Tuesday, May 17, 2011

Salinas Karakol (Happy Fiesta Rosario, Cavite)

Tuwing buwan ng Mayo ay hindi mawawala ang mga bayan na nagdiriwang nag kanilang pista, isa na ang Bayan ng Rosario sa mga nagsasagawa ng Karakol na isang bahagi ng pagdiriwang. ginaganap ito tuwing ikatlong Linggo ng Mayo at tuwing ika pito (7) ng Oktubre. ang nasabing Karakol ang pinaka matanda at ang pinakaunang Karakol na isinagawa at nagumpisa pa ito noon pang 1845.

Nuestra Señora Virgen del Santissimo Rosario Reina de Caracol
Ang karakol ay isang tradisyon na kung saan na ang isang patron ng isang bayan ay inililibot sa kaniyang bayan


Sinasamahan ito ng mga mananayaw at mga banda ng Musikero upang maging masaya ang bawat kaganapan

Isa rin sa mga isinasagawa sa karakol ay ang pagdadala nito sa dagat


This is the one of a perfect example of Flu-vial Caracol


Karakol sa Dagat


pagdating sa dagat ay inililipat ang Mahal na Ina sa mas malaking bangka at habang ang mga musikero ay nagsisitugtugan ay sinasabayan ito ng pagligid ng iba pang malilit na bangka sa bangkang sinasakyan ng Mahal na Ina.


Band Parade
 Isa din sa mga highlights ng isang pista ang pag parada ng mga banda, iba't ibang banda ng musikero ang sumasali galing sa iba't iba ding' mga bayan sa Cavite


Nuestra Señora Virgen del Rosario de Caracol with San Isidro Labrador
If you don't have any Idea in this particular event i will leave some videos right down here, check it out.






the photos are from: Most Holy Rosary Parish (Rosario, Cavite) facebook fanpage http://www.facebook.com/pages/Most-Holy-Rosary-Parish-Rosario-Cavite/283553439135 


Mabuhay salinas :D