Photo from: bigp22y.com |
Ang laban ni Pacquiao. Ang pinakaaabangan ng buong mundo lalo na dito sa Pilipinas. Dalawang beses lang sa isang taon kung mangyari kaya ang mga Pinoy hindi ito pinapalampas (pwera lang yung mga hindi pinoy sa isip). Kahit pa sabihing inaabangan ng buong Pilipinas meron pa ring ilan na wapakels pa din, madami na akong nakilalang ganon. wenks.
Kaya ko nasabi 'yon kasi meron talagang mga taong ganon. Yung mga taong hindi proud maging pinoy at ayaw tangkilikin ang sariling katribo. Kumbaga sa pamimili ng mga produkto, yung mga made in other country lang ang pinapakyaw. Pero sabihin mo mang hindi biglang nagiging Pinoy sila kapag nanalo na si Pacquiao.
Pacquiao-Marquez 3. Dalawang linggong headline sa balita sa telebisyon. Dalawang buwan namang laman ng sports section sa dyaryo. Kapag pinanood mo ang laban sa freeTV para kang naghintay ng dalawang taon para lang sa isang round.
Dalawang beses lang din nangyayari sa isang taon ang sunod-sunod na commercial ng Boysen, Alaxan, ginebra San Miguel, B-Meg Premium, B-Meg Derby Ace, Head and Shoulders, Tanduay, Nike atpb.
126-130 ang mga timbang na pinaglabanan sa mga naunang laban. Tabla sa una si Pacquiao ang nanalo sa pangalawa 'di pa nakuntento si Marquez at humingi pa nang isa. Ngayon yari siya sabi ni Freddie Roach "knock-out agad yan".
"Manny Pacman Pacquiao" sikat na talaga sa buong mundo. ang hindi lang maniniwala diyan ay 'yung mag-amang Negro. (siguro naman kilala niyo yung dalawang yun)
Gaano kadehado si Marquez?
Siguro naman alam na nang lahat kahit lagyan ba ng mga salitang bias at wala si Pacquiao ang pabor para manalo sa laban na 'to bukas.
Mas komportable si Pacquiao sa Welterweight kaysa kay Marquez. Yung huling laban nila nangyari pa noong 2008. pagkatapos non umakyat na ng timbang si pacquiao, tinalo niya yung mga taong mas sanay pa sa kanya sa Welterweight. Si Marquez naman yung lima sa 6 na huling laban niya sa Lighweight division lang. At nung lumaban siya sa timbang na mataas pa sa 140lbs ay natalo pa siya (syempre si Mayweather din naman yung kalaban niya) pero kita pa rin na bumagal ang kilos niya nang subukan niyang lumampas sa 140 pounds.
Mga magagandang bagay kung bakit magiging maganda ang laban bukas.
Una. nasa HBO na ulit yung rights ng laban ni Pacquiao, ibig sabihin si Michael Buffer ang magiintroduce ng laban. kung napanood niyo yung laban ni Pacquiao kay Mosley. Boring na nga yung laban boring pa yung intro kasi di nga narinig yung tag-line na "Let's get ready to Rumble".
Pangalawa. (siguro para sakin lang to) hindi si Kenny Bayles ang referee yehey!
yun lang, Go Pacquiao para bukas.
Thanks for Reading!