Wednesday, July 24, 2013

ISSUE (The Bus-ban)

Owner: Jimmy Dumlao. fb > http://goo.gl/4m75T9
Maraming nahirapan, na-perwisyo, na-guluhan o kung ano mang salita ang sabihin, basta marami ang namroblema sa ipinatupad na bus-ban sa Maynila.

Sabi ng iba, okey lang yan. kelangan ding mag-sacrifice para sa ikabubuti ng marami. eyng? E pano kung MARAMI din yung hindi nabubutihan dito?.

Pero tama naman, minsan kailangan din ng mamamayan na maki-sakay, maki-sabay at maki-isa kung ang magiging epekto naman ay magiging maganda.

Subalit pa'no mo masasabing maganda kung maraming nagsasabing napeperwisyo sila?. 

Yung iba kasi, imbis na isang sakayan nalang, kelangan pang maglakad ng malayo at sumakay ulit ng ibang sasakyan. E pa'no na 'yung mga estudyanteng kelangang humabol sa exam o kaya'y late na nga, mas lalong male-late pa. Pa'no na yung mga disabled?. Pa'no na yung may mga dalang mabibigat?. Pa'no na yung mga matatandang hindi handa dito?. At pa'no na yung sakto na nga yung baon at pamasahe tapos ngayon magigipit pa?.

At nakukuha pa ng iba na mamilosopo at basta nalang mag-magsalita na 'mag-adjust kayo'.

Nga naman. napaka-dali kasing magsalita at mag-payo lalo na kung hindi ka naman kabilang sa nahihirapan. Napakadali namang magsalita sa topic lalo na kung hindi ka naman nagko-commute at prenting-prenti ka lang na nahahatid ng air-con mong oto.

"Napatupad sa ibang bansa e, bakit hindi natin ipatupad satin?" - MMDA Chairman Tolentino

At ang sabi ng iba?: Problema sa iba hindi marunong magsakripisyo, mag-dorm nalang kayo para di ma-late.

Reality Bites!. Hindi naman kasi porket pwedeng ipatupad sa Hong Kong o saan mang bansa ang isang sistema ay pwede na din sa Pinas.

Mabuti sana kung gaya ng Hong Kong at Korea e wala ding nagje-jaywalking satin.

Mabuti sana kung gaya nga ng ibang bansa na pinanggagayahan ng sistema na 'to e may sariling bus-stop din ang mga public-vehicle dito sa Pinas. At yung hindi ka maliligaw gaya sa Hong Kong kahit magpatransfer-transfer ka dahil masyadong organize ang lahat ng paraan para makarating ka sa patutunguhan mo.

Mabuti sana kung lahat ng driver dito sa Pinas ay masyadong disiplinado at hindi yung makakakita ka ng jeep na nagbababa ng pasahero habang sakop ang dalawang lane ng kalsada.

Mabuti sana kung ang lahat ng estudyanteng epektado e afford na mag-dorm or condo.

Mabuti sana kung maglalakad ka ng malayo e walang lalapit sa'yo para hablutin ang bag mo.

Mabuti sana kung sa paglalakad sa gabi ng mga estudyante at empleyado ay walang magdidiklera ng holdap sa kanila at hindi ka iiwanan ng holdaper na may gripo sa katawan.

Mabuti sana kung lahat ng jeep e pwede kang maging komportable sa pagsakay at hindi yung amoy mo na ang kili-kili ng katabi mo, may gana pang mag-sakay ng isa.

Mabuti sana kung sa loob ng walumpu't anim na libo't apat na raang segundo e 'visible' ang police visibility.
-

Kung sana mas maayos yung inibang sistema. Yung tipong walang masyadong magte-take ng risk sa mga pagsakay. Yung mas ligtas ka sa sasakyan mo. Yung hindi masyadong magiging mahal ang pamasahe. Yung masyadong convenient at walang kapalit na pahirap sa iba. Edi sana wala nang aalma.

Higit pa sa kung anuman. Nasa pagiging disiplinado pa din naman ng bawat Pinoy ang lahat. Dahil kung nung una palang ay sumusunod ang bawat-isa? at kung walang pasaway sa lansangan?. Edi sana hindi napansin na bus ang may kasalanan at hindi naipatupad ang bus ban.

Salamat sa pagbabasa

Thursday, July 18, 2013

ISSUE part 1

Ang korni naman ng MMDA. gustong i-apply ang sistema ng batas-trapiko ng Hong Kong at Los Angeles sa Pinas.

Sana naisip din nila na ang isa sa problema din ng trapiko sa maynila e yung disiplina ng mga nagmamaneho ng mga kanya-kanyang sasakyan.

E makakakita ka ba naman kasi ng mga public vehicle na nagbababa ng pasahero sa gitna ng 4-lane na kalsada sa Hong Kong?. Hindi, dito lang yan!.

Kaya din naman nagkakaro'n ng traffic e dahil nga maraming sasakyan. Di naman kasi si Optimus Prime yung mga truck na para lumuwag ang kalsada e pwedeng mag-transform.

Puro taxi at double-deck na bus kasi ang meron don at disiplinado pa silang magbaba sa mga itinalagang bus-stop. Dito kasi pinagbawal na ng RA-Law na magkaron ng mga matatangkad na bus. Nakakasagabal kasi sa serbisyo ng Meralco.

Photo from: http://goo.gl/SGlu1
Sabi ni Chairman Tolentino e, kung napapatupad sa ibang bansa ang sistema, bakit hindi gawin sa Pinas?. Hala, dapat maisip din n'ya na mas maraming sasakyan ang meron sa kalsada ng Pilipinas. Madali nadin kasing makakuha ng driver's-licence ngayon sa bansa natin e. Dedma na kasi ang LTO na pwedeng magkaron ng mga adik na driver ngayon dahil dito > http://goo.gl/Ue5Qa

Pero ayos din yung pinatupad nila para sa mga trailer-trucks. Yung sa madaling-araw nalang yung biyahe?. Bawas na nga sa traffic sa umaga, kikita pa ang Nescafe. Ayos, double purpose!.

HAHAHA. At kitang-kita sa larawan sa taas na muntik nang 'di magkasya ang isang double-deck na bus sa isang over-pass sa Maynila noong 1980. 

Ang daming overpass ngayon na useless na. Yung overpass kasi sa ibang lugar e nagiging tindahan ng mga pirated DVDs at tinapa.

Hindi pa kasi palaganapin ng Pamahalaan ang mga underpass sa'tin. Tinatamad ba silang maghukay?. Kung ganon e daig pa sila na mga magnanakaw na mat'yagang maghukay hanggang makapunta sa ilalim ng isang pawnshop.

Salamat sa Pagbabasa, hanggang dito nalang muna :)
Isang paimbentong series! siguro hindi naman masama maglabas ng saloobin sa mga nangyayari sa Pinas diba? So kesa naman na nabubulok sa isip ko e subukan ko nalang i-blog ang bawat reaksyon ko sa mga balitang nalalaman ko araw-araw :)

Sunday, July 7, 2013

Speakers for Beatles


Because it is my mother's favorite band and my cousin's wedding song-playlist are their songs. I am now turned on to listen to The Beatles.

'I do not own the graphic-picture. I just put a lyric-quote on the side'

Thursday, July 4, 2013

The Funny Kuya Kim

At dahil akoy madalas na nagba-babad sa Facebook, aking nasusubaybayan ang iba't-ibang kaganapan na nangyayari sa social-networking-site na ito.

Napansin ko na lumalaganap narin ang mga parody account ng mga artista sa Facebook na naunang nag-invade sa Twitter.

Isa ang parody account ni Kuya Kim = *LINK* na madalas mong makikita sa mga comment section ng mga Facebook Fan-pages. 

Kanina lang ay may nabasa akong kakatwang conversation dahil may isang Facebook-user ang nakipag-sagutan kay Kuya Kim (not the real one). 

Nag-hayag s'ya ng isang kaalaman tungkol sa isang topic kaugnay ng isang post na ito: *LINK*


Bagamat gumagawa lang naman ng kakatawang komento ang account na 'to, masyado naman yatang namersonal ang kumalaban sa kanya.


Well, mas natawa pa ako nang aking tignan ang facebook-profile mismo ni Mr A.P... akmang-akma pala ang cholesterol comment ni Kuya Kim (not the real one nga!!)

Yun Lang!