Monday, December 30, 2013

Ang 2013, Bow!

Naka-handa naba ang mga paputok niyo?
Heto na, tapos na ang pasko at halos bente-kwatro oras nalang ay magpuputukan nanaman. Hindi ng kili-kili, hindi ng t@#&^*, kundi ng mga paputok. Syempre alam n'yo na yung censored word, 'wag nang mag-malinis.

Anyway, sandamakmak na issue ang nangyari sa Pilipinas ngayong taon. Lumipas na usapin at magiging parang wala lang sa mga sumunod na araw. Kaya subukan nating balikan ang iba, maliban sa pag-hagupit ni Yolanda, pagpapakasal nina Sir Chief at Maya, pagpapakitang gilas nina Chito Miranda at Wally Bayola, 'yung pag-sambit ni Janet Napoles ng mga salitang "HINDI KO PO ALAM" at 'yung paglaganap ng mga anak-ng-tsinelas na cover ng sayaw na Gentlemen sa Youtube at Facebook....

At syempre, yung pagbo-boxing ni ELLEN ADARNA :3

At grabe 'yung ibang kalalakihan ah. Bago raw panuorin ang video sa Youtube; kailangan naka-Full-screen at naka-set sa 720p-HD ang video quaility. Hmmmm ALAM NA!

Bukod sa maraming nasiyahan sa panunuod ng video ni Ellen Adarna sa Youtube ngayong taon, marami paring namroblema, nainis at nalungkot. Dahil nand'yan ang mga kadahilanang hindi parin nila nagawa ang pagda-diet kahit paulit-ulit nila 'tong nilalagay sa kanilang new-years resolution taun-taon. Marami paring hindi mayaman. Marami paring hindi naka-buo ng Simbang Gabi. Marami paring jejemon sa Pilipinas. Maraming masasarap na pagkain ang nag-mahal ang presyo gaya ng Pringles. Marami paring nagpupunta sa simbahan at mall nang naka-shades. Marami paring nag-akala na birthday ni Dr. Jose Rizal ang Rizal Day. Marami paring nagpopost ng Selfie sa Instagram sa kabila ng Hashtag na #AngPangetKo. Marami paring pinagpapalit ang you're sa your. Marami paring naging sawi sa pag-ibig. Marami paring naiwan at na-stock sa friend-zone area. Marami paring hindi nakukuha ang gusto nila. Tulad ko? Sobrang dami kong gustong hindi mapunta sa'kin......... Mga damit, gadgets, pera (syempre).

Pero ang pinaka-masaklap? HINDI PA RIN KAMI NI JESSY MENDIOLA. 






...






OUCH </3

At kahit ilang McSpicy ang bilhin ko, ilang branch ng Mcdonalds ang kainan ko, WALA! WALANG Jessy Mendiola na dumarating sa harapan ko para saluhan ako. Kaya laking inggit ko kay Jeric Teng at sa iba pa. #TenginaTalaga!


At bago matapos ang taon na 'to, belated Happy Birthday pa 'rin kay BRO. Para sa mga kababaihan, pasalamatan n'yo ang mga lalaking nagbigay sa inyo ng upuan sa bus. Para sa mga lalaki, pasalamatan n'yo ang mga babaeng natulog sa mga balikat n'yo sa bus kahit hindi n'yo s'ya kilala. Pasalamatan n'yo ang mga taong dumating sa buhay n'yo at naglagay ng ngiti sa inyong mukha kahit panandalian lang. At pasalamatan narin nating lahat ang mga bansang tumulong sa Pilipinas matapos ang kalamidad na dumaan sa bansa. Maraming-maraming salamat po. At higit sa lahat, magpasalamat ulit tayo kay BRO dahil binigyan n'ya tayo ng 365 days at may nakahanda pang 365 ulit sa susunod na taon :)

Ayun, yun lang.
Salamat sa Pagbabasa!

PAUNAWA: Huwag magpapaputok kapag kumain ka ng crispy pata. Ayon sa nabasa kong libro, ang mga lasing na namumulutan ng crispy pata ang madalas maputukan sa daliri dahil sa lagkit ng sebo sa kamay at sobrang kalasingan, hindi nila aakalaing didikit ang labintador sa kanilang mga daliri. Mag-ingat! Mag-pasalamat! Mag-pugay sa isang Bagong Taon na darating.

Saturday, December 28, 2013

Skip The Dream Seventeen

UST PASKUHAN

Parokya ni Edgar performing on stage!

























Isang gabing walang uwian, umabot man ng umaga'y sulit parin.
Sa pamamagitan ng malulupit na banda, nabuhay ang buong gabi.
Isang napaka-gandang experience sa'kin ngayong taon, lalo na't kasama ko siya :)

Gusto ko s'yang ulitin next year! :)

Thursday, November 28, 2013

Asa sa Import? kwento mo sa turtle - San Mig

2009-2010 Philippine Cup Champion: Purefoods TJ Giants.
Photo from: PurefoodsFacebookPage
Isang buwan. Halos isang buwan palang o mahigit pa ang nakalipas kung babalikan ang huling championship ng San-Miguel-Purefoods franchise team na ngayo'y San Mig Coffee Mixers na. Isang buwan mula nang matapos ulit ang isang Finals-series kung saan umabot pa ng isang "Game 7". Isang buwan mula nang mag-champion ulit ang team ko. At isang buwan mula nang madagdagang muli ang sabihin na nating...... hmmm.... "critics o haters" nila.

Bakit nga ba dumadami ang haters ng isang Tao? Ng isang Artista? Ng isang Dance-Group? Ng isang Basketball-player? Ng isang Koponan? Dalawang sagot ang nasa obserbasyon ko.

Una; Kapag may nagawang katangahan, kamalasan, kamalian ang isang tao/grupo. Tulad ng pagsasabi ni Mar Roxas ng "P*t*ng *na" sa speech n'ya sa anti cha-cha rally noong December 2008. Tulad ng pagsapak ni Mayweather kay Victor Ortiz habang nagke-candy-crush yung referee (ahh ehh hindi kasi nakatingin e). Tulad ng pagsasabi ni Janet Lim Napoles ng "Hindi ko po alam" kahit alam n'ya naman talaga. Diba? Syempre huhugot ng negativity impact kapag may kapalpakan o hindi makatarungang ginawa ang isang personalidad o grupo. 

Pangalawa; kapag may nagawang kabilib-bilib o kagila-gilalas o kamangha-mangha ang isang tao/grupo. 'Di na ko lalayo, nung binansagang "Face of the PBA" si James Yap e ang dami nang umalma. As usual, kasi hindi napunta yung karangalan sa gusto nilang manalo e. Kasi hindi napunta sa idol nila. Isa pang example, nung mga panahong nagpapapanalo si Manny Pacquiao, hindi ba't ang mga fans ni Floyd Mayweather at ng iba pang mga boksingero ay iginigiit na gumagamit s'ya ng Performance-Enhancing-Drugs? See? basta hater, kahit ano nalang ang masabi basta 'AGAINST' sa ayaw nilang tao/grupo.

E ganon talaga e, kapag may nagawa kang maganda, maraming maiinis sa'yo. kahit nga estudyante lang na magaling sa ALGEBRA maraming nagagalit e.

Pero gano'n ba dapat ang hater? Kailangang gumawa ng dahilan kung saan ididisregard ang mga FACTS, sa halip e kung ano-ano nalang ang sinasabing IMBENTO para lang makapang-bash? o para may masabi lang?

REALITY BYTES!

From Wikipedia
Asa ba sa import ang Purefoods/B-Meg/SanMig o kung ano mang pangalan kung sila ang may hawak ng pinaka-maraming All-Filipino-Cup Championship? Porket si Denzel Bowles ang tumira ng dalawang free-throws, inasa nalang lahat sa kanya? Hindi ba pwedeng kaya din sila umabot ng Game 7 ay dahil naging Best-Player-Of-The-Game din sina James Yap at PJ Simon sa mga naunang games? Porket ba nanalo ang SanMig sa nakaraang Governor's Cup, si Blakely lang ang nagdala? wala bang nagawa sina Pingris at Barroca at iba pa?. 5/10 championships ng SanMig, walang imported na player. Kalahati. KALAHATI.


Huling championship ng Petron, 2011 "Governor's cup", asa ba sila sa import?

Huling championship ng Alaska, 2013 "Commissioner's cup", best import pa si Robert Dozier, asa ba sila sa import?

Huling championship ng Ginebra, 2008 "Fiesta conference", best import din si Chris Alexander, asa din ba sila sa import?

Kapag ba sinabing nag-champion ang team mo sa isang Conference-With-Import, asa naba sila sa import?

At natural lang naman na gawin ng isang Import ang trabaho nilang Ipanalo-ang Team. Hindi naman binabayaran ng milyung-milyong-piso ang isang Import para magpunas ng sahig. Hindi naman binabayaran ng malaking halaga ang Import para lang maging tagapunas ng pawis at taga-masahe ng mga locals. Hindi naman binabayaran ang isang Import para lang magbutas ng bangko. At hindi rin naman kukuha ang isang team ng import na boplaks. Malamang, yung mas may abilidad kesa sa locals. Hindi naman kukuha ang isang team ng import na 5"3 ang height, puro tattoo, mukhang bungo na player. Kaya nga may import para maging mas competitive ang team. kaya nga may import para manalo ang team.

Walang namang import ang binabayaran para mapunta sa kangkungan ang team. 

Walang import na walang abilidad. 

At wala pong Import na kinuha lang para umiskor ng 0-pts at 0-rebs.

Salamat sa Pagbabasa.

Thursday, November 21, 2013

PBA FANS: Dear, TV5


Bakit hindi nalang ilagay ang mga shows ng TV5 sa channel 13? At ipalabas nalang ng TV5 ang PBA sa maayos na schedule para maraming masaya?.

Masaya ako mula nang malaman ko na ang lahat na 'daw' ng mga laban ng PBA ay mapapanood na sa TV5 ngayong season!. Ilang beses pinaulit-ulit ibinalita ni Magoo Marjon yan kapag s'ya ang nasa commentator seat sa nakaraang PBA Finals. - Ayos!, sang-ayon ako don. Kasi ang linaw ng picture kapag TV5 e. At hindi naman maipagkakailang mas malakas ang impact ng publicity kapag TV5 ang magko-cover ng show kumpara sa Aksyon TV (ch 41) o kaya sa IBC (ch 13). Diba?.

Pero ang korni pala e. Akalain mong ang mga first game ng PBA tuwing Miyerkules at Biyernes ay ipapalabas lang ng TV 5 kapag mahapdi na ang mga mata mo sa ganap na Alas-Onse ng gabi!. At kung hindi ka makapaghintay, may choice ka naman. Magtiis ka sa live coverage... ay hindi.. ng zero visibility coverage ng Aksyon TV. Na kahit mag-3D Glasses ka o maglagay ng pambalot ng yema sa harap ng mata mo e wala ka talagang makikitang malinaw sa channel na 'to.

Para malinaw, narito ang sistema ng schedule ng airing ng PBA ayon sa tweet ni Chris Tiu. "PBA Telecast: (Wed and Fri) 2nd game is live at 8pm, 1st game is delayed at 11pm. On Sat, 1st game is live at 3:30pm. On Sundays, both games live on TV5 starting at 3pm." - Tamo, kahit pinalinaw, maguguluhan  ka parin. Smh

Kawawa tuloy ang mga teams na may maliit lang na fan-base, mas mahihirapan silang makakuha ng magandang exposure sa masa dahil sa ganitong schedule. At kahit sa mismong 8pm schedule ng second game ngayon, tagilid parin. Lalo na sa mga manunuod ng live. Dahil imbes na 9:30pm sila dapat uuwi kapag 7:30 schedule. Ngayon, alas-onse na. May dagdag isang oras?. Oo, dahil depende parin sa kung anong oras matatapos ang kinapipitagpitagang 'Madam Chairman' at sa overtime ng mga naunang shows. Sa sistema kasi noon ng PBA na 7:30pm ang second game, ay eksaktong 7:30 talaga nagsisimula ang laro dahil mga 7:15 palang, nage-air na ang Aktv-center. Pero ngayon, kahit 8pm na, wala paring nasisimulan. 'Yan yung tinatawag na: "Delayed na nga, na-delay pa!".

Hindi n'yo ba napapansin kagabi na hindi na gano'n karami ang mga nanunuod ng live?. Kitang kita na sa screen ng tv ang mga bakanteng upuan. Sunday-games nalang yata ang puntahin ng mga tao dahil bukod sa rest-day ng karamihan, medyo maaga din ang game. Pwede pang gumimik pagkatapos. Tho, ginugusto ko parin na 4pm&6pm ang mga schedule ng laro tuwing Linggo.

Hindi ba naiisip ng TV5 na hindi na sila masyadong kikita sa ticket-selling ng mga games dahil sa schedule na ganito. Hindi rin naman sila magre-rate kung ipipilit nilang itapat ang Madam Chairman sa Got to Believe nina Joaquin at Chichay. Hindi naman sa sinasabi kong magna-number 1 ang PBA kung magkataon pero hindi naman siguro kailangan ng survey para malaman kung mas magre-rate ba ang Madam Chairman kesa sa PBA-Game lalo na kapag Ginebra at SanMig ang maglalaban. Diba?


KAYA MAHAL NAMING TV5, SANA NAMAN, 'YUNG MAS MAGANDANG SCHEDULE NG PBA. 'YUNG HINDI NA NAMIN KELANGANG MAGHINTAY NG ORAS KUNG KAILAN HINDI NA NAMIN MAMULAT ANG AMING MGA MATA SA SOBRANG ANTOK. O BAKA MAKATULUGAN PA NGA. MINSAN KASI UMUURONG DIN ANG IBANG MGA FANS NG TEAM NA MANOOD NG LIVE DAHIL NAG-AALALA SILA SA PAG-UWI NILA NG SOBRANG GABI, NAUUBUSAN NA SILA NG MAKIKITANG SASAKYAN PAUWI LALO NA SA MGA TAGA-MALAYO. PERO KAPAG MAGANDANG SCHEDULE, MAS MARAMING MANUNUOD NG LIVE AT MAS KIKITA KAYO SA SHARE NG TICKET REVENUES NG PBA. MAHAL NAMING TV5, MARAMING PILIPINO ANG NAGMAMAHAL SA BASKETBALL. PATUNAY NA NUNG FIBA-ASIA, IPINAGPALIT NAMIN ANG 'JUAN DELA CRUZ' AT 'THE VOICE OF THE PHILIPPINES' PARA MANOOD SA MAGANDANG CHANNEL NIYO. KAYANG-KAYA DIN NAMING IPAGPALIT NGAYON ANG GOT2BELIEVE PARA KUNIN ANG REMOTE AT TUMUTOK SA KAPATID NETWORK. SANA NAMAN 'DI KAYO MATAKOT SA TULFO BROTHERS KAPAG ILILIPAT N'YO NG ORAS ANG T3. SANA NAMAN DI NA NAMIN KAILANGAN MAGPALIPAT-LIPAT NG CHANNEL DAHIL NAKAKA-SIRA NG REMOTE YUN. LALO NA NG TV. ANG NANGYAYARI TULOY, MINSAN KAHIT VOLUME-BUTTON ANG PINIPINDOT KO, CHANNEL NG TV ANG NALILIPAT. KAYA SANA NAMAN MAHAL NAMING TV5, FACE THE PEOPLE. MARAMI DIN KAMING TATANGKILIK SA INYONG MAHAL NA ISTASYON AT MAS MARAMI PANG MAEENGANYONG MANOOD KUNG MAS MAAYOS ANG PAGPAPALABAS NG ATING PAMBANSANG LIGA. BOW.


Salamat sa Pagbabasa.

Tuesday, November 19, 2013

Hope is still there.

Ngiti, ang s'yang nagbibigay kulay sa itsura ng sitwasyong nakikita mo.
Galak, ang s'yang mapapansin sa mukha ng mga nasa larawang ito.
Saya, ang nararamdaman ng mga puso ng mga batang ito.
Tulong, ang tanging dalangin nila at s'yang magpapanatili sa ngiting nakikita mo.

Bangon Pilipinas. Bangon!

Thursday, November 14, 2013

Yolanda = Man-Made Super-Typhoon "?"

"H.A.A.R.P. = High Frequency Active Auroral Research Program. A secret weapon used to achieve weather control." Now, I want you to search on Google what a Haarp-cloud looks like before you focus on the picture below.

Game.
Michio Kaku, a theoretical physicist stated, that laser cloud influence weather events. -- Ang technology na tinalakay n'ya dito ay ginagamit sa middle-east (mga disyertong lugar) para makapag-generate ng ulan at para sa agricultural usage. Mismong sinabi ni Michio Kaku na ang technology na ito ay pwedeng makapag produce ng Thunderstorm, rain at pati na ang isang HURRICANE. Isinaad n'ya yan sa isang interview ng CBS news sa New York last September. Search n'yo sa Youtube, "Controlling The Weather, Is It Possible"

Ngayon, yung picture sa taas ay larawan na kumalat sa mga facebook-page noong October 23. Pina-search ko sa inyo yung "HAARP-Cloud" diba? Magkapareho ba?. Anyway, ang gandang tignan diba?, parang isang phenomenon na minsan lang mangyari. October 23, walong araw mula noong niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Visayas. At nakita mo ba kung saang lokasyon nakuha yung picture?, Iloilo. Ngayon, pakitignan nga sa mapa kung gaano kalayo ang Iloilo sa Cebu at Bohol na epicenter ng lindol.

Ayon sa ibang research at ayon narin sa Wikipedia, ang "Haarp" din ay pwedeng makapag generate ng lindol. 'Wag na tayong lumayo, Actually isa sa tinuturong dahilan ang Haarp sa lindol na nangyari sa Haiti nung 2010 kung saan may death toll na umabot ng Isan-daang-libo katao.

Ngayon, isisingit ko naman kung bakit maraming scientist ngayon ang nagsasabing ang bagyong humagupit sa bansa natin ay isang "Man-made super-typhoon"

Bago ang lahat. Gusto ko munang ipakita sa inyo ang apat na storm-track ng apat na malalakas na bagyo na humagupit sa Pilipinas sa dumaan na ilang taon. Ilan ito sa mga Super-Typhoon na nanalasa sa Pilipinas: Frank - 200kph, Juan - 230kph, Ondoy - 160kph, Milenyo 230kph.
Pansinin n'yo yung storm-track ng apat na bagyo. (yung mismong line) Hindi stable diba?. May zigzag na linya at paiba-ibang direksyon yung tinatahak nila. 

Sa baba naman ang storm track ni Yolanda. Umabot pa yata to ng 315km/h habang papalapit s'ya ng Leyte, Huwebes ng gabi.
Nakakamangha diba?. Isang straight-path ang storm-track ni Yolanda. Parang tren na may riles na dinadaanan. Teka, coincidence lang ba na tinamaan ng lindol ang Visayas at sinundan ng pagbayo ng isang napaka-lakas na bagyo? Teka, sa'n nga ba ulit nakita yung nabalitang Haarp-cloud? sa Iloilo diba?. Kung saan nag Signal-number-3 dahil malapit s'ya sa dinaanan ng sentro ng bagyo.

Maraming eksperto ngayon ang nagsasabi na si Haiyan (Yolanda) ay isang eksperimentong bagyo lamang ng U.S. kung saan ang isang tinatawag na 'Microwave pulses' ang sinasabing gumawa sa bagyo o s'yang nagdikta kung saang daan ang tatahakin nito. Matagal nang dinedevelop ng US Military yung pagka-cloud seeding sa mga hurricane sa Amerika, para ma-modify nila ang igagalaw ng bagyo. Hindi binabalita sa TV to diba?. Pero totoo kaya?.

Ga'no katotoo yung mga tinatalakay sa mga issue ng "Earthquake beneath Typhoon conspiracy"

Narito pa ang nahanap kong example sa mga na-search ko at napanood kong video.
Kung pagmamasdan n'yo sa taas. Ang direksyon ng Japan ang tinatahak ni typhoon Francisco (kaliwa) at ni typhoon Lekima (sa kanan). At tignan n'yo yung arrow na dilaw. Yun po ang epicenter ng lindol sa Japan na umabot ng magnitude 7.3 noong October 25. At October 28, lumapit ang dalawang bagyo sa mismong epicenter ng lindol. Pansinin po natin ulit yung tinahak na daan ng mga bagyo. Ang smooth ng line diba?. Walang zigzag sa storm-track. Kung titignan pa natin. malapit sa epicenter ng lindol ang mismong dinaanan ng bagyo, halos kapareho sa nangyaring lindol sa Visayas na sinundan din ng Super-typhoon na si Haiyan.  

Climate change, yeah!. Napaka-daling gawing rason. Posible naman kasing totoo e. Pero tumingin kayo sa listahan ng 'Atlantic hurricane season'. D'yan kabilang si hurricane Katrina. Anyway, kapuna-puna na mula year 2010 hanggang year 2012 naga-average ang Atlantic hurricane season ng 'at least' "49" na bagyo kada taon ang mabubuo sa Atlantic Ocean. E ngayong 2013, nasa "27" lang. Nangalahati diba?. At kung dati ay may inaasahang apat na 'Category 4 hurricane' ang mananalanta sa Atlantic Region kada taon. Ngayong 2013, ZERO. Ang weird diba?. 

Sa kabilang dako naman ng mundo. kung dati, may inaasahan lang na 68 na bagyo ang nabubuo sa Pacific Ocean kada taon na mismong pinagmumulan ng bagyo sa Pilipinas. Ngayong taon, ay halos maging isang daan na sa bilang na '97'. Take note, hindi pa tapos ang November at may December pa. Halos tatlompung (30) bagyo ang nadagdag sa kadalasang bilang. Hmm.

Mapapaisip ka tuloy na; kung totoong nage-experiment ang US Military sa mga bagyo sa Amerika, sa pinagkumparang bilang ngayon ng mga bagyo sa Pacific at Atlantic Region mula sa nakaraang tatlong taon. Baka ngayon, mga bagyo  na sa Pacific rim ang pinageeksperimentuhan nila at nagdulot nga ng nangyayari ngayon. 'Wag naman sana.

Coincidence? Climate change? Weather manipulation conspiracy?. Kung totoong kagagawan lang ito ng tao. E hindi na ito makatao. 

Para sa dagdag kaalaman at mas malinawan kayo sa topic. Panoorin n'yo ang mga video ni "dutchsinse" sa Youtube.

Kung ibe-break down natin. kung saan ang epicenter ng lindol, doon dumadaan ang bagyo kagaya ng mga examples sa taas. Parang may magnetic force ang lindol na nage-engage sa bagyo. Hindi na ito yung natural na earthquake dahil gawa na ito ng haarp.  Lumindol din sa Taiwan noong October 31 na may magnitude 6.6, tignan n'yo nalang yung storm track ni typhoon Vinta kailan lang.

PAUNAWA: Ito po ay mga naipon ko lamang na obserbasyon mula sa aking mga nabasa at napanood na videos. Hindi ko po sinasabing Pinal na ang mga "teyoryang" ito, dahil kahit ako po mismo ay marami paring tanong sa katotohanan nito. Salamat.

Monday, November 11, 2013

ISSUE: Iglesia ni Cristo snob?

Itong post na ito ay reaksyon sa nabasa at sa mga nababasa pang ibang issue tungkol sa topic na ito. Ito ang article na kumakalat ngayon sa Internet, inyo munang basahin bago tayo magpatuloy magbasa pababa. Narito po ang link: IGLESIA NI MANALO REFUSED SHELTER FOR SUPER TYPHOON VICTIMS IN ILOILO
Photo from: http://www.splendorofthechurch.com.ph


Tingin n'yo?. Tama lang bang tanggihan ang mga taong nangangailangan ng tulong sa kabila ng malakas na unos sa lugar dahil lamang sa hindi sila kaanib ng simbahan?. Kung ang kanilang mithiin sa katatapos lang na aktibidad ng kanilang grupo ay makapag-bigay tulong-medikal sa mga taga maynila. Nasaksihan natin. Naibalita sa telebisyon. Ang kanilang slogan sa nasabing misyon ay "Kabayan ko, Kapatid ko" - malinaw na nais nilang bigyang asiste ang lahat ng Pilipinong dadalo sa aktibidad na iyon. Ngunit bakit ito taliwas sa bagong balitang lumalabas?.

Hindi ba't kung magnanais makatulong sa kapwa, ito ay dapat na walang pagaalinlangan?, pwede sa kahit anong paraan. Sa kahit anong oras at sitwasyon. At hindi na mangangailangan pa ng exposure sa camera ng iba't ibang channel sa TV.

Naalala ko ang isang blogger na nagtatanong sa kanyang artikulo n'yang: Tanga ka rin ba?, kung bakit kailangan pang gumawa ng INC ng isang aktibidad kung saan, ito ay sa loob ng isang araw (lang) at kailangan pang magdiklara ng ibang eskwelahan na walang pasok at isara ang mga kalsada sa maynila.

"Kung gusto talaga nilang tumulong, huwag ‘yung one-time, big-time na ganyan. Magpatayo dapat sila ng ospital na katulad ng sa PGH, mura at tinatanggap lahat. Hindi ‘yung dambuhalang coliseum sa may NLEX ang pinagkakagastusan nila." - ang eksaktong sinabi ng blogger na sinasabi ko. Hindi malayong isinasaad ng blogger na ito na parang may side ang nasabing misyon na gusto lang ng Iglesia na makakuha ng exposure sa sa buong bansa at makahikayat ng mga bagong aanib sa kanila. Ang kalahati tuloy ng isip ko ngayon ay sumasangayon sa kanya.

 
Paano kaya kung si Cristo ang nasa pintuan at ang hing'an ng tulong ng ating mga kababayan?. Siguradong alam na natin ang gagawin N'ya.

Sunday, October 6, 2013

Skip the Dream 16

Minsan kahit ano pang gawing pag-iwas sa problema'y hindi mo 'to matatakasan
Lalo na't sa bawat araw na dadaan ay sinasampal ang mukha mo ng katotohanan.
Sadyang may mga problemang hinding hindi magiging madali para talikuran
Kung sa kahit saang daang tatahakin mo'y ang resultang hahambalos sa'yo'y kabiguan.

Hinding hindi madadaan sa kahit anong pag-iwas at pag-tanggi ang sakit.
Kahit anong pagpapaka-saya'ng gawin mo'y hindi mo 'to maikukubling pilit.
Sapagkat tumatak na sa iyong buong puso't isip kahit patuloy mo mang igiit.
Wala na, tapos na, huli na, mahihirapan ka nang ibalik ang inaasam mong makamit.

Hindi mo man asahan, ang oras ay kusang magtatakda habang lumilipas.
Gumawa ka man ng paraan, kung taliwas sa iba'y hindi pa rin magiging patas
Hindi mo man gusto, pwede kang mamatay ano mang oras.
Hindi mo man balak, pwede kang masugatan, 'di ka man humawak ng matalas.

Patuloy na lilipas ang panahon, haharapin mo ang isang araw na hindi kagaya sa mga nauna.
Kahit mamula pang muli ang langit sa silangan, hindi mo parin s'ya makakasama.
Suklian ka man ng candy ng tindera, hindi kana ulit magiging masaya
Sa parehong rason, kung babalikan mo ang mga panahong katabi mo s'ya.

Friday, September 13, 2013

Skip the dream XIV

Do you know the feeling of having an endless moment looking at the ceiling of your room, got cold up by the silence, listening to the playlist of your favorite love songs. I'm at that moment every single night since.

I am stunned, shocked, mad and feeling so alone at the same time and I can't help it.

I didn't think that this will happen. I didn't think that we will gonna have this separation. After the months of happiness and joy. After I count all my kapitbahays response, 'Bagay Kayo'. After I knew her father's impression; 'Okay s'ya'. After she told me that she was so amazed of our relationship. I didn't think that it will ended up to this. But I still want to fight until I cannot.

Last year, I met a girl. A girl that didn't get my idea of being her boyfriend on the first time we knew our faces. But it changed. I changed and my heart as well. I fell to this girl without any hesitation. I fell to this girl with all my heart and with all valid reasons. I've been in-love to this girl that cause me to promise the words Ikaw lang, wala nang iba.

She is my first true love and I want it to be the last. But it's barely coming to short. We are so happy together with the happiest days of us in the start of our relationship. We share kiligs and laughs every time we talk or we're in each other's side literally. We eat together. We sing together. We kiss. And then we argue.

Some say, arguments is a common thing in a relationship and it's just a test of grip. One says, it is a sign of an end and let the relationship stop because that would be our destination anyway. I'm madly believe on the first thought. I believe that every relationship has ups and downs and it is up to the couple to survive or let the problem win. But still, I can't deny that I did something wrong and if I could turn back the time, I will promise to avoid it to happen again.

This time, all efforts are on the edge of being a dust. All plans are knocking to be a dream that cannot come true. Should I delete the pictures on my phone or should I stop hoping for more. I know exactly my answer, I can't do it.

I'm gonna miss all of this. All of it. I'm gonna miss the late night calls. All the sweet kisses. The holding-hands. The ice-cream dates. The messages that give me chills. I'm gonna miss that reaction when I see an I Love You on my Facebook wall. It's like a shot of adrenaline straight to the heart of me. It's amazing. I can't describe it.

I'm still me. I will always be the same no matter what. I can still be able to sing the Sponge Cola's song Wala Kang Katulad. I still want her touch my skin and make those pitik and kurot. I can still play my guitar to sing our themes in front of her. I still want to eat Ice-creams and donuts while she's beside me. 

And if someone would asked me if I want to do all of this again. If you asked me if I'd travel all the roads to hold her hand, to dream with her, to hug her, to sit beside. If you asked me if I want to do it again... In a heart bit.

Saturday, August 31, 2013

ISSUE (PORK BARREL)

Isang malaking oink para sa mga kababayang nakikisawsaw ngunit walang konkretong katwiran kung bakit gusto nilang makisawsaw, wala namang saysay.
At ayan na nga, sumuko na nung makalawa palang si Napoles. E wala e. Gusto n'ya e. Ewan ko ba kung masyado lang s'yang gahaman at ayaw n'ya ding may makinabang nung Sampung-Milyong pabuya para sa magtuturo sa kanya.

Masyadong over-exposed na ang apelyidong "NAPOLES" sa TV, Dyaryo at Internet. Teka, sa pagpapalaganap ng media ng mga balitang naguugnay sa apelyidong yan. Hindi ba nila alam na siguro, marami nang mga trabahador at estudyanteng kinukutya sa eskwelahan at trabaho dahil kasing-apelyido nila si MA'M (co Mar Roxas). Oo malamang!. Laman na ng biro at pangungutya ang mga taong kamag-anak at lalo na ang may mga taglay na apelyidong Napoles. 

E wala e, Gano'n talaga e.

At ang kitid pa ng ilan, tinawag lang ni Mar Roxas ng 'Ma'm' si Napoles, binigyan n'yo na agad ng kahulugan?. 'Di n'yo ba kayang intindihin na masyado lang mapagkumbaba si Mar Roxas kaya n'ya tinawag nang gano'n si bruha?. 'Di ba kayo nakakaranas na kahit kapag bumibili ka ng litsong manok sa Andoks o kaya e iaabot sa'yo ng taga Meralco ang bill-receipt ng kuryente n'yo e pwede nila kayong tawaging Ma'm o Sir kahit hindi naman nila kayo Boss o Kaano-ano?.

E wala e, Gusto n'yo yan e.

Masyado pang baby!. Tignan n'yo baka mamaya lang e naka wheel-chair na 'yan. Ang dami na nating nakitang eksena na binubugbog ng mga Pulis ang mga taong nagnanakaw ng side-mirror ng kotse. Sa tingin n'yo? Ilang side-mirror ang mabibili sa Sampung Bilyon?. Haay ewan ko ba.

E wala e, Ganyan dito e.

Sunday, August 18, 2013

Ang mga Batas para sa isang Magandang Relasyon.

Paunawa: Ang lahat ng mababasa n'yo sa baba ay akin lamang pananaw ukol sa topic na tatalakayin. Meron parin kayong free-will para maniwala at humusga sa anumang inyong mababasa.
Syempre lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng isang relasyon na magtatagal at kung maghahangad pa, syempre yung hindi na sana matatapos pa. Lahat tayo naga-asam ng isang kapareha na gusto nating; s'ya na habang-buhay. Pero mahirap, mahirap makahanap ng halimbawa sa panahon ngayon, marami na kasing 'iwanang' nagaganap. Kaya narito ang sa tingin ko'y mga paraan para sa isang magandang relasyon:

(Teka-Muna-Wait, anumang nakasaad sa article na 'to ay applicable sa kung sino mang magkapareha, kung ikaw ay dakilang abangers gaya ng sinasabi ni Ramon Bautista, hindi ko kinukunsidera na pwede mong i-apply para sa'yo ang ibang nakasulat)

Okay, tawagin nalang natin itong mga batas ng isang relasyon.

Unang-una na syempre ang 1. TIWALA. Kung magse-survey din siguro ang AGB Nielsen para sa paksang ito, malamang, nangunguna ito sa lahat ng makukuha nilang sagot. Natural, kung walang tiwala, lahat ng pag-aalala ay halos magiging pagdududa. At kapag nangyari 'yon, pwedeng pagmulan ng tampuhan at kung ano pang kasiraan kung saan pwede kayong magsumbatan at mag-away na ng tuluyan. At ang masaklap pa, baka maging dahilan ng Break-up.

Pero hindi kelangang magmula sa iisang parte lang ng relasyon 'yan. Syempre, kung binibigyan ka ng tiwala ng iyong kapareha, ingatan mo naman. 'WAG KANG MAGSISINUNGALING AT 'WAG KANG MAG-IIMBENTO ng kung ano-anong bagay. Masakit kayang mapag-lihiman. Lalo na kapag mahal mo yung tao. Mabuti na 'yung magsabi ka ng totoo, pero mas mabuti 'yung ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magtalo pa.

Nand'yan ang pagpapa-ubaya, nand'yan ang pagsasakripisyo. Kung alam mong sa una palang na makakasama ang isang bagay sa relasyon n'yo? FINE!, 'wag nang gawin. Siguro naman ay mas matimbang ang relasyon sa lahat ng bagay. Dahil kung hindi, hindi mo siguro mahal ang partner mo dahil nakakaya mo pang ipagpalit sa CRAVINGS ang relasyon n'yo.

2. IPARAMDAM MONG MAHAL MO SIYA. Dito naman talaga nagsisimula ang lahat e, Ito naman talaga ang naging susi kung bakit nabubuo ang relasyon, dahil mahal n'yo ang isa't isa.

Teka, pa'no mo maipaparamdam?. Heto ang mga napakasimpleng mga bagay:
*Goodmorning text - Simple lang, pero rock lol!. Napakasimpleng mensahe pero naglalaman 'yan ng pagmamahal. Pinapakita kasi n'yan na sa bawat pagmulat ng mga mata mo, s'ya na agad ang naaalala mo.

*Goodnight text - Syempre, kung may goodmorning, dapat may goodnight text din, minsan may sweetdreams pa sa dulo (na may halong pagdadasal na "sana ako ang mapanaginipan mo" yiiih) Goodmorning at Goodnight text, importante 'yan!. Parehong mga mensahe na nagpapahiwatig ng pag-aalala, 'wag mo lang lalagyan ng GM sa dulo. Kapag lagi kang naaalala, ibig sabihin, importante ka. <3

*I Love You's - Ito pa ba ang mawawala? no-way!. 'Yung iba sinasabing 'wag daw dadalasan ang pagsambit ng tatlong salitang 'to, baka daw magsawa. Pero ang katotohanan, hinding-hindi ka dapat magsasawang ipahiwatig sa taong mahal mo na mahal mo s'ya, yun ay KUNG TALAGANG MAHAL MO S'YA. Sarap kayang makatanggap n'yan, sa text?, yes! pero mas higit pa sa personal.

*Dapat Updated ang isa't isa - Kung ano man ang ginagawa mo, kung saan ka pupunta, kung sinong kasama mo, may karapatan s'yang malaman. 'Wag na 'wag mong papalampasin ang limang oras na hindi mo man lang s'ya natetext (maliban nalang kung tulog kana sa gabi). For safety reasons mo din naman 'yan. Dahil kung wala kang pagsasabihan kung sino ang nakasama mo, wala karing suspek sa krimen mo kapag natagpuan kang lumulutang sa Ilog-Pasig.

Tandaan mga kabigan, importante ang pagpapadama ng pagmamahal, panatilihin n'yong mainit ang relasyon, dahil kung nanlamig 'yan? baka may ibang nagpapainit sa kanya, at baka pag-initan pa ng kamao mo.

3. RESPETUHIN MO ANG IYONG KAPAREHA. Respeto, 'yan!. Kung ayaw mong lokohin ka n'ya, 'wag kading gagawa ng paraan para lokohin s'ya. Maging Honest!, Maging Loyal!. Ika nga nila Don't do to others wha...... hep, okay, alam kong alam n'yo na.

Mahalaga tong parteng 'to. Dito mo din malalaman kung talagang mahal ka ng taong pinahahalagahan mo. 'Wag mo s'yang ikakahiya bilang boyfriend o girlfriend mo. 'Wag mo din s'yang babarahin, halimbawa: Kapag may nasabi s'yang maling bagay, tapos igigiit mo pa na bobo at tanga s'ya?. Ayy nako, mali yan beybe.

Imbis na pag-sungitan mo ang boyfriend o girlfriend mo, mag-effort ka nalang para mapasaya siya. KUNG KAYANG IBIGAY, IBIGAY MO, 'WAG KANG MADAMOT. 

Give and Take ika nga nila, hindi pwede 'yung take ka nalang nang take at hayaan mo s'yang magipit. Hindi yung binigyan kana nga ng rosas at tsokolate; ibabalik mo sa kanya ay sampal. Ayy BAD!

4. 'WAG MAGPA-LANDI AT 'WAG MAKIPAG-LANDIAN SA IBA. Ito ay para sa lahat. Hindi lang sa babae o sa lalaking miyembro ng relasyon. Pinaka-importante 'to sa lahat ng batas para sa akin. Dahil alam naman nating karamihan sa dahilan ng break-up ngayon ay "Third Party". Lintik na yan, party nang party wala namang balloons!.

Hangga't maaari, 'wag mong hahayaang may pumasok sa buhay mo na bagong tao at maaattach kang mabuti sa kanya. Binigyan ka ng tiwala ng kasintahan mo, wag mong sirain.

'Wag kang magagalit kung babakuran ka ng kapareha mo mula sa iba, gusto lamang n'ya na ma-secure ka n'ya mula sa pagka-agaw. Sino ba namang boyfriend/girlfriend ang gustong maagawan ng minamahal?. At kung papayag ka naman na mag-paagaw. Fuck, hindi ka dapat pang mahalin nino man.

Tandaan, "To segregate yourself from other threats in your relationship is a must!". 'Wag kanang pumayag pa na may maging dahilan ng paghihiwalay n'yo. Yes! trust is a must din. Pero kailangan padin ng 'prevention', dahil hindi mo masasabi, pa'no kung continue mo ngang girlfriend o boyfriend s'ya pero ang pinaglalaanan mo naman ng panahon mo, ibang lalaki o babae?. Ano yan, hahayaan mo nalang na mahulog ang loob mo sa iba habang may karelasyon ka, at aantayin mo nalang dumating yung panahon na mas gusto mo na s'yang kasama at kausap kesa sa Girlfriend o Boyfriend mo?. MAGISIP NGA!

HAHAHAHA Okay, huminahon, huminahon. Naiinis lang ako. May isa kasi akong kaibigan mula noong highschool, sobra s'yang nagtiwala sa kanyang girlfriend. Sobra s'yang nagbigay ng kalayaan. Hinayaan n'yang makipag-bonding sa ibang lalaki ang dapat na sa kanya. Ayun, hindi n'ya alam na sa dami nang pagkakataong nakakasama ni loka ang ibang lalaki, nahuhulog na pala to doon at nakukuha nang manaksil. Haay nako kalayaan. Dapat sinasakal ng watawat ang mga nagpupumilit n'yan. Gusto lang yatang mang-twotime ng iba kaya humihingi ng sobra.

Sa makatuwid, umiwas at 'wag hayaang mahulog ang loob mo sa iba. Hangga't maaga, umiwas ka. Sa ganyang paraan. Maiiwasan ang alitan, at pareho pa kayong protektado sa loob ng relasyon n'yo. Ayaw n'yo yun? walang tampuhan?.

5. KONEKSYON. Ang pinaka-importante sa lahat, koneksyon!. Text man, o tawag. Chat man o e-mail. Hinding-hindi kailangang paabutin na mawala ang koneksyon sa pagitan ninyong dalawa. At gaya ng nabanggit sa una, 'wag mo ring hahayaan na mas may koneksyon ka pa sa iba kesa sa sarili mong kapareha. Baka paabutin mo pa na sa bawat paggising, sa bawat pagguwi mo, dalawang tao ang ina-update mo, ano yan, dalawa gf/bf mo?.

Tandaan, mas kailangan mong pagtuunan ng atensyon ang iyo mismong kapareha. 'Wag mong hayaang mamatay ang kandila dahil hinapan lang ng iba. 'Wag mong hayaang mapunta sa iba ang atensyon na dapat na sa kanya mo ibinibigay.

Importante ang koneksyon sa lahat ng bagay. At ang pinaka-importanteng koneksyon sa lahat ay ang Internet, wag na kayong umalma. Dahil hindi n'yo to mababasa kung wala yan haha.

Kaya mga kaibigan, pangalagaan ang inyong nabuong relasyon. Makuntento, Magtiwala at Magmahal. Dahil kung kahit ano pa man ang dahilan, tatagal parin at tatagal ang relasyon kung gagawin n'yo parehas ang mga paraan para matupad 'yan.

Hindi ba't masaya kapag kayo ay magkasama?. Hindi ba't masaya kung pareho kayong mahal na mahal ang isa't isa?. 'Wag n'yong hayaang masayang ang lahat ng effort na napundar n'yo. Magsakripisyo kung kinakailangan, at d'yan, diyan ay para kanang nagpupundar ng isang matatag na relasyon.

Ito ay inaalay ko sa lahat ng mga taong nagmamahal ng sobra gaya ng pagmamahal ko sa iisang girlfriend ko hehehe. Kaya mga kaibigan,
Salamat sa Pagbabasa :)

Monday, August 12, 2013

GILAS and the Non-Believers

Captured by: Nuki Sabio
Heart over Height.



Napaka-exciting ng mga game. Kada umaga ng isang game-day, para bang hindi ako mapakali at gusto ko sanang mag 8:30 ng gabi na agad. At ang galing. Parang umayon ang lahat ng pagkakataon para sa pambansang koponan ng Pilipinas. Kinapos man sa dulo ng laban nila kontra Chinese-Taipei, eto't sila'y bumangon at nakarating uli sa Final-Four at 'di nagtagal; ay nakamit ang pangarap na makasaling muli sa World cup.

Parang isang panaginip. Finally, nakawala ang Pilipinas sa sumpa at tinumbasan ang mga pagka-bigo sa Korea ng isang napaka-gandang panalo. Hindi ako agad makatulog no'n. Tatlong oras yata akong nakapikit; at naaalala ko parin ang mga pangyayari sa laro. Yung mga drive ni Jason Castro, Yung mga hustle-play ni Pingris, yung dunk ni Japeth na gusto kong ipagyabang na HOY, PINOY YAN!.

Ansaya no? Matapos ang tatlong dekada, sa wakas, nasa Fiba-World na ulit ang Pilipinas.

AND THEY GET INTO THE FINALS

Baka-marahil maraming hindi magaakalang aabot pa sa puntong 'to?. Pero para sa puso ng lahat ng tunay na Pinoy na may nananalaytay pang dugo ni Andres Bonifacio, iisipin mong hinding-hindi 'yan susuko at patuloy lang yan na mananalo.

Size advantage ng kalaban? Given na 'yan. Di makakapag-laro ang Sentro natin?, walang magagawa e. Pero hindi sila sumuko. Nahirapan din ang kalaban. At hindi nila tayo natambakan ng bente-puntos kahit para nalang silang nagbibisikleta na kulang ng isang pidal. Dahil kung hindi lang sana na-penalty agad noong third quarter? Kung naglaro lang sana si Douthit?, e baka nagkabaliktad ang lahat.
-

Ang sakit lang isipin na may mga kontra. May mga hindi parin bumilib. May mga nagsasabing hindi nila kaya. At ang mas masakit, PILIPINO din sila.

Para sa iba, wala lang. Para sa 'instant-fan' lang, parang dumaang laro lang ang lahat.

Pero ako? o kahit sino mang tunay na fan ng Philippine Basketball, hindi ko/natin agad to makakalimutan. 'Yung mga three-point-shots nila Jeff Chan. 'Yung mga buwis-buhay-sama-puso drive ni Jason Castro. 'Yung mga tres ni Jimmy Alapag na galing pang Baclaran. 'Yung mga dakdak ni Japeth Aguilar. 'Yung mga nakakakilabot na rebound ni Marc Pingris. Kung tunay na fan ka, di mo agad makakalimutan yan.

Kaya para sa mga hindi naniniwala, para sa mga wapakels lang, para sa mga nagdududa sa ibilidad nila. Sayang, hindi n'yo man lang naramdaman ang saya, galak, pagkatuwa na naramdaman namin. Sayang hindi n'yo naranasang ma-excite sa bawat game nila; yung tipong habang papalapit nang papalapit ang oras ng pagsisimula ay para bang 'di mo maintindihan ang pakiramdam at gusto mo na agad magstart ang game. Yung parang pakiramdam na meron kang litsong kawali sa kamay mo na isasawsaw mo nalang sa Mang Tomas saka mo kakainin (gano'n ka-exciting para sakin e). Yung nakaka-kuryenteng pakiramdam kapag naririnig mo yung libo-libong mga pinoy na sama-samang sumisigaw sa loob ng Moa Arena. Ang sarap sa pakiramdam, parang lagi lang laban ni Pacquiao.

Pero higit sa lahat. Salamat sa Gilas dahil binigyan nila tayo ng mahigit isang Linggong kaligayahan.

Ako ay isang Pilipino; Mahilig sa Sinigang at Adobo; buong pusong sumasaludo sa Gilas Pilipinas!

Congrats, Gilas Pilipinas!
Salamat sa Pagbabasa! :)

Tuesday, August 6, 2013

Gary David, kailangan ka ng Pinas

Photo from: http://www.interaksyon.com/
Itong picture na 'to. Ito mismo ang pwedeng magpabalik-tanaw kung bakit maraming bumilib at nagalit sa kanya. Syempre, hindi maipagkakailang karamihan ng may ayaw sa kanya ay mga fans ng San-Mig Coffee ngayon.

Marahil, kung ikaw ay isang long-time San-Mig fan na kagaya ko. Kapag nabanggit ang pangalang Gary David; ito ang maaalala mo > http://www.youtube.com/watch?v=e7Em-d9KXJY

Yung pagtakbo n'ya sa court habang tinititigan ang mga kamay n'ya na para bang nagpapakita ng pagka-arogante (sa kabilang banda). At yung pag-harap at pag-sigaw n'ya sa crowd sa larong 'yon. 'Yung mga three-point shots n'ya na hinabol ka sa pagtulog mo sa gabing iyon. Marahil maging dahilan kumbakit ayaw mo sa kanya.

Sa madaling salita; tinalo ka n'ya, tinalo n'ya ko, tinalo n'ya ang team ko sa isang asdfghjkl na pangyayari.

Aminin mo, gusto mo s'yang ihawin nung mga panahong yon.

Siguro matagal pa bago mo makalimutan o pwede ring hindi na.


Pero eto na siya ngayon. Player ng pambansang koponan ng Pilipinas. Susuportahan mo ba siya?.

Ako?, Oo, bakit ko isusumpa yung taong nagpa-bigo sa sinusuportahan kong team noon. Bakit ko s'ya isusumpa habang-buhay e nakabawi naman tayo ng isang magandang championship pagkatapos no'n.

Oo, sinusuportahan ko na s'ya suot ang uniporme ng Pilipinas. Kahit naging dahilan s'ya kung bakit nawalan ako ng ganang kumain ng Adobo noong tinalo n'ya ang B-Meg team ko.

'Yung huling tatlong game ng Gilas na invisible s'ya? Isa ako sa mga nagtu-tweet ng: "Nasa'n na yung nagliliyab na mga kamay mo?"

At dumating yung kagabi. Napa-isip ako. Yung dating binu-boo ng mga tao. Ngayon, buong arena na ang sumisigaw ng pangalan niya.


Then he finally drained a three-point-shot.

Dumating ang three-point shot n'ya na para bang isang game-winner kahit hindi.

Ano?, Kailangan pa ba natin s'yang madaliin?. Kailangan pa ba nating magtanong at magduda sa abilidad nitong taong to?.

Aaminin ko; isa ako sa mga nagduda. Pero kaya kong baguhin ang isip ko at sabihing; "Sensya na, nainip lang ako". Nainip lang ako na pumasok ang mga jump-shots n'ya.

Ang sarap siguro ng pakiramdam n'ya habang naririnig n'ya ang libo-libong taong naghihintay na pagbigyan n'ya ang inaasam nila.

Ang sarap din siguro kung si James Yap o si Mark Caguioa o si Arwind Santos siya.

Pero narito ako, naging hater n'ya. At nagsasabing: Gary David, Kailangan ka ng Pinas.

Thanks for Reading.
Go Gilas Pilipinas!

Sunday, August 4, 2013

They say, Taipei has it's own James Yap

Our National basketball team just fought hard last night, but just another 'bilog ang bola' moment occurred. They've been showing best basketball through their last three games. Fans are very loud. But in a matter of fatigue, they ended up short.

Taiwan's version of James Yap, Lin Chih-Chieh just murdered the Philippines score-board by his jump-shots.

I remember James Yap being a member of the National team in '09. What if he still?

Here is a video of the highlights of James Yap's game versus Taiwan. Look, nagbabantayan sila.


Above all else, this is not the end. The tournament is not yet done. We have a lot of games to cheer for Gilas.

We may have lost our battle, but not the war.

Friday, August 2, 2013

Ang mundo sa kabilang buhay Ayon kay Gandalf


Marami ang nagsasabi na 'There's a Life after Death'. Na kapag ikaw daw ay pumanaw, mabubuhay kang muli sa ibang katauhan. Or maybe, mapupunta ka naman sa langit.

Pero saan ka ba talaga sunod na mapupunta pagkatapos kang kunin ni Lord mula sa lupa?. Diretso ka bang Langit?. Sabi kasi ng marami ay dalawa lang daw ang posible mong patunguhan kapag namatay ka na, It's either The HELL or The HEAVEN.

Syempre, kung tayo lang ang papipiliin ay mas gusto natin mapunta sa mas magandang lugar. Sa tunog pa lang ng mga salitang Hell at Heaven e, alam mo na kung saan ang mas komportableng destinasyon.

Sabi nila, kapag yumao ka. Mamamahinga ka na sa langit. The word itself: "mamamahinga", ibig sabihin mapupunta ka sa isang lugar na napaka-komportable, malayo sa Traffic, malayo sa School, malayo sa Work, sadly malayo din sa mga nakasama mo habang nabubuhay ka pa.

Nakakatuwang isipin ang mundo sa kabilang buhay ayon kay Gandalf. Kung napanuod n'yo ang Lord of the Rings trilogy. Ay siguradong mahihiwagaan kayo sa myth/fiction o fiction/myth ng mga movies o mga librong ito.

"Death is just another path, one that we all must take."
Ayon kay Gandalf, isa lamang daan o isa lamang destinasyon na magiging parte ng buhay mo.


Bilang isang Christianity inspired movie-series. Isa sa mga Christ-figure si Gandalf, bukod kay Frodo at Aragorn. Maliban sa kanyang resurrection sa story. Arguably, isa naman s'ya talaga.


Pippin: I didn't think it would end this way.
(Gandalf looks at him in surprise)
Gandalf: End? No, the journey doesn't end here. Death is just another part, one that we all must take. The grey rain curtain of this world rolls back and all turns to silver glass. And then you'll see it.
(Pippin listens hopefully, as the sounds of the battle around them fade.)
Pippin: What Gandalf? See what?.
Gandalf: White shores, and beyond. A far green country under a swift sunrise.
Pippin: Well, that isn't so bad.
Gandalf: No, no it isn't.

Parang nakakapag-panatag naman ng loob kapag iisipin mo.

Wednesday, July 24, 2013

ISSUE (The Bus-ban)

Owner: Jimmy Dumlao. fb > http://goo.gl/4m75T9
Maraming nahirapan, na-perwisyo, na-guluhan o kung ano mang salita ang sabihin, basta marami ang namroblema sa ipinatupad na bus-ban sa Maynila.

Sabi ng iba, okey lang yan. kelangan ding mag-sacrifice para sa ikabubuti ng marami. eyng? E pano kung MARAMI din yung hindi nabubutihan dito?.

Pero tama naman, minsan kailangan din ng mamamayan na maki-sakay, maki-sabay at maki-isa kung ang magiging epekto naman ay magiging maganda.

Subalit pa'no mo masasabing maganda kung maraming nagsasabing napeperwisyo sila?. 

Yung iba kasi, imbis na isang sakayan nalang, kelangan pang maglakad ng malayo at sumakay ulit ng ibang sasakyan. E pa'no na 'yung mga estudyanteng kelangang humabol sa exam o kaya'y late na nga, mas lalong male-late pa. Pa'no na yung mga disabled?. Pa'no na yung may mga dalang mabibigat?. Pa'no na yung mga matatandang hindi handa dito?. At pa'no na yung sakto na nga yung baon at pamasahe tapos ngayon magigipit pa?.

At nakukuha pa ng iba na mamilosopo at basta nalang mag-magsalita na 'mag-adjust kayo'.

Nga naman. napaka-dali kasing magsalita at mag-payo lalo na kung hindi ka naman kabilang sa nahihirapan. Napakadali namang magsalita sa topic lalo na kung hindi ka naman nagko-commute at prenting-prenti ka lang na nahahatid ng air-con mong oto.

"Napatupad sa ibang bansa e, bakit hindi natin ipatupad satin?" - MMDA Chairman Tolentino

At ang sabi ng iba?: Problema sa iba hindi marunong magsakripisyo, mag-dorm nalang kayo para di ma-late.

Reality Bites!. Hindi naman kasi porket pwedeng ipatupad sa Hong Kong o saan mang bansa ang isang sistema ay pwede na din sa Pinas.

Mabuti sana kung gaya ng Hong Kong at Korea e wala ding nagje-jaywalking satin.

Mabuti sana kung gaya nga ng ibang bansa na pinanggagayahan ng sistema na 'to e may sariling bus-stop din ang mga public-vehicle dito sa Pinas. At yung hindi ka maliligaw gaya sa Hong Kong kahit magpatransfer-transfer ka dahil masyadong organize ang lahat ng paraan para makarating ka sa patutunguhan mo.

Mabuti sana kung lahat ng driver dito sa Pinas ay masyadong disiplinado at hindi yung makakakita ka ng jeep na nagbababa ng pasahero habang sakop ang dalawang lane ng kalsada.

Mabuti sana kung ang lahat ng estudyanteng epektado e afford na mag-dorm or condo.

Mabuti sana kung maglalakad ka ng malayo e walang lalapit sa'yo para hablutin ang bag mo.

Mabuti sana kung sa paglalakad sa gabi ng mga estudyante at empleyado ay walang magdidiklera ng holdap sa kanila at hindi ka iiwanan ng holdaper na may gripo sa katawan.

Mabuti sana kung lahat ng jeep e pwede kang maging komportable sa pagsakay at hindi yung amoy mo na ang kili-kili ng katabi mo, may gana pang mag-sakay ng isa.

Mabuti sana kung sa loob ng walumpu't anim na libo't apat na raang segundo e 'visible' ang police visibility.
-

Kung sana mas maayos yung inibang sistema. Yung tipong walang masyadong magte-take ng risk sa mga pagsakay. Yung mas ligtas ka sa sasakyan mo. Yung hindi masyadong magiging mahal ang pamasahe. Yung masyadong convenient at walang kapalit na pahirap sa iba. Edi sana wala nang aalma.

Higit pa sa kung anuman. Nasa pagiging disiplinado pa din naman ng bawat Pinoy ang lahat. Dahil kung nung una palang ay sumusunod ang bawat-isa? at kung walang pasaway sa lansangan?. Edi sana hindi napansin na bus ang may kasalanan at hindi naipatupad ang bus ban.

Salamat sa pagbabasa

Thursday, July 18, 2013

ISSUE part 1

Ang korni naman ng MMDA. gustong i-apply ang sistema ng batas-trapiko ng Hong Kong at Los Angeles sa Pinas.

Sana naisip din nila na ang isa sa problema din ng trapiko sa maynila e yung disiplina ng mga nagmamaneho ng mga kanya-kanyang sasakyan.

E makakakita ka ba naman kasi ng mga public vehicle na nagbababa ng pasahero sa gitna ng 4-lane na kalsada sa Hong Kong?. Hindi, dito lang yan!.

Kaya din naman nagkakaro'n ng traffic e dahil nga maraming sasakyan. Di naman kasi si Optimus Prime yung mga truck na para lumuwag ang kalsada e pwedeng mag-transform.

Puro taxi at double-deck na bus kasi ang meron don at disiplinado pa silang magbaba sa mga itinalagang bus-stop. Dito kasi pinagbawal na ng RA-Law na magkaron ng mga matatangkad na bus. Nakakasagabal kasi sa serbisyo ng Meralco.

Photo from: http://goo.gl/SGlu1
Sabi ni Chairman Tolentino e, kung napapatupad sa ibang bansa ang sistema, bakit hindi gawin sa Pinas?. Hala, dapat maisip din n'ya na mas maraming sasakyan ang meron sa kalsada ng Pilipinas. Madali nadin kasing makakuha ng driver's-licence ngayon sa bansa natin e. Dedma na kasi ang LTO na pwedeng magkaron ng mga adik na driver ngayon dahil dito > http://goo.gl/Ue5Qa

Pero ayos din yung pinatupad nila para sa mga trailer-trucks. Yung sa madaling-araw nalang yung biyahe?. Bawas na nga sa traffic sa umaga, kikita pa ang Nescafe. Ayos, double purpose!.

HAHAHA. At kitang-kita sa larawan sa taas na muntik nang 'di magkasya ang isang double-deck na bus sa isang over-pass sa Maynila noong 1980. 

Ang daming overpass ngayon na useless na. Yung overpass kasi sa ibang lugar e nagiging tindahan ng mga pirated DVDs at tinapa.

Hindi pa kasi palaganapin ng Pamahalaan ang mga underpass sa'tin. Tinatamad ba silang maghukay?. Kung ganon e daig pa sila na mga magnanakaw na mat'yagang maghukay hanggang makapunta sa ilalim ng isang pawnshop.

Salamat sa Pagbabasa, hanggang dito nalang muna :)
Isang paimbentong series! siguro hindi naman masama maglabas ng saloobin sa mga nangyayari sa Pinas diba? So kesa naman na nabubulok sa isip ko e subukan ko nalang i-blog ang bawat reaksyon ko sa mga balitang nalalaman ko araw-araw :)