Intrams. Isang Linggong puro games. Hindi kailangang athletic ang katawan mo para masiyahan ka sa event na 'to. Hindi kailangang alam mo yung terminologies ng mga Sports oh alam mo yung size at lapad ng court para hindi ka ma-O.P. sa extravaganza na 'to.
Eh kaya lang talaga ako na-tend na i-post to e, grabe kasi 'yung game kanina mga pare. Nanalo 'yung basketball team ng department namin, in Overtime. Salamat na lang dun sa number 6 na player at nag-ala Denzel Bowles siya [PBA Import] at ipinasok n'ya yung dalawang free-throw in the last 30secs.
Kung magiging commentator po ako sa game e gagayahin ko 'yung analyst ng PBA na si Mico Halili. Talaga naman kasing nerve-breaking-game kasi come from behind win, YessSiRrrr.. at napa-ganda pa dahil maganda din 'yung game na sinundan, Basketball girls sa pagitan ng Controllers at Criminology. Haha syempre, sumuporta ako sa Controllers gaya ng majority ng nasa gym kahit hindi sila under ng department na 'yun. Masarap kasing suportahan ang mga underdog sa laban.
At balik ulit tayo sa department namin, nasa Finals na ang Basketball-team bukas. kung tatanungin niyo kung anong record namin last year?; Ehem, Overall Champion lang naman. Kung sa UAAP, masasabi nating ang ADMU ang toughest team. pwede ko na din bang sabihin na ang ICONS ang ATENEO ng liga namin?. Kaya lang baka sabihin ng iba mayabang. Anyway, BLUE din pala ang respected-color namin, Coincidence??.
Chants kanina:
ICONS: UWIAN NA, UWIAN NA, UWIAN NA!! [
AHA: Manalo - matalo magaling kame [di ako sure]
ICONS: WALA KAMING PAKE, WALA KAMING PAKE!!
Hahaha, what a turn of events :D
Thanks for Reading.