Naka-handa naba ang mga paputok niyo? |
Anyway, sandamakmak na issue ang nangyari sa Pilipinas ngayong taon. Lumipas na usapin at magiging parang wala lang sa mga sumunod na araw. Kaya subukan nating balikan ang iba, maliban sa pag-hagupit ni Yolanda, pagpapakasal nina Sir Chief at Maya, pagpapakitang gilas nina Chito Miranda at Wally Bayola, 'yung pag-sambit ni Janet Napoles ng mga salitang "HINDI KO PO ALAM" at 'yung paglaganap ng mga anak-ng-tsinelas na cover ng sayaw na Gentlemen sa Youtube at Facebook....
At syempre, yung pagbo-boxing ni ELLEN ADARNA :3
At grabe 'yung ibang kalalakihan ah. Bago raw panuorin ang video sa Youtube; kailangan naka-Full-screen at naka-set sa 720p-HD ang video quaility. Hmmmm ALAM NA!
Bukod sa maraming nasiyahan sa panunuod ng video ni Ellen Adarna sa Youtube ngayong taon, marami paring namroblema, nainis at nalungkot. Dahil nand'yan ang mga kadahilanang hindi parin nila nagawa ang pagda-diet kahit paulit-ulit nila 'tong nilalagay sa kanilang new-years resolution taun-taon. Marami paring hindi mayaman. Marami paring hindi naka-buo ng Simbang Gabi. Marami paring jejemon sa Pilipinas. Maraming masasarap na pagkain ang nag-mahal ang presyo gaya ng Pringles. Marami paring nagpupunta sa simbahan at mall nang naka-shades. Marami paring nag-akala na birthday ni Dr. Jose Rizal ang Rizal Day. Marami paring nagpopost ng Selfie sa Instagram sa kabila ng Hashtag na #AngPangetKo. Marami paring pinagpapalit ang you're sa your. Marami paring naging sawi sa pag-ibig. Marami paring naiwan at na-stock sa friend-zone area. Marami paring hindi nakukuha ang gusto nila. Tulad ko? Sobrang dami kong gustong hindi mapunta sa'kin......... Mga damit, gadgets, pera (syempre).
Pero ang pinaka-masaklap? HINDI PA RIN KAMI NI JESSY MENDIOLA.
...
OUCH </3
At kahit ilang McSpicy ang bilhin ko, ilang branch ng Mcdonalds ang kainan ko, WALA! WALANG Jessy Mendiola na dumarating sa harapan ko para saluhan ako. Kaya laking inggit ko kay Jeric Teng at sa iba pa. #TenginaTalaga!
At bago matapos ang taon na 'to, belated Happy Birthday pa 'rin kay BRO. Para sa mga kababaihan, pasalamatan n'yo ang mga lalaking nagbigay sa inyo ng upuan sa bus. Para sa mga lalaki, pasalamatan n'yo ang mga babaeng natulog sa mga balikat n'yo sa bus kahit hindi n'yo s'ya kilala. Pasalamatan n'yo ang mga taong dumating sa buhay n'yo at naglagay ng ngiti sa inyong mukha kahit panandalian lang. At pasalamatan narin nating lahat ang mga bansang tumulong sa Pilipinas matapos ang kalamidad na dumaan sa bansa. Maraming-maraming salamat po. At higit sa lahat, magpasalamat ulit tayo kay BRO dahil binigyan n'ya tayo ng 365 days at may nakahanda pang 365 ulit sa susunod na taon :)
Ayun, yun lang.
Salamat sa Pagbabasa!
PAUNAWA: Huwag magpapaputok kapag kumain ka ng crispy pata. Ayon sa nabasa kong libro, ang mga lasing na namumulutan ng crispy pata ang madalas maputukan sa daliri dahil sa lagkit ng sebo sa kamay at sobrang kalasingan, hindi nila aakalaing didikit ang labintador sa kanilang mga daliri. Mag-ingat! Mag-pasalamat! Mag-pugay sa isang Bagong Taon na darating.