Photo from: memegenerator.net |
Hindi tumangkad ang mga tumalon ng New-years eve last year.
Hindi natuloy ang diet ng mga kaibigan mo.
Hindi ka nakapag everyday exercise gaya ng sinabi mo.
Hindi nagkaron ng trabaho ang kaibigan mong umaasa lang sa reply ni lina@jobstreet.com
Hindi parin nawawala ang trapik sa Edsa pati sa Epza.
Hindi parin nababawasan ang laman ng Pringles.
Hindi parin nahuhuli ang pumatay kay Ninoy.
Hindi na kasama ang NAIA sa top 10 worst airport sa buong mundo- kaya bilang souvenir, namimigay sila ng bala sa pasahero.
Hindi parin nakakahuli ng isda yung taong nasa buwan sa logo ng DreamWorks.
Hindi natupad ang pangakong LRT project ni P-Noy at Abaya.
(Magpapasagasa daw, EDI WOW!)
Haaaay nako kuya kardo talaga. Gayunpaman, ngayong taon din kasi,
Lumaban na si Mayweather kay Pacquiao sa wakas.
Naging Miss Universe ulit ang pambato ng Pilipinas.
Maraming naguluhan kung dapat bang sabihing nanalo ang Pilipinas after 42 years o nanalo ang Pilipinas after 3 minutes dahil kay Steve Harvey.
Wala paring half-rice sa Mcdo.
Naging viral si Binay.
Nanguna si Alma Moreno sa survey- hindi dahil magaling s'ya.
Mas marami paring naipasang batas si Lito Lapid kesa kay Enrile.
Naging isang magandang regalo sa mga kaaway ang Mitsubishi Montero.
At naging song of the year ang kanta ni Kim Chiu na may lyrics na- "Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko"
Anyway, OPM is still not dead pa naman.
Daming nangyari!
Pero bago ang lahat.
Bago magsampalan sina Mar Roxas at Rodrigo Duterte.
Bago pa kunin ng China ang buong Spratlys.
Bago n'yo marinig ang walang kamatayang Dessert ni Dawin sa tabi-tabi.
Bago maupong Bise si Bong Bong sa Mayo ng susunod na taon.
Bago magsunog ng mga effigies ni Aquino ang mga ralihista next year.
Bago ka makaimbento ng panibagong #FriendshipGoals #RelationshipGoals at kung ano mang goals mo.
Bago pumutok ang mga piccolo, pla-pla, labintador, sinturon ni hudas, kwitis, super lolo at kung ano ano pang mga paputok.
Bago mo kantahin ang Auld Lang Syne.
Isang Magandang Taon at Masayang Bagong Taon sa'yo kaibigan!