Thursday, February 27, 2014

Ang Game 6 at ang Crowd Attendance

LUTO O HINDI?

Usap-usapan ang pagwowalk-out ng Rain or Shine sa Game 6 ng serye nila laban sa SanMig. Nangyari ito pagkatapos ng itinawag na foul kay JR Quiñahan. 
Tinignan din sa video sa taas ang replay ng apat na magkakaibang anggulo ng foul na itinawag. At ito ang maririnig mo sa video mula 5:31 mark.
Mico Halili: Okay, here's that last call. Pingris takes a shot. There's JR Quiñahan and that would be a foul.
Quinito Henson: That's a foul. That's a foul. There was a body contact very clearly.

Ayon kay Erika Padilla, tatlong sunud sunod na tawag ang hindi nagustuhan ni Coach Yeng Guiao. Ang dalawang huling foul ni Ryan Araña at ang foul na ito ni JR Quiñahan. Dahil nakita na natin ang foul ni JR. Balikan natin ang dalawang foul ni Ryan Araña. Una ay sa 16:14 mark at ang Pangalawa ay sa 16:47 mark ng videong ito > *link* (Pagkatapos mong panoorin ang link, bumalik ka dito kaibigan.)

Hindi ko alam kung may nakikisali lang na fan ng ibang teams pero magtatanong nalang ako. Ano bang opensiba ang may mas mataas na posibilidad na makakuha ng foul. Ang nagpo-focus sa three-point-shot/Jump-shot o ang opensibang may Post up move? 

May 28 shots-made kagabi ang Rain or Shine mula sa 2-pt area. Ang ilan sa may malalaking ambag? Larry Rodriguez, Jervy Cruz, Gabe Norwood, mga Jump-shot-shooters. Samantalang ang SanMig, may 31 2-pt area shots. At ang may mga malalaking ambag? Joe Devance, Marc Pingris, Ian Sangalang.

Ulit, ano ang mas may posibilidad makakuha ng foul? 'Yung jump-shots o ang Post-move? Manuod kayo ng replay, bilangin n'yo kung ilang beses nagkakaron ng mismatch sa loob at nagiging bantay ni Sangalang at Devance sina Ryan Araña at Jeff Chan. Ay nga pala, may 30 three point shot attempts ang Rain or Shine kagabi. Wala lang, sinabi ko lang.

At sa Twitter, marami kayong mababasang kagaya ganito: 
 

Malalaman mo talaga kung sino yung mga nakikiuso lang at yung talagang may alam sa basketball. At kung sino pa yung mga nakikiuso lang at walang sapat na basehan minsan, sila pa 'yung malakas mang-asar at mang-bash sa social media sites. Bakit daw hindi over the top violation yung tira ni James Yap? Ilagay mo sa 10:24 mark ang video sa baba. 
Kahit izoom mo pa ng todo, kahit gawin mo pang HD quality. Kitang kita sa video na hindi tumama sa shot-clock ang bola at tanging sa board lang. Ang board po ay part ng court. Tinatawagan lang po ng over the top violation kapag tumalbog ang bola maliban sa ring at sa buong back-board.

PBA FINALS CROWD

Pagusapan naman natin ang crowd attendance ng Finals. Pagkatapos na pagkatapos palang ng Game 1, kumalat ang resultang natalo ang SanMig sa Rain or Shine ng isang magandang execution mula kay Coach Yeng Guiao. Agad ding lumabas ang ibang mga fans sa Facebook at Twitter na nag-status at nag-tweet na: 5,432 LANG daw ang crowd attendance ng mismong laban. Sabay tag ng picture na nasa kaliwa. <<

LOL

Isang malaking kahibangan ang nasa utak ng gumawa ng meme na ito. Unang-una, hindi po 5,432 ang Game 1 gate-attendance, kundi 9,791. Ayon yan sa Wikipedia, Inquirer.net at kay Mr. Fidel Mangonon ng PBA sa Twitter n'yang @thepbaologist.

Pangalawa, ang picture po na pinakalat ng iba sa facebook ay hindi ang mismong kuha ng crowd noong February 14. Hindi naman ganyan ang crowd noong Game 1. Hindi Rain or Shine ang nasa left-corner-bench ng court, kundi SanMig. Pero ang nasa picture sa itaas ay Rain or Shine. LOL.

Pangatlo, wala nang malaking placard ng Gateway Mall ang nakasabit sa Patron C section ng Araneta ngayon Pero mayroon paring nakalagay sa middle-side-corner ng picture. LED screen po ang nakalagay dapat sa pwestong iyon ngayon. Nakabili na po si Manny Pangilinan ng screen para makasabay sa Moa Arena ang Araneta. Patunay na LED-screen ang nakalagay dapat sa pwestong iyon noong Game 1 ay paki-click itong link na ito (http://www.youtube.com) kapag nakita n'yo na kung LED nga at hindi karatula ng Gateway Mall ang nakalagay, bumalik kayo dito. Ito pa ang isang patunay, tignan ang diperensya ng Upuan sa Upper A section ng Araneta sa picture sa taas at sa picture na na nasa gilid. Ang galing nung nagpakalat no? Naghanap pa talaga ng picture mula 2012 lol

Ano nga ba ang dahilan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit palaging pinagkukumpara ang crowd attendance sa iba? Bakit kinukumpara ang crowd attendance ng SanMig sa Ginebra? Oh well, ako, bilang PBA fan. Tanggap ko at aminado ako (dahil obvious naman para sa'kin) na ang Ginebra talaga ang pinaka-sikat na team sa PBA. As in pinaka-sikat. Pero 'wag nating isasantabi ang katotohanan na, hindi nalalayo ang SanMig sa paramihan ng mga tagahanga.

Pero syempre, may aalma at aalma parin, "e bakit 12,000 lang nanood nung Game 2?" Common dudes! kakasimula palang ng series. Ang 12,000 crowd ay hindi na masama. 'Yung Game 1 nga ng Semis between SanMig at Ginebra, '11,170' (source: Quinito Henson's tweet of February 9) lang e. Hindi naman nalalayo ang Game 1 ng Finals na 9,791 diba? Given din naman na hindi 'panghakot' ng tao sa venue ang Rain or Shine team. At sure, makakabasa kayo sa facebook na magpopost at magsasabing 'KAPAG PALAGI / KADA-GAME / TUWING MAY LARO' ang Ginebra, puno o umaapaw ang venue gaya ng tweet na ito 
Ohh shet, napaka-sinungaling naman ng mga litratong ito:

Hindi rin naman pala lahat.

At makakakakita kayo ng mga post ng fanpage sa Facebook at Twitter ng crowd attendance: 20,512 (Game 5) at 20,337 (Game 6) At sabay may magrereply o magko-comment ng: "'Pang elims lang ng *insert team (ALAM NYO NA) here*" o kaya "Buy 1 take 5 kasi yung ticket" o kaya "Bagsak presyo kasi" 

FYI, ito po ang presyuhan ng tickets mula sa Semis (left side pic) at sa Finals (right side).
Semis ticket prices photo from: @pbaologist tweet of Feb 11
Ohh, kita ba kung ga'no kalaki ang diperensya ng mga presyo sa magkaibang serye?

Source: Wikipedia, http://pba.inquirer.net,
http://www.interaksyon.comhttp://www.spin.ph
http://www.interaksyon.com/link2,
At dahil napakalaking issue ng crowd attendance sa mga games. At kung bakit kadalasang pinagtatalunan ang mga crowd attendance. Naisipan kong analisahin ang crowd attendance record ng magkabilang team.

Sa unang conference ng 2014 Season, 7 times nang umabot o lumagpas sa 20,000 ang gate-attendance. Anim sa pitong larong iyon, involved ang SanMig. At mula 2012, may labing-apat na laro na ang umabot ng 20,000 ang crowd, labing-isa sa labing apat na 'yon,  involved ang SanMig. Samantala, mula sa huling Sampung larong umabot sa dalawampung libo ang nanood (hindi kasama sa bilang ang kagabi), pitong laro naman ang involved ang Ginebra at apat sa mga 'yon ay Manila Clasico o may game ang parehong mga team sa iisang araw. 

'Diba? Hindi naman maipagkakailang hindi nalalayo ang dami ng SanMig fans sa fans ng Ginebra fans. Infact, sa kahit anong survey ang lumabas, Palaging TOP TWO POPULAR TEAMS sa Pba ang Ginebra at Purefoods/B-Meg/SanMig. Palaging number 1 ang Barangay Ginebra at palaging number 2 ang Purefoods. Maliban sa survey na ito: SWS: Purefoods, Ginebra tied as most popular teams in PBA 

Aminado akong ang Ginebra ang may pinaka-maraming fans sa lahat ng teams. Ang may pinaka-malaking fan-base. Hindi 'yan maipagkakaila. Pero ewan ko ba, na kung bakit kapag may nababalitaang malaking recorded crowd attendance ang Purefoods/B-meg/SanMig, madaming tumutuligsa. Big deal ba? Hindi naman ibig sabihin siguro na kapag naka 20,000+ crowd ang SanMig e sila na ang number 1. Mali, hindi ganun. Ang nais lang iparating ng mga crowd attendance na sinasabi sa social-media sa mga article sa TV ng mga Basketball analyst, e hindi nalalayo ang popularity rate ng dalawang pinagkukumparang koponan. Hindi ba't narinig n'yo narin? na sinabi nina Jason Webb, Mico Halili at Quinito Henson na ang dalawang 'to ang s'yang may pinaka-maraming tagahanga.

Reality Bites!

Hindi aabot sa 20,000 ang crowd kapag Barako Bull at Air 21 ang naglaro sa Finals. Hindi mabibeat ang record na 24,883 sa Araneta kahit Alaska vs Talk N' Text ang match-up. O kahit Petron vs Rain or Shine. Kahit umabot pa 'yan ng Game 7. At Itapat mo pa sa Linggo o Pasko.

Aminin na. Ginebra at SanMig lang ang may kakayahang mag pa sold-out ng venue.TAPOS!

'Wag gumawa ng kuro-kuro lang. 'Wag magimbento ng kung anu-ano. 'Wag kalimutang may KATOTOHANAN na magpapatunay sa maling impormasyon na ginawa lang ng inggit at inis. At kapag napatunayang gumagawa kalang ng kwento. Magmumukha kalang tangang nagmamagaling at naghahangad lang mapabagsak ang iba. Teka, diba ayon sa isang kanta, "Ang mga taong utak talangka, humihila ng ibang tao pababa". Baka kaya ganon talaga.

PAUNAWA: Lahat ng mga nakasulat at pagtutuwid ay malinaw na sagot lamang o pagpapatunay lamang sa mga nabasa at pwede n'yo ring mabasa sa Twitter at Facebook. 

Source of Information: Wikipedia, Interaksyon.com, pba.inquirer.com, slamonline.ph, spin.ph, gmanetwork.com Twitter of Mr Fidel Mangonon and Mr Quinito Henson.

Tuesday, February 11, 2014

BAKIT GANON: An Open Letter to Referee Edward Aquino

(Paunawa: Sa post po na ito ay hindi ko po ipinapahiwatig na tutol ako sa panalo ng Barangay Ginebra, bagkus, saludo ako sa performance ng mga players nila kagabi lalo na kina LA Tenorio at Jayjay Helterbrand. Ang panalo ay panalo. Sadyang may mga bagay lang talaga sa serye ang di maiiwasang mapansing-sablay. At dahil sikat ngayon ang mga 'Open-Letter', subukan naman natin ito sa ibang paraan.)

Dear, Mr Edward Aquino,

'Wag mo sanang isipin na ito ay isang liham ng pambabatikos o panghaharas (na marahil alam mo na kung bakit may ganitong post pa at kung bakit usap-usapan ang pangalan mo) - ako'y may gusto lamang itanong sa'yo, hindi lang bilang isang SanMig Coffee fan, kundi bilang isa naring Basketball fan. Bakit lagi kang nasasangkot sa mga controversial fouls? Bakit ka ganyan? BAKIT GANON?

BAKIT GANITO?
Tulad ng iba, ako'y isang basketball fan at madalas manood ng PBA. At dahil Manila Clasico ang match-up sa serye, at isa sa lumalabang team ay favorite team ko sa PBA, mula Game 1 hanggang kagabi ay isang oras palang bago mag-start ang game, ginagawa ko na ang mga dapat kong gawin para hindi na ako maabala pa sa panonood.

Dumiretso na tayo sa climax ng isang basketball-game, ang last 2 minutes. Pumasok ang huling dalawang minuto ng laro na lamang ang SanMig, 89-88, may dalawang Timeouts pa ang SanMig at tatlo naman para sa Gins at parehong penalty ang dalawang koponan. Bumalik ang possession sa Ginebra, Tumira si LA ng isang three-point-shot, napa-iling ako, pero hindi naman pumasok ang tira n'ya. Bumalik ang bola sa SanMig, tumira si James Yap ng corner-three, sablay, pero nag-putback si PJ para maging 91-88 ang score pabor sa SanMig, 1:24 ang natitira sa orasan. Balik ang bola sa kabilang panig, sumisigaw ng defense ang SanMig fans sa venue. paubos na ang shot-clock ng Gins ngunit nakapagpasabit ng foul at pumasok ang tira ni Greg Slaughter, 91-90, sumablay ang bonus free-throw at napunta ulit ang bola sa Ginebra. Tumira ng isang madaling-tres si Caguioa pero hindi pumasok. Bumalik sa SanMig ang bola habang tatlomput-s'yam na segundo lang ang natitira sa orasan. Tulad ng karaniwang nanunuod, sa mga ganitong sitwasyon, paubos na ang oras, dikit ang laban, pigil ang aking bawat paghinga habang nakatutok akong maigi sa tv. Tumira si Mark Barroca ng isang three-point-shot, kumalog lang, nakuha ni Caguioa ang rebound, sa kasamaang palad, dali-daling kumuha ng hangin ang isang referee mula sa kanyang katawan na pinadaan nya sa kanyang bronchial tubes at tumunog ang pito sa bibig ni Mr. Referee, may foul. MAY FOUL? Pero hindi ako nagreklamo agad. Malay ko ba kung meron nga. Lamang ang Ginebra, 92-91 sa bisa ng mahahalagang freethrows ni Caguioa, nag Timeout ang SanMig, At sa break na 'yon, pinakita ang replay.

Napamura ako Mr. Referee...

Masyado yatang manipis ang tawag mo...

Isa ako sa mga naniniwalang HINDI scripted itong seryeng ito, ni hindi ako naniniwalang bayad ka (sana nga hindi) o kaya fan ka ng kabila (mas tanggap ko pang rason) pero sana talaga hindi kana pumito sa basehang hindi naman solido ang foul.



Pero bilib ako, consistent ka naman, hindi lang naman sa kabilang team ka tumatawag ng manipis na foul, sa SanMig din. Pero kasi, ang sagwa talagang tignan na ang isang 'CHEAP-FOUL' ang s'yang magdidikta ng magiging resulta ng laro. Marami tuloy ang nagaakala sa'yong isa kang contestant sa Junior Master-chef. Pero hindi ako naniniwala. Ipinagtanggol pa kita. Kasi tingin ko, paboritong show mo lang talaga 'yung palabas si Chef Boy Logro sa tanghali. DEH JOKE!

Sabi din ng iba, na kaya mo pinituhan si James Yap, ay dahil AQUINO ka. Kaya lumuluwag ang pito mo sa kanya. Gaano ba kayo kalapit na magkamaganak ni Kris? May konting pagkaka-ugnay ba sa DNA ninyong dalawa? Magkapareho ba kayo ng amoy ng kili-kili?

Sadyang nakakapag-pailing lang talaga ng ulo na tinawagan mo ang Kiskis-Jersey-Foul ni James Yap kagabi pero hindi mo kinonsider na pituhan ang kiskis-Katawan-Off-Balance-shot ni Peter June Simon.

Paglilinaw ko lamang ulit, sa liham na ito, hindi ako sobrang galit sayo, inis lang. KONTI. Konti lang, bagkus, kung mayaman nga ako at kung kaya ko lang, bibigyan kita ng lupa at ipagpapatayo kita ng bahay sa Spratly Islands para mahirapan kanang dumalo sa mga PBA-games. Joke lang ulet.

Naniniwala parin ako na makakaya mo parin namang pumito ng tama sa laro, pero gaya ng iba, gaya ng nakararami, mas gusto namin, o mas maganda narin kung hindi ka narin mapabilang sa mga referees sa Miyerkules. Alam naming pagod ka kagabi, kailangan mo ng pahinga, concerned lang kami.

Pero tingin ko naka move-on narin po kami, naka move-on narin ang ilan, naka move-on narin ako mula kagabi. "Breaks of the game lang" "Kasama sa laro 'yun" - 'Yan nalang ang magandang isipin ng lahat sa ngayon. At hilingin nalang natin ang isang maganda at walang misteryong Game 7 sa Miyerkules.

Ano pa nga bang mahihiling natin sa isang Game 7 ng pinaka-sikat na rivalry sa PBA?. Goodluck sa mga kabarangay at kaplaneta ko, goodluck sa mga bibili ng tickets at paniguradong magiging epic ang laro sa a-trese.

Salamat sa pagbabasa.