Monday, March 25, 2013

Panaghoy ng Daluyong

KABA, magkakaiba ang dahilan pero mahirap dalhin sa isang sitwasyon. Minsan kapag nakakaramdam ka, lahat na ng unconscious behavior ng katawan mo, ginagawa mo na. 

Mga pagyuyugyog ng paa o tuhod. 

'Yung madalas na paglalakad nang walang patutunguhan. 

'Yung madalas na pagsilip sa mga laman ng refrigerator??, yes, kasama yan. 

'Yung pagkagat mo sa mga usling balat ng daliri, tapos sa huli pagsisisihan mo kasi sobrang hapdi kapag sumagad yung kagat mo.

Mga nanlalamig na Paa..... Shet, sana may mag-comfort sayo, pare.
-

Kapag malayo pa yung pinapangambahan mo, saka mo nalang isipin yan... may mga pagitan pa na araw na dadaan, kaya pwede ka pang magpetiks bago dumating ang bagyo sa buhay, haha.

Pero kapag malapit na talaga, potek, yung kaba e parang inuunos ka muna ng ambon bago ka tuluyang tamaan ng kidlat at bayuhin ng malakas na ulan. kainis yung pakiramdam na 'yun.

Pero bakit ba??. Bakit ka ba nangangamba, e alam mo namang lahat ng problema'y may bright-side na pwede mong gawing motivation para di na maulit sa susunod yung maling ginawa mo.
-

Kapag kinakabahan kana, wala kanang magiging paki-alam sa iba. Parang wala ka nang paki-alam sa mundo. Naghihintay ka nalang ng milagrong matapos na agad yung nararamdaman mo. Hindi mo na iisiping may mas malala pa naman'ng problema sa'yo na kinakaharap nina James at Kris at nina Heart at Chiz.... Nubayan, Anong pake ko sa kanila, para namang maaalis n'yan ang pagka-developing country ng Pilipinas kapag nasolusyunan 'yan.

Ambabaw, mas malalim lang sa babaran ng pustiso. 

Pero anyway, hindi solusyon ang pagtakas para makalusot sa problema, kailangan mo lang harapin.... At kapag natiis mo, mararamdaman mo nalang na TAPOS NA.....

Pwede kana ulit bumili ng bente pesos na Cornetto... Pero hindi lang d'yan magtatapos, magpromise ka nalang sa sarili mo na hindi mo na hahayaang maulit yung nagawang mali mo pagkatapos.


"Sometimes life hits you in the head with a brick. Don't lose faith" - Steve Jobs

Friday, March 22, 2013

Skip the Dream XIII

If I will gonna make a 'ligaw', I think it should be in front of the father of my love. And If i will say a line to make him on side of me. This would be it. HAHA
"Sir, I want you to know that your daughter is the best thing that is ever happened to me. She's smart, kind, and the most perfect girl in my eyes. And I'm madly in-love with her. It would be an honor to have your permission to be her Boyfriend."
Would it be nice?? hihihi XD
It will not be done so easily, but I know it will come one day. And I will do it because I love her. Haha

Thursday, March 7, 2013

Kung pwede lang sana.

Kung pwede lang sana na lahat ng gusto mo e makukuha mo agad, mangyayari agad, matutupad agad, e di sana happy-happy na lahat.

Sa buhay kase, walang 100% discount. Kung lahat ng gusto mo makukuha mo agad, edi wala nang kwenta ang pera. Edi sana ang dali lang pumasa sa mga exams, edi sana crush ka na din ng crush mo, edi sana mura lang ang Pringles.

Masarap din makuha yung mga bagay na pinaghihirapan, pero mas masaya yung makuha mo s'ya sa madaling paraan. kasabihan yan ng tamad, pero hindi ba?, mas masaya yon.

Hindi lahat ng gusto ay nakukuha at hindi lahat ng nakukuha ay sapat. Hindi lahat ng pwede ay pinapayagan dahil hindi mo maitatangging maring kill-joy sa mundo.

Mabuti narin at hindi lahat ng kayang makuha ay may nakakakuha agad, marami din kasing mataas ang ambisyon kahit imposible naman.

Kung okay lang sana mangyari lahat ng pinaplano mo sa utak, edi sasaya ang pakiramdam mo dahil mapapadama nito na ang buhay mo ay may saysay.

Kung lahat lang ng wish ay natutupad, kung totoo lang sana ang Dragonballs, kung tunay lang sana ang magic, kung kaya mo lang sanang paikutin ang mundo sa sarili mong paraan.

Kung pwede lang naman sana, edi happy-happy na lahat.

Thanks for Reading

Tuesday, March 5, 2013

Skip the Dream Twelve

Masarap ang french fries, yan ay isang katotohanan. Isa pang katotohanan ay kung wala s'yang flavor ay hindi din s'ya masarap.

Hindi naman lahat pare-parehas, lahat naman may pagkakaiba.
Pero bakit humihingi ng hindi maibigay, kung masaya naman sa kasalukuyan.
Dadating din naman yung panahon, na wala nang kahit anong balakid.
Kung marunong lang sanang makuntento't maghintay ang lahat.
E di wala nang malulumbay gaya ng mayamang kumakain ng pinangat.

Sunday, March 3, 2013

Skip the Dream Eleven

May mga bagay na hindi na kailangang sabihin dahil nararamdaman na.
May mga bagay na kahit sabihin mo, wala paring saysay.
May mga bagay na kailangan nalang tanggapin kahit hindi ka masaya.
At lahat ng bagay, sa ayaw mo't sa gusto ay mangyayari kapag nakatakda talaga.

Saturday, March 2, 2013

Unang video blog

Ito ay video na kinuha bago kami gumawa ng mga kailangan para sa aming Thesis sa aming bahay. Ito ay isang matatawag na documentary/kakatawanan. Pasensya na dahil hindi pala maganda ang boses ko sa video hahaha

Katuwaan lang XD