Thursday, January 30, 2014

Bakit Espesyal ang Manila Clasico

James Yap vs Mark Caguioa | Photo from interaksyon.com 


Bakit Espesyal Ang Manila Clasico?

Bakit Espesyal kapag naghaharap ang Purefoods kontra AƱejo o ang Ginebra laban sa SanMig?

Bakit Espesyal kapag nagbabantayan 'yang dalawang 'yan sa taas.

James Yap vs Caguioa. Pingris vs Japeth. Barroca vs Tenorio. Kapag sinabi kong maghaharap ang mga players na 'yan. MATIK-NA-YAN! Ibig sabihin, magaganap na ang kinapipitagpitagang match-up sa PBA: Ang Manila Clasico.

Kumpara sa ibang rivalry. Nand'yan ang Ginebra-Alaska, SanMig-Rain or Shine, Petron-Ginebra, SanMig-Talk N Text. Masasabi mo talagang mas angat ang laban kapag San Mig vs Ginebra.

Kumpara sa ibang rivalry. Itong match-up lang talaga na ito ang pinaka magka-kontrapelo. Parang Jollibee at McDonalds. Parang La Salle at Ateneo. Parang Mayweather at Pacquiao. 

Bukod sa dahilang maraming mga superstar-player ang dalawang koponan. Itong match-up lang yata na 'to ang may kayang maghakot ng 20,000 na tao sa venue sa isang 'Elimination-Game' lang.

Naiiba. Namumukod-tangi. ESPESYAL! 'Yan ang Manila Clasico. Parang ito kasi 'yung laban na hindi mo makakayang palagpasin. Parang hindi mo pwedeng hindi panoorin. Parang hindi pwedeng mawala. Parang 'yung 'extra-rice' kapag kumain ka sa Mang Inasal.

At hindi lang ang team ang kasama sa labanan. Pati narin ang mga fans na nanunuod ng live o mga fans na nakikipag comment-exchange sa mga Facebook-page ng mga team nila.

Wala e. Para sa mga fans ng Ginebra, para ka nang naka-avail ng isang trip to Boracay kapag tinalo nila ang San-Mig, at para sa mga San-Mig fans, para ka nang nanalo ng House & lot kapag nanalo ka sa Ginebra. Sa kabilang banda, gano'n ding kasaklap ang mararamdaman ng dalawang kampo kapag natatalo sila ng kabilang koponan...

Sobrang-sakit!

Para kang sinampal sa pisngi ng tsinelas na Rambo.

Kung ikaw ay basketball fan, alam mo na sigurong maganda to. Hindi naman ako weird, pero Ipagpapalit ko talaga ang Got to believe at Honesto para lang makapanuod ng Manila Clasico.

E kasi maraming kapanapanabik na sequence ang pwedeng mangyari! Gusto ko kasing makitang ma-shootan ni James Yap si Caguioa. Gusto ko din makitang mag-dunk si Japeth. Gusto kong makitang mag-agawan sa bola ni Tenorio at Barroca. Gusto kong makitang mag three-point si Baracael. Gusto kong makitang mag-drive si Simon. Gusto kong makitang lumipad si Ellis. At gusto kong makitang rumebound si Pingris!

Sa madaling salita, Gusto kong manuod ng Manila Clasico.

Kasi masarap sa pakiramdam. Masarap panoorin. Kasi espesyal.

OO, ESPESYAL...

Parang 'yung Taba sa Barbecue.

Parang 'yung Chickenjoy sa Jollibee.

Parang 'yung Gravy sa KFC

Parang 'yung Anghang sa Bicol Express.

Parang 'yung Icing sa Cake.

Parang 'yung Ube sa Halo-Halo.

Parang 'yung Buto sa Bulalo.

Parang si Harry sa Harry Potter.

Parang si Frodo sa Lord of the Rings.

Parang si Kobe sa Lakers.

Parang si Jaworski at Caguioa sa Ginebra.

At parang si Patrimonio at Yap sa Purefoods.

Espesyal. Sa halos dalawang oras na labanan sa hard-court ng dalawang koponan, tanging sa mga time-outs at half-time break lang nakaka-hinga kaming mga fans. Tumitigil ang paggawa ng Assignments at pagke Candy-crush para lang mapanood ng buo ang laro.

Dahil bawat loose-ball, bawat rebound, bawat turnover, bawat steal, bawat dunk, bawat three-point-shot sa laro; nakakakiliti sa pakiramdam. Doble pa, kapag Last-Two-Minutes na.

Iba e, iba kasi kapag Manila Clasico, sa sigawan ng crowd kapag natatanggap ng kani-kanilang paboritong player ang bola sa court, kapag sumasangayon ang tawag ng referee, kapag may nagrereklamong coach, kapag may nag no nose-to-nose na magkalabang player. Kakabahan ka pero masisiyahan kang manood.

Kaya hindi mo s'ya dapat palampasin dahil sa napaka-raming dahilang pwede kong ibato sa'yo. 

Kaya kung wala kang magawa, tinatamad kang gawin 'yung assignments mo, naboboring ka sa palabas sa kabilang channel. Manood ka nalang ng espesyal na basketball-extravaganza na tinatawag ko.

Salamat sa Pagbabasa =)
Follow me on Twitter: @RegularDreams

Tuesday, January 14, 2014

Bakit Ang-Gaganda ng mga Commercials ng McDonalds?

Logo used in McDonald's Wikipedia
"Pa-para-papa love ko 'to"--naaalala mo pa ba yang linyang 'yan? O itanong ko nalang kung kaya mo parin bang bigkasin yan nang may tono? Kung hindi, e baka namulat ka na sa "Hooray for today" ngayon. Pero bakit ba talaga ang gaganda ng mga commercials ng Mcdonalds? Kahit pa nagsasara ang ibang branch nila kapag tinatabihan ng Jollibee, masasabi parin namang--ang sarap kumain dito. Naaalala ko pa tuloy ang mga panahong napaka-sarap i-koleksyon ng mga "Snoopy" at "101 Dalmatians" na Happy Meal, nakakakuha kasi ako n'yan sa t'wing matataas ang grades ko o kaya 'yung mismong score sa exam noong elementary palang ako. 

Wala na sigurong kokontra kung sasabihin kong isa ang McDonalds sa mga korporasyon na magaling gumawa ng kanilang TV-Ad. 

Smooth sa pandinig. Nakaka-relax. Isa rin ako sa mga napapa-goodvibes ng mga commercials ng Mcdo. Magaling ang direktor? Maganda 'yung storyline? or pwede ring sa kadahilanang maganda 'yung kanta. Kahit ano pang dahilan, basta ang alam ko, alam ng Mcdonalds 'yung tamang timpla ng isang TV-Advertisement--Kaya sa t'wing napapanood ko ang commercial ng Mcdonalds, para bang palaging isang magandang umaga.

Anyway, subukan nalang nating balikan ang ibang commercials ng Makdo. At heto ang mga nalikom ko:

LO, KAREN PO 

Sharon Cuneta '8-Mcdo commercial'

First Love (Ang huling El-bimbo)

1st Hooray for today commercial

Down Town 

At ang top 5 commercials ng Mcdo para sa'kin?

Top 5. Brilliant commercial
Isa sa mga hit na line ng Mcdo noon ay--"Pa-cheese burger ka naman". At malamang, na sa tuwing may nagagawa kang maganda, naka-perfect sa quiz, nakasagot sa recitation, maka-graduate, makakuha ng medal o award sa school noon?--sasabihan ka ng mga kaklase o kaibigan mo ng "PA-CHEESE BURGER KA NAMAN!"

Top 4. Jessy Mendiola TVC (Mcdonalds shake-shake meal)
Oh, sino bang makakalimot dito at sinong lalaki ang hindi magbabanggit nito kapag sinabing "McDonald Commercial", Jessy Mendiola 'yan e. Maganda. Pantasya. Diwata. At sorry nalang sa mga kagaya kong sumusubok at umuuwing bigo kapag kumakain sila sa iba't ibang branch ng McDonalds, umo-order ng McDo Fries at Mc-Spicy, pero wala paring Jessy Mendiola na lumalabas nang surprise.

Top 3. Mc Float TVC (Konti nalang memory ko e, sino ka nga?)
Basta ang cute ng commercial na 'to, hindi ko na kailangang i-explain haha

Top 2. Konti Lang
Isa sa mga pinaka-hit at pinaka-sumikat na line galing sa isang commercial ng Mcdo? -- KONTI LANG. Hindi mo na kailangang pang magimbestiga. At dahil sobrang sikat ng line na "Konti Lang"; kahit saang tanong tuloy na itatanong sa'yo ay pwede mo na s'yang isagot. Gaya ng mga 'to:
- May sagot ka sa exam kanina? 
- Magkano sweldo mo?
- Kumain kanaba?
- Nakatulog kaba?
- Umutut kaba?

At ang no.1 sa top 5 list ko?

1. Mcdo Fries
At kahit mabilis na nawala ang exposure nito sa TV dahil sa apila ng CBCP noon, hindi parin maitatangging isa ito sa mga cute na commercials ng Mcdo. At posibleng naging isa sa mga dahilan kung bakit mas naging sikat ang french-fries ng Mcdo kumpara sa iba.

At sana bayaran ako ng Mcdo sa pagpopromote sa kanila. LOL. JOKE. Actually wala talaga akong malinaw na rason kung bakit ginawa ko itong blog-post na ito. Ni hindi ko rin naman sinagot 'yung tanong sa title nito. Ang gulo no? Gusto ko lang talaga ng Mcdo fries eh.

Salamat sa Pagbabasa