Paunawa: Ang lahat ng mababasa n'yo sa baba ay akin lamang pananaw ukol sa topic na tatalakayin. Meron parin kayong free-will para maniwala at humusga sa anumang inyong mababasa.
Syempre lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng isang relasyon na magtatagal at kung maghahangad pa, syempre yung hindi na sana matatapos pa. Lahat tayo naga-asam ng isang kapareha na gusto nating; s'ya na habang-buhay. Pero mahirap, mahirap makahanap ng halimbawa sa panahon ngayon, marami na kasing 'iwanang' nagaganap. Kaya narito ang sa tingin ko'y mga paraan para sa isang magandang relasyon:
(Teka-Muna-Wait, anumang nakasaad sa article na 'to ay applicable sa kung sino mang magkapareha, kung ikaw ay dakilang abangers gaya ng sinasabi ni Ramon Bautista, hindi ko kinukunsidera na pwede mong i-apply para sa'yo ang ibang nakasulat)
Okay, tawagin nalang natin itong mga batas ng isang relasyon.
Unang-una na syempre ang 1. TIWALA. Kung magse-survey din siguro ang AGB Nielsen para sa paksang ito, malamang, nangunguna ito sa lahat ng makukuha nilang sagot. Natural, kung walang tiwala, lahat ng pag-aalala ay halos magiging pagdududa. At kapag nangyari 'yon, pwedeng pagmulan ng tampuhan at kung ano pang kasiraan kung saan pwede kayong magsumbatan at mag-away na ng tuluyan. At ang masaklap pa, baka maging dahilan ng Break-up.
Pero hindi kelangang magmula sa iisang parte lang ng relasyon 'yan. Syempre, kung binibigyan ka ng tiwala ng iyong kapareha, ingatan mo naman. 'WAG KANG MAGSISINUNGALING AT 'WAG KANG MAG-IIMBENTO ng kung ano-anong bagay. Masakit kayang mapag-lihiman. Lalo na kapag mahal mo yung tao. Mabuti na 'yung magsabi ka ng totoo, pero mas mabuti 'yung ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magtalo pa.
Nand'yan ang pagpapa-ubaya, nand'yan ang pagsasakripisyo. Kung alam mong sa una palang na makakasama ang isang bagay sa relasyon n'yo? FINE!, 'wag nang gawin. Siguro naman ay mas matimbang ang relasyon sa lahat ng bagay. Dahil kung hindi, hindi mo siguro mahal ang partner mo dahil nakakaya mo pang ipagpalit sa CRAVINGS ang relasyon n'yo.
2. IPARAMDAM MONG MAHAL MO SIYA. Dito naman talaga nagsisimula ang lahat e, Ito naman talaga ang naging susi kung bakit nabubuo ang relasyon, dahil mahal n'yo ang isa't isa.
Teka, pa'no mo maipaparamdam?. Heto ang mga napakasimpleng mga bagay:
*Goodmorning text - Simple lang, pero rock lol!. Napakasimpleng mensahe pero naglalaman 'yan ng pagmamahal. Pinapakita kasi n'yan na sa bawat pagmulat ng mga mata mo, s'ya na agad ang naaalala mo.
*Goodnight text - Syempre, kung may goodmorning, dapat may goodnight text din, minsan may sweetdreams pa sa dulo (na may halong pagdadasal na "sana ako ang mapanaginipan mo" yiiih) Goodmorning at Goodnight text, importante 'yan!. Parehong mga mensahe na nagpapahiwatig ng pag-aalala, 'wag mo lang lalagyan ng GM sa dulo. Kapag lagi kang naaalala, ibig sabihin, importante ka. <3
*I Love You's - Ito pa ba ang mawawala? no-way!. 'Yung iba sinasabing 'wag daw dadalasan ang pagsambit ng tatlong salitang 'to, baka daw magsawa. Pero ang katotohanan, hinding-hindi ka dapat magsasawang ipahiwatig sa taong mahal mo na mahal mo s'ya, yun ay KUNG TALAGANG MAHAL MO S'YA. Sarap kayang makatanggap n'yan, sa text?, yes! pero mas higit pa sa personal.
*Dapat Updated ang isa't isa - Kung ano man ang ginagawa mo, kung saan ka pupunta, kung sinong kasama mo, may karapatan s'yang malaman. 'Wag na 'wag mong papalampasin ang limang oras na hindi mo man lang s'ya natetext (maliban nalang kung tulog kana sa gabi). For safety reasons mo din naman 'yan. Dahil kung wala kang pagsasabihan kung sino ang nakasama mo, wala karing suspek sa krimen mo kapag natagpuan kang lumulutang sa Ilog-Pasig.
Tandaan mga kabigan, importante ang pagpapadama ng pagmamahal, panatilihin n'yong mainit ang relasyon, dahil kung nanlamig 'yan? baka may ibang nagpapainit sa kanya, at baka pag-initan pa ng kamao mo.
3. RESPETUHIN MO ANG IYONG KAPAREHA. Respeto, 'yan!. Kung ayaw mong lokohin ka n'ya, 'wag kading gagawa ng paraan para lokohin s'ya. Maging Honest!, Maging Loyal!. Ika nga nila Don't do to others wha...... hep, okay, alam kong alam n'yo na.
Mahalaga tong parteng 'to. Dito mo din malalaman kung talagang mahal ka ng taong pinahahalagahan mo. 'Wag mo s'yang ikakahiya bilang boyfriend o girlfriend mo. 'Wag mo din s'yang babarahin, halimbawa: Kapag may nasabi s'yang maling bagay, tapos igigiit mo pa na bobo at tanga s'ya?. Ayy nako, mali yan beybe.
Imbis na pag-sungitan mo ang boyfriend o girlfriend mo, mag-effort ka nalang para mapasaya siya. KUNG KAYANG IBIGAY, IBIGAY MO, 'WAG KANG MADAMOT.
Give and Take ika nga nila, hindi pwede 'yung take ka nalang nang take at hayaan mo s'yang magipit. Hindi yung binigyan kana nga ng rosas at tsokolate; ibabalik mo sa kanya ay sampal. Ayy BAD!
4. 'WAG MAGPA-LANDI AT 'WAG MAKIPAG-LANDIAN SA IBA. Ito ay para sa lahat. Hindi lang sa babae o sa lalaking miyembro ng relasyon. Pinaka-importante 'to sa lahat ng batas para sa akin. Dahil alam naman nating karamihan sa dahilan ng break-up ngayon ay "Third Party". Lintik na yan, party nang party wala namang balloons!.
Hangga't maaari, 'wag mong hahayaang may pumasok sa buhay mo na bagong tao at maaattach kang mabuti sa kanya. Binigyan ka ng tiwala ng kasintahan mo, wag mong sirain.
'Wag kang magagalit kung babakuran ka ng kapareha mo mula sa iba, gusto lamang n'ya na ma-secure ka n'ya mula sa pagka-agaw. Sino ba namang boyfriend/girlfriend ang gustong maagawan ng minamahal?. At kung papayag ka naman na mag-paagaw. Fuck, hindi ka dapat pang mahalin nino man.
Tandaan, "To segregate yourself from other threats in your relationship is a must!". 'Wag kanang pumayag pa na may maging dahilan ng paghihiwalay n'yo. Yes! trust is a must din. Pero kailangan padin ng 'prevention', dahil hindi mo masasabi, pa'no kung continue mo ngang girlfriend o boyfriend s'ya pero ang pinaglalaanan mo naman ng panahon mo, ibang lalaki o babae?. Ano yan, hahayaan mo nalang na mahulog ang loob mo sa iba habang may karelasyon ka, at aantayin mo nalang dumating yung panahon na mas gusto mo na s'yang kasama at kausap kesa sa Girlfriend o Boyfriend mo?. MAGISIP NGA!
HAHAHAHA Okay, huminahon, huminahon. Naiinis lang ako. May isa kasi akong kaibigan mula noong highschool, sobra s'yang nagtiwala sa kanyang girlfriend. Sobra s'yang nagbigay ng kalayaan. Hinayaan n'yang makipag-bonding sa ibang lalaki ang dapat na sa kanya. Ayun, hindi n'ya alam na sa dami nang pagkakataong nakakasama ni loka ang ibang lalaki, nahuhulog na pala to doon at nakukuha nang manaksil. Haay nako kalayaan. Dapat sinasakal ng watawat ang mga nagpupumilit n'yan. Gusto lang yatang mang-twotime ng iba kaya humihingi ng sobra.
Sa makatuwid, umiwas at 'wag hayaang mahulog ang loob mo sa iba. Hangga't maaga, umiwas ka. Sa ganyang paraan. Maiiwasan ang alitan, at pareho pa kayong protektado sa loob ng relasyon n'yo. Ayaw n'yo yun? walang tampuhan?.
5. KONEKSYON. Ang pinaka-importante sa lahat, koneksyon!. Text man, o tawag. Chat man o e-mail. Hinding-hindi kailangang paabutin na mawala ang koneksyon sa pagitan ninyong dalawa. At gaya ng nabanggit sa una, 'wag mo ring hahayaan na mas may koneksyon ka pa sa iba kesa sa sarili mong kapareha. Baka paabutin mo pa na sa bawat paggising, sa bawat pagguwi mo, dalawang tao ang ina-update mo, ano yan, dalawa gf/bf mo?.
Tandaan, mas kailangan mong pagtuunan ng atensyon ang iyo mismong kapareha. 'Wag mong hayaang mamatay ang kandila dahil hinapan lang ng iba. 'Wag mong hayaang mapunta sa iba ang atensyon na dapat na sa kanya mo ibinibigay.
Importante ang koneksyon sa lahat ng bagay. At ang pinaka-importanteng koneksyon sa lahat ay ang Internet, wag na kayong umalma. Dahil hindi n'yo to mababasa kung wala yan haha.
Kaya mga kaibigan, pangalagaan ang inyong nabuong relasyon. Makuntento, Magtiwala at Magmahal. Dahil kung kahit ano pa man ang dahilan, tatagal parin at tatagal ang relasyon kung gagawin n'yo parehas ang mga paraan para matupad 'yan.
Hindi ba't masaya kapag kayo ay magkasama?. Hindi ba't masaya kung pareho kayong mahal na mahal ang isa't isa?. 'Wag n'yong hayaang masayang ang lahat ng effort na napundar n'yo. Magsakripisyo kung kinakailangan, at d'yan, diyan ay para kanang nagpupundar ng isang matatag na relasyon.
Ito ay inaalay ko sa lahat ng mga taong nagmamahal ng sobra gaya ng pagmamahal ko sa iisang girlfriend ko hehehe. Kaya mga kaibigan,
Salamat sa Pagbabasa :)