2009-2010 Philippine Cup Champion: Purefoods TJ Giants. Photo from: PurefoodsFacebookPage |
Isang buwan. Halos isang buwan palang o mahigit pa ang nakalipas kung babalikan ang huling championship ng San-Miguel-Purefoods franchise team na ngayo'y San Mig Coffee Mixers na. Isang buwan mula nang matapos ulit ang isang Finals-series kung saan umabot pa ng isang "Game 7". Isang buwan mula nang mag-champion ulit ang team ko. At isang buwan mula nang madagdagang muli ang sabihin na nating...... hmmm.... "critics o haters" nila.
Bakit nga ba dumadami ang haters ng isang Tao? Ng isang Artista? Ng isang Dance-Group? Ng isang Basketball-player? Ng isang Koponan? Dalawang sagot ang nasa obserbasyon ko.
Una; Kapag may nagawang katangahan, kamalasan, kamalian ang isang tao/grupo. Tulad ng pagsasabi ni Mar Roxas ng "P*t*ng *na" sa speech n'ya sa anti cha-cha rally noong December 2008. Tulad ng pagsapak ni Mayweather kay Victor Ortiz habang nagke-candy-crush yung referee (ahh ehh hindi kasi nakatingin e). Tulad ng pagsasabi ni Janet Lim Napoles ng "Hindi ko po alam" kahit alam n'ya naman talaga. Diba? Syempre huhugot ng negativity impact kapag may kapalpakan o hindi makatarungang ginawa ang isang personalidad o grupo.
Pangalawa; kapag may nagawang kabilib-bilib o kagila-gilalas o kamangha-mangha ang isang tao/grupo. 'Di na ko lalayo, nung binansagang "Face of the PBA" si James Yap e ang dami nang umalma. As usual, kasi hindi napunta yung karangalan sa gusto nilang manalo e. Kasi hindi napunta sa idol nila. Isa pang example, nung mga panahong nagpapapanalo si Manny Pacquiao, hindi ba't ang mga fans ni Floyd Mayweather at ng iba pang mga boksingero ay iginigiit na gumagamit s'ya ng Performance-Enhancing-Drugs? See? basta hater, kahit ano nalang ang masabi basta 'AGAINST' sa ayaw nilang tao/grupo.
E ganon talaga e, kapag may nagawa kang maganda, maraming maiinis sa'yo. kahit nga estudyante lang na magaling sa ALGEBRA maraming nagagalit e.
Pero gano'n ba dapat ang hater? Kailangang gumawa ng dahilan kung saan ididisregard ang mga FACTS, sa halip e kung ano-ano nalang ang sinasabing IMBENTO para lang makapang-bash? o para may masabi lang?
From Wikipedia |
Asa ba sa import ang Purefoods/B-Meg/SanMig o kung ano mang pangalan kung sila ang may hawak ng pinaka-maraming All-Filipino-Cup Championship? Porket si Denzel Bowles ang tumira ng dalawang free-throws, inasa nalang lahat sa kanya? Hindi ba pwedeng kaya din sila umabot ng Game 7 ay dahil naging Best-Player-Of-The-Game din sina James Yap at PJ Simon sa mga naunang games? Porket ba nanalo ang SanMig sa nakaraang Governor's Cup, si Blakely lang ang nagdala? wala bang nagawa sina Pingris at Barroca at iba pa?. 5/10 championships ng SanMig, walang imported na player. Kalahati. KALAHATI.
Huling championship ng Petron, 2011 "Governor's cup", asa ba sila sa import?
Huling championship ng Alaska, 2013 "Commissioner's cup", best import pa si Robert Dozier, asa ba sila sa import?
Huling championship ng Ginebra, 2008 "Fiesta conference", best import din si Chris Alexander, asa din ba sila sa import?
Kapag ba sinabing nag-champion ang team mo sa isang Conference-With-Import, asa naba sila sa import?
At natural lang naman na gawin ng isang Import ang trabaho nilang Ipanalo-ang Team. Hindi naman binabayaran ng milyung-milyong-piso ang isang Import para magpunas ng sahig. Hindi naman binabayaran ng malaking halaga ang Import para lang maging tagapunas ng pawis at taga-masahe ng mga locals. Hindi naman binabayaran ang isang Import para lang magbutas ng bangko. At hindi rin naman kukuha ang isang team ng import na boplaks. Malamang, yung mas may abilidad kesa sa locals. Hindi naman kukuha ang isang team ng import na 5"3 ang height, puro tattoo, mukhang bungo na player. Kaya nga may import para maging mas competitive ang team. kaya nga may import para manalo ang team.
Walang namang import ang binabayaran para mapunta sa kangkungan ang team.
Walang import na walang abilidad.
At wala pong Import na kinuha lang para umiskor ng 0-pts at 0-rebs.
Salamat sa Pagbabasa.