Madami nang nagbago, hindi lang sa paligid pati na din sa kaugalian. Pero may mga ilang bagay pa din na nananatili lang. Ang Pilipinas, developing country na noon, developing country pa din hanggang ngayon.
Noon, simple lamang ang buhay ng isang mag-aaral na katulad ko. Gigising ng maaga para pumasok sa eskwelahan, uuwi ng hapon gagawa ng Takdang Aralin at matutulog ng maaga para maagang magising kinabukasan.
Ngayon, Papasok ako ng maaga, uuwi ng maaga at matutulog kapag malapit ng mag-umaga.
Iba na kasi ngayon, ang dami na kasing nausong bago. Nawala na ang Tumbang Preso at Piko sa lansangan, napalitan na ng DOTA at ragnarok online. nawala na din ang Testi dahil pwede na din mag-usap pader sa pader dahil may Facebook na at hindi na Friendster. Dati naging favorite ko sina Morgan B1, B2 at Doding Daga sa Bananas in Pajamas. Ngayon nanonood na ko ng FlipTop sa youtube at sa bahay eh hindi na lumalabas. Di ko na din nasisilayan sina Cedie, Heidi at Romeo dahil may F4 na at 9 tails na Gumiho. Kung dati natatawa tayo kina Dono at Mojako ngayon kay Boy Pick-up, bakit? ewan ko.
Pati din sa mga palabas sa telibisyon ay malaki ang pinagbago. Kung dati nakakanood ka ng science-environmental show na Sineskwela at history inspired program kagaya ng Bayani at Hiraya Manawari. Ngayon, Puro reality show na ang palabas. may bahay ni Kuya, Survivor sa Isla at ang Face to Face na kung saan makakakita ka ng anak na inagawan ng boyfriend ng Ina at isang Misis na sinapak ang Mister sa harap ng camera.
Noon, pag-gising mo ng umaga dalawang kape lang ang pagpipilian para inumin, may kapeng may gatas at kapeng puro. Ngayon, meron nang kinapipitagpitagang kape na nakakagising ang presyo.
Iba na din ang kinahihiligan ng mga kabataan ngayon, Dota na hindi na Piko. Text sa Cellphone hindi na yung text na may picture ng cartoons noon. Marami na ding hindi nasunod ang kanilang motto na "ayaw nilang lumaki na magsasaka sa bukid" dahil may Farmville na ngayon.
Noon kapag magrereport ka ang kailangan mo lang ay Manila Paper o kaya'y kartolina. Ngayon kelangan mo pang magpuyat para mag-type isaisa sa slide ng Power-point (depende din sa mga masisipag na copy & paste ang teknik). Noon ang sikat na tsinelas ay matibay na Rambo na pwede ding pamalo sa'yo, na ginagamit mo para mapahiga ang lata. Ngayon tao na ang kusang humihiga ng nakadapa sa kalsada. Noon may kalabaw at puno ng niyog sa Piso. Ngayon wala ng pandesal na tig-pipiso.
Noon pag sinabing berde ibig sabihin gulay..... Ngayon pag sinabing berde, ibig sabihin isip
Noon si Astroboy.... Ngayon si BUDOY :D
Noon hehehe...... Ngayon jejeje...
Noon Tamagotchi.... Ngayon Ipad..
Noon pinapalabas ang DragonBalls...... Ngayon pinapalabas pa din..
Noon gusto ng marami, maging Presidente....... Ngayon gusto ng marami na makulong 'yung dating Presidente..
Noon pala 'yon, di na Ngayon :D
Thanks for Reading
Pangatlong blog-post na may topic tungkol sa nakalipas. 'Di kasi umubra yung Sampung kanta (previous post) kaya Eto Na-naman, Subukan niyo ding basahin yung Eto Naman sa Top post po sa gilid :D
Eto Naman : http://theregulardreams.blogspot.com/2011/10/eto-naman-tara-na-at-ang-dati-ay.html
Another one soon.