Monday, December 31, 2012

PASAYO, para sa taong ito.

Aking nahalungkat mula sa Wall-Photos ng aking Facebook account, ang pinaputok ko last-year.
GOODBYE-UNIVERSE

At ayun na nga, ngayon na ang huling araw sa kalendaryo ng taong 2012. Nagkamali ang mga Mayans sa kanilang prediksyon, natalo si Manny Pacquiao sa nakakabiglang paraan, sumikat si Amalayer pero hindi bilang Artista, natatag na ang RH-Bill at Cybercrime law, ni hindi nagawang magpa-payat ng iba, at marami ang sumira sa kanilang new-year's resolutions this year. Shet, dami talagang nangyari sa taong 'to.

Natapos ko din sa taong ito ang Anim-na-raang oras na pago-OJT sa GSIS. Salamat din at mababait ang mga nakasama ko't naging mga bago ko ring kaibigan doon. Sa sobrang tagal ng aking ipinasok doon ay halos makumpleto ko na ang libro ng Pugad Baboy kakabili sa Moa dahil malapit lang naman XD. Anyway, kung gusto n'yo kong regaluhan sa aking kaarawan at kahit walang okasyon ay pwede n'yong ibigay nalang sa'kin ang mga kulang ko pang libro. 2, 3, 10, 20, 22, 23, 24.

Tumatanggap din ako ng mismong salapi para ako nalang ang bibili. Ngapala, nasa 125pesos ang mababang halaga ng isang libro, pero kahit isang-daan lang ang sa'ki'y inyong ibibigay ay hindi na 'ko magrereklamo, promise.

Ang dami ko ring nakilalang bagong mga kaibigan, dulot na rin ng paglalagi ko sa Twitter at Facebook. Hi friends!!. 

At para sa susunod na taon, at gaya din ng mga ginagawa ng iba. Meron din akong wishlist, pero tatlong bagay lang.
Una, sana magkaroon na ng WiFi ang bahay namin, next year.... 'daming may gusto din n'yan.
Pangalawa, sana tumama mga magulang ko sa lotto, kahit may kahati sa jackpot, ICE lang.
Pangatlo, maraming masarap hilingin, pero kailangan ding maging simple. Kaya sana, buo pa rin ang Pamilya namin sa susunod na taon at sa mga susunod pa.

At paalala, sa bawat hiling ay kailangan ng pagsisikap, kelangan mong gumawa ng hakbang para matupad ang 'yong kahilingan. Dahil kung ang gusto mo lang ay kusa s'yang mangyari, hindi ka HUMIHILING, naghihintay ka lang ng MILAGRO. At tandaan, mas may posibilidad na dumating ang mga bagay kung ito ay MAKATOTOHANAN.

At bago matapos ang taon, bago pumutok ang mga labintador, kwitis, piccolo at iba pa. Tayo muna't magpasalamat kay Bro para sa ibinigay n'yang 366days. Thank You Bro!!!!!

Oh, mauuna na 'ko?. HAPPY NEW-YEAR!!!!!!!
Salamat sa Pagbabasa :D

PAUNAWA: 'Wag magpaputok sa loob....................................ng bahay.