Monday, October 31, 2011

Vacation in IloIlo

Well as we planned to have a vacation to my godfather's house in Iloilo i also planned to take note all the happenings in our 3 day trip in the place that i can say the one of the great city's where I've been before. I bring my notebook para naman doon ko masulat yung mga pangyayari taz yung iba nakasave sa drafts ng phone ko.

Wednesday Eve.
Hindi na ako natulog kasi 1am kami ng madaling araw aalis dito sa bahay, ambilis ng biyahe, wala man lang traffic, iba talaga kapag gabi ka bumibiyahe. Sa mga oras na 'to nakikinig lang kami sa mga nocturnal na DJ sa radyo, si Congratulations at si Shalala ang guest ng dj waw. Pero habang palayo kami sa bahay namin parang nakakaramdam ako na parang may nakakalimutan pa akong dalhin. ewan ko ba kapag may pupuntahan talaga kaming malayo parang may nalilimutan pa ako.

Weird
Nakakita ako ng weird sa daan habang papunta kami sa airport. pagdaan ba naman kasi namin sa binakayan may nakita akong lalakeng nagbabike imagine 1:30 am na men.! at syempre cavitex kami ambilis lang ng biyahe, nagmimistulang pasko dahil parang mga Christmas lights yung mga streetlights sa gitna ng kalsada.

Coastal
Pagdating namin sa coastal road pinlay ko na ang playlist ko unang una na song na narinig ko yung the man who can't be moved ng The Script, napansin ko din na kapag mga ganitong oras pala eh puro mga lalaki lang yung mga naniningil sa tollgate. at next song it will rain ni Bruno Mars ang sasarap pakinggan ng mga ganitong kanta kapag nga nasa biyahe ka bago tahimik ang paligid.

Airport bound.
OK airport bound, konti lang ang tao ngayon dito, pero hanep yung mga store dito duty free yata to puro doble kasi ang presyo, at bigla biglang may pumukaw ng pansin ko siyet! yun na namang nakayellow na girl, ang ganda swear! Sayang di namin siya kasabay sa plane. sa CEBU kasi siya papunta anyway habang naghihintay ng go signal para papasukin na kami sa eroplano isang kanta lang ang pinapakinggan ko (yung naririnig mo siguro ngayon habang binabasa mo to).

Palipad na.
at eto na nga nakasakay na kami ng eroplano, ang ganda ng pwesto ko yun nga lang madilim pa kasi mga 5 am pa lang yata yun at bumwelo na ng malayo ang eroplano na sinasakyan namin ilang saglit pa ay biglang bumulusok paitaas ang lumilipad na sasakyan ayy ang ganda ng view dahil nga gabi eh kitang kita mo yung mga ilaw ng building at iba pang bahay na matatanaw sa baba :D parang pasko lang!. Ang sarap pagmasdan sayang at di ko nakunan agad ng picture. hindi ako natulog nong mga sandaling iyon naisip ko palaging mararanasan dumating nga ang sandali na maguumaga na sa tingin ko ako ang unang nakakita ng sunrise ng araw ng Huwebes (sa aking palagay lang naman)

Unang araw.
Paglapag namin sa airport ng Iloilo ang linis, parang wala bang basura na makikita ka umaga na nung nakarating kami siguro mga 5:30? ewan ko basta maliwanag na nun haha ayun sakay kami taxi grabe habang nasa biyahe ang ganda ng makikita mo puro greenfield at wala man lang traffic diretso lang ang sasakyan titigil lang kapag nasa pupuntahan ka na, nakita ko pa nga ang SM City Iloilo eh na pinuntahan namin nung second day namin (Biyernes)  
SM City Iloilo
wala pang kataotao nung mga oras na nakuhanan ko to sa phone ko ang aga pa kasi nung mga oras na yun. 

Nang makarating na kami sa tutuluyan namin na bahay (house ng Ninong at Ninang ko) gulat sila kasi surprise ang lahat hahaha wala kami kasing sinasabi napupunta kami ayun bigla sila at dahil di ma kami kumakain drive muna kami papuntang Jolibee mahilohilo pa ko non, ganon daw talaga kapag sumakay ka ng eroplano (eto siguro yung jet lag). tapos ayun na kwentuhan, tawanan at pahinga ang mga naganap sa unang araw namin.

Pangalawang araw
Pagkagising ko kinabukasan (Biyernes) ayos naman ang tulog ko nalaman ko na may plano pala silang i-tour kami sa araw na 'yon sakay ng service nila inikot kami sa City ng Iloilo pinakita samin yung Guimaras Island malapit lang pala yun don. ang ganda ng dagat sa kanila kulay blue ang tubig. Nagsimba din kami sa simbahan ng bayan nila.

pagkatapos non diretso kami sa SM Iloilo, sabi nga ng pinsan ko madami daw kaming makikitang gwapa dito sa mall (gwapa *magandang babae sa Ilonggo) haha at tama nga pagpasok ko pa lang meron na kong natanaw hindi lang isa kundi marami pa hahaha!

Treat din kami nila manood ng sine pinanood namin yung "Praybeyt Benjamin" haha pagpasok pa lang namin tawanan na ng tawanan yung mga nanonood standing pa nga eh sa hagdan pa nga kami umupo buti at matatapos na yung palabas at nakaupo din kami sa talagang upuan. Sabi ko talaga sa sarili ko dati hindi na ko manonood ng Tagalog movie pero matapos nga nitong Praybeyt Benjamin nako "shame on me" dahil sinabi ko yon haha tawa ako ng tawa eh sulit ba!. sinabi ko kasi yon matapos kong mapanood dati yung Panday ng GMA films nung december 2009 yata yon eh kasi walang pagpipilian puro tagalog mga pinapalabas kapag pasko diba. Ewan ko siguro talagang di ako nagagandahan sa mga movie ng GMA ewan ko lang sa inyo? :D

At ayun masasabi ko nga na mas mukhang City pa yung Iloilo City kesa sa Cavite City. kung titingnan mo kase mukhang asensado yung lugar ang dami mo kasing makikitang mga building, groceries mga restaurant kapag nilibot mo ang lugar.

Ikatlong araw.
Ikatlong araw oh ang huling buong araw na pananatili namin sa lugar ng Iloilo hindi masyadong maganda ang gising ko kasi nakakaranas ako ng tonsillitis pagising ko haha! at nakakaramdam ako ng kulang kasi Sabado na alam kong may laban ang favorite team ko sa PBA at hindi ko pa alam kung anong channel ba dito sa TV dito ang AKTV pero anyway.

Cable sila dito eh kaya ang daming palabas, napanood ko nanaman yung Toy Sory 3. isa talaga to sa pwede kong isa sa mga magagandang movie na napanood ko naiyak nga ko sa ending nito nung una ko tong mapanood sa theater eh haha ang ganda kasi ng story kaya hindi talaga maiitatanggi na kasama to sa top 10 ng All-Time Worldwide box office tapos nanalo pa ng dalawang Oscars kahit animated movie lang siya, oh diba asteg daig pa ang Twilight lol.

Ayun tour ulit kami pero pinsan ko naman ang magti-treat samin laro kami sa isang computer shop sa City tapos ayon may nagtext maymagaupdate na sakin ng game ng Bmeg buti na lang di talaga kasi kumpleto ang araw ko kapag di ko mapanood to pero ayos na kahit update lang, kain ulit kami sa labas bili ng mga souvenir items at T-Shirt para naman remembrance na pumunta kami sa magandang lugar na 'to.

Paguwi namin diretso kwarto kami para magbihis nagtry ulit ako hanapin yung channel ng AKTV sa cable nila at wew!, finally nahanap ko hahahaha! salamat naman at hindi ako makaka-skip ng isang game ng favorite team ko.

Pero natapos ang game na natalo ang aking bet na manalo haha pero sambot naman kahit talo dahil napaka exiting ng game napatambling pa nga kami dahil dito sa play na to:
isang napakamemorable na laro nanaman dahil sa isa sa favorite basketball player ko na si James Yap at tulugan na lilipad na ulit kami kinabukasan

Pauwi na
Maaga nanaman ang gising 4:00 am pero ang flight namin 6am pa. pero iba naman ngayon kasi umaga makikita ko yung mga hindi ko nakita sa unang sakay namin papunta sa iloilo. idedescribe dito haha

Gaya neto dahil umaga kita namin ang ulap ayos ganito pala ang view mula sa taas

Hahahaha eto nagulat ako nung una ko tong makita sabi ko, siyet Bulkang Taal?, hahaha Oo nga na confirmed ko yan kasi nakita kong andaming mga fish cages sa gilid nakita ko pa nga yung school namin eh sayang di ko lang nacaptured! 

Eto yung mga picture naman nung papunta pa lang kami di ako talaga natulog nakita ko ang unti-unting pagsulyap ng liwanag sa kalangitan ang sarap maranasan haaaay.




At sa wakas nakauwi na kami sa bahay, miss ko na ang sinangag sa almusal at ang infinite kong tulog at time sa pagkocomputer hahaha.

Pero syempre nagpapasalamat ako kay Bro. dahil nakaalis at nakauwi kami ng ligtas ng walang nanyayari na masama sa amin.

Thanks for Reading! :D

Sa biyaheng ito may isa talaga akong kanta na paulit ulit kong pinapakinggan yan tong una mong narinig na kanta habang binabasa mo 'to.

Sa wakas tapos na dapat kahapon pa to kaya lang hilo pa talaga ako kahit ngayon haha sana may GWAPA na magbasa haha.

Sunday, October 23, 2011

Donaire won and not a KO


Ok I expected Nonito to win, I expect him to win a KO. but his opponent Narvaez didn't want to have the fight worth it. I read some articles saying that some audience didn't wait the proclamation of the result.

Ow Donaire is a big star now, why? because this is the first time that Michael Buffer introduce his fight having the tagline "Thousands in attendance and the millions watching around the world" punch me if I'm wrong!.

Another thing that I've noticed or heard is the commentator says that this is the last fight of Donaire in Bantamweight gusto ko yan!!!. bakit? Because there's no remaining big names in that weight class. Ronnie Nathanielsz also says that Juan Manuel Lopez is watching the fight at ring side.

Lopez watching his future rival in the Featherweight class and I just wish that Lopez will not go up to the lightweight.

Sorry the background music didn't fit to this post lol. btw congratulations Nonito Donaire! Pinoy pride.

Saturday, October 22, 2011

Tuliro na nga sa'yo

Roses are red, violets are blue; I've never met anyone as pretty as you.
Di mo lang napapansin ang mga sulyap kong itinatago.
Bawat minutong lumilipas na wala ka sa aking eye-range.
Para bang malapit nang mag 2012 at mundo ay maglalaho.
Di mo man naririnig ang pagsigaw ng damdamin.
Na sa bawat bigkas at salita, ang pangalan mo lang ang sinasabi.
Hayaan mong ibulong ko sa hapon at maririnig mo sa gabi.
Hangin ang magdadala ng halik ko sa iyong labi.
Di mo man maramdaman ang bawat yakap sa panaginip.
At sa tuwing makikita kita parang I never met you before.
sana masambit ko sayo ang I love you 224. 2day, 2morrow 4ever.

Sa umaga sa ulap ako'y nagaabang, sa anghel na kailan kaya mahuhulog sa akin.
Sa gabi sa bituin nakatanaw, naghihintay ng Meteor Shower para humiling.
Sana mangyari nga dahil kung hindi pa sapat lilikumin ko ang pitong Dragon Ball makasama ka lang sa isang araw
Dahil walang araw na sisikat kapag nawala ka.
Hindi magiging bughaw ang langit kapag di ka makikita.
At gaya ng ulap ang aking mata kapag ika'y umalis, araw-araw uulan.
Dahil gabi gabi lagi ka sa panaginip ko at dala mo'y ligaya.
Kung maririnig lang ang tibok ng aking puso, na nagsasabing.
Kung ikaw ay magiging akin, wala na akong hihilingin.

Teka tapusin ang mga kanta bago i-close ang tab
damhin ang gitara isaisip ang lyrics ipauso muli ang harana, whatever.
Wala lang akong ma-post, haha sinulat ko 'to kagabi hindi kasi ako makatulog. :))
Thanks for Reading!

Friday, October 21, 2011

Human Rights daw!


Photo from: MILITARYPHOTOS.NET
Balitang balita sa Radyo, TV pati sa mga dyaryo ang pagpatay sa labing-siyam na sundalo ng AFP sa Basilan (ang fireworks capital of the Philippines) Kung hindi mo pa 'to alam ay ewan ko na lang. panigurado hindi na 'to gimik para takpan yung issue ni Pinoy sa hindi pagpapakita ng anino niya sa mga nabaha ni Pedring. Ang dami kong nababasa sa dyaryo ang dami kong naririnig sa TV na syempre hindi lang ako ang nakaalam.

Eto ha, apat na pung sundalo ipinadala sa Basilan para huntingin yung isang lider ng MILF na suspect sa pag-kidnap sa isang sibilyan na siya ring tinutukoy na suspect din sa pagpugot sa labing-apat na Marines noong 2007. eto sa paghahanap daw ng mga sundalo sa Basilan bigla silang inatake ng mga tropa ng MILF, sabi ng nakaligtas mahigit 60 daw yung mga rebelde. pero wala akong nabalitaang napatay, bakit? kwento kasi nung nakaligtas "paano daw nila babarilin eh nakikita namin may mga katabing sibilyan" ang matindi pa yung mga sibilyan naghuhukay daw ng mga baril sa lupa, ibig-sabihin. mga kabatak pala ng mga rebelde. langya!.

Oh pagkatapos ano sabi ng Gobyerno? "Isulong ang peace talk!" ayan pinakamatinding paraan ng mga mababait na TAGALOG para makipagbati sa mga taong may hindi maintindihang wika. yan din ang paraan kung saan talaga doon ka malalagasan. 19  na sundalo karamihan isang taon palang nakakagraduate sa PMA napatay ang sagot peace talk?. Kapag ang mga official ng AFP,Marines at Air Force nag diklara ng ng "all out war" na siya ngang pang resbak, magsusulputan yung mga grupo na nagtataas ng bandera ng HUMAN RIGHTS. ano ba tawag sa ahensiya na yon?, mahilig ba silang makinig sa mga kanta ni Glog 9, pareho ngang mawawalan yung dalawang grupo kasi parehong Pilipino. tae pareho ngang PILIPINO PERO MAGKAIBA ANG PANANAW!!.

Hindi ko nilalahat ng mga Islam masama, pero lahat ng miyempro ng Abu Sayyaf, NPA, MILF at J.I. eh mga sumsasamba kay Ala. nagrerebelde daw sila dahil gusto nila hiwalay ang mga Tagalog sa kanila, gusto nila na ang Mindanao eh maging Home-court ng lahat ng Muslim. grabe nandiyan naman ang Spratly Islands ayaw pa doon na lang!.

Ewan ko ba kumbakit pati mga ganitong istorya sinusulat ko, Ayaw ko talaga sa mga taong normal lang kapag nakakakita ng dugo ng garapata. at ayaw ko din sa mga taong mayayabang. Sige Ben Tulfo tutal mahilig kang magmura ng malutong ba't di ka pumunta dun sa Basilan at isama mo yung crew ng BITAG na nanunutok ng baril hindi naman Pulis!.

Wednesday, October 19, 2011

I wanna be here someday (The Shire)


All of us have our own place that we are so comfortable to stay and I'll gonna share to you mine. 

I always put the Shire as my home-town or the place where I lived in whatever social-networking site like Facebook or Twitter. It doesn't mean that I want to be a "Hobbit" but I want to be in a place that all I can here are the sounds of birds whispering and the flowing water from the river.

Have you imagine a place like THE SHIRE? have you heard that place?. Well it's a place from Middle Earth that told by J.R.R. Tolkien from his novel "The Lord of the Rings" and "The Hobbit" yes the Hobbit that will be release as a film in December 2012. I've been adore Mr. Tolkien after I watched all three films of Lord of the Rings in theater  that called by the critics as a "Masterpiece" and I agree with that and if you don't. Go and search, the records is on book one of the Highest grosser film of all time (without the 3D promo) and winning 17 Oscars (the biggest movie-awarding) that other movies cannot achieve.

Based on J.R.R. Tolkien The shire was a peaceful dwelling where the hobbit lives in holes under ground. It was a very quaint town where everyone knew everyone else and everyone were great friends. The shire had never been touched or even discovered by the outside world, as many men thought it was merely a myth.

Well if my wish will granted to go to the Shire. I have my schedule for one day, in morning I will be listening to the story-telling by Gandalf and hear his words of wisdom, in the Afternoon I will ask Frodo and Sam to play Kite (well there's no wire of Meralco in this place) and in the sunset I will grab a pint sit on my wooden chair near fireplace and see the stars come out and the music plays on and on. (hear the music that play while you are reading this post.)

Thanks for Reading!

Saturday, October 15, 2011

Sa Ibang Araw na lang ang Problema

PINOY KA KUNG KAHIT MAY PROBLEMA KA NA NAKUKUWA MO PANG TUMAWA
oopz Pinoy ako siyet!

Failed grade, problema yun diba? kabilang yata ako sa mga estudyanteng nanganganib na 'di makapasa sa isang Major Subject ngayong 1st Sem. Kapag nakakaranas ka ng kaba na nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon maraming bagay ang pumapasok sa iyong isipan. mag suicide? 'wag naman. siguro yung mga bagay na hindi ka mapakali kasi natatakot kang malaman ng mga magulang mo na tagilid ka na sa isang subject mo. Natatakot kasi tayong masigawan at mapagalitan kasi alam naman natin na kapag nangyari nga eh yung negative side lang natin ang mapupuna.

Yung Feeling na ang sarap murahin ng professor, kaya lang ayokong gawin baka kasi lumapit ang karma.

Sa mga oras na ganito eh dalawa ang posibleng mangyari pagkatapos makuha ang grade. Kung pasa ka edi success kung hindi naman ay baka hindi kana makatuntong pa ng susunod na semester sa school.

Payo lang no, kung sakali man na hindi tayo makapasa ay wag naman masyadong isipin baka magkadiperensiya pa sa utak mas mahal ang pagamot kesa sa Tuition ng isang Subject. kumuha ka lang ng mga Positive Vibes tapos matulog ka para mapanaginipan mo yung mga oras na nakatawa ka at hindi yung mga oras na frustrated ka.

Haay pero syempre iisa lang ang pwedeng magdikta nang lahat, Bro, kayo na po ang bahala.

TFR!

Sunday, October 9, 2011

Eto Naman (Tara na at ang dati ay balikan)

"Meron tayong mga sariling daan patungo sa kinabukasan at may sari-sariling paraan para makalagpas at gaano mang kalayo ay may maiiwan pa rin na bakas at sa bawat paglampas ay tumatatak ang nadaanan"  --rEguLardReams

Napanood mo ba noong ginamitan ni Luffy si Arlong ng Goma-goma, at kung paano dumami si Naruto sa pamamagitan ng Kage bunshin teknik taz nag resengan pa . eh yung magic word na "Hoi Hoi" ni Miho narinig mo na ba?.

One piece, Naruto, iba pang Anime at mga koreanovela ang uso ngayon, pero nasubukan mo na bang magbalik ng tanaw mula nang una kang nanood ng TV, unang makadinig ng kanta at unang tumayo gamit ang sarili mong mga paa.

Isipin mo nga ngayon yung mga panahon na ang mga sinusuot mo eh,
Mga sando na ang tatak ay mga mukha ni Tom Sawyer at Zenki.
Tapos meron ka pang sapatos na umiilaw na may ulo ni Barney.
Hindi mo ba tanda, na naging kagrupo mo si Romeo na isang tagalinis ng tsimineya.
Naaasar ka pa nga kapag binabatukan ni Damulag si Nobita.
Eh ano naman na feel mo nung makita ng Nanay niya yung mga bagsak na grades niya?.
Sinubukan mo din bang pumasok sa malaking Cabinet para makapunta sa Narnia.
Nasilayan mo na ba ang Kalabaw sa pisong barya.
Eto sigurado ako ginagawa mo ring sigarilyo ang mga Stik-O,
Lumalakas ka hanggang ISANG DAANG PORSYENTO kagaya ni Taguro,
Sa unang sulyap mo sa test paper akala mo Moon yun pala Zero.
Napanood mo din ba sa sinehan sina Legolas at Smeagol?.
Una ka ring naglaro ng Basketball na hindi gumagamit ng dribble.
Panigurado nasarapan ka sa pag-kain nang Pochi.
Marunong ka din mag-feed ng alaga mo sa tamagochi.
At sa mga cartoons dati marami ka ding napagtawanan.
Sa tuwing hinahabol ng buwaya si Captain Hook sa Peter Pan.
Kapag nagtatalo sina Doctor Bruno at Kuro Chan.
Eh nakita mo na ba yung elepante ni Shin Chan.
Naglagay ka ba ng gell para maging isang Super-Saiyan.
Ilan lang yan sa mga maaalala mo kapag kinamusta mo ang baul ng nakaraan.
Sana may napaalala ako sa'yo at ikaw nama'y nasiyahan.

Minsan pagtanda mo maaalala mo ang mga ito, Sana sa susunod na taon hindi pa burado lahat ng ito sa isip mo, bawat pagpatak ng Oras at paglipas ng panahon ay nasusulat at natutunghayan at ang tangi lang makapagpapaalala sa'yo nito ay 'yung mga larawan. Na kahit niluma na at kumupas may nakatagong pa din na Ala-ala para maging inspirasyon para sa susunod na araw at mga bukas.

Kung hindi ka aware sa mga nasabi ko ay siguro wala kang masyadong matandaan sa sarili mong nakaraan. Ang naaalala mo lang ay pinatay ni Lapu-Lapu si Magellan. at Siguro isa ka sa mga mayaman ang pamilya, malaki ang bahay, tapos cable pa ang TV kaya ayun hindi ka nakakanood ng mga tipikal na palabas na napapanood ng mga kabataan noon.

April 26, 1993 Ako'y isang Generation Y pero lumaki sa Generation Z. kaya marami akong nasabi sa topic na to, Abangan niyo din yung second part nito, yun lang :D.

Thanks for Reading!
Try also this one: Eto Na-naman



Cartoons told:
-The Adventures of Tom Sawyer        -Zenki
-Barney                                          -Ang Mga Munting Pangarap ni Romeo
-Doraemon                                      -Ghost Fighter
-Peter Pan                                       -Cyborg Kuro Chan
-Shin Chan                                      -One Piece
-Naruto

Saturday, October 8, 2011

Fiesta sa amin (Rosario, Cavite)

Fiesta ulit sa amin kahapon ang saya talaga, sana araw araw na lang yung mga ganitong kaganapan. May pasok ako nung umaga kaya inagahan ko ang pag-uwi para naman makanood ako ng Karakol sa Hapon. Nakakuha pa ako ng mga larawan sa parada.

Kailan-man Hindi ko pa nakakaligtaanng makanood nito, 'di naman ako masyadong relihoso pero gustong gusto ko talagang nakakakita ng mga ganitong tradisyonal na pagdiriwang

Eto pa. Umaga pa lang mukhang masama na ang panahon parang naghihintay na lang mapuno ang ulap ng tubig para bumuhos ang ulan pero hindi 'yon nangyari hanggat hindi pa nakakabalik ng Simbahan ang patron namin.







Isa sa mga main attraction oh yun bang highlights na tinatawag ay yung 'pag tanggal ng Andas sa mahal na ina na si Nuestra Señora Virgen del Rosario de Caracol.
                 




Thanks for Reading!

Monday, October 3, 2011

Hanep tawa ako dito!! ayts

Hahaha yan ang una kong reaksyon matapos kong mabasa 'to, di ko alam kung luma na 'tong joke na to pero tingnan niyo din. Kakabasa ko lang nito ngayon ngayon lang, eh napatawa ako nito share ko lang baka mapasaya din kayo :D

Ang istorya ng 3 bisaya

may 3 bisaya, ntrap sila sa isang time-space continuum(ang bongga), at para mkaalis dito, kelangan nilang dumaan sa isang warp gate, na siyang binabantayan ng isang gwardyang galit n galit sa mga bisaya. so ung bisaya1 sinubukan nyang kausapin ung gwardiya.

guard: bisaya ka ba?
bisaya1: indi! (hindi)

then BANG! patay ang unang bisaya. ngaun, nalaman ni bisaya2 ang mga nangyari at nagpraktis ito sa sarili niya.

bisaya2(sa sarili): besaya ba aku?
bisaya2(sa sarili): hindi!

aba, natuwa ang loko. kunsabagay, diretso na yung hindi nya. so pinuntahan na niya yung gwardiya.

guard: bisaya ka ba?
bisaya2: hindi! (naks naman!)
guard: anong pangalan mo?
bisaya2: jusip! (joseph)

BANG! patay ung pangalawang bisaya. sumabit. tsk tsk. edi nalaman din ito ng pangatlong bisaya so nagpraktis din sya.

bisaya3(sa sarili): besaya ba aku?
bisaya3(sa sarili): hindi!
bisaya3(sa sarili): anung pangalan ku?
bisaya3(sa sarili): e-le-na!

so nung naperfect na niya ito, pinuntahan na niya yung guard.

guard: bisaya ka ba?
bisaya3: hindi!
guard: anong pangalan mo?
bisaya3: elena!
guard: aba mahusay. mahusay. sige makakadaan ka na.

then BANG! hindi pa man nakakalayo pinatay din yung pangatlong bisaya. e kasi naman sa sobrang tuwa niya npasigaw siya, "yis! (yes)"

Ano, natawa ka ba?
Thanks for Reading!