KABA, magkakaiba ang dahilan pero mahirap dalhin sa isang sitwasyon. Minsan kapag nakakaramdam ka, lahat na ng unconscious behavior ng katawan mo, ginagawa mo na.
Mga pagyuyugyog ng paa o tuhod.
'Yung madalas na paglalakad nang walang patutunguhan.
'Yung madalas na pagsilip sa mga laman ng refrigerator??, yes, kasama yan.
'Yung pagkagat mo sa mga usling balat ng daliri, tapos sa huli pagsisisihan mo kasi sobrang hapdi kapag sumagad yung kagat mo.
Mga nanlalamig na Paa..... Shet, sana may mag-comfort sayo, pare.
-
Kapag malayo pa yung pinapangambahan mo, saka mo nalang isipin yan... may mga pagitan pa na araw na dadaan, kaya pwede ka pang magpetiks bago dumating ang bagyo sa buhay, haha.
Pero kapag malapit na talaga, potek, yung kaba e parang inuunos ka muna ng ambon bago ka tuluyang tamaan ng kidlat at bayuhin ng malakas na ulan. kainis yung pakiramdam na 'yun.
Pero bakit ba??. Bakit ka ba nangangamba, e alam mo namang lahat ng problema'y may bright-side na pwede mong gawing motivation para di na maulit sa susunod yung maling ginawa mo.
-
Kapag kinakabahan kana, wala kanang magiging paki-alam sa iba. Parang wala ka nang paki-alam sa mundo. Naghihintay ka nalang ng milagrong matapos na agad yung nararamdaman mo. Hindi mo na iisiping may mas malala pa naman'ng problema sa'yo na kinakaharap nina James at Kris at nina Heart at Chiz.... Nubayan, Anong pake ko sa kanila, para namang maaalis n'yan ang pagka-developing country ng Pilipinas kapag nasolusyunan 'yan.
Ambabaw, mas malalim lang sa babaran ng pustiso.
Pero anyway, hindi solusyon ang pagtakas para makalusot sa problema, kailangan mo lang harapin.... At kapag natiis mo, mararamdaman mo nalang na TAPOS NA.....
Pwede kana ulit bumili ng bente pesos na Cornetto... Pero hindi lang d'yan magtatapos, magpromise ka nalang sa sarili mo na hindi mo na hahayaang maulit yung nagawang mali mo pagkatapos.
"Sometimes life hits you in the head with a brick. Don't lose faith" - Steve Jobs
"Sometimes life hits you in the head with a brick. Don't lose faith" - Steve Jobs