Mahigit Dalawampu't apat na oras na ang nakalipas. trending pa rin ang hashtag AMALAYER.
Joke lang ba?, kaso overused na e. At sa tingin ko naman ay hiyang-hiya na si Ms. Paula sa kinahinatnan ng kanyang ginawa. Grabe kasi mam-bash ang social-media. Akalain mong buong pangalan pa n'ya ang pina-trend ng netizens hindi lang Nationwide. Anong mukha nalang ang maihaharap n'ya sa tao kapag bibili s'ya sa tindahan, magpapa-load, o kaya magmo-mall?. Baka nga hindi na n'ya makuhang sumakay ulit sa LRT. tsk.
Diba, parang kailan lang ay ginawang BARNEY ng madla si Mr. Carabuena dahil sa kanyang pan-liliit sa isang MMDA-enforcer. Kailan lang din nung inulan ng Batikos si Marian Tan bunsod ng kanyang tweet na hindi naman talaga mismo s'ya ang nag-post, kundi yung poser n'ya.
Masyado na bang nanghahamak ang Internet?.
E kaya nga may cyber-crime e diba, para ma-control yung mga ganitong bagay. nilagyan na nga ni Sen. SOTTO ng libel ang R.A. 10175,,,,,,,,, E KASI, BIKTIMA DIN S'YA.... Mangopya ba naman ng likha ng iba para sa kanyang sariling speech nang hindi lang isang beses, at tumatanggi pa ha.... Ayun, naging alternative word tuloy ng salitang "COPY/KOPYA" ang apelyido n'yang "SOTTO".
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Lourd de Veyra. "Hindi ka nangongopya, NANONOTTO ka."
At syempre, hindi mawawala sa eksena ang memes.
Sorry kay Ms. Salvosa, isa ako sa mga nag-share..
Lesson?, hindi mo kelangan ipakitang magaling ka sa INGLES kung gusto mo lang sabihin na EDUKADO ka, mas lalo na kung ang ka-talo mo ay alam mo namang hindi kayang makipag-sabayan sa'yo...... Mas ikaw ang nagmumukhang KONTRABIDA.
https://www.facebook.com/pages/Showbiz-Government/110296245691141
https://www.facebook.com/blair.carabuena.gago
https://www.facebook.com/pages/Paula-Jamie-Salvosa/277343159053517
Salamat sa Pagbabasa.