Showing posts with label Fiesta. Show all posts
Showing posts with label Fiesta. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

Fiesta sa amin (Rosario, Cavite)

Fiesta ulit sa amin kahapon ang saya talaga, sana araw araw na lang yung mga ganitong kaganapan. May pasok ako nung umaga kaya inagahan ko ang pag-uwi para naman makanood ako ng Karakol sa Hapon. Nakakuha pa ako ng mga larawan sa parada.

Kailan-man Hindi ko pa nakakaligtaanng makanood nito, 'di naman ako masyadong relihoso pero gustong gusto ko talagang nakakakita ng mga ganitong tradisyonal na pagdiriwang

Eto pa. Umaga pa lang mukhang masama na ang panahon parang naghihintay na lang mapuno ang ulap ng tubig para bumuhos ang ulan pero hindi 'yon nangyari hanggat hindi pa nakakabalik ng Simbahan ang patron namin.







Isa sa mga main attraction oh yun bang highlights na tinatawag ay yung 'pag tanggal ng Andas sa mahal na ina na si Nuestra Señora Virgen del Rosario de Caracol.
                 




Thanks for Reading!

Monday, May 23, 2011

Rosario, Cavite Fiesta Band Parade (May 22, 2011)

This is the yearly event here in Salinas (Rosario) the 2nd highlights in our Fiesta, (the first was the traditional Caracol/Karakol.)
the Band Parade is comprised by 11 Marching Bands
3 bands are from Rosario and the others are from the Different Municipality of Cavite. and wherever


sadly in the middle of the said event, the rain falls






Rosarian Band (Rosario, Cavite)


Sto. Rosario Band (Rosario, Cavite)


San Isidro Labrador Band (Rosario, Cavite)


Tanzenian Band (Tanza, Cavite)


Sta. Cecilla Band (Gen. Trias, Cavite)


Sta. Cruz Band (Tanza, Cavite)


St. Francis Band (Gen. Trias, Cavite)


St. Augustine Band (Tanza, Cavite)

Banda Sta. Monica  (Tanza, Cavite)


St. Augustine Band Exhibition (sorry for low quality video) :D 


more photos in this link http://www.facebook.com/media/set/?set=a.212316318788621.54028.100000307640372

Tuesday, May 17, 2011

Salinas Karakol (Happy Fiesta Rosario, Cavite)

Tuwing buwan ng Mayo ay hindi mawawala ang mga bayan na nagdiriwang nag kanilang pista, isa na ang Bayan ng Rosario sa mga nagsasagawa ng Karakol na isang bahagi ng pagdiriwang. ginaganap ito tuwing ikatlong Linggo ng Mayo at tuwing ika pito (7) ng Oktubre. ang nasabing Karakol ang pinaka matanda at ang pinakaunang Karakol na isinagawa at nagumpisa pa ito noon pang 1845.

Nuestra Señora Virgen del Santissimo Rosario Reina de Caracol
Ang karakol ay isang tradisyon na kung saan na ang isang patron ng isang bayan ay inililibot sa kaniyang bayan


Sinasamahan ito ng mga mananayaw at mga banda ng Musikero upang maging masaya ang bawat kaganapan

Isa rin sa mga isinasagawa sa karakol ay ang pagdadala nito sa dagat


This is the one of a perfect example of Flu-vial Caracol


Karakol sa Dagat


pagdating sa dagat ay inililipat ang Mahal na Ina sa mas malaking bangka at habang ang mga musikero ay nagsisitugtugan ay sinasabayan ito ng pagligid ng iba pang malilit na bangka sa bangkang sinasakyan ng Mahal na Ina.


Band Parade
 Isa din sa mga highlights ng isang pista ang pag parada ng mga banda, iba't ibang banda ng musikero ang sumasali galing sa iba't iba ding' mga bayan sa Cavite


Nuestra Señora Virgen del Rosario de Caracol with San Isidro Labrador
If you don't have any Idea in this particular event i will leave some videos right down here, check it out.






the photos are from: Most Holy Rosary Parish (Rosario, Cavite) facebook fanpage http://www.facebook.com/pages/Most-Holy-Rosary-Parish-Rosario-Cavite/283553439135 


Mabuhay salinas :D