit s'ya ng milyong piso... pero hindi kasing dami ng sa mga nakaraan.

Makalipas ang anim na taong paghahamon, tatlumput-siyam na palusot at labing anim pang palusot na posible n'yang sabihin sa hinaharap. Nagbitaw na ng petsa ang nagiisang pound for pound king sa boxing ngayon. Mayo a-dos ng susunod na taon, gusto na n'yang labanan si Manny Pacquiao.

Wala na e, simot na halos ang mga boxing-star sa 147lbs division. Kaya hindi na s'ya makatatangging labanan pa si Congressman. Kahit si Manny nagtiyaga nalang kay Algieri na hindi naman n'ya ka-lebel. Kumbaga pag hinalintulad natin sa PBA, si Pacquiao, Superstar na ala-James Yap habang si Algieri Rookie na ala Manny Pacquiao... Oops.

At malamang, hindi rin nanaising umakyat ni Floyd sa 154lbs at 160lbs weight-division dahil nandito na halos ang mga ka-size n'ya. Tiyak na hahamunin agad ni Gennady Golovkin to pag nagkataon. Umurong din s'ya sa rematch kay Miguel Cotto. Bakit? Si Freddie Roach na trainer ngayon e. Wais.

Pero kung payag na si Daldal at payag din si Pacquiao, bakit parang may gusot parin?
"It's disrespectful to the Mexicans. Only Mexican fighters can fight on that day (Cinco de Mayo)." - Bob Arum
Cinco de Mayo, isang selebrasyon na ginugunita ng mga Meksikano at ng mga Mexican-american sa Amerika. Pero May 2 'yung laban? May 5 'yung pagdiriwang? At kung dapat pala ay puro mga meksikanong boksingero lamang ang pwedeng mapanood sa araw na 'yon, bakit n'ya itinuloy noon ang Hatton-Pacquiao (May 2, 2009) at Mosley-Pacquiao (May 7, 2011) na mga laban kung saan pumatak ang mga petsa sa loob ng linggo habang ipinagdiriwang ang Cinco de Mayo?

Naunang maging usap-usapan ang Canelo Alvarez-Miguel Cotto fight para sa May 2, 2015. Pero hanggang ngayon, wala paring papel ang nalalagdaan. Sa kabila na si Freddie Roach rin ang trainer ni Cotto, ang nasabing petsa ay hindi parin naman pinal para sa laban kaya hindi ko parin makita ang dahilan kung bakit hindi pwede para kay Bob Arum ang petsang nabanggit. Kung saan ang mismong boksingero at guro nito ay nagpahayag na ng pag-sangayon.

$300,000 ang kinita ng pay-per-view sales ng Pacquiao-Algieri. Mula nang matamo ni Manny Pacquiao ang pagkabigo kay Juan Manuel Marquez, kung saan umabot ng $1,150,000 ang nalikom sa pay-per-view ng kanilang laban. Lumiit na ang nakokolekta ni Bob Arum mula sa mga laban ni Emmanuel Pacquiao. 

E magkano na lamang ba ang napupunta kay Pambansang kamao? Mula sa porsyento n'ya na hati sa kinita ng kanyang laban, bente porsyento (20%) ang mapupunta kay Bob Arum. (10%) kay Coach Jawo Este Freddie Roach. Bawasan pa ng mga assistant ni Freddie Roach. Training-camp expenses. Tax bills sa US bukod pa sa Pilipinas o sa makatuwid- share ni Kim Henares. Gastos pang-eroplano, pang-kain araw-araw, pang-yosi at pang-inom ng sandamakmak n'yang dinadalang alalay sa amerika. Pambayad sa inuupahang hotel para sa mga 'yon at balato para kay Pambansang-anino na si Chavit Singson. E baka pang-hermes nalang ni Jinkee at Aling Dionisia ang matira.

Hindi ba't masyado s'yang maraming ginagastos sa isang araw? Kung bawasan n'ya kaya 'yung bilang ng entourage n'ya na may- Trainer, assistant ng trainer, adviser, assistant ng adviser, taga-luto, taga-hugas ng plato, taga-paligo ng oto, taga-pakain ng aso, mga pastor na kaaway ng nanay n'ya, driver, security, alalay at alalay ng alalay ng alalay. Siguro malaki rin ang matitipid n'ya. Mayroon kapang 2.2 bilyong-pisong utang na ginigiit ng BIR, Manny.
“They’re all competing to be golden boy for the day. Clean his pool. Take his shoes off. They will do anything for Manny Pacquiao. I’m telling you, the funniest thing is, whoever is on the best terms with Manny at that moment sleeps closest to him, at the foot of his bed." - Freddie Roach from nytimes.com
“I see new guys every day, Guys who I don’t even know who they are, or what they do.” - Joe Ramos from nytimes.com
Pero sino nga ba ang balakid sa laban na dapat noon pa nangyari? Si Pacquiao na naghahabol nalang daw ng kikitain sabi ni Mayweather? Si Mayweather na humihingi ng mga kasunduan (blood/drug test, 70-30 cut, Turn down Arum, Showtime boxing ppv) O mismong si Bob Arum na minsan nang tinalikuran ng mga boksingerong umangat pa ang mga numerong nakukuha sa kanilang payday mula nang iwanan s'ya- gaya ni Oscar De La Hoya, Julio Cesar Chavez Jr, Mikey Garcia at ultimong si Floyd Mayweather.

Iwas ba si Bob Arum sa Pacquiao-Mayweather bout?


Gusto n'ya (daw) matuloy pero tingin ko, gusto n'ya munang palakihin ang pera. Sa mga nakaraang laban ni Pacquiao na kasama s'ya na madalas 60-40 ang hatian, angat si Manny sapagkat ang 60% na hati ang sa kanya. At ang kabuuan na makukuha ni Mr. Arum matapos ang pag-upo at pano-nood sa venue? 20% ng kita ni Manny, 20% ng kita ng kalaban ni Manny at porsyento din n'ya sa pay-per-view at ticket sales mula sa HBO at Venue.

Kaya ano sa tingin ninyo ang iki-kilos ni Bob Arum? Hayaang 70-30 ang hatian ng laban at 30% lang ang mapupunta kay Pacquiao? Ano nalang gagamitin n'ya pang Casino sa Vegas kung hindi n'ya naman makakaltasan si Mayweather at kahati din ng Top Rank n'ya ang Golden Boy sa pagpo-promote ng laban?

At kahit magpahayag pa sila ng samut-saring balita, hanggat walang napipirmahang kontrata, wala paring aabangang laban. At ang tanging may posibilidad lang kung sakaling matuloy ang laban (na isa sa hiling ni Mayweather), ay ang katotohanan na masakit- Walang "Let's get ready to rumble" na introduction ni Micheal Buffer dahil hindi HBO ang broadcaster! Anak ng piktal na tsinelas talaga.

Salamat sa Pagbabasa