Ikaw ang s'yang unang tinatanaw.
Kapag wala ka ay sobrang lamig,
Parang lunch time na walang sabaw.
Sa pag-daan mo'y ika'y inaabangan,
Sa paglapit mo'y ako'y kinakabahan,
Sa tuwing ikaw ay ngumingiti,
Ako'y labis na nasisiyahan.
Para kang isang paru parong naligaw,
Sa gitna ng isang malawak na damuhan.
At lahat ng madaanan mo'y
Namumulaklak ng tuluyan.
Wala na akong gusto pang iba,
Ikaw lang ang s'yang aking inaasam.
Wala na akong nais pang iba,
Dinggin ang aking nararamdaman.At dahil nakilala na kita,
Ang gusto ko lang ay makilala ka pa.
At dahil nakasama na kita,
Ang nais ko lang ay makasama kapa.