Photo from: foxnews.com |
Ako si Manny Pacquiao,
Galing sa kahirapan, nagbuhos ng sandamakmak na pagod para sa Pilipinas.
Elementary lang ang natapos ko,
Drop out ako ng highschool kase wala na kong pambayad pang matrikula.
Kaya mas minabuti kong magbenta ng donat sa kalye.
Gigising ng maaga para makiusap sa panaderya,
Okay lang kahit maliit ang kita, basta may pang-kain.
Ayoko na kasing gawin pang ulam ng Itay ko ang alaga naming aso.
Gaya mo rin ako, ay mali, gaya rin ako ng karamihan.
Naghangad maging mayaman.
Nangarap ng isang mansyon.
Naghiling ng mahimbing na tulog sa malambot na higaan.
Gaya rin ako ng iba.
Nangarap, Nagkamali, Nagsisi, Natuto, Nagtagumpay.
Simple lang akong tao.
Okay lang sa'kin magpabugbog noon,
Kumita lang ng ubeng papel sa fiesta.
Ngayon, balewala na sa'kin kung gaano kalaki ang premyo.
Kahit maglabas man ako ng galon ng pawis.
Kahit ilang beses ako maputukan ng kilay.
Kahit magbuwis man ako ng buhay.
Basta para sa bayan. Para sa Pilipinas.
Dahil lahat, itataya ko para sa bansa.
Habulin man akong muli ng BIR.
Ang laman lang naman ng mga panalangin ko sa sulok ng ring,
E manalo para sa inyo.
Para may maibigay akong bigas sa mahihirap.
Para mapagaral ko ang mga walang pang-bayad sa eskwelahan.
Para may maitayo akong mga bahay sa mga walang tahanan.
Dahil ayokong makakita ng Pilipinong naghihirap.
Hindi naman ako nag Mayor at Congressman para maging angat sa tao.
Hindi ko ninais maging intelehente gaya ni Miriam at Bongbong.
Ang sakin lang,
Ngayong maalwan na ang buhay ko,
Nais kong tumulong.
Pero hindi galing sa tax n'yo,
Kundi sa sariling mga bulsa ko.
Dun ako magaling e, hindi sa inggles, kaya pasensya na kung barok ako.
Pasensya na kung dinadaan ko sa absolutely at of course ang lahat.
Pasensya na kung minsan MALABO at hindi maintindihan.
Pero sana MALINAW yung ibig sabihin ko kapag sinabi kong
"I'm not condemning them, 'yung marriage lang, 'yung committing sin against God."
Kasi sa Boxing ko lang gustong manakit.
Ayoko sa kapwa.
Kasi mahina ang puso ko pagdating sa mga kababayan ko.
Mawalan lang ng traffic at krimen sa tuwing may laban ako,
Malaking bagay na sa'kin.
Kaya kung nasaktan man kita, patawarin mo naman ako.
Hindi ko sadya.
Hindi ko intensyon.
Kaya kung hindi man ako palarin bilang Senador?
Okay lang.
Basta may naibigay akong maayos na bahay at lupa sa nangangailangan.
Nagbigay ng kabuhayan sa iba.
At mas marami pa kong natulungan kesa kay Mar Roxas.
Mas magaling ako mag-english ngayon kay Sen. Lito Lapid.
Wala akong kaso gaya ni Enrile.
At hindi ako nagnanakaw gaya ng ilang mambabatas na nakaupo.
Wala naman akong ibang hangad.
Makatulong lang.
Kaya kung hindi para sa'kin, okay lang.
Kung laitin mo man ako,
Ang mga anak ko,
Ang asawa't magulang ko para sa komedya, sige lang.
Di ka makakatikim sa'kin ng reklamo.
Hanggang sa pinaka-huling laban ko nalang.
Sana isigaw mo parin ako.
Si Emmanuel Dapidran Pacquiao po.
Maka-Tao. Maka-Diyos. Maka-Bayan.
Photo from: Philippine-evolution.com |