Ayon kay Lourd de Veyra. Sobrang daming pinoy ngayon ang may "Colonial Mentality". 'Yun bang pipiliing maging matalinhaga sa wikang ingles kesa mag-tagalog. Hindi naman porket nagtatagalog e korni at sosyal naman kapag nag-iingles, ah?. Bakit ka ganyan?.
Bakit mo pagtatawanan si Pacquiao, Jimmy Santos at Lito Lapid kapag nagi-ingles sila, Mali ba ang grammar?, napaka-rational naman natin kung ganon, dahil kapag si Jackie Chan ang gumagawa, okay lang, pero kapag kababayan mo, big deal na?.
Pero teka, pa'no naman pala 'yung mga mali na nga mag-ingles, pero akala nila OO, pero feeling naman nila tama silang mag-tagalog. FEELING lang ha.
Habang nagpapaka-sosyal sila sa sarili nila, nung nagtagalog naman e kampante pa silang gamitin ang NG at NANG sa maling paraan.
May isang taong gustong mag-mukhang sosyal, sabi n'ya:
"Nandito ako ngayon sa Starbucks NANG Moa."
"Ang sarap NANG Toblerone."
"Nakakapagod, galing ako NANG Airport" - eh ano?, naghatid ka lang naman ng kapamilya, hindi naman ikaw mismo 'yung nag-eroplano.
Magbibigay nalang ako ng example para sa pag-gamit ng dalawang salitang to.
Ang NG kasi ay ginagamit kapag meron kang tinutukoy na bagay o pangalan lalo na kapag noun o subject, halimbawa:
remote NG TV.
pakpak NG Ibon.
bumili NG Ice-cream.
Ang NANG naman ay para sa panahon, pagkilos at sa mga bagay na pinag-uulit-ulit gaya ng:
NANG dumating ang Linggo.
NANG sumikat ang araw.
NANG binigyan mo 'ko ng inspirasyon.
talon NANG talon, iwas NANG iwas, lakad NANG lakad.
Hindi naman sa ako'y nagmamarunong, nadala lamang ako ng aking obserbasyon sa iba. Sana nakatulong.
Salamat sa Pagbabasa, peace :D.