Tanging Ikaw lang ang minamasdan ko
Nakatuon lagi sa'yo buong pansin ko
Sa bawat galaw mong hindi ko pinapalampas
Sa kagandahan mong walang katumbas
Marahil minsan ay napansin mo na 'rin
Aking sayo'y malimit na pag-tingin
Sana'y 'wag kang magalit at iyo lamang hayaan
Sapagkat ito lamang ang aking hiling
Panaginip kita, pangarap na maabot
Parang bituin sa langit na nais kong mahawakan
Marinig ko lang ang boses mo tumba na 'ko
Paano pa kaya kung ikaw ay lumapit
Nais din sana kitang makasabay sa Bus,
at Makatabi sa class,
Maka-kissing scene sa isang pelikula
Makasabay kumain sa iisang lamesa
Maka-sayaw sa isang Prom
Makaexchange-gift at ilalagay ko ang puso ko sa kahon
Sa sinasabi kong ito laos lahat sila
Olats ang mga kanta ni Aiza Seguerra
Hindi mo ito maikukumpara sa isang kanta
More than Words nga eh diba? :D
Hindi masamang magkagusto ng patago
pag napatunayan 'di ka naman mabibilanggo
Basta't ako'y maghihintay
ng sagot na OO na walang sablay
at hindi ako maiinip,
masagot lang ang tanong sa aking isipan
kailan ba mapupunan ang patlang sa ating pagitan?
"Nakahihigit man ang Ilan
Ikaw lang ang aking inaasam
Wala na akong iba pang kailangan
Wala kang Katulad"
"Nakabinbin
Sa'yong pagtitig
Pangako ng nakalaang pag-ibig
Asahan mong Ako'y maghihintay"
inspired ako sa kanta ng Spongecola na Wala kang Katulad kaya ko 'to naisip gawin haha :D