|
View of the city from the mountain peak |
Hindi dahil sa gusto ko lang magkaroon ng tatak ang aking passport, gusto ko rin namang maka-experience na tumapak sa ibang mixed ng simento. Pati no choice ako e, alangan kasing maiwan ako sa bahay at nasa Hong Kong ang pamilya ko diba?.
Sadyang malaki talaga ang pagitan ng Pilipinas, hindi lang sa layo, dahil literal na malaki ang pagitan ng pagka-asensado at pagka-sibilisado ng dalawang nasabing lugar. Sa Airport palang ay mapupuna mo na ang malaking pagkaka-iba.
Masyado ding disiplinado ang mga tao dito. Ang tanging nagiging PALABOY na makikita mo sa daan e yung mga turista mismo. Wala kang makikitang nangangalabit at manghihingi ng piso. Maliit lang din ang chance na maligaw ka dahil masyado ring organized ang transportation dito. Sa halagang 2.3 HK dollar e pwede kang sumakay ng tram na hindi nagbabago ang presyo kahit gaano kalayo ang pupuntahan mo. Mabagal nga lang.
|
Tram-train |
Disiplinado ang mga tao sa lugar na to, oo, pero hanggang sa pagsunod lang ng batas. Dahil kung sa pakikipag-kapwa tao e hindi papasa ang mga nandito dahil hindi naman lang sila marunong mag-excuse. Pero 'wag ka, kahit naman ganon ang ugali nila ay hindi naman sila nananamantala ng kapwa. Ni hindi nga mawawala ang bag mo sa mall kahit iwanan mo s'ya ng ilang oras sa isang tabi. At kung mawawala man, asahan mo daw na Pilipino ang kumuha non.
At naisipan kong kumuha ng mga videos. Sayang! Hindi lahat ng napuntahan ko meron!
Isa sa magandang nakita ko dito ay sa gitna ng naglalakihang building at sa gitna ng mga konkretong kalsada ay may inilalaan parin silang espasyo para sa mga puno't halaman. Aba, akalain mong lumalapit pa mismo sa'kin ang mga ibon dito?. Sabagay, sa Pilipinas kasi huhulihin lang sila agad at kukulayan para ibenta sa harap ng simbahan t'wing Linggo. Kaya wala kang makikitang ganitong tagpo dito. ↓↓↓
At ang mga nagsisilakihang gulay XD
Sorry insan, nasa thumbnail ka ng vid. XD
Tae, kelangan n'yong tumabingi para mapanood ng maayos to haha
Maliit lang pero maganda! Ang sarap din bumalik! Walang spaghetti wires sa mga poste di tulad sa atin na provided pa ng Meralco. Express trains? express talaga! kaya kang ihatid sa kabilang isla habang dumadaan sa ilalim ng dagat. Nature-lover din kahit City na!. At ang kinapipitag-pitagang WiFi Connection na kahit sa isang plaza lang e makakasagap ka. Pero 'di ko parin ipagpapalit ang Adobo :))
Sa huli ay tatanungin mo nalang sa sarili mo na: kelan kaya magiging ganito ang pinas?. Pero nakakamiss din, Paguwi mo ay paniguradong hahanapin mo ang kanin!
Salamat sa Pagbabasa
Wait, first time kong makakita ng pakendeng-kendeng na hayop! Penguin beybe!