Sunday, October 21, 2012

Ang WORD-PLAY ni BLKD

Image from: BLKD (facebook fanpage)
Ito'y isang paglilinaw lang, AS IF, alam n'yo na rin.
May mga bars kasi sa kanyang laban na hindi pa rin daw GETS ng iba.

Kaya ko lang din naman naisip mag-post ay merong umalma sa akin last Friday.
Ganito ang eksena....

Sabi kasi n'ya: Luto naman 'yung laban nina BLKD at Apekz e.
Sabi ko: Ha?, pa'no mo naman nasabi??
Sabi n'ya: Mas malalakas kasi 'yung bitaw ni Apekz na mga lines. Ang hihina naman ng ibang lines ni BLKD. (Naisip ko na din sa puntong yun na, baka naman first time lang n'ya napanood lumaban si BLKD)
Sabi ko: Hindi ah, ang galing nga ng mga bitaw ni BLKD e. 'Di mo siguro na-gets 'yung iba. Iba kasi ang style nun. May mga punch-line s'ya na hindi mo agad mage-gets sa una
(tumingin sa'kin)
Sabi ko: Tignan mo na lang 'yung intro n'ya:
"Marami pa 'kong ipagkakamali, kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang, kasi nga tao lang."
Una pa n'yang sinabi na 'para sa kanyang nabigo'. Ibig sabihin prior talaga 'yung lines sa nakaraan n'yang dalawang battle. 'Yung binanggit n'yang PAGKAKAMALI, 'yun yung talo n'ya kina Loonie at Dello. Ano ba 'yung sumunod?. "MINSAN PARANG TANGA LANG", diba kanta 'yun ni Dello?. Tapos, "TAO LANG", diba single 'yun ni Loonie?.

Sabi n'ya: Ahhhhh, OO NGA NO?. (tumingin at tumingala na para bang naliwanagan)
'yun pala 'yun, akala ko wala lang.

Sabi ko: O diba, malalim. 'Yun yung tinatawag nilang word-play, hindi mo agad maiisip kung 'di mo talaga pagbibigyang pansin.

-----
'Yan yung conversation namin, pero may iba pang linya talaga si BLKD na hindi ko pa rin mawari, kaya inisip ko ulit yung iba. Ayun, nagets ko naman.

At siguro naman gets n'yo na 'yung iba gaya nitong mga to:
-Ikaw lang ang PEKZman na hindi Promising.
-'Tong Ape na 'to kahit may "KZ" sa pangalan, walang X-Factor.
-Lalim ko karagatan to, kaya kahit Seaman ka pa, lulubog ka sa BAR KO.
-Batong-bato, sa mga linya mong sinuka. Talo pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa.
-Ako'y Guro na habang ikaw, mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na MARK, ka.

-----
"Natuto ka lang mag-freestyle, akala mo ikaw na si Super-Natural.
E 'yung free-style mo aral, sa kanya super-natural.
Taz haharap ka sa tulad ko na ang pagiging SUPER, NATURAL.
Pagka-tanggal ko ng kaluluwa mo, yun ang super natural."
-Eto, ang hina ng kiliti sa crowd, pero kung tutuusin, mabigat ang pagkaka-hibla at pagkaka-connect-connect ng mga lines sa key word na 'super natural'.

"Kaya nga 'yung PANAGINIP NG ALIKABOK ay propesiya ni Aklas.
Sa Gabing 'tong inuunos kita, kaya saktong Dream-Match mo 'to at pinupulbos kita."
-parang inihambing n'ya si Apekz na nakalaban naman ni Aklas kailan lang sa Alikabok.
Sakto, PANAGINIP NG ALIKABOK.
"PANAGINIP" - Saktong "DREAM" match mo 'to
"ALIKABOK" - at "PINUPULBOS" kita

'Yun lang, welcome po ang correction, kung may pagkakamali man ako sa pag-iintindi. haha
Magaling din naman si Apekz, natawa talaga ako sa kanyang Jollibee hits. 


At dahil kay BLKD, ginagamit na ng masa ang salitang AS IF sa mga Status at Tweets nila, hindi ko alam kung napanood din nila ang laban o nakiki-trend lang sila. Baka ma-overused ha, katunayan, ginamit ko s'ya sa intro ko. lols.

'Yun lamang
Salamat sa Pagbabasa.