Saturday, November 19, 2011

Sampung kanta na nag-papaalala ng High-School

Ok, siguro naman nung high-school din kayo meron kayong mga naging theme-song o yun talagang naging favorite natin nung A.Y. 2005-2009

Well nung mga panahong yon eh wala pang K-pop at hindi pa lagamak ang pagpasok ng mga foreign songs hindi kagaya ngayon. At nung mga panahong 'yon eh mabilis ang pagsikat ng OPM dahil nga may MYX pa sa free TV at malakas pa ang appeal ng Radyo sa masa.

So eto, magbibigay ako ng Sampung kanta na talaga namang sumikat nung High-School ako, at nakakapagpaalala nga ng nakaraan sa high-school kapag napapakinggan ko ulit. Siguro kung ka-Generation kita alam mo din 'tong mga to hehe.

10. Magbalik by Callalily
Sisimulan natin ang listahan sa kantang ito, siguro naman natatandaan niyo pa 'to, sumikat to nung 2nd-year high-school ako kasabay ng Tuliro ng Sponge Cola.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag ibig di mapapagod. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag agos, pag ibig di matatapos"

9. Gemini by Sponge Cola
Etong pang number 9. based sa Romeo and Juliet, ang ganda ng lyrics nito although maikling song lang siya. sumikat to noong 1st-year highschool ako kasabay ng Tensyonado ng Soapdish.

"Let me know if I'm doing this right. Let me know if my grips too tight. Let me know if I can stay all of my life. Let me know if dreams can come true. Let me know if this one's yours too, Coz I see it.... And I feel it right here, And I feel you right here"


8. Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Itong next song na 'to sigurado ako na nakanta niyo na din to at kinakanta niyo pa din kapag napapakinggan niyo sa radyo. Tungkol to sa palihim na pagpaparamdam ng isang guy sa crush niyang girl.

"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso, tuwing magkahawak ang ating kamay. Pinapanalangin lagi tayong magkasama, hinihiling bawat oras kapiling ka." 



7. Kung Wala Ka by Hale
Sa lahat ng may gusto sa Hale, ito yung isa sa mga kanta nila na talaga namang pumatok. pagka-release pa lang nito sumikat na agad. Isa lang to sa dalawang kanta ng Hale na nasa list na 'to. Ang sarap nga pakinggan nito kapag umuulan eh lalo na kapag naka-headset ka, Try niyo.

"Sundan mo ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto. Sundan mo ang paghimig ko."


6. Dahil Ikaw by True Faith
Ito namang kanta na'to tanda ko eh theme-song ng isang teleserye sa ABS-CBN, at patok na patok naman talaga. at palagi mong madidinig na kinakanta sa videoke ng mga laseng haha. Ang daming mga magagandang kanta ng True Faith, pero ito talaga 'yung pinakakilala sa kanila.

"Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko ang nais ko ay malaman mo na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, pagibig ko'y sa'yo ibibigay. Ang nais ko ay malaman mo na mahal kita."

Isa din ito sa example ng simple't magandang kanta.


5. You'll be safe here by Rivermaya
Ok lagpas kalahati na, at ang nasa top 5 ko ang kanta na sumikat noong 2005. theme song ng SPIRITS sa ABS-CBN bida sina Maja, Rayver at Johnwayne tanda niyo pa ba?. Isa din to sa pinaka successful na kanta na nirelease ng Rivermaya bago umalis si Rico Blanco sa kanila. nainvite pa ang Rivermaya na magperform sa MTV-Asia Awards 2006 sa Thailand. first OPM band na nakapag-perform sa nasabing event.

Ang sarap pakinggan nito lalo na kapag gabi at nasa biyahe ka na pauwi, swear.

"When the light disappears and when this world's insincere, You'll be safe here. When nobody hears you scream, I'll scream with you,You'll be safe here."

lahat naman tayo siguro may mga paboritong part o line sa isang kanta at dito sa kanta na 'to favorite line ko to.

        "PUT YOUR HEART IN MY HAND YOU"LL BE SAFE HERE"


 4. Love Moves by Nina
Oh at last may love song na din sa list ko, nilagay ko sa top 4 to kasi nakakapagpaalala 'to ng mga love/crush moment sa school hahaha. anyway nagiisang kanta na hindi Alternative band ang kumanta. Sumikat noong 1st-year ako at pine-play sa mga JS prom.

"Love moves in mysterious ways it's always so surprising when love appears over the horizon.
I'll love you for the rest of my days but still it's a mystery. How you ever came to me which only proves
Love moves in mysterious ways"

dahil nga may Horizon naalala ko ang title ng journal namin sa english dati, HORIZON lol


3. The Day you said Goodnight by Hale
Ito ang pangalawang kanta ng Hale na ininclude ko sa list na 'to. Sobrang sikat nito noong first year ako. kapag may event sa school lagi ko tong nadidinig. at maganda pa din pakinggan kahit matagal na ang lumipas hehe. At payo lang, kapag nilagay niyo to sa playlist niyo ilagay niyo sa ending song.

Nakakapanghinayang lang nag-disband na ang band na 'to, pero magkaganon man mananatili pa din sa alaala ang mga kanta nilang Broken Sonnet, Kahit Pa, Blue Sky, Shooting Star at iba pa.

"If you could only know me like your prayers at night. Then everything between you and me will be alright."


2. Makita Kang Muli by Sugarfree
At ang top 2 sa ating listahan. Aba syempre ang theme-song ng Panday! Isa nanaman sa mga kantang Simple't magandang kanta, mula din sa idol kong vocalist na si Makatang Ebe Dancel. Isa sa mga magagandang kanta ng Sugarfree na nakakapag-reminisce sa mga nagdaang oras at taon.

"Bawat sandali ng aking buhay pagmamahal mo ang aking taglay. San man mapadpad ng hangin
hindi magbabago aking pagtingin. Pangako natin sa Maykapal na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay."



1. Gitara by Parokya ni Edgar
At syempre ang pinakamatagal na sumikat na kanta sa palagay ko ay ang Gitara ng Parokya. Mula sa nanatili na isa sa mga matagumpay at nananatiling matatag na OPM band sa ngayon. At talaga namang nakakaaliw pakinggan ang kanta na 'to. Siguro natatandaan niyo din na kapag nagdadala ng gitara yung mga kaklase niyo eh eto yung tinutugtog nila.

Ang ganda din ng music video kaya naman ang bilis din niya sumikat.

"Bakit pa kailangang magbihis sayang din naman ang porma
lagi lang namang may sisingit sa tuwing tayo'y magkasama"

"Bakit pa kailangan ang rosas kung marami namang nag-aalay sayo, uupo na lang at aawit maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa'yo, dadaan na lang kita sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara. Idadaan na lang sa gitara."


Itong list na 'to eh mga sumikat na kanta na nakakapagpaalala sa akin oh baka sa inyo din ng mga araw sa buhay high-school. Malay mo isa sa mga kanta na 'to ang kinakanta mo sa isip mo kapag wala kang nasasagot sa quiz niyo sa Physics. Oh kaya isa sa mga kanta na 'to ang makakapagpaalala sa'yo ng mga panahong kinikilala mo pa lang sina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Maraming mga bagay na pwedeng makapagpanumbalik sa nakalipas na era o time-frame hindi lang 'tong mga kanta na to kundi yung mga naging Class Picture niyo. Pagkatapos mo 'tong basahin 'wag mong kalimutang sulyapan ang mga class-picture mo na may mga nakapikit at may Stolen-faces pa din. 

Dahil nga sa pagsulpot ng iba't ibang Genre, at mga foreign songs, nagmumukhang endangered species ang mga OPM songs sa mga Pinoy. Pero syempre iba pa rin talaga ang epekto sa memorya ng mga kanta na sumikat dati, kahit yung mga kanta pa ni Jerimiah hindi pa rin nalilimutan ng iba.

At isa nga din ang mga kanta sa pwedeng makapag-paalala sa atin ng mga oras na nakalipas na, may mga kantang tinawanan mo ang lyrics at may mga kanta ding nagsisilbing ala-ala sa isang memorable na pangyayari sa buhay mo dati. Minsan mas nakakabuti na minsan mo lang sila marinig, pero kahit minsan lang ay nagagawa mo pa ring kantahin ng buo mula simula hanggang dulo. Ang sarap isipin kapag babalikan mo yung dati diba?, medyo nakakainis namang isipin na tumatanda ka na pala.

Naku, kung hindi lang nauso ang MP3-Players edi siguro-malamang laging nakatune-in sa radyo ang mga kabataan ngayon.

Sana nagustuhan niyo.
Salamat sa pagbabasa :D

Share your own top 10 songs na nakakapag-reminisce sa'yo ng high-school sa pamamagitan ng comment.