Bakit Ang-Gaganda ng mga Commercials ng McDonalds?
Logo used in McDonald's Wikipedia
"Pa-para-papa love ko 'to"--naaalala mo pa ba yang linyang 'yan? O itanong ko nalang kung kaya mo parin bang bigkasin yan nang may tono? Kung hindi, e baka namulat ka na sa "Hooray for today" ngayon. Pero bakit ba talaga ang gaganda ng mga commercials ng Mcdonalds? Kahit pa nagsasara ang ibang branch nila kapag tinatabihan ng Jollibee, masasabi parin namang--ang sarap kumain dito. Naaalala ko pa tuloy ang mga panahong napaka-sarap i-koleksyon ng mga "Snoopy" at "101 Dalmatians" na Happy Meal, nakakakuha kasi ako n'yan sa t'wing matataas ang grades ko o kaya 'yung mismong score sa exam noong elementary palang ako. Wala na sigurong kokontra kung sasabihin kong isa ang McDonalds sa mga korporasyon na magaling gumawa ng kanilang TV-Ad. Smooth sa pandinig. Nakaka-relax. Isa rin ako sa mga napapa-goodvibes ng mga commercials ng Mcdo. Magaling ang direktor? Maganda 'yung storyline? or pwede ring sa kadahilanang maganda 'yung kanta. Kahit ano pang dahilan, basta ang alam ko, alam ng Mcdonalds 'yung tamang timpla ng isang TV-Advertisement--Kaya sa t'wing napapanood ko ang commercial ng Mcdonalds, para bang palaging isang magandang umaga. Anyway, subukan nalang nating balikan ang ibang commercials ng Makdo. At heto ang mga nalikom ko:
LO, KAREN PO
Sharon Cuneta '8-Mcdo commercial'
First Love (Ang huling El-bimbo)
1st Hooray for today commercial
Down Town
At ang top 5 commercials ng Mcdo para sa'kin? Top 5. Brilliant commercial
Isa sa mga hit na line ng Mcdo noon ay--"Pa-cheese burger ka naman". At malamang, na sa tuwing may nagagawa kang maganda, naka-perfect sa quiz, nakasagot sa recitation, maka-graduate, makakuha ng medal o award sa school noon?--sasabihan ka ng mga kaklase o kaibigan mo ng "PA-CHEESE BURGER KA NAMAN!" Top 4. Jessy Mendiola TVC (Mcdonalds shake-shake meal)
Oh, sino bang makakalimot dito at sinong lalaki ang hindi magbabanggit nito kapag sinabing "McDonald Commercial", Jessy Mendiola 'yan e. Maganda. Pantasya. Diwata. At sorry nalang sa mga kagaya kong sumusubok at umuuwing bigo kapag kumakain sila sa iba't ibang branch ng McDonalds, umo-order ng McDo Fries at Mc-Spicy, pero wala paring Jessy Mendiola na lumalabas nang surprise. Top 3. Mc Float TVC (Konti nalang memory ko e, sino ka nga?)
Basta ang cute ng commercial na 'to, hindi ko na kailangang i-explain haha Top 2. Konti Lang
Isa sa mga pinaka-hit at pinaka-sumikat na line galing sa isang commercial ng Mcdo? -- KONTI LANG. Hindi mo na kailangang pang magimbestiga. At dahil sobrang sikat ng line na "Konti Lang"; kahit saang tanong tuloy na itatanong sa'yo ay pwede mo na s'yang isagot. Gaya ng mga 'to: - May sagot ka sa exam kanina? - Magkano sweldo mo? - Kumain kanaba? - Nakatulog kaba? - Umutut kaba? At ang no.1 sa top 5 list ko? 1. Mcdo Fries
At kahit mabilis na nawala ang exposure nito sa TV dahil sa apila ng CBCP noon, hindi parin maitatangging isa ito sa mga cute na commercials ng Mcdo. At posibleng naging isa sa mga dahilan kung bakit mas naging sikat ang french-fries ng Mcdo kumpara sa iba. At sana bayaran ako ng Mcdo sa pagpopromote sa kanila. LOL. JOKE. Actually wala talaga akong malinaw na rason kung bakit ginawa ko itong blog-post na ito. Ni hindi ko rin naman sinagot 'yung tanong sa title nito. Ang gulo no? Gusto ko lang talaga ng Mcdo fries eh. Salamat sa Pagbabasa