at dahil nga diyan sa bagyong yan, natatandaan ko tuloy nung 3rd highschool ako (Speech and Drama ang Subject namin) pinag-group kami tapos gagawa kami ng news casting/news crew eh sabi pa naman ni Mam. Ar.... eh magimbento ng ibabalita, ayun todo isip sa mga ibabalitang kalokohan at pumasok agad sa isip ko yung Weather forecast "ok akin yung weather news ah!!" sabi ko sa mga ka group ko.
eto na simula na pinausod ang mga silya sa harap papalikod para malawak ang stage sari sari rin yung mga imbento ng ibang group nun eh sabi pa nung ibang weather din ang nakaassigned "makakaranas kayo ng panaka-nakang pag ulan ng bloke blokeng yelo"
at nung malapit na ako eh ewan ko ba pa ngiti ngiti na lang ako haha syempre bago sumalang ay sign of the cross muna. ayan ako na iniintroduce na ako ng kasama ko, sinabi na ng main news caster (Ala Korina) at eto naman si (REGULARDREAMS) para sa ulat panahon,
yung pag intro ko eh ang lumabas na boses, boses ni Mike Enriquez, ewan ko ba kung bakit kapag may naglolokong nagbabalita oh kunwari eh nagbabalita sila laging boses ni Mike Enriquez yung ginagaya nila haha pero binago ko naman
"Bagyong RAPER at bagyong NITSO papalapit na ng Pilipinas"
Bagyong raper papalapit na sa Luzon at papuntang Batanes
pero hindi naman daw mag laland-fall sa Lupa ang bagyo....
Kundi sa Sementadong Lugar ng Batanes!!.
pero magkaganon man mas pinaghahandaan pa rin ng gobyerno ang kasunod nitong bagyo na si Bagyong NITSO!!....
sa lakas daw kase nito ay kaya nitong tangayin, ang bubong,,,,, ng bahay,,,, ng tuta niyo!!.
si Bagyong NITSO ay may 500 kilometer away pa sa Luzon......
pero 500 kilometer per hour ang bilis nito!!!......
inaasahang tatama ang mata ng Bagyo sa CAVITE at sisilip... sa RI"
ayun yung naka BOLD na sentence yun yung pang finale at talagang tumawa yung buong klase namin tae nakakaflattered pag ganon HAHAHAHA pero swear walang halong pagyayabang pramis kung ayaw niyo maniwala punta kayo sa Rosario Institute sa Rosario, Cavite hanapin niyu si Mam Arbulante tanung niyu kung may natatandaan pa siyang phrase na ganyan hahaha oh kaya ask niyo mga classmates ko kung totoo lol. :D
buti nga natatandaan ko pa yan, memorable kasi yung pagkakataon na yun
haha pero siguro kasi kaya din sila nagtawanan eh yung pangalan kasi ng dalawang bagyo eh related sa isang classmate namin, at yun ang loko sa kanya hahaha ewan peace!!! ang gulo yun lang :D
Abangan niyo "ang Alamat ng Stik-O" ako sumulat non :D