Saturday, December 1, 2012

Sa Ikadalawampu't isa ng Disyembre sa taong Dos-mil-dose

"Do not deal out death in judgment, 
coz' even the very wise cannot see all ends."
- Gandalf
the Lord of the Rings: The Fellowship of the Ring
Photo from: beginningandend.com
"DECEMBER NA". Paniguradong sandamakmak na kasabihan at quote ang nasa Timeline ngayon ng mga Social Networking Sites ukol sa phrase na yan. At ang sa akin?.
"December Na, 21 days to go, bago ang first ever formation ng EARTH - SUN at isang BLACK-HOLE sa Milky Way. Ano ang epekto?, Abangan."
Sino ba namang maniniwala na ang petsang December twenty-one, twenty-twelve ang s'yang magsisilbing huling petsa na buo pa ang mundo?. Isang kahibangan lang para sa iba ang pag-papaniwala sa sinasabing nakatakdang mangyari. E sino ba naman ang may gustong matapos ang lahat-lahat, e di magiging AKSAYANG-PANAHON lang ang ipinasok mo sa eskwelahan at iyong trabaho, diba?.

Sino din naman kasi ang maniniwala sa pangyayari, kung ang mangyayari ay ginawang pelikula, diba?. Kaya maraming mga tao sa mundo ang magkakaroon ng movie-time sa December 21, 2012 at panonoorin nila ang movie na 2012 at sabay-sabay na tatawa pagkatapos. At pagsapit ng December 22 ay masasama na daw sa genre ng Comedy ang mismong movie....

Pero teka, hindi na si Harold Camping ang may prediction nito ha.

Nagsimula ang lahat nang madiskubre ng mga researcher ang Mayan-Calendar, ano ang isinasaad???. Na ang 12.21.12 ay isang END-DATE. Okay, Okay, natapos ang kalendaryo ng sibilisasyon ng mga Mayan sa petsang 'yon, E ano naman?, sino'ng maniniwala diba?, e ang difference lang naman ng kalendaryo nila kumpara ng sa atin ay Point-"something"-Second/s (.?secs) lang naman. - Ganon ka-accurate.

-Bakit kasi may Mayan Calendar pa, diba?.
-Bakit kasi sa December 21, 2012 ay may phenomenon na mangyayari kung saan maga-align ang Earth-Sun-Black Hole sa Milky Way Galaxy sa pinaka-unang pagkakataon?.
-At bakit kasi ang END-DATE na sinasabi ng mga Mayan's ay natapat dun sa phenomenon na 'yon?.

Ang galing naman nilang manghuhula. Kaya Science or Superstition?. Malay ba natin kung may ginagawa talagang BIG-SHIPS sa China ngayon. Tapos inaangkin nila ang Spratly Islands para makakuha ng langis pang-gasolina sa mga 'yon..... Nasa sarili mo ang iyong magiging paniniwala.

Ang sinasabing phenomenon ay wala pang deskripsyon kung ano ang mangyayari at magiging epekto sa mundo, kaya, ABANGAN!!.

At syempre, malaman mo man na totoo o hindi ang eschatological belief na 'to. May magagawa ka ba?. Kaya 'wag kang mangamba, patuloy ka pa ring mamuhay, pero isa-isip mo palagi ang kasabihang: "TOMORROW IS NEVER PROMISED"

Thanks for Reading!!!!!!
Malaking shout-out para sa aking supervisor sa OJT, s'ya ang nagbuklat ng libro para sa topic na 'to hahaha. Narito ang kanyang blog: http://mamamayangmalaya.blogspot.com/