Tuesday, February 26, 2013

Bilang Tsismoso

Ito ay narinig ko lang sa kung saan pero pwede n'yo ding isipin na ako'y nagiimbento lang.


Si Boy1 ay nagkaroon ng hot-seat session ng hindi inaasahan kasama ng isang kaibigan.

Boy1: Oi pare. kamusta?
Boy2: Hoy, halika nga dito, ikaw ang dapat kong kamustahin. Balita ko may nililigawan ka daw, nakita ka ng isa kong barkada sa Mall, may kasama ka.

Boy1: Sigurado ka ba pare ko?, baka naman Nanay ko lang yung kasama ko nun haha.
Boy2: Habang naglalakad kang may ka holding-hands?

Boy1: Haha grabe tol, OO NA pero 'di ko yun girlfriend, kaibigan ko lang.
Boy2: Kaibigan lang??... Sa umpisa lang yan, ituloy mo na.

Boy1: Ituloy, e parang wala pa naman yata akong nasisimulan.
Boy2: E ano naman, hindi mo ba type?, wala ka bang plano?, hindi mo ba mahal?, wala ka bang nararamdaman?

Boy1: Daming tanong... Ewan ko kasi e, baka hindi ako ready o baka s'ya yun hindi handang saluhin ako.
Boy2: haha grabe, saluhin??.. ANG MAKATA MO TALAGA TOL!!!. Pero kung ako sa'yo, kung gusto mo s'ya, go na!!!

Boy1: Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan sarili ko tol.... Nakikita ko kasi sa kanya na inaaswang pa din s'ya ng ex n'ya. 'Yun bang hindi pa din s'ya nakaka move-on. Dehado ako dre, baka may nararamdaman pa s'ya dun. Pa'no kung dumating yung time na dineretso ko na s'ya tapos biglang sumingit yung mokong? E di naiwan akong naka nga-nga, mukhang malaki pa din yata yung chance na magka-balikan sila gayong naiisip parin n'ya e.
Boy2: Kawawa ka naman, anu kaba. Edi turuan mo s'yang mag move-on. Gawin mong paraan yung sarili mo para makalimutan n'ya yung mokong na 'yun... teka, gwapo ba yung mokong?

Boy1: Hahaha, gwapo pare, artistahin wahahaha. Kaso loko-loko, ang dami nang nabiktimang babae, yun ang balita ko. Kainis nga e hahahahaha. Naaagrabyado tuloy tayong matitino, nahihirapan na tuloy magtiwala sa'tin ang mga babae.
Boy2: Hahaha Ikaw?, matino???. biro lang, oo nga e. Dapat yung mga ganyang mokong payakapin sa cactus nang nakahubad, tapos ibalot yung katawan sa twalyang puno ng langgam.

Boy1: Grabe ka tol, pero oo, naiinis ako dun....... Pero nasasaktan ako tol, alam ko kasing ang dami nang nangyari habang wala ako, iniisip ko tuloy, matutumbasan ko ba yun?.  
Boy2: Alam mo tol, hindi mo kailangang tumbasan lahat, kaya mo naman gumawa ng bagong memories kasama s'ya. Ang importante kung magiging kayo, kayo lang, wala nang iba.

Boy1: Hahahaha may point ka, handa naman akong mahalin s'ya at pasayahin s'ya araw-araw. Natatakot lang ako na baka hindi ako mabalikan ng mabibigay ko. Baka ako yung matalo sa huli, baka maiwanan din ako. Baka kasi kahit handa akong ibigay ang lahat, pero dahil nasaktan na s'ya dati, hindi na s'ya ganon ulit magtiwala sa mga kagaya natin.
Boy2: Naku pare, masakit masaktan. Kung ayaw mong umaray, e di wag mong sugurin yung laban na alam mo namang handicap sa'yo. Pero kung handa din naman s'yang ibigay sa'yo ang lahat at mahalin ka din nya pabalik. Pare naka-jackpot kana. Alam ko namang kagaya mo din ako, hindi na natin kailangan ng super-chix, basta yung mapapasaya at mamahalin din tayo, ayos na.

Boy1: WOW!!!, ikaw naman ngayon ang naging makata? haha. KOREK, dahil handa naman tayong tumupad ng mga pangako hahaha. Sana makita n'ya ako na kinabukasan n'ya hahaha
Boy2: Hahaha ganyan lang, wag kang magisip ng mga bagay na mamomroblema ka.

Boy1: Sana rin tol makalimutan n'ya na yung mokong na 'yun. At sana din mag move-on na s'ya hahaha
Boy2: Hahahahahaha yang pagmu move-on naman ay nasasa-kanya. Kung gusto din naman nyang makabangon mula sa nakaraan, kaya naman nya. Gawin lang nya yung dapat gawin, wag na syang mag-atubili pang mag-alinlangan. Dahil kung Gusto may paraan at kung ayaw may dahilan. Minsan kasi iniisip lang na mahirap, pero kapag nasimulan na, hindi na nya mamamalayan na nakalimot na s'ya.

Boy1: Anyway tol, salamat sa usapan, nakakabusog ng utak haha.
Boy2: Ayos lang, basta ikaw. Ano tara? Basketball?
Boy1: one on one? GAME!!
.................



Lumipas ang tatlong buwan matapos ang malalim na usapan nina Boy1 at Boy2, nagkatuluyan din silang dalawa....... Haha joke. Naging masaya na si Boy1, niligawan n'ya si babae at naging sila narin sa wakas. Nangako naman ang babae na hindi na lilingon pa sa iba at handang mahalin si Boy1 magpakailanman. Ang sarap diba?. Kung hindi mo iintindihin ang mga sagabal, yung mga masasayang bagay lang ang mangyayari at mararamdaman mo.

Good-vibes mga kaibigan, saluhin n'yo lahat.
Thanks for Reading