Monday, December 29, 2014

Bakit Iwas si Bob Arum sa Pacquiao-Mayweather bout

Photo from www.latinopost.com

























Makalipas ang isang buwan. Matapos magbitaw ng anim na suntok na umiskor ng anim na knockdown at nagpabagsak sa kalabang Amerikano. Nakabangon muli si Pacquiao mula sa multo ng kamao ng isang meksikanong minsang nagpatulog sa kanya. Ang muntikan nang career na matapos ay naiahong muli. Sa kabila ng mga kwestyon at pagdududang makakaya pa. Sa kabila ng mga kontrobersiya sa posibleng laban kay 'Mayo de panahon' (Mayweather) at sa kabila ng banta ng pala-ngiting si Kim Henares, tumabo ulit s'ya ng milyong piso... pero hindi kasing dami ng sa mga nakaraan.

Makalipas ang anim na taong paghahamon, tatlumput-siyam na palusot at labing anim pang palusot na posible n'yang sabihin sa hinaharap. Nagbitaw na ng petsa ang nagiisang pound for pound king sa boxing ngayon. Mayo a-dos ng susunod na taon, gusto na n'yang labanan si Manny Pacquiao.

Wala na e, simot na halos ang mga boxing-star sa 147lbs division. Kaya hindi na s'ya makatatangging labanan pa si Congressman. Kahit si Manny nagtiyaga nalang kay Algieri na hindi naman n'ya ka-lebel. Kumbaga pag hinalintulad natin sa PBA, si Pacquiao, Superstar na ala-James Yap habang si Algieri Rookie na ala Manny Pacquiao... Oops.

At malamang, hindi rin nanaising umakyat ni Floyd sa 154lbs at 160lbs weight-division dahil nandito na halos ang mga ka-size n'ya. Tiyak na hahamunin agad ni Gennady Golovkin to pag nagkataon. Umurong din s'ya sa rematch kay Miguel Cotto. Bakit? Si Freddie Roach na trainer ngayon e. Wais.

Pero kung payag na si Daldal at payag din si Pacquiao, bakit parang may gusot parin?
"It's disrespectful to the Mexicans. Only Mexican fighters can fight on that day (Cinco de Mayo)." - Bob Arum
Cinco de Mayo, isang selebrasyon na ginugunita ng mga Meksikano at ng mga Mexican-american sa Amerika. Pero May 2 'yung laban? May 5 'yung pagdiriwang? At kung dapat pala ay puro mga meksikanong boksingero lamang ang pwedeng mapanood sa araw na 'yon, bakit n'ya itinuloy noon ang Hatton-Pacquiao (May 2, 2009) at Mosley-Pacquiao (May 7, 2011) na mga laban kung saan pumatak ang mga petsa sa loob ng linggo habang ipinagdiriwang ang Cinco de Mayo?

Naunang maging usap-usapan ang Canelo Alvarez-Miguel Cotto fight para sa May 2, 2015. Pero hanggang ngayon, wala paring papel ang nalalagdaan. Sa kabila na si Freddie Roach rin ang trainer ni Cotto, ang nasabing petsa ay hindi parin naman pinal para sa laban kaya hindi ko parin makita ang dahilan kung bakit hindi pwede para kay Bob Arum ang petsang nabanggit. Kung saan ang mismong boksingero at guro nito ay nagpahayag na ng pag-sangayon.

$300,000 ang kinita ng pay-per-view sales ng Pacquiao-Algieri. Mula nang matamo ni Manny Pacquiao ang pagkabigo kay Juan Manuel Marquez, kung saan umabot ng $1,150,000 ang nalikom sa pay-per-view ng kanilang laban. Lumiit na ang nakokolekta ni Bob Arum mula sa mga laban ni Emmanuel Pacquiao. 

E magkano na lamang ba ang napupunta kay Pambansang kamao? Mula sa porsyento n'ya na hati sa kinita ng kanyang laban, bente porsyento (20%) ang mapupunta kay Bob Arum. (10%) kay Coach Jawo Este Freddie Roach. Bawasan pa ng mga assistant ni Freddie Roach. Training-camp expenses. Tax bills sa US bukod pa sa Pilipinas o sa makatuwid- share ni Kim Henares. Gastos pang-eroplano, pang-kain araw-araw, pang-yosi at pang-inom ng sandamakmak n'yang dinadalang alalay sa amerika. Pambayad sa inuupahang hotel para sa mga 'yon at balato para kay Pambansang-anino na si Chavit Singson. E baka pang-hermes nalang ni Jinkee at Aling Dionisia ang matira.

Hindi ba't masyado s'yang maraming ginagastos sa isang araw? Kung bawasan n'ya kaya 'yung bilang ng entourage n'ya na may- Trainer, assistant ng trainer, adviser, assistant ng adviser, taga-luto, taga-hugas ng plato, taga-paligo ng oto, taga-pakain ng aso, mga pastor na kaaway ng nanay n'ya, driver, security, alalay at alalay ng alalay ng alalay. Siguro malaki rin ang matitipid n'ya. Mayroon kapang 2.2 bilyong-pisong utang na ginigiit ng BIR, Manny.
“They’re all competing to be golden boy for the day. Clean his pool. Take his shoes off. They will do anything for Manny Pacquiao. I’m telling you, the funniest thing is, whoever is on the best terms with Manny at that moment sleeps closest to him, at the foot of his bed." - Freddie Roach from nytimes.com
“I see new guys every day, Guys who I don’t even know who they are, or what they do.” - Joe Ramos from nytimes.com
Pero sino nga ba ang balakid sa laban na dapat noon pa nangyari? Si Pacquiao na naghahabol nalang daw ng kikitain sabi ni Mayweather? Si Mayweather na humihingi ng mga kasunduan (blood/drug test, 70-30 cut, Turn down Arum, Showtime boxing ppv) O mismong si Bob Arum na minsan nang tinalikuran ng mga boksingerong umangat pa ang mga numerong nakukuha sa kanilang payday mula nang iwanan s'ya- gaya ni Oscar De La Hoya, Julio Cesar Chavez Jr, Mikey Garcia at ultimong si Floyd Mayweather.

Iwas ba si Bob Arum sa Pacquiao-Mayweather bout?


Gusto n'ya (daw) matuloy pero tingin ko, gusto n'ya munang palakihin ang pera. Sa mga nakaraang laban ni Pacquiao na kasama s'ya na madalas 60-40 ang hatian, angat si Manny sapagkat ang 60% na hati ang sa kanya. At ang kabuuan na makukuha ni Mr. Arum matapos ang pag-upo at pano-nood sa venue? 20% ng kita ni Manny, 20% ng kita ng kalaban ni Manny at porsyento din n'ya sa pay-per-view at ticket sales mula sa HBO at Venue.

Kaya ano sa tingin ninyo ang iki-kilos ni Bob Arum? Hayaang 70-30 ang hatian ng laban at 30% lang ang mapupunta kay Pacquiao? Ano nalang gagamitin n'ya pang Casino sa Vegas kung hindi n'ya naman makakaltasan si Mayweather at kahati din ng Top Rank n'ya ang Golden Boy sa pagpo-promote ng laban?

At kahit magpahayag pa sila ng samut-saring balita, hanggat walang napipirmahang kontrata, wala paring aabangang laban. At ang tanging may posibilidad lang kung sakaling matuloy ang laban (na isa sa hiling ni Mayweather), ay ang katotohanan na masakit- Walang "Let's get ready to rumble" na introduction ni Micheal Buffer dahil hindi HBO ang broadcaster! Anak ng piktal na tsinelas talaga.

Salamat sa Pagbabasa

Wednesday, July 23, 2014

Charity Basketball Game to a Refundable Practice Game. Toinks

Milyong piso para sa mga Talent Fee. Daang-Libo para sa mga plane tickets. At Ilang libo pa para sa mga Hotel Reservations para sa mga NBA players na bumisita sa Pilipinas. Sila ay dumating para sa THE LAST HOME STAND event na inorganisa at binuo ng PLDT. Ito ay isang charity event. Charity Basketball game na nauwi sa..... nevermind na nga lang muna.

Binuo ang Fibr All-Star team ng mga NBA players na sina Terrence Ross, Damian Lillard, Demar De Rozan, Kyle Lowry at Kawhi Leonard. Kasama pa sina Tyson Chandler, Ed Davis, Nick Johnson and James Harden. Yup! Hindi man lang dumating kahit anino ni Blake Griffin at Paul George na silang inaasahan talaga ng marami.

Real work out? o Real Practice?

Mapapalaban daw.....

LAST PLAY daw oh!
Mukhang ang unang plano talaga ay Gilas vs NBA stars in a Basketball game. Halata naman sa mga tweets nina Coach Chot, MVP at Paul George. Pero bakit nga ba nagbago...... Siguro ganito:

Hindi dumating sina Paul George at Blake Griffin (Mga NBA Superstars) NBA superstars meaning, mas malalaking pangalan, mas malalaki ang talent fee. Idagdag mo pa yung ibang mga NBA stars. Hindi dumating sina Paul George at Blake Griffin dahil a week before the event, alam na nilang hindi maso-sold out ang tickets dahil sa hina ng bentahan.

Natural, san kukuha ng kick-back para masalo ang Talent-fee na ibabayad sa kanila? Syempre sa Game-tickets. Kaya ayun, Ang isang Patron ticket, katumbas na ng sweldo sa dalawang buwan ng isang Contractual Employee sa Pinas kasama pa ang O.T. pay.

Eto ang mga price ng tickets sa The last Home Stand ng PLDT at sa Ultimate All-Star Weekend ng Smart noong 2011.















Biglang umatras sina Griffin at George? Nakakapagtaka ba? Well, nagtataka karin siguro kung bakit panay ang plug ng mga players ng Gilas sa Instagram at Twitter at kahit sa Eat Bulaga. Mukhang sa unang limang araw palang ng pagbebenta ng Ticketnet, langaw ang pila.

Kaya nagpa-promo na ang mga organizers para may kumuha ng tickets. Namigay pa nga ng mga Free Tickets sa pamamagitan ng isang..... "Retweet" lang ang ibang page. Nag PRICE DROP pa days before the event. Pero kahit anong hakbang ang gawin nila (kahit 30% off na daw), ang kinalabasan kagabi, ang mga upuan, PURO BAKANTE.

Pero kung ginawa sana nilang Wallet-Friendly ang tickets? Yung tipong kagaya rin nung prices ng ticket sa Ultimate All-Star Weekend na kasama pa sina Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul at Derrick Rose. (Ang ilan sa mga  Top paid players sa NBA) Panigurado, masosold-out yan hanggang General Admission.

Isang malaking kapabayaan ang nangyari. Hindi napagisipan ang tamang-presyong ilalagay sa printed tickets. At dahil OLATS sa bentahan ng tickets, mababawi paba ang ibinayad sa mga NBA-Stars? Kaya imbis na palaruin sila, edi 'wag nalang silang magpa-pawis para may discount din sa TF nila.

At kung sakali mang hindi talaga pinayagan ang mga NBA-stars mag laro ng kanilang sinasalihang Liga, alam na 'yan dapat ng mga organizers ng event bago palang magsimula ang program na 'yan. Hindi 'yung last minute na saka mo sasabihing "AY MALI KAYO NG AKALA WALA KAMING SINABING GANO'N" sa mga fans na bumili ng pala-gintong tickets at sasabihing refundable nalang ang binayad kung hindi masisiyahan sa panunuod sabay segway na "for a good cause ito".

Ayan, dahil sa nangyaring ito. Baka wala nang magtiwala kapag sinabing "For Charity" ang gagawing event ni MVP. Nasira pangalan n'ya dito e. Hindi naman sisisihin ang mga organizers na nagayos. At kung sakaling gumawa ulit ng ganitong klaseng event dito sa Pinas, baka i-boycott nalang din ng mga Pinoy. Haaay Nevermind nalang.

Sunday, July 6, 2014

Will The Dream Finally Come True - The Quest For The Grand Slam

It was in December 2011, in the Philippine Cup Quarterfinals of the PBA, my last bad dream happened. B-Meg, my favorite team, that is now called San Mig Coffee Mixers, lost to the eight seed Powerade Tigers in a winner takes all match.

It was a tough loss, I was stunned. I can't even eat my dinner after I saw Gary David put B-Meg on drowning by making all of his dagger three point shots in the crucial moments of the game. I even reached 3 O-clock in the morning just to sleep because it's so hard to take one that night. The night that whenever I close my eyes, I always see Gary David, facing his hot hands, running all over the court with 38 big points.

Photo from Interaksyon.com
























The elimination-round finished that B-Meg is at the top of the standings. They entered the quarterfinals with a twice to beat advantage on their side and  faced the young Powerade team led by Gary David, Marcio Lassiter and Jayvee Casio. Magoo Marjon also announced that time that Powerade has 'no chance in hell' in this match-up.

Tim Cone was tested, this is only his first playoffs appearance as a coach of the Purefoods franchise. He recently broke the silence of the cyber world when he decided to break up with his former team- Alaska Aces. After earning 13 championship trophies from about 25 title-shots, Tim Cone decided to call it quits.

The game was decided by a nerve-breaking over time. Powerade won, B-Meg lost. Gary David reached  the super-stardom level that night. And his name, together with that game will be remembered forever.

Denzel Bowles

In the following conference, B-Meg finally entered the Finals. It's only Tim Cone's second conference with the team. The series went to a do or die Game 7 vs the mighty Talk N' Text. The tickets for the game was sold-out before it reached the game day. There were over 21,000 basketball fans inside the venue (minus the mop boys, the mascots, the team members, the media and the Pba crew). Hundreds to thousands are still outside the venue because Big Dome cannot sell tickets anymore for security reasons.

The Game clock was stop at 1.2 and the score is 76-74, Talk N' Text is having a 2-point lead advantage at the moment. Fortunately, Denzel Bowles, the 21-year old 6'10" fresh from NBA D-League was fouled by Kelly Williams. It was that time, that almost 80% of the crowd and the millions watching at home was holding their breathes for the 2 biggest shots of the night.

Denzel sinks the first free-throw, he turned around, and takes some more steps before shooting the second and the most important one. The most important free-throw of his basketball career.

He steps in to the free throw area and face the basketball ring with tears flowing down on his face and there were a jam-packed crowd all around him, wishing for a possible overtime.

Bowles makes the second shot. A loud roar from the crowd covers the whole big dome. At home, I was shouting and punching the pillow beside me brought by my emotions. It was an incredible feeling watching the two biggest shots of the tournament.

B-Meg fans are enjoying every bit of a second after that shot, like they won the 6/55 Grand lotto jackpot on that particular time. A lot of fans are exchanging high-fives with their co-fans (yeah, not a family member, a classmate or a friend neither) that they have talked to for about seconds ago. As if they've became friends automatically after those free-throws.

That night is the sweetest night of all the championship nights for me. After a hard fall from the previous conference. After a long title drought. A gift was arrived, and it arrived so perfectly. It arrived like a gift came in to the chimney by a drop from Santa Claus sleigh. And after that game, everybody treats Denzel Bowles like a Christmas present under a Christmas tree.

"Those are, I mean gargantuan free throws by Denzel Bowles. He made the first, and I don't know any human being who could stand the pressure of having to make the second free-throw."  -Mico Halili
3-PEAT to Grandslam

Are we an underdog? Somehow, you have to agree with me. But in some way, you have to say no we're not, we're strong.

The team always start a conference in a weird position. After winning a championship in the previous conference, they always start the next conference at the bottom part of the standings. Oh well I forgot, they are SANMIG, there should be no problem. They can afford to have a 1-5 Win-Loss record in standings but still able to get championship trophies after getting one.

So if there will be someone who will ask me for the explanation of the quote: "It's not about how you start, but how you finish" I will just simply reply, go search SanMig on Google.

I'm not a Purefoods/B-Meg/SanMig fan before. I was a Talk N' Text Phone-pals devotee from the years of Alapag-Ravena-Pablo-Telan-Taulava first five. I remember watching my first PBA game cheering for Talk N Text vs Sta. Lucia inside the gym of Baste, my College school in Cavite City. I was a fanatic of Vic Pablo's fade away shot before I found James Yap's elegant picture-perfect jump-shot capture more interesting to see.

I used to be entertained by Noy Castillo's three point shots before PJ Simon's version became much cooler to see. I used to be amazed by Ryan Gregorio's reactions after a shot made in a crucial moment of a game. Then I found out that a Tim Cone's "ALL RIGHTS" (OWAYT) in a timeout are the best. Mark Barroca and Justin Melton taught me that a 5'10" solution can be an answer to a 7 footer problem.

For now, I'm just waiting for a not so miracle kind like to happen. I'm just hoping for a dream to come true. I'm just wishing for a GRANDSLAM. The most prestigious title in the PBA that every team wanted. The title that last happened in 1996. The title that so hard to achieved. And the title that Tim Cone embraced before.

We all know that it's not easy to win it. Because it will takes too long before a team gets a chance for a shot to earn it. And SanMig faced a lot of obstacles first before they reached their spot right now.

But I believe to my team. I believe that a Jerwin Gaco's 45 high fives per game can do it. 

I believe that a Joe Devance and a Rafi Reavi's rebound can help the team to do it.

I believe that a Marc Pingris block shot can erase every attempt of the opponent to secure it. 

I believe that a Justin Melton's dunk from an alley-oop pass or a Blakely's tomahawk power-slam can make it.

I believe that a Mark Barroca's tear drop or a PJ Simon's perfect jump shot can shoot it. 

And I believe that a James Yap's turn-around-fade-away shot can win it!

We're almost there. Just one more win. Just one last time.

It's about 37 hours ago since I heard Game four's buzzer sound and we're less than 24 hours away from the next game. And I'm here wishing and hoping that I will see them again. Celebrating. Like what they're doing in the pictures below. Enjoying every seconds of the moment, under the rain of balloons and confettis falling from the roof of the coliseum, standing at the center stage, surrounded with a giant crowd that clapping their hands because they DID IT AGAIN.

San Mig Coffee - 2013 PBA Governor's Cup Champion
San Mig Coffee - 2014 PBA Philippine Cup Champion
San Mig Coffee - 2014 PBA Commissioner's Cup champion


















Friday, April 25, 2014

Skip the Dream XIX

Paano mo ba masasabing ang isang araw ay isang kumpletong araw? O paano mo masasabing ang isang araw ay ang isang araw kung saan wala kang nakitang dapat ikapangamba dahil walang kulang sa araw na 'yon.

Ngayong taon, ay ang ika-dalawampu't isang taon ko bilang nilalang sa mundo. Ika-apat na taong pagiging ganap na botante ng bansa. Well, bilang isa sa napapabilang sa madlang pilipino, ang aking ika-dalawampu't isang taong eksistensya sa mundo, ay masasabi kong perpekto. Hindi dahil may Internet connection ako kada-araw kundi dahil sa tinagal-tagal at sa dami ng araw na lumipas mula sa una kong pagmulat at pag-gapang sa mundo ay kaya ko nang mag-prito ng itlog na hindi ko na nababasag ang pula. Nakakatuwa diba. Isang malaking karangalan.

Ngunit hindi ko masasabing walang balakid na dumaan. Dahil sa habang tumatagal, habang nabibilang ang araw na dumadaan. Isa paring malaking pagsubok kung paano ako makakapag prito ng isda na hindi na didikit ang isda sa kawaling kinalalagyan nito. Isa lang yan sa maraming bagay na nagpapagigil sa akin minsan.

Pero siguro, mas magiging perpekto, kung may kotse, sariling condo, at sandamukal na gadgets ang hinahawakan ng mga kamay ko kada araw. Pero ang reyalidad, wala, at hindi ako naghahangad ng anumang bagay hangga't maaari kung nabubuhay naman ako ngayon ng wala ang mga 'yon.

Pero hindi ko maitatanggi at aminado akong isang malaking kagalakan kung magkakaro'n ako kahit isang latest gadget ngayong taon na magiging luma agad sa susunod na taon dahil may bagong modelo nang lalabas. Hindi parin naman ako mabubuhay nang walang cellphone na gagamitin sa isang araw. Pero diba, napatunayan ko rin na totoo pala ito: "Sa agham at teknolohiya ang buhay ay gaganda." Yan ang sabi ng Sineskwela.

Sa makatuwid, ang ibig ko lang ipaabot. Ay magiging kumpleto, o matatawag mo lang na kumpleto ang isang araw, kung wala kanang hihilingin pa sa araw na 'yon dahil kuntento kana sa lahat ng bagay na meron ka. Pero langya, gusto ko talaga ng Pringles araw-araw.

Thursday, March 27, 2014

Ang Pagtatapos

Photo from: wallacechev.com

'Noong Highschool ako, palagi kaming tinatakot ng mga kaklase ko ng isa sa aming mga naging guro sa aming senior year. Ang magkakaro'n ng bagsak, hindi makakaakyat sa puting bato. 'Yan ang paulit-ulit naming naririnig sa panahong papalapit na ang Graduation-day ng aming pagiging High-school. Ang pagtatapos ng aking Prom-Year. Ang pagtatapos ng apat na taong pakikipagsapalaran. Magsusuot ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera. At aabutan nanaman ako ng nirolyong papel na magsisilbing diploma...

Kolehiyo na ang susunod. Ilang taon nalang; tapos na ang buhay-magaaral. Ilang taon nalang. Ilang taon nalang...

So syempre, gaya din ng iba, ako din bilang estudyante, ay nahirapang pumili kung anong kurso ang kukunin ko. At gaya ng iba, habang papalapit na ang susunod na pasukan, ako'y nangangalap ng aking posibleng larangan na tatahakin. At dahil ako'y isa lamang sa mga tipikal na 'estudyanteng-pinoy', ang sistema ng aking pagpili ay nagawa narin ng karamihan. Oo, binalewala ko ang suggestion ng National Career Assessment Examination (NCAE) ko. Mas nanaig sa'kin ang suggestion ng mga kaibigan kong papasok din sa eskwelahang papasukan ko. 'Yung ganitong sistema ba:
Ako: Ui anong kukunin mo dre?
Friend: IT ako e, mag IT ka narin, kasi IT din si ano, tyaka si ano. Tapos balita ko maga- IT din si ano.
Ako: Sige, yan din sa'kin!
Ang bilis diba? 'Yan ang pinoy. Kung saan ang karamihan, doon nadin. Parang, kapag kakain ang tropa sa Jollibee at nagdidiskusyon ang karamihan habang nasa pila sa harap ng counter. Kapag ang isa ay nagbanggit ng "Chickenjoy nalang sa'kin" Asahan mo narin ang iba pa na magsasabi ng "'Yun nalang din sa'kin" o kaya "Gano'n nalang din".

Balik tayo sa pagiging kolehiyo. Mahirap, oo. Mahirap maging estudyanteng-kolehiyo. Kailangan, puspusan. Mauubusan kana ng petiks-time. Mauubusan kana ng tulog habang tumatagal. Lalaki ang eye-bags mo dahil hindi na ito tulad ng pagiging Elementary o High-school student, na kapag natapos mo ang isang period na wala kang absent at late, malaki ang tyansa mong makarating sa susunod na baytang. Hindi kana maisasalba ng perfect attendance mo sa College.

Malaki ang pinagkaiba ng pagiging kolehiyo mula sa pagiging high-school. Hindi lang sa lebel ng mga pagtuturo ng mga guro sa atin, pero nand'yan yung pagaadjust mo sa mga nakagawian. Tulad ng pagpasok mo kahit kalahati lang ng mga mata mo ang nakakakita dahil sa antok. May biglaan kasing assignment si Prof at bukas na ang deadline. Wala e. Naisip n'ya e.

Kailangan mo ring masanay pumasok kahit bumabagyo. Kahit balu-baluktot na ang mga bakal sa payong mo dahil sa lakas ng hangin, pasok parin! College kana e. Hanggat hindi sumisilip ang mata ng bagyo sa eskwelahan mo, tuloy lang.

At sa klase, darating 'yung puntong ANO YUN? at ANO DAW? nalang ang tanging lumalabas sa isip mo dahil hindi mo ma-gets ang bagong lesson na tinuturo ng Professor mo sa Physics, Programming at Accounting.

Dadaan ka sa sitwasyong maguguluhan ang isip mo kung magiinternet kaba o magrereview kana dahil may exam ka kinabukasan.

May lalapit na pagkakataon sa'yong 'yung kaklase mo pang sabi nang sabi ng mga salitang "Di ako nakapagreview" ay s'ya pa 'yung highest pagdating ng exam-results.

At kapag bumagsak ka sa exam, o naramdaman mong makakakuha ka ng mababa. Di-bale-may-susunod-na-quiz-pa-naman. 'Yan lang ang itatatak mo sa isip mo, okay na.
-

Diba? Ang daming mga tagpo na sa eskwelahan lang natin makikita. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito. Kahit ilang beses kang napagod ng pag-aaral gawa ng puyatan para sa exams, thesis at project mo, hinding hindi mo parin maikakailang mamimiss mo paring pumasok pagkatapos.

At pagkatapos ng lahat ng ito, gigising ka sa isang umaga na hindi mo na kailangang umupo sa arm-chair na sinulatan ng cellphone number ng iba, text mate daw. Hindi kana papasok ng maaga para sa assignment na hindi mo ginawa nung isang gabi kasi mas pinili mong mag-surf sa Internet kaya kokopya ka nalang kinabukasan. At higit sa lahat, hindi mo na kailangang manghingi pa ulit ng yellow-pad.

Bagong yugto na ulit pagkatapos. At oras naman ng pagtutupad mo ng nasimulang hakbang ng pangarap.

Kaya kung ikaw ay nagaambisyon lang na maging Bilyonaryong tao gaya ni Steve Jobs at Bill Gates. Aba, e ngayon palang mag drop-out kana para maging kagayang-kagaya mo sila. Pero joke lang, hindi masamang mangarap, gawin mo lang makatotohanan. Kaya 'wag mong gawing goal ang pagiging isang Bilyonaryong Pinoy, baka magaya ka kay Manny Pacquiao ngayon, hala ka. Gawin mo lang direksyon ang isang matagumpay na buhay, sapat na.
-

Ngunit hindi ko akalaing bago ako magtapos ay magkakaro'n pa ko ng medalyang maikukubli ko hanggang pagtanda. Buti nalang, magaling ang mga kagrupo ko hehehe. Totoo ang kasabihang "Kumapit sa matatag para maka-survive" - Yup, hindi lang kapag lumilindol applicable yan. Matagal ko narin namang gustong magkaro'n nito. 'Nung Grade 6 kasi ako, sayang e, muntik na. Muntik na akong sabitan kaso binigay ang award sa kaklase kong magaling magwalis sa Classroom. Doon ko napatunayan na totoo pala ang kasabihang Daig ng Masipag ang Ma...... Deh joke lang ulit, hindi ako butt-hurt.  

At mula ngayong araw na 'to. Ilang araw nalang, aakyat ulit ako sa hagdanan papunta sa gitna ng isang entablado. Magsusuot na ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera at sa wakas, aabutan na ako ng pinaka-importanteng diploma sa lahat ng diploma.

Kaya para sa lahat ng magsisimula palang sa kolehiyo at sa mga konting panahon nalang ang hinihintay at gagraduate na rin, 'wag nating palampasin ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos. Dahil kahit ano pa mang kurso mo, ano pa mang eskwelahan ang pasukan mo, sasabihin at sasabihin mo parin na mahirap grumaduate. Kaya pagsikapan natin, okay lang 'wag magpasa ng assignment minsan, pero ipasa mo naman yung exams. Okay lang naman mag-text habang may nagtuturo basta ba naririnig at naiintindihan mo parin si Ma'am. Okay lang magpuyat dahil sa project, pero wag naman dahil sa inom. Kaya gawin natin ang lahat ng paraan. Pagsikapan nating abutin ang punto ng buhay na pwede na nating sambitin ang mga salitang...

Mahirap grumaduate, pero hindi ko sinabing hindi ko kaya.

Wednesday, March 12, 2014

Skip the Dream 18

This is my top 10 post of all time. And unbelievably, my last two post are the top 2 in the list. Actually, my last two post shows that I gained a combined 38,000 views. I mean, this is so rare. I've never got a post that reached 10,000 views before 2014. But my last post about PBA Finals reached a 26,058 views as of the moment. And every-time I refresh my stat section in my blogger, the views of the post continue to increase day by day.

On March 2, I was surprised that my blog was ranked by the Top Blogs at number 2. And was ranked at number 8 for the next 3 days.
Thank you all for visiting!

Thursday, February 27, 2014

Ang Game 6 at ang Crowd Attendance

LUTO O HINDI?

Usap-usapan ang pagwowalk-out ng Rain or Shine sa Game 6 ng serye nila laban sa SanMig. Nangyari ito pagkatapos ng itinawag na foul kay JR Quiñahan. 
Tinignan din sa video sa taas ang replay ng apat na magkakaibang anggulo ng foul na itinawag. At ito ang maririnig mo sa video mula 5:31 mark.
Mico Halili: Okay, here's that last call. Pingris takes a shot. There's JR Quiñahan and that would be a foul.
Quinito Henson: That's a foul. That's a foul. There was a body contact very clearly.

Ayon kay Erika Padilla, tatlong sunud sunod na tawag ang hindi nagustuhan ni Coach Yeng Guiao. Ang dalawang huling foul ni Ryan Araña at ang foul na ito ni JR Quiñahan. Dahil nakita na natin ang foul ni JR. Balikan natin ang dalawang foul ni Ryan Araña. Una ay sa 16:14 mark at ang Pangalawa ay sa 16:47 mark ng videong ito > *link* (Pagkatapos mong panoorin ang link, bumalik ka dito kaibigan.)

Hindi ko alam kung may nakikisali lang na fan ng ibang teams pero magtatanong nalang ako. Ano bang opensiba ang may mas mataas na posibilidad na makakuha ng foul. Ang nagpo-focus sa three-point-shot/Jump-shot o ang opensibang may Post up move? 

May 28 shots-made kagabi ang Rain or Shine mula sa 2-pt area. Ang ilan sa may malalaking ambag? Larry Rodriguez, Jervy Cruz, Gabe Norwood, mga Jump-shot-shooters. Samantalang ang SanMig, may 31 2-pt area shots. At ang may mga malalaking ambag? Joe Devance, Marc Pingris, Ian Sangalang.

Ulit, ano ang mas may posibilidad makakuha ng foul? 'Yung jump-shots o ang Post-move? Manuod kayo ng replay, bilangin n'yo kung ilang beses nagkakaron ng mismatch sa loob at nagiging bantay ni Sangalang at Devance sina Ryan Araña at Jeff Chan. Ay nga pala, may 30 three point shot attempts ang Rain or Shine kagabi. Wala lang, sinabi ko lang.

At sa Twitter, marami kayong mababasang kagaya ganito: 
 

Malalaman mo talaga kung sino yung mga nakikiuso lang at yung talagang may alam sa basketball. At kung sino pa yung mga nakikiuso lang at walang sapat na basehan minsan, sila pa 'yung malakas mang-asar at mang-bash sa social media sites. Bakit daw hindi over the top violation yung tira ni James Yap? Ilagay mo sa 10:24 mark ang video sa baba. 
Kahit izoom mo pa ng todo, kahit gawin mo pang HD quality. Kitang kita sa video na hindi tumama sa shot-clock ang bola at tanging sa board lang. Ang board po ay part ng court. Tinatawagan lang po ng over the top violation kapag tumalbog ang bola maliban sa ring at sa buong back-board.

PBA FINALS CROWD

Pagusapan naman natin ang crowd attendance ng Finals. Pagkatapos na pagkatapos palang ng Game 1, kumalat ang resultang natalo ang SanMig sa Rain or Shine ng isang magandang execution mula kay Coach Yeng Guiao. Agad ding lumabas ang ibang mga fans sa Facebook at Twitter na nag-status at nag-tweet na: 5,432 LANG daw ang crowd attendance ng mismong laban. Sabay tag ng picture na nasa kaliwa. <<

LOL

Isang malaking kahibangan ang nasa utak ng gumawa ng meme na ito. Unang-una, hindi po 5,432 ang Game 1 gate-attendance, kundi 9,791. Ayon yan sa Wikipedia, Inquirer.net at kay Mr. Fidel Mangonon ng PBA sa Twitter n'yang @thepbaologist.

Pangalawa, ang picture po na pinakalat ng iba sa facebook ay hindi ang mismong kuha ng crowd noong February 14. Hindi naman ganyan ang crowd noong Game 1. Hindi Rain or Shine ang nasa left-corner-bench ng court, kundi SanMig. Pero ang nasa picture sa itaas ay Rain or Shine. LOL.

Pangatlo, wala nang malaking placard ng Gateway Mall ang nakasabit sa Patron C section ng Araneta ngayon Pero mayroon paring nakalagay sa middle-side-corner ng picture. LED screen po ang nakalagay dapat sa pwestong iyon ngayon. Nakabili na po si Manny Pangilinan ng screen para makasabay sa Moa Arena ang Araneta. Patunay na LED-screen ang nakalagay dapat sa pwestong iyon noong Game 1 ay paki-click itong link na ito (http://www.youtube.com) kapag nakita n'yo na kung LED nga at hindi karatula ng Gateway Mall ang nakalagay, bumalik kayo dito. Ito pa ang isang patunay, tignan ang diperensya ng Upuan sa Upper A section ng Araneta sa picture sa taas at sa picture na na nasa gilid. Ang galing nung nagpakalat no? Naghanap pa talaga ng picture mula 2012 lol

Ano nga ba ang dahilan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit palaging pinagkukumpara ang crowd attendance sa iba? Bakit kinukumpara ang crowd attendance ng SanMig sa Ginebra? Oh well, ako, bilang PBA fan. Tanggap ko at aminado ako (dahil obvious naman para sa'kin) na ang Ginebra talaga ang pinaka-sikat na team sa PBA. As in pinaka-sikat. Pero 'wag nating isasantabi ang katotohanan na, hindi nalalayo ang SanMig sa paramihan ng mga tagahanga.

Pero syempre, may aalma at aalma parin, "e bakit 12,000 lang nanood nung Game 2?" Common dudes! kakasimula palang ng series. Ang 12,000 crowd ay hindi na masama. 'Yung Game 1 nga ng Semis between SanMig at Ginebra, '11,170' (source: Quinito Henson's tweet of February 9) lang e. Hindi naman nalalayo ang Game 1 ng Finals na 9,791 diba? Given din naman na hindi 'panghakot' ng tao sa venue ang Rain or Shine team. At sure, makakabasa kayo sa facebook na magpopost at magsasabing 'KAPAG PALAGI / KADA-GAME / TUWING MAY LARO' ang Ginebra, puno o umaapaw ang venue gaya ng tweet na ito 
Ohh shet, napaka-sinungaling naman ng mga litratong ito:

Hindi rin naman pala lahat.

At makakakakita kayo ng mga post ng fanpage sa Facebook at Twitter ng crowd attendance: 20,512 (Game 5) at 20,337 (Game 6) At sabay may magrereply o magko-comment ng: "'Pang elims lang ng *insert team (ALAM NYO NA) here*" o kaya "Buy 1 take 5 kasi yung ticket" o kaya "Bagsak presyo kasi" 

FYI, ito po ang presyuhan ng tickets mula sa Semis (left side pic) at sa Finals (right side).
Semis ticket prices photo from: @pbaologist tweet of Feb 11
Ohh, kita ba kung ga'no kalaki ang diperensya ng mga presyo sa magkaibang serye?

Source: Wikipedia, http://pba.inquirer.net,
http://www.interaksyon.comhttp://www.spin.ph
http://www.interaksyon.com/link2,
At dahil napakalaking issue ng crowd attendance sa mga games. At kung bakit kadalasang pinagtatalunan ang mga crowd attendance. Naisipan kong analisahin ang crowd attendance record ng magkabilang team.

Sa unang conference ng 2014 Season, 7 times nang umabot o lumagpas sa 20,000 ang gate-attendance. Anim sa pitong larong iyon, involved ang SanMig. At mula 2012, may labing-apat na laro na ang umabot ng 20,000 ang crowd, labing-isa sa labing apat na 'yon,  involved ang SanMig. Samantala, mula sa huling Sampung larong umabot sa dalawampung libo ang nanood (hindi kasama sa bilang ang kagabi), pitong laro naman ang involved ang Ginebra at apat sa mga 'yon ay Manila Clasico o may game ang parehong mga team sa iisang araw. 

'Diba? Hindi naman maipagkakailang hindi nalalayo ang dami ng SanMig fans sa fans ng Ginebra fans. Infact, sa kahit anong survey ang lumabas, Palaging TOP TWO POPULAR TEAMS sa Pba ang Ginebra at Purefoods/B-Meg/SanMig. Palaging number 1 ang Barangay Ginebra at palaging number 2 ang Purefoods. Maliban sa survey na ito: SWS: Purefoods, Ginebra tied as most popular teams in PBA 

Aminado akong ang Ginebra ang may pinaka-maraming fans sa lahat ng teams. Ang may pinaka-malaking fan-base. Hindi 'yan maipagkakaila. Pero ewan ko ba, na kung bakit kapag may nababalitaang malaking recorded crowd attendance ang Purefoods/B-meg/SanMig, madaming tumutuligsa. Big deal ba? Hindi naman ibig sabihin siguro na kapag naka 20,000+ crowd ang SanMig e sila na ang number 1. Mali, hindi ganun. Ang nais lang iparating ng mga crowd attendance na sinasabi sa social-media sa mga article sa TV ng mga Basketball analyst, e hindi nalalayo ang popularity rate ng dalawang pinagkukumparang koponan. Hindi ba't narinig n'yo narin? na sinabi nina Jason Webb, Mico Halili at Quinito Henson na ang dalawang 'to ang s'yang may pinaka-maraming tagahanga.

Reality Bites!

Hindi aabot sa 20,000 ang crowd kapag Barako Bull at Air 21 ang naglaro sa Finals. Hindi mabibeat ang record na 24,883 sa Araneta kahit Alaska vs Talk N' Text ang match-up. O kahit Petron vs Rain or Shine. Kahit umabot pa 'yan ng Game 7. At Itapat mo pa sa Linggo o Pasko.

Aminin na. Ginebra at SanMig lang ang may kakayahang mag pa sold-out ng venue.TAPOS!

'Wag gumawa ng kuro-kuro lang. 'Wag magimbento ng kung anu-ano. 'Wag kalimutang may KATOTOHANAN na magpapatunay sa maling impormasyon na ginawa lang ng inggit at inis. At kapag napatunayang gumagawa kalang ng kwento. Magmumukha kalang tangang nagmamagaling at naghahangad lang mapabagsak ang iba. Teka, diba ayon sa isang kanta, "Ang mga taong utak talangka, humihila ng ibang tao pababa". Baka kaya ganon talaga.

PAUNAWA: Lahat ng mga nakasulat at pagtutuwid ay malinaw na sagot lamang o pagpapatunay lamang sa mga nabasa at pwede n'yo ring mabasa sa Twitter at Facebook. 

Source of Information: Wikipedia, Interaksyon.com, pba.inquirer.com, slamonline.ph, spin.ph, gmanetwork.com Twitter of Mr Fidel Mangonon and Mr Quinito Henson.

Tuesday, February 11, 2014

BAKIT GANON: An Open Letter to Referee Edward Aquino

(Paunawa: Sa post po na ito ay hindi ko po ipinapahiwatig na tutol ako sa panalo ng Barangay Ginebra, bagkus, saludo ako sa performance ng mga players nila kagabi lalo na kina LA Tenorio at Jayjay Helterbrand. Ang panalo ay panalo. Sadyang may mga bagay lang talaga sa serye ang di maiiwasang mapansing-sablay. At dahil sikat ngayon ang mga 'Open-Letter', subukan naman natin ito sa ibang paraan.)

Dear, Mr Edward Aquino,

'Wag mo sanang isipin na ito ay isang liham ng pambabatikos o panghaharas (na marahil alam mo na kung bakit may ganitong post pa at kung bakit usap-usapan ang pangalan mo) - ako'y may gusto lamang itanong sa'yo, hindi lang bilang isang SanMig Coffee fan, kundi bilang isa naring Basketball fan. Bakit lagi kang nasasangkot sa mga controversial fouls? Bakit ka ganyan? BAKIT GANON?

BAKIT GANITO?
Tulad ng iba, ako'y isang basketball fan at madalas manood ng PBA. At dahil Manila Clasico ang match-up sa serye, at isa sa lumalabang team ay favorite team ko sa PBA, mula Game 1 hanggang kagabi ay isang oras palang bago mag-start ang game, ginagawa ko na ang mga dapat kong gawin para hindi na ako maabala pa sa panonood.

Dumiretso na tayo sa climax ng isang basketball-game, ang last 2 minutes. Pumasok ang huling dalawang minuto ng laro na lamang ang SanMig, 89-88, may dalawang Timeouts pa ang SanMig at tatlo naman para sa Gins at parehong penalty ang dalawang koponan. Bumalik ang possession sa Ginebra, Tumira si LA ng isang three-point-shot, napa-iling ako, pero hindi naman pumasok ang tira n'ya. Bumalik ang bola sa SanMig, tumira si James Yap ng corner-three, sablay, pero nag-putback si PJ para maging 91-88 ang score pabor sa SanMig, 1:24 ang natitira sa orasan. Balik ang bola sa kabilang panig, sumisigaw ng defense ang SanMig fans sa venue. paubos na ang shot-clock ng Gins ngunit nakapagpasabit ng foul at pumasok ang tira ni Greg Slaughter, 91-90, sumablay ang bonus free-throw at napunta ulit ang bola sa Ginebra. Tumira ng isang madaling-tres si Caguioa pero hindi pumasok. Bumalik sa SanMig ang bola habang tatlomput-s'yam na segundo lang ang natitira sa orasan. Tulad ng karaniwang nanunuod, sa mga ganitong sitwasyon, paubos na ang oras, dikit ang laban, pigil ang aking bawat paghinga habang nakatutok akong maigi sa tv. Tumira si Mark Barroca ng isang three-point-shot, kumalog lang, nakuha ni Caguioa ang rebound, sa kasamaang palad, dali-daling kumuha ng hangin ang isang referee mula sa kanyang katawan na pinadaan nya sa kanyang bronchial tubes at tumunog ang pito sa bibig ni Mr. Referee, may foul. MAY FOUL? Pero hindi ako nagreklamo agad. Malay ko ba kung meron nga. Lamang ang Ginebra, 92-91 sa bisa ng mahahalagang freethrows ni Caguioa, nag Timeout ang SanMig, At sa break na 'yon, pinakita ang replay.

Napamura ako Mr. Referee...

Masyado yatang manipis ang tawag mo...

Isa ako sa mga naniniwalang HINDI scripted itong seryeng ito, ni hindi ako naniniwalang bayad ka (sana nga hindi) o kaya fan ka ng kabila (mas tanggap ko pang rason) pero sana talaga hindi kana pumito sa basehang hindi naman solido ang foul.



Pero bilib ako, consistent ka naman, hindi lang naman sa kabilang team ka tumatawag ng manipis na foul, sa SanMig din. Pero kasi, ang sagwa talagang tignan na ang isang 'CHEAP-FOUL' ang s'yang magdidikta ng magiging resulta ng laro. Marami tuloy ang nagaakala sa'yong isa kang contestant sa Junior Master-chef. Pero hindi ako naniniwala. Ipinagtanggol pa kita. Kasi tingin ko, paboritong show mo lang talaga 'yung palabas si Chef Boy Logro sa tanghali. DEH JOKE!

Sabi din ng iba, na kaya mo pinituhan si James Yap, ay dahil AQUINO ka. Kaya lumuluwag ang pito mo sa kanya. Gaano ba kayo kalapit na magkamaganak ni Kris? May konting pagkaka-ugnay ba sa DNA ninyong dalawa? Magkapareho ba kayo ng amoy ng kili-kili?

Sadyang nakakapag-pailing lang talaga ng ulo na tinawagan mo ang Kiskis-Jersey-Foul ni James Yap kagabi pero hindi mo kinonsider na pituhan ang kiskis-Katawan-Off-Balance-shot ni Peter June Simon.

Paglilinaw ko lamang ulit, sa liham na ito, hindi ako sobrang galit sayo, inis lang. KONTI. Konti lang, bagkus, kung mayaman nga ako at kung kaya ko lang, bibigyan kita ng lupa at ipagpapatayo kita ng bahay sa Spratly Islands para mahirapan kanang dumalo sa mga PBA-games. Joke lang ulet.

Naniniwala parin ako na makakaya mo parin namang pumito ng tama sa laro, pero gaya ng iba, gaya ng nakararami, mas gusto namin, o mas maganda narin kung hindi ka narin mapabilang sa mga referees sa Miyerkules. Alam naming pagod ka kagabi, kailangan mo ng pahinga, concerned lang kami.

Pero tingin ko naka move-on narin po kami, naka move-on narin ang ilan, naka move-on narin ako mula kagabi. "Breaks of the game lang" "Kasama sa laro 'yun" - 'Yan nalang ang magandang isipin ng lahat sa ngayon. At hilingin nalang natin ang isang maganda at walang misteryong Game 7 sa Miyerkules.

Ano pa nga bang mahihiling natin sa isang Game 7 ng pinaka-sikat na rivalry sa PBA?. Goodluck sa mga kabarangay at kaplaneta ko, goodluck sa mga bibili ng tickets at paniguradong magiging epic ang laro sa a-trese.

Salamat sa pagbabasa.

Thursday, January 30, 2014

Bakit Espesyal ang Manila Clasico

James Yap vs Mark Caguioa | Photo from interaksyon.com 


Bakit Espesyal Ang Manila Clasico?

Bakit Espesyal kapag naghaharap ang Purefoods kontra Añejo o ang Ginebra laban sa SanMig?

Bakit Espesyal kapag nagbabantayan 'yang dalawang 'yan sa taas.

James Yap vs Caguioa. Pingris vs Japeth. Barroca vs Tenorio. Kapag sinabi kong maghaharap ang mga players na 'yan. MATIK-NA-YAN! Ibig sabihin, magaganap na ang kinapipitagpitagang match-up sa PBA: Ang Manila Clasico.

Kumpara sa ibang rivalry. Nand'yan ang Ginebra-Alaska, SanMig-Rain or Shine, Petron-Ginebra, SanMig-Talk N Text. Masasabi mo talagang mas angat ang laban kapag San Mig vs Ginebra.

Kumpara sa ibang rivalry. Itong match-up lang talaga na ito ang pinaka magka-kontrapelo. Parang Jollibee at McDonalds. Parang La Salle at Ateneo. Parang Mayweather at Pacquiao. 

Bukod sa dahilang maraming mga superstar-player ang dalawang koponan. Itong match-up lang yata na 'to ang may kayang maghakot ng 20,000 na tao sa venue sa isang 'Elimination-Game' lang.

Naiiba. Namumukod-tangi. ESPESYAL! 'Yan ang Manila Clasico. Parang ito kasi 'yung laban na hindi mo makakayang palagpasin. Parang hindi mo pwedeng hindi panoorin. Parang hindi pwedeng mawala. Parang 'yung 'extra-rice' kapag kumain ka sa Mang Inasal.

At hindi lang ang team ang kasama sa labanan. Pati narin ang mga fans na nanunuod ng live o mga fans na nakikipag comment-exchange sa mga Facebook-page ng mga team nila.

Wala e. Para sa mga fans ng Ginebra, para ka nang naka-avail ng isang trip to Boracay kapag tinalo nila ang San-Mig, at para sa mga San-Mig fans, para ka nang nanalo ng House & lot kapag nanalo ka sa Ginebra. Sa kabilang banda, gano'n ding kasaklap ang mararamdaman ng dalawang kampo kapag natatalo sila ng kabilang koponan...

Sobrang-sakit!

Para kang sinampal sa pisngi ng tsinelas na Rambo.

Kung ikaw ay basketball fan, alam mo na sigurong maganda to. Hindi naman ako weird, pero Ipagpapalit ko talaga ang Got to believe at Honesto para lang makapanuod ng Manila Clasico.

E kasi maraming kapanapanabik na sequence ang pwedeng mangyari! Gusto ko kasing makitang ma-shootan ni James Yap si Caguioa. Gusto ko din makitang mag-dunk si Japeth. Gusto kong makitang mag-agawan sa bola ni Tenorio at Barroca. Gusto kong makitang mag three-point si Baracael. Gusto kong makitang mag-drive si Simon. Gusto kong makitang lumipad si Ellis. At gusto kong makitang rumebound si Pingris!

Sa madaling salita, Gusto kong manuod ng Manila Clasico.

Kasi masarap sa pakiramdam. Masarap panoorin. Kasi espesyal.

OO, ESPESYAL...

Parang 'yung Taba sa Barbecue.

Parang 'yung Chickenjoy sa Jollibee.

Parang 'yung Gravy sa KFC

Parang 'yung Anghang sa Bicol Express.

Parang 'yung Icing sa Cake.

Parang 'yung Ube sa Halo-Halo.

Parang 'yung Buto sa Bulalo.

Parang si Harry sa Harry Potter.

Parang si Frodo sa Lord of the Rings.

Parang si Kobe sa Lakers.

Parang si Jaworski at Caguioa sa Ginebra.

At parang si Patrimonio at Yap sa Purefoods.

Espesyal. Sa halos dalawang oras na labanan sa hard-court ng dalawang koponan, tanging sa mga time-outs at half-time break lang nakaka-hinga kaming mga fans. Tumitigil ang paggawa ng Assignments at pagke Candy-crush para lang mapanood ng buo ang laro.

Dahil bawat loose-ball, bawat rebound, bawat turnover, bawat steal, bawat dunk, bawat three-point-shot sa laro; nakakakiliti sa pakiramdam. Doble pa, kapag Last-Two-Minutes na.

Iba e, iba kasi kapag Manila Clasico, sa sigawan ng crowd kapag natatanggap ng kani-kanilang paboritong player ang bola sa court, kapag sumasangayon ang tawag ng referee, kapag may nagrereklamong coach, kapag may nag no nose-to-nose na magkalabang player. Kakabahan ka pero masisiyahan kang manood.

Kaya hindi mo s'ya dapat palampasin dahil sa napaka-raming dahilang pwede kong ibato sa'yo. 

Kaya kung wala kang magawa, tinatamad kang gawin 'yung assignments mo, naboboring ka sa palabas sa kabilang channel. Manood ka nalang ng espesyal na basketball-extravaganza na tinatawag ko.

Salamat sa Pagbabasa =)
Follow me on Twitter: @RegularDreams

Tuesday, January 14, 2014

Bakit Ang-Gaganda ng mga Commercials ng McDonalds?

Logo used in McDonald's Wikipedia
"Pa-para-papa love ko 'to"--naaalala mo pa ba yang linyang 'yan? O itanong ko nalang kung kaya mo parin bang bigkasin yan nang may tono? Kung hindi, e baka namulat ka na sa "Hooray for today" ngayon. Pero bakit ba talaga ang gaganda ng mga commercials ng Mcdonalds? Kahit pa nagsasara ang ibang branch nila kapag tinatabihan ng Jollibee, masasabi parin namang--ang sarap kumain dito. Naaalala ko pa tuloy ang mga panahong napaka-sarap i-koleksyon ng mga "Snoopy" at "101 Dalmatians" na Happy Meal, nakakakuha kasi ako n'yan sa t'wing matataas ang grades ko o kaya 'yung mismong score sa exam noong elementary palang ako. 

Wala na sigurong kokontra kung sasabihin kong isa ang McDonalds sa mga korporasyon na magaling gumawa ng kanilang TV-Ad. 

Smooth sa pandinig. Nakaka-relax. Isa rin ako sa mga napapa-goodvibes ng mga commercials ng Mcdo. Magaling ang direktor? Maganda 'yung storyline? or pwede ring sa kadahilanang maganda 'yung kanta. Kahit ano pang dahilan, basta ang alam ko, alam ng Mcdonalds 'yung tamang timpla ng isang TV-Advertisement--Kaya sa t'wing napapanood ko ang commercial ng Mcdonalds, para bang palaging isang magandang umaga.

Anyway, subukan nalang nating balikan ang ibang commercials ng Makdo. At heto ang mga nalikom ko:

LO, KAREN PO 

Sharon Cuneta '8-Mcdo commercial'

First Love (Ang huling El-bimbo)

1st Hooray for today commercial

Down Town 

At ang top 5 commercials ng Mcdo para sa'kin?

Top 5. Brilliant commercial
Isa sa mga hit na line ng Mcdo noon ay--"Pa-cheese burger ka naman". At malamang, na sa tuwing may nagagawa kang maganda, naka-perfect sa quiz, nakasagot sa recitation, maka-graduate, makakuha ng medal o award sa school noon?--sasabihan ka ng mga kaklase o kaibigan mo ng "PA-CHEESE BURGER KA NAMAN!"

Top 4. Jessy Mendiola TVC (Mcdonalds shake-shake meal)
Oh, sino bang makakalimot dito at sinong lalaki ang hindi magbabanggit nito kapag sinabing "McDonald Commercial", Jessy Mendiola 'yan e. Maganda. Pantasya. Diwata. At sorry nalang sa mga kagaya kong sumusubok at umuuwing bigo kapag kumakain sila sa iba't ibang branch ng McDonalds, umo-order ng McDo Fries at Mc-Spicy, pero wala paring Jessy Mendiola na lumalabas nang surprise.

Top 3. Mc Float TVC (Konti nalang memory ko e, sino ka nga?)
Basta ang cute ng commercial na 'to, hindi ko na kailangang i-explain haha

Top 2. Konti Lang
Isa sa mga pinaka-hit at pinaka-sumikat na line galing sa isang commercial ng Mcdo? -- KONTI LANG. Hindi mo na kailangang pang magimbestiga. At dahil sobrang sikat ng line na "Konti Lang"; kahit saang tanong tuloy na itatanong sa'yo ay pwede mo na s'yang isagot. Gaya ng mga 'to:
- May sagot ka sa exam kanina? 
- Magkano sweldo mo?
- Kumain kanaba?
- Nakatulog kaba?
- Umutut kaba?

At ang no.1 sa top 5 list ko?

1. Mcdo Fries
At kahit mabilis na nawala ang exposure nito sa TV dahil sa apila ng CBCP noon, hindi parin maitatangging isa ito sa mga cute na commercials ng Mcdo. At posibleng naging isa sa mga dahilan kung bakit mas naging sikat ang french-fries ng Mcdo kumpara sa iba.

At sana bayaran ako ng Mcdo sa pagpopromote sa kanila. LOL. JOKE. Actually wala talaga akong malinaw na rason kung bakit ginawa ko itong blog-post na ito. Ni hindi ko rin naman sinagot 'yung tanong sa title nito. Ang gulo no? Gusto ko lang talaga ng Mcdo fries eh.

Salamat sa Pagbabasa