Parang ganito: isa kang kilalang palabirong nilalang sa eskwelahan, palagi kang nagpapatawa, lahat ng salita may biro, may halong jokes at kwela ka sa lahat ng mga ginagawa mo. At bigla kang nagbago, bigla kang tumahimik, hindi ka na kumakausap ng mga dati mong kakulitan, ano na?. Maaaring hindi ka parin nila kilalanin na seryoso kahit seryoso kana talaga sa pagkakataong 'yon.
Well, hindi ko maitatangging isa din ako sa mga palabirong tao sa mundo. Makikita din siguro yan sa mga ilang blog-post, tweets at facebook statuses ko. Pero pa'no kung sinabi kong seryoso din akong tao?, Maniniwala ka ba?, Siguro para sa mga kaklase ko, hindi. Hindi nila kasi ako kilalang gano'n hahaha. Iba rin ang pagkakakilala sa'kin ng mga naging kaibigan ko sa Facebook at Twitter gayundin sa personal. Pati narin ng mga driver ng mga nasasakyan kong baby-bus at Tricycle at tulad na rin ng tindero na nagtitinda ng Buko-Shake sa bayan, na suki na ako.
Wait, balik tayo sa pagiging palabiro ko hehe. Kung ii-scan mo ang 216 comments na nalikom ko mula sa first quarter ng taong 2011 hanggang sa kasalukyan. Ganito ang mga posible mong mabasang komento.
Hihi, ang mga komento talaga ang nagpapataba ng puso naming mga bloggers, sa makatuwid ang mga nare-receive naming mga positibong comments ang nagmomotivate sa'ming sumulat pa ulit ng mga isusunod naming post XD
Pero may uri ng comment ang pinaka-gusto ko. 'Yung mga tipong ganito ba:
"Iba ang marunong magbasa sa masipag magbasa at daig pa rin ng mga mahilig magbasa ang mga taong puro arte lang." :))
Salamat sa Pagbabasa.