First posted at:
http://angpanyosabulsangmakata.blogspot.com
Magsisimula ang ating talakayan sa kung pa'no ba tatagal ang isang relasyon. Marami ang naniniwala na may hangganan ang bawat relasyon..... Pero para sa akin, nandoon 'yan sa mga taong sangkot dito, kung pipiliin lang nilang maging Endless Love ang kanilang samahan.
Ang daming hiwalayan na nagaganap, ang dami din kasing mga gago na hindi marunong makuntento sa kanilang kapareha at nakukuha pang maghanap ng iba.
Pero kailan ba natatapos ang isang pagiibigan? hmmm?. Well, siguro natatapos lang ang isang relasyon kung aayaw ang magkaparehas sa isa't-isa o kaya'y ayaw na ng isa. Ang una kong scenario ay hindi malimit mangyari; dahil kalimitan naman kasi na ang isa sa dalawang tao sa loob ng isang relasyon ang kalimitang nagiging sanhi ng hiwalayan.
Ang mga umaalis nang mga walang dahilan ang s'yang nagpapatunay na napakaraming bugok na tao ang nabubuhay sa mundo. Dapat talaga silang lipunin at bigyan ng bakasyon sa Spraty Islands, sa totoo lang.
Anyway, bakit ba kasi naiisip ng isa na humiwalay?. Minsan nagiging kumplekado ang mga bagay-bagay, sa aking palagay. Ang "pagsasawa" ay hindi kasama sa rason ko. Dahil sa aking tingin, nakukuha lang namang bumitaw ng isang tao sa isang relasyon kung siya ay nasasaktan na. Maraming rason kung bakit nasasaktan bukod sa pagka-dapa't pagkakaro'n ng sugat. Minsan nakukuha lang namang masaktan ng isang tao kung lambis na s'yang umaasa.
Ganito kasi 'yan, ang konsiderasyong bagay ay papasok ngayon dito. Isipin nalang natin na ang mag-karelasyon ay si A at B.
Gusto lang naman kasi ng isang tao ang maging masaya ang lahat, maging masaya kasama ang kanilang kapareha at sana'y mapasaya din sila ng pipiliin nilang karelasyon. Minsan, umaabot kasi sa puntong gumagawa ang tao ng mga bagay na sinisiguro n'yang mapapasaya ang kanilang A. Pero ang problema minsan, hindi umaabot na nasusuklian ni A ang ibinibigay ni B. Doon nagkakaroon ng tinatawag na UNFAIR condition. Kasi tungkulin dapat ng magkapareha ang pasayahin ang isa't-isa sa abot ng makakaya. May isang lyrics nga sa isang kanta: "Gagawin ko ang lahat pangako mo lang; 'di ako iiwan". E paano kung si B lang ang may motto na ganyan?, ayun lopsided na. Ang pagsusukli sa pagpapasaya sayo ng isang tao ay maganda mong gawin kung gusto mo ng matatag na relasyon. Dahil kung ang isa lang ang magbibigay, at aasa s'ya sa wala. Doon s'ya tatamaan ng sakit ng pagkukulang kung kaya pwede s'yang mang-iwan. Take Note: Naaagapan yan ng pagdedesisyon.
Isa sa mga sangkap sa matitibay na relasyon ay ang mga sincere na tao.
Sila 'yung may mga kakayahang patunayan ang forever, yung kayang magtagal sa isang relasyon at tutuparin ang pangakong hindi iiwan.
Pa'no mo pagbibigyan ang isang hiling?.
Idaan natin 'to sa isang kiss. Natural na mas gusto nating i-kiss ang mga taong karapatdapat at yung syempre; magiging totoo't tapat sa'yo sa inyong magiging pagsasama. Ngunit mahirap makakuha ng isang tao na mayroong mga nasabi kong aspeto.
Pero eto ang mga halimbawa kung pa'no mo malalaman na s'ya na nga. Ito ay sa aking palagay lamang.
Kung ang kapareha mo ay humiling ng kiss at hindi mo napagbigyan, natural lang na pilitin ka n'ya ng pilitin. Ngunit kung dadating ang panahon na magagalit s'ya dahil hindi mo naibigay ang gusto n'yang makuha. Asahan mong s'ya ay maling tao. Baka dumating sa puntong sapakin ka na n'ya at murahin dahil ang pakipot mo. Pero tama naman ang ginawa mo. 'Wag mong piliin ang mga ganoong tao, hindi sila karapatdapat.
Pero kung ang kapareha mo ay naghintay sa kanyang hiling, at kung makuha n'yang tiisin ka sa iyong pagkapakipot. Sila talaga yung mga karapatdapat. Dahil sa totoo lang, ang paghihintay ng isang inaasam na bagay ay sobrang sakit sa kalooban, ang makuhang harapin ang mga hapdi ng paghihintay ang s'yang masasabi nating sincere. 'Wag mo lang s'yang paaasahin, dahil kung ang paghihintay nga ay mahapdi sa puso, ang umasa sa wala ay nakakagunaw naman ng buto. Maging wais din, malalaman mo naman 'yan sa mga sinasabing salita ng tao kung s'ya ay tunay at tapat. kailangan mo lang magtiwala at hayaang mangyari ang dapat na ikasasaya mo. Pero saglit, paalala, ang bawat paghihintay ay may kalakip na pasensya, 'wag mo lang hihintayin ang punto na mapagod s'ya kung hindi, mamimiss mo lang ang chance.
ANG MGA KARAPATDAPAT.
Sila nga 'yung mga sincere, tunay at tapat. Koonti nalang sila mga kaibigan, narito ang posibleng katangian:
Tanggap ka ng buong-buo, tumutupad sa mga pangako, tapat sa mga salita, ang may kakayahan na pasayahin ka, natitiis ang iyong kaartihan pero 'wag mong kasanayan ang pagiging maarte dahil may hangganan ang bawat pasensya. At syempre ikonsidera mo ang kanyang background, ang mga bagay kasama ang kanyang huling relasyon o kaya'y pananaw niya sa buhay.
At para naman sa may mga tinga pa ng ampalaya sa puso, hoy, 'wag na kayong magpakalulong sa nakaraan, para sa'n pa ang pagpapaka-emo sa sarili kung wala namang patutunguhan kundi sakit lang ulit ng kalooban. Move-on move-on din. Tulungan mo ang sarili mo na makabangon, pa'no ka sasaya kung iaasa mo lang ang desisyon mo ayon sa natikman mong pait ng nakaraan?. OO mahirap magtiwala ulit, pero DAPAT kang magtiwala sa dapat na pagkatiwalaan mong tao kung gusto mong sumaya.
Pagdating sa buhay, piliin mo lang kung saan ka magiging masaya. Hindi importante ang problema, oo dadaan yan pero panandalian lang. Pipiliin mo pa bang maging malungkot kung may paraan naman para lumigaya ka?. Nasasa'yo yan pero isipin mo lang 'to: "Ang mga mararamdaman mo ang magiging resulta ng mga desisyon mo".
At kung gusto mo namang lumigaya ang buhay mo, kapag sakaling may dumating na sincere sa buhay mo, 'wag mo nang palayuin pa, 'wag ka nang madaming iniisip pa, masisira lang ang ulo mo d'yan. Kung nakikita mo na kung saan ka mas sasaya, dapat DOON KA. Tandaan, konti lang yan sa mundo, 'wag hayaang dumaan lang ang opportunity. Isaalang-alang mo din 'to sa pamamagitan ng bagong kanta ng Never the Strangers: BAGO MAHULI ANG LAHAT.
Salamat po sa pagaaksaya ng panahon.
-Skip the Dream IX-