Showing posts with label READ. Show all posts
Showing posts with label READ. Show all posts

Thursday, March 27, 2014

Ang Pagtatapos

Photo from: wallacechev.com

'Noong Highschool ako, palagi kaming tinatakot ng mga kaklase ko ng isa sa aming mga naging guro sa aming senior year. Ang magkakaro'n ng bagsak, hindi makakaakyat sa puting bato. 'Yan ang paulit-ulit naming naririnig sa panahong papalapit na ang Graduation-day ng aming pagiging High-school. Ang pagtatapos ng aking Prom-Year. Ang pagtatapos ng apat na taong pakikipagsapalaran. Magsusuot ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera. At aabutan nanaman ako ng nirolyong papel na magsisilbing diploma...

Kolehiyo na ang susunod. Ilang taon nalang; tapos na ang buhay-magaaral. Ilang taon nalang. Ilang taon nalang...

So syempre, gaya din ng iba, ako din bilang estudyante, ay nahirapang pumili kung anong kurso ang kukunin ko. At gaya ng iba, habang papalapit na ang susunod na pasukan, ako'y nangangalap ng aking posibleng larangan na tatahakin. At dahil ako'y isa lamang sa mga tipikal na 'estudyanteng-pinoy', ang sistema ng aking pagpili ay nagawa narin ng karamihan. Oo, binalewala ko ang suggestion ng National Career Assessment Examination (NCAE) ko. Mas nanaig sa'kin ang suggestion ng mga kaibigan kong papasok din sa eskwelahang papasukan ko. 'Yung ganitong sistema ba:
Ako: Ui anong kukunin mo dre?
Friend: IT ako e, mag IT ka narin, kasi IT din si ano, tyaka si ano. Tapos balita ko maga- IT din si ano.
Ako: Sige, yan din sa'kin!
Ang bilis diba? 'Yan ang pinoy. Kung saan ang karamihan, doon nadin. Parang, kapag kakain ang tropa sa Jollibee at nagdidiskusyon ang karamihan habang nasa pila sa harap ng counter. Kapag ang isa ay nagbanggit ng "Chickenjoy nalang sa'kin" Asahan mo narin ang iba pa na magsasabi ng "'Yun nalang din sa'kin" o kaya "Gano'n nalang din".

Balik tayo sa pagiging kolehiyo. Mahirap, oo. Mahirap maging estudyanteng-kolehiyo. Kailangan, puspusan. Mauubusan kana ng petiks-time. Mauubusan kana ng tulog habang tumatagal. Lalaki ang eye-bags mo dahil hindi na ito tulad ng pagiging Elementary o High-school student, na kapag natapos mo ang isang period na wala kang absent at late, malaki ang tyansa mong makarating sa susunod na baytang. Hindi kana maisasalba ng perfect attendance mo sa College.

Malaki ang pinagkaiba ng pagiging kolehiyo mula sa pagiging high-school. Hindi lang sa lebel ng mga pagtuturo ng mga guro sa atin, pero nand'yan yung pagaadjust mo sa mga nakagawian. Tulad ng pagpasok mo kahit kalahati lang ng mga mata mo ang nakakakita dahil sa antok. May biglaan kasing assignment si Prof at bukas na ang deadline. Wala e. Naisip n'ya e.

Kailangan mo ring masanay pumasok kahit bumabagyo. Kahit balu-baluktot na ang mga bakal sa payong mo dahil sa lakas ng hangin, pasok parin! College kana e. Hanggat hindi sumisilip ang mata ng bagyo sa eskwelahan mo, tuloy lang.

At sa klase, darating 'yung puntong ANO YUN? at ANO DAW? nalang ang tanging lumalabas sa isip mo dahil hindi mo ma-gets ang bagong lesson na tinuturo ng Professor mo sa Physics, Programming at Accounting.

Dadaan ka sa sitwasyong maguguluhan ang isip mo kung magiinternet kaba o magrereview kana dahil may exam ka kinabukasan.

May lalapit na pagkakataon sa'yong 'yung kaklase mo pang sabi nang sabi ng mga salitang "Di ako nakapagreview" ay s'ya pa 'yung highest pagdating ng exam-results.

At kapag bumagsak ka sa exam, o naramdaman mong makakakuha ka ng mababa. Di-bale-may-susunod-na-quiz-pa-naman. 'Yan lang ang itatatak mo sa isip mo, okay na.
-

Diba? Ang daming mga tagpo na sa eskwelahan lang natin makikita. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito. Kahit ilang beses kang napagod ng pag-aaral gawa ng puyatan para sa exams, thesis at project mo, hinding hindi mo parin maikakailang mamimiss mo paring pumasok pagkatapos.

At pagkatapos ng lahat ng ito, gigising ka sa isang umaga na hindi mo na kailangang umupo sa arm-chair na sinulatan ng cellphone number ng iba, text mate daw. Hindi kana papasok ng maaga para sa assignment na hindi mo ginawa nung isang gabi kasi mas pinili mong mag-surf sa Internet kaya kokopya ka nalang kinabukasan. At higit sa lahat, hindi mo na kailangang manghingi pa ulit ng yellow-pad.

Bagong yugto na ulit pagkatapos. At oras naman ng pagtutupad mo ng nasimulang hakbang ng pangarap.

Kaya kung ikaw ay nagaambisyon lang na maging Bilyonaryong tao gaya ni Steve Jobs at Bill Gates. Aba, e ngayon palang mag drop-out kana para maging kagayang-kagaya mo sila. Pero joke lang, hindi masamang mangarap, gawin mo lang makatotohanan. Kaya 'wag mong gawing goal ang pagiging isang Bilyonaryong Pinoy, baka magaya ka kay Manny Pacquiao ngayon, hala ka. Gawin mo lang direksyon ang isang matagumpay na buhay, sapat na.
-

Ngunit hindi ko akalaing bago ako magtapos ay magkakaro'n pa ko ng medalyang maikukubli ko hanggang pagtanda. Buti nalang, magaling ang mga kagrupo ko hehehe. Totoo ang kasabihang "Kumapit sa matatag para maka-survive" - Yup, hindi lang kapag lumilindol applicable yan. Matagal ko narin namang gustong magkaro'n nito. 'Nung Grade 6 kasi ako, sayang e, muntik na. Muntik na akong sabitan kaso binigay ang award sa kaklase kong magaling magwalis sa Classroom. Doon ko napatunayan na totoo pala ang kasabihang Daig ng Masipag ang Ma...... Deh joke lang ulit, hindi ako butt-hurt.  

At mula ngayong araw na 'to. Ilang araw nalang, aakyat ulit ako sa hagdanan papunta sa gitna ng isang entablado. Magsusuot na ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera at sa wakas, aabutan na ako ng pinaka-importanteng diploma sa lahat ng diploma.

Kaya para sa lahat ng magsisimula palang sa kolehiyo at sa mga konting panahon nalang ang hinihintay at gagraduate na rin, 'wag nating palampasin ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos. Dahil kahit ano pa mang kurso mo, ano pa mang eskwelahan ang pasukan mo, sasabihin at sasabihin mo parin na mahirap grumaduate. Kaya pagsikapan natin, okay lang 'wag magpasa ng assignment minsan, pero ipasa mo naman yung exams. Okay lang naman mag-text habang may nagtuturo basta ba naririnig at naiintindihan mo parin si Ma'am. Okay lang magpuyat dahil sa project, pero wag naman dahil sa inom. Kaya gawin natin ang lahat ng paraan. Pagsikapan nating abutin ang punto ng buhay na pwede na nating sambitin ang mga salitang...

Mahirap grumaduate, pero hindi ko sinabing hindi ko kaya.

Monday, December 30, 2013

Ang 2013, Bow!

Naka-handa naba ang mga paputok niyo?
Heto na, tapos na ang pasko at halos bente-kwatro oras nalang ay magpuputukan nanaman. Hindi ng kili-kili, hindi ng t@#&^*, kundi ng mga paputok. Syempre alam n'yo na yung censored word, 'wag nang mag-malinis.

Anyway, sandamakmak na issue ang nangyari sa Pilipinas ngayong taon. Lumipas na usapin at magiging parang wala lang sa mga sumunod na araw. Kaya subukan nating balikan ang iba, maliban sa pag-hagupit ni Yolanda, pagpapakasal nina Sir Chief at Maya, pagpapakitang gilas nina Chito Miranda at Wally Bayola, 'yung pag-sambit ni Janet Napoles ng mga salitang "HINDI KO PO ALAM" at 'yung paglaganap ng mga anak-ng-tsinelas na cover ng sayaw na Gentlemen sa Youtube at Facebook....

At syempre, yung pagbo-boxing ni ELLEN ADARNA :3

At grabe 'yung ibang kalalakihan ah. Bago raw panuorin ang video sa Youtube; kailangan naka-Full-screen at naka-set sa 720p-HD ang video quaility. Hmmmm ALAM NA!

Bukod sa maraming nasiyahan sa panunuod ng video ni Ellen Adarna sa Youtube ngayong taon, marami paring namroblema, nainis at nalungkot. Dahil nand'yan ang mga kadahilanang hindi parin nila nagawa ang pagda-diet kahit paulit-ulit nila 'tong nilalagay sa kanilang new-years resolution taun-taon. Marami paring hindi mayaman. Marami paring hindi naka-buo ng Simbang Gabi. Marami paring jejemon sa Pilipinas. Maraming masasarap na pagkain ang nag-mahal ang presyo gaya ng Pringles. Marami paring nagpupunta sa simbahan at mall nang naka-shades. Marami paring nag-akala na birthday ni Dr. Jose Rizal ang Rizal Day. Marami paring nagpopost ng Selfie sa Instagram sa kabila ng Hashtag na #AngPangetKo. Marami paring pinagpapalit ang you're sa your. Marami paring naging sawi sa pag-ibig. Marami paring naiwan at na-stock sa friend-zone area. Marami paring hindi nakukuha ang gusto nila. Tulad ko? Sobrang dami kong gustong hindi mapunta sa'kin......... Mga damit, gadgets, pera (syempre).

Pero ang pinaka-masaklap? HINDI PA RIN KAMI NI JESSY MENDIOLA. 






...






OUCH </3

At kahit ilang McSpicy ang bilhin ko, ilang branch ng Mcdonalds ang kainan ko, WALA! WALANG Jessy Mendiola na dumarating sa harapan ko para saluhan ako. Kaya laking inggit ko kay Jeric Teng at sa iba pa. #TenginaTalaga!


At bago matapos ang taon na 'to, belated Happy Birthday pa 'rin kay BRO. Para sa mga kababaihan, pasalamatan n'yo ang mga lalaking nagbigay sa inyo ng upuan sa bus. Para sa mga lalaki, pasalamatan n'yo ang mga babaeng natulog sa mga balikat n'yo sa bus kahit hindi n'yo s'ya kilala. Pasalamatan n'yo ang mga taong dumating sa buhay n'yo at naglagay ng ngiti sa inyong mukha kahit panandalian lang. At pasalamatan narin nating lahat ang mga bansang tumulong sa Pilipinas matapos ang kalamidad na dumaan sa bansa. Maraming-maraming salamat po. At higit sa lahat, magpasalamat ulit tayo kay BRO dahil binigyan n'ya tayo ng 365 days at may nakahanda pang 365 ulit sa susunod na taon :)

Ayun, yun lang.
Salamat sa Pagbabasa!

PAUNAWA: Huwag magpapaputok kapag kumain ka ng crispy pata. Ayon sa nabasa kong libro, ang mga lasing na namumulutan ng crispy pata ang madalas maputukan sa daliri dahil sa lagkit ng sebo sa kamay at sobrang kalasingan, hindi nila aakalaing didikit ang labintador sa kanilang mga daliri. Mag-ingat! Mag-pasalamat! Mag-pugay sa isang Bagong Taon na darating.

Saturday, August 31, 2013

ISSUE (PORK BARREL)

Isang malaking oink para sa mga kababayang nakikisawsaw ngunit walang konkretong katwiran kung bakit gusto nilang makisawsaw, wala namang saysay.
At ayan na nga, sumuko na nung makalawa palang si Napoles. E wala e. Gusto n'ya e. Ewan ko ba kung masyado lang s'yang gahaman at ayaw n'ya ding may makinabang nung Sampung-Milyong pabuya para sa magtuturo sa kanya.

Masyadong over-exposed na ang apelyidong "NAPOLES" sa TV, Dyaryo at Internet. Teka, sa pagpapalaganap ng media ng mga balitang naguugnay sa apelyidong yan. Hindi ba nila alam na siguro, marami nang mga trabahador at estudyanteng kinukutya sa eskwelahan at trabaho dahil kasing-apelyido nila si MA'M (co Mar Roxas). Oo malamang!. Laman na ng biro at pangungutya ang mga taong kamag-anak at lalo na ang may mga taglay na apelyidong Napoles. 

E wala e, Gano'n talaga e.

At ang kitid pa ng ilan, tinawag lang ni Mar Roxas ng 'Ma'm' si Napoles, binigyan n'yo na agad ng kahulugan?. 'Di n'yo ba kayang intindihin na masyado lang mapagkumbaba si Mar Roxas kaya n'ya tinawag nang gano'n si bruha?. 'Di ba kayo nakakaranas na kahit kapag bumibili ka ng litsong manok sa Andoks o kaya e iaabot sa'yo ng taga Meralco ang bill-receipt ng kuryente n'yo e pwede nila kayong tawaging Ma'm o Sir kahit hindi naman nila kayo Boss o Kaano-ano?.

E wala e, Gusto n'yo yan e.

Masyado pang baby!. Tignan n'yo baka mamaya lang e naka wheel-chair na 'yan. Ang dami na nating nakitang eksena na binubugbog ng mga Pulis ang mga taong nagnanakaw ng side-mirror ng kotse. Sa tingin n'yo? Ilang side-mirror ang mabibili sa Sampung Bilyon?. Haay ewan ko ba.

E wala e, Ganyan dito e.

Sunday, August 18, 2013

Ang mga Batas para sa isang Magandang Relasyon.

Paunawa: Ang lahat ng mababasa n'yo sa baba ay akin lamang pananaw ukol sa topic na tatalakayin. Meron parin kayong free-will para maniwala at humusga sa anumang inyong mababasa.
Syempre lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng isang relasyon na magtatagal at kung maghahangad pa, syempre yung hindi na sana matatapos pa. Lahat tayo naga-asam ng isang kapareha na gusto nating; s'ya na habang-buhay. Pero mahirap, mahirap makahanap ng halimbawa sa panahon ngayon, marami na kasing 'iwanang' nagaganap. Kaya narito ang sa tingin ko'y mga paraan para sa isang magandang relasyon:

(Teka-Muna-Wait, anumang nakasaad sa article na 'to ay applicable sa kung sino mang magkapareha, kung ikaw ay dakilang abangers gaya ng sinasabi ni Ramon Bautista, hindi ko kinukunsidera na pwede mong i-apply para sa'yo ang ibang nakasulat)

Okay, tawagin nalang natin itong mga batas ng isang relasyon.

Unang-una na syempre ang 1. TIWALA. Kung magse-survey din siguro ang AGB Nielsen para sa paksang ito, malamang, nangunguna ito sa lahat ng makukuha nilang sagot. Natural, kung walang tiwala, lahat ng pag-aalala ay halos magiging pagdududa. At kapag nangyari 'yon, pwedeng pagmulan ng tampuhan at kung ano pang kasiraan kung saan pwede kayong magsumbatan at mag-away na ng tuluyan. At ang masaklap pa, baka maging dahilan ng Break-up.

Pero hindi kelangang magmula sa iisang parte lang ng relasyon 'yan. Syempre, kung binibigyan ka ng tiwala ng iyong kapareha, ingatan mo naman. 'WAG KANG MAGSISINUNGALING AT 'WAG KANG MAG-IIMBENTO ng kung ano-anong bagay. Masakit kayang mapag-lihiman. Lalo na kapag mahal mo yung tao. Mabuti na 'yung magsabi ka ng totoo, pero mas mabuti 'yung ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magtalo pa.

Nand'yan ang pagpapa-ubaya, nand'yan ang pagsasakripisyo. Kung alam mong sa una palang na makakasama ang isang bagay sa relasyon n'yo? FINE!, 'wag nang gawin. Siguro naman ay mas matimbang ang relasyon sa lahat ng bagay. Dahil kung hindi, hindi mo siguro mahal ang partner mo dahil nakakaya mo pang ipagpalit sa CRAVINGS ang relasyon n'yo.

2. IPARAMDAM MONG MAHAL MO SIYA. Dito naman talaga nagsisimula ang lahat e, Ito naman talaga ang naging susi kung bakit nabubuo ang relasyon, dahil mahal n'yo ang isa't isa.

Teka, pa'no mo maipaparamdam?. Heto ang mga napakasimpleng mga bagay:
*Goodmorning text - Simple lang, pero rock lol!. Napakasimpleng mensahe pero naglalaman 'yan ng pagmamahal. Pinapakita kasi n'yan na sa bawat pagmulat ng mga mata mo, s'ya na agad ang naaalala mo.

*Goodnight text - Syempre, kung may goodmorning, dapat may goodnight text din, minsan may sweetdreams pa sa dulo (na may halong pagdadasal na "sana ako ang mapanaginipan mo" yiiih) Goodmorning at Goodnight text, importante 'yan!. Parehong mga mensahe na nagpapahiwatig ng pag-aalala, 'wag mo lang lalagyan ng GM sa dulo. Kapag lagi kang naaalala, ibig sabihin, importante ka. <3

*I Love You's - Ito pa ba ang mawawala? no-way!. 'Yung iba sinasabing 'wag daw dadalasan ang pagsambit ng tatlong salitang 'to, baka daw magsawa. Pero ang katotohanan, hinding-hindi ka dapat magsasawang ipahiwatig sa taong mahal mo na mahal mo s'ya, yun ay KUNG TALAGANG MAHAL MO S'YA. Sarap kayang makatanggap n'yan, sa text?, yes! pero mas higit pa sa personal.

*Dapat Updated ang isa't isa - Kung ano man ang ginagawa mo, kung saan ka pupunta, kung sinong kasama mo, may karapatan s'yang malaman. 'Wag na 'wag mong papalampasin ang limang oras na hindi mo man lang s'ya natetext (maliban nalang kung tulog kana sa gabi). For safety reasons mo din naman 'yan. Dahil kung wala kang pagsasabihan kung sino ang nakasama mo, wala karing suspek sa krimen mo kapag natagpuan kang lumulutang sa Ilog-Pasig.

Tandaan mga kabigan, importante ang pagpapadama ng pagmamahal, panatilihin n'yong mainit ang relasyon, dahil kung nanlamig 'yan? baka may ibang nagpapainit sa kanya, at baka pag-initan pa ng kamao mo.

3. RESPETUHIN MO ANG IYONG KAPAREHA. Respeto, 'yan!. Kung ayaw mong lokohin ka n'ya, 'wag kading gagawa ng paraan para lokohin s'ya. Maging Honest!, Maging Loyal!. Ika nga nila Don't do to others wha...... hep, okay, alam kong alam n'yo na.

Mahalaga tong parteng 'to. Dito mo din malalaman kung talagang mahal ka ng taong pinahahalagahan mo. 'Wag mo s'yang ikakahiya bilang boyfriend o girlfriend mo. 'Wag mo din s'yang babarahin, halimbawa: Kapag may nasabi s'yang maling bagay, tapos igigiit mo pa na bobo at tanga s'ya?. Ayy nako, mali yan beybe.

Imbis na pag-sungitan mo ang boyfriend o girlfriend mo, mag-effort ka nalang para mapasaya siya. KUNG KAYANG IBIGAY, IBIGAY MO, 'WAG KANG MADAMOT. 

Give and Take ika nga nila, hindi pwede 'yung take ka nalang nang take at hayaan mo s'yang magipit. Hindi yung binigyan kana nga ng rosas at tsokolate; ibabalik mo sa kanya ay sampal. Ayy BAD!

4. 'WAG MAGPA-LANDI AT 'WAG MAKIPAG-LANDIAN SA IBA. Ito ay para sa lahat. Hindi lang sa babae o sa lalaking miyembro ng relasyon. Pinaka-importante 'to sa lahat ng batas para sa akin. Dahil alam naman nating karamihan sa dahilan ng break-up ngayon ay "Third Party". Lintik na yan, party nang party wala namang balloons!.

Hangga't maaari, 'wag mong hahayaang may pumasok sa buhay mo na bagong tao at maaattach kang mabuti sa kanya. Binigyan ka ng tiwala ng kasintahan mo, wag mong sirain.

'Wag kang magagalit kung babakuran ka ng kapareha mo mula sa iba, gusto lamang n'ya na ma-secure ka n'ya mula sa pagka-agaw. Sino ba namang boyfriend/girlfriend ang gustong maagawan ng minamahal?. At kung papayag ka naman na mag-paagaw. Fuck, hindi ka dapat pang mahalin nino man.

Tandaan, "To segregate yourself from other threats in your relationship is a must!". 'Wag kanang pumayag pa na may maging dahilan ng paghihiwalay n'yo. Yes! trust is a must din. Pero kailangan padin ng 'prevention', dahil hindi mo masasabi, pa'no kung continue mo ngang girlfriend o boyfriend s'ya pero ang pinaglalaanan mo naman ng panahon mo, ibang lalaki o babae?. Ano yan, hahayaan mo nalang na mahulog ang loob mo sa iba habang may karelasyon ka, at aantayin mo nalang dumating yung panahon na mas gusto mo na s'yang kasama at kausap kesa sa Girlfriend o Boyfriend mo?. MAGISIP NGA!

HAHAHAHA Okay, huminahon, huminahon. Naiinis lang ako. May isa kasi akong kaibigan mula noong highschool, sobra s'yang nagtiwala sa kanyang girlfriend. Sobra s'yang nagbigay ng kalayaan. Hinayaan n'yang makipag-bonding sa ibang lalaki ang dapat na sa kanya. Ayun, hindi n'ya alam na sa dami nang pagkakataong nakakasama ni loka ang ibang lalaki, nahuhulog na pala to doon at nakukuha nang manaksil. Haay nako kalayaan. Dapat sinasakal ng watawat ang mga nagpupumilit n'yan. Gusto lang yatang mang-twotime ng iba kaya humihingi ng sobra.

Sa makatuwid, umiwas at 'wag hayaang mahulog ang loob mo sa iba. Hangga't maaga, umiwas ka. Sa ganyang paraan. Maiiwasan ang alitan, at pareho pa kayong protektado sa loob ng relasyon n'yo. Ayaw n'yo yun? walang tampuhan?.

5. KONEKSYON. Ang pinaka-importante sa lahat, koneksyon!. Text man, o tawag. Chat man o e-mail. Hinding-hindi kailangang paabutin na mawala ang koneksyon sa pagitan ninyong dalawa. At gaya ng nabanggit sa una, 'wag mo ring hahayaan na mas may koneksyon ka pa sa iba kesa sa sarili mong kapareha. Baka paabutin mo pa na sa bawat paggising, sa bawat pagguwi mo, dalawang tao ang ina-update mo, ano yan, dalawa gf/bf mo?.

Tandaan, mas kailangan mong pagtuunan ng atensyon ang iyo mismong kapareha. 'Wag mong hayaang mamatay ang kandila dahil hinapan lang ng iba. 'Wag mong hayaang mapunta sa iba ang atensyon na dapat na sa kanya mo ibinibigay.

Importante ang koneksyon sa lahat ng bagay. At ang pinaka-importanteng koneksyon sa lahat ay ang Internet, wag na kayong umalma. Dahil hindi n'yo to mababasa kung wala yan haha.

Kaya mga kaibigan, pangalagaan ang inyong nabuong relasyon. Makuntento, Magtiwala at Magmahal. Dahil kung kahit ano pa man ang dahilan, tatagal parin at tatagal ang relasyon kung gagawin n'yo parehas ang mga paraan para matupad 'yan.

Hindi ba't masaya kapag kayo ay magkasama?. Hindi ba't masaya kung pareho kayong mahal na mahal ang isa't isa?. 'Wag n'yong hayaang masayang ang lahat ng effort na napundar n'yo. Magsakripisyo kung kinakailangan, at d'yan, diyan ay para kanang nagpupundar ng isang matatag na relasyon.

Ito ay inaalay ko sa lahat ng mga taong nagmamahal ng sobra gaya ng pagmamahal ko sa iisang girlfriend ko hehehe. Kaya mga kaibigan,
Salamat sa Pagbabasa :)

Wednesday, July 24, 2013

ISSUE (The Bus-ban)

Owner: Jimmy Dumlao. fb > http://goo.gl/4m75T9
Maraming nahirapan, na-perwisyo, na-guluhan o kung ano mang salita ang sabihin, basta marami ang namroblema sa ipinatupad na bus-ban sa Maynila.

Sabi ng iba, okey lang yan. kelangan ding mag-sacrifice para sa ikabubuti ng marami. eyng? E pano kung MARAMI din yung hindi nabubutihan dito?.

Pero tama naman, minsan kailangan din ng mamamayan na maki-sakay, maki-sabay at maki-isa kung ang magiging epekto naman ay magiging maganda.

Subalit pa'no mo masasabing maganda kung maraming nagsasabing napeperwisyo sila?. 

Yung iba kasi, imbis na isang sakayan nalang, kelangan pang maglakad ng malayo at sumakay ulit ng ibang sasakyan. E pa'no na 'yung mga estudyanteng kelangang humabol sa exam o kaya'y late na nga, mas lalong male-late pa. Pa'no na yung mga disabled?. Pa'no na yung may mga dalang mabibigat?. Pa'no na yung mga matatandang hindi handa dito?. At pa'no na yung sakto na nga yung baon at pamasahe tapos ngayon magigipit pa?.

At nakukuha pa ng iba na mamilosopo at basta nalang mag-magsalita na 'mag-adjust kayo'.

Nga naman. napaka-dali kasing magsalita at mag-payo lalo na kung hindi ka naman kabilang sa nahihirapan. Napakadali namang magsalita sa topic lalo na kung hindi ka naman nagko-commute at prenting-prenti ka lang na nahahatid ng air-con mong oto.

"Napatupad sa ibang bansa e, bakit hindi natin ipatupad satin?" - MMDA Chairman Tolentino

At ang sabi ng iba?: Problema sa iba hindi marunong magsakripisyo, mag-dorm nalang kayo para di ma-late.

Reality Bites!. Hindi naman kasi porket pwedeng ipatupad sa Hong Kong o saan mang bansa ang isang sistema ay pwede na din sa Pinas.

Mabuti sana kung gaya ng Hong Kong at Korea e wala ding nagje-jaywalking satin.

Mabuti sana kung gaya nga ng ibang bansa na pinanggagayahan ng sistema na 'to e may sariling bus-stop din ang mga public-vehicle dito sa Pinas. At yung hindi ka maliligaw gaya sa Hong Kong kahit magpatransfer-transfer ka dahil masyadong organize ang lahat ng paraan para makarating ka sa patutunguhan mo.

Mabuti sana kung lahat ng driver dito sa Pinas ay masyadong disiplinado at hindi yung makakakita ka ng jeep na nagbababa ng pasahero habang sakop ang dalawang lane ng kalsada.

Mabuti sana kung ang lahat ng estudyanteng epektado e afford na mag-dorm or condo.

Mabuti sana kung maglalakad ka ng malayo e walang lalapit sa'yo para hablutin ang bag mo.

Mabuti sana kung sa paglalakad sa gabi ng mga estudyante at empleyado ay walang magdidiklera ng holdap sa kanila at hindi ka iiwanan ng holdaper na may gripo sa katawan.

Mabuti sana kung lahat ng jeep e pwede kang maging komportable sa pagsakay at hindi yung amoy mo na ang kili-kili ng katabi mo, may gana pang mag-sakay ng isa.

Mabuti sana kung sa loob ng walumpu't anim na libo't apat na raang segundo e 'visible' ang police visibility.
-

Kung sana mas maayos yung inibang sistema. Yung tipong walang masyadong magte-take ng risk sa mga pagsakay. Yung mas ligtas ka sa sasakyan mo. Yung hindi masyadong magiging mahal ang pamasahe. Yung masyadong convenient at walang kapalit na pahirap sa iba. Edi sana wala nang aalma.

Higit pa sa kung anuman. Nasa pagiging disiplinado pa din naman ng bawat Pinoy ang lahat. Dahil kung nung una palang ay sumusunod ang bawat-isa? at kung walang pasaway sa lansangan?. Edi sana hindi napansin na bus ang may kasalanan at hindi naipatupad ang bus ban.

Salamat sa pagbabasa

Thursday, July 18, 2013

ISSUE part 1

Ang korni naman ng MMDA. gustong i-apply ang sistema ng batas-trapiko ng Hong Kong at Los Angeles sa Pinas.

Sana naisip din nila na ang isa sa problema din ng trapiko sa maynila e yung disiplina ng mga nagmamaneho ng mga kanya-kanyang sasakyan.

E makakakita ka ba naman kasi ng mga public vehicle na nagbababa ng pasahero sa gitna ng 4-lane na kalsada sa Hong Kong?. Hindi, dito lang yan!.

Kaya din naman nagkakaro'n ng traffic e dahil nga maraming sasakyan. Di naman kasi si Optimus Prime yung mga truck na para lumuwag ang kalsada e pwedeng mag-transform.

Puro taxi at double-deck na bus kasi ang meron don at disiplinado pa silang magbaba sa mga itinalagang bus-stop. Dito kasi pinagbawal na ng RA-Law na magkaron ng mga matatangkad na bus. Nakakasagabal kasi sa serbisyo ng Meralco.

Photo from: http://goo.gl/SGlu1
Sabi ni Chairman Tolentino e, kung napapatupad sa ibang bansa ang sistema, bakit hindi gawin sa Pinas?. Hala, dapat maisip din n'ya na mas maraming sasakyan ang meron sa kalsada ng Pilipinas. Madali nadin kasing makakuha ng driver's-licence ngayon sa bansa natin e. Dedma na kasi ang LTO na pwedeng magkaron ng mga adik na driver ngayon dahil dito > http://goo.gl/Ue5Qa

Pero ayos din yung pinatupad nila para sa mga trailer-trucks. Yung sa madaling-araw nalang yung biyahe?. Bawas na nga sa traffic sa umaga, kikita pa ang Nescafe. Ayos, double purpose!.

HAHAHA. At kitang-kita sa larawan sa taas na muntik nang 'di magkasya ang isang double-deck na bus sa isang over-pass sa Maynila noong 1980. 

Ang daming overpass ngayon na useless na. Yung overpass kasi sa ibang lugar e nagiging tindahan ng mga pirated DVDs at tinapa.

Hindi pa kasi palaganapin ng Pamahalaan ang mga underpass sa'tin. Tinatamad ba silang maghukay?. Kung ganon e daig pa sila na mga magnanakaw na mat'yagang maghukay hanggang makapunta sa ilalim ng isang pawnshop.

Salamat sa Pagbabasa, hanggang dito nalang muna :)
Isang paimbentong series! siguro hindi naman masama maglabas ng saloobin sa mga nangyayari sa Pinas diba? So kesa naman na nabubulok sa isip ko e subukan ko nalang i-blog ang bawat reaksyon ko sa mga balitang nalalaman ko araw-araw :)

Monday, March 25, 2013

Panaghoy ng Daluyong

KABA, magkakaiba ang dahilan pero mahirap dalhin sa isang sitwasyon. Minsan kapag nakakaramdam ka, lahat na ng unconscious behavior ng katawan mo, ginagawa mo na. 

Mga pagyuyugyog ng paa o tuhod. 

'Yung madalas na paglalakad nang walang patutunguhan. 

'Yung madalas na pagsilip sa mga laman ng refrigerator??, yes, kasama yan. 

'Yung pagkagat mo sa mga usling balat ng daliri, tapos sa huli pagsisisihan mo kasi sobrang hapdi kapag sumagad yung kagat mo.

Mga nanlalamig na Paa..... Shet, sana may mag-comfort sayo, pare.
-

Kapag malayo pa yung pinapangambahan mo, saka mo nalang isipin yan... may mga pagitan pa na araw na dadaan, kaya pwede ka pang magpetiks bago dumating ang bagyo sa buhay, haha.

Pero kapag malapit na talaga, potek, yung kaba e parang inuunos ka muna ng ambon bago ka tuluyang tamaan ng kidlat at bayuhin ng malakas na ulan. kainis yung pakiramdam na 'yun.

Pero bakit ba??. Bakit ka ba nangangamba, e alam mo namang lahat ng problema'y may bright-side na pwede mong gawing motivation para di na maulit sa susunod yung maling ginawa mo.
-

Kapag kinakabahan kana, wala kanang magiging paki-alam sa iba. Parang wala ka nang paki-alam sa mundo. Naghihintay ka nalang ng milagrong matapos na agad yung nararamdaman mo. Hindi mo na iisiping may mas malala pa naman'ng problema sa'yo na kinakaharap nina James at Kris at nina Heart at Chiz.... Nubayan, Anong pake ko sa kanila, para namang maaalis n'yan ang pagka-developing country ng Pilipinas kapag nasolusyunan 'yan.

Ambabaw, mas malalim lang sa babaran ng pustiso. 

Pero anyway, hindi solusyon ang pagtakas para makalusot sa problema, kailangan mo lang harapin.... At kapag natiis mo, mararamdaman mo nalang na TAPOS NA.....

Pwede kana ulit bumili ng bente pesos na Cornetto... Pero hindi lang d'yan magtatapos, magpromise ka nalang sa sarili mo na hindi mo na hahayaang maulit yung nagawang mali mo pagkatapos.


"Sometimes life hits you in the head with a brick. Don't lose faith" - Steve Jobs

Thursday, March 7, 2013

Kung pwede lang sana.

Kung pwede lang sana na lahat ng gusto mo e makukuha mo agad, mangyayari agad, matutupad agad, e di sana happy-happy na lahat.

Sa buhay kase, walang 100% discount. Kung lahat ng gusto mo makukuha mo agad, edi wala nang kwenta ang pera. Edi sana ang dali lang pumasa sa mga exams, edi sana crush ka na din ng crush mo, edi sana mura lang ang Pringles.

Masarap din makuha yung mga bagay na pinaghihirapan, pero mas masaya yung makuha mo s'ya sa madaling paraan. kasabihan yan ng tamad, pero hindi ba?, mas masaya yon.

Hindi lahat ng gusto ay nakukuha at hindi lahat ng nakukuha ay sapat. Hindi lahat ng pwede ay pinapayagan dahil hindi mo maitatangging maring kill-joy sa mundo.

Mabuti narin at hindi lahat ng kayang makuha ay may nakakakuha agad, marami din kasing mataas ang ambisyon kahit imposible naman.

Kung okay lang sana mangyari lahat ng pinaplano mo sa utak, edi sasaya ang pakiramdam mo dahil mapapadama nito na ang buhay mo ay may saysay.

Kung lahat lang ng wish ay natutupad, kung totoo lang sana ang Dragonballs, kung tunay lang sana ang magic, kung kaya mo lang sanang paikutin ang mundo sa sarili mong paraan.

Kung pwede lang naman sana, edi happy-happy na lahat.

Thanks for Reading

Tuesday, February 26, 2013

Bilang Tsismoso

Ito ay narinig ko lang sa kung saan pero pwede n'yo ding isipin na ako'y nagiimbento lang.


Si Boy1 ay nagkaroon ng hot-seat session ng hindi inaasahan kasama ng isang kaibigan.

Boy1: Oi pare. kamusta?
Boy2: Hoy, halika nga dito, ikaw ang dapat kong kamustahin. Balita ko may nililigawan ka daw, nakita ka ng isa kong barkada sa Mall, may kasama ka.

Boy1: Sigurado ka ba pare ko?, baka naman Nanay ko lang yung kasama ko nun haha.
Boy2: Habang naglalakad kang may ka holding-hands?

Boy1: Haha grabe tol, OO NA pero 'di ko yun girlfriend, kaibigan ko lang.
Boy2: Kaibigan lang??... Sa umpisa lang yan, ituloy mo na.

Boy1: Ituloy, e parang wala pa naman yata akong nasisimulan.
Boy2: E ano naman, hindi mo ba type?, wala ka bang plano?, hindi mo ba mahal?, wala ka bang nararamdaman?

Boy1: Daming tanong... Ewan ko kasi e, baka hindi ako ready o baka s'ya yun hindi handang saluhin ako.
Boy2: haha grabe, saluhin??.. ANG MAKATA MO TALAGA TOL!!!. Pero kung ako sa'yo, kung gusto mo s'ya, go na!!!

Boy1: Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan sarili ko tol.... Nakikita ko kasi sa kanya na inaaswang pa din s'ya ng ex n'ya. 'Yun bang hindi pa din s'ya nakaka move-on. Dehado ako dre, baka may nararamdaman pa s'ya dun. Pa'no kung dumating yung time na dineretso ko na s'ya tapos biglang sumingit yung mokong? E di naiwan akong naka nga-nga, mukhang malaki pa din yata yung chance na magka-balikan sila gayong naiisip parin n'ya e.
Boy2: Kawawa ka naman, anu kaba. Edi turuan mo s'yang mag move-on. Gawin mong paraan yung sarili mo para makalimutan n'ya yung mokong na 'yun... teka, gwapo ba yung mokong?

Boy1: Hahaha, gwapo pare, artistahin wahahaha. Kaso loko-loko, ang dami nang nabiktimang babae, yun ang balita ko. Kainis nga e hahahahaha. Naaagrabyado tuloy tayong matitino, nahihirapan na tuloy magtiwala sa'tin ang mga babae.
Boy2: Hahaha Ikaw?, matino???. biro lang, oo nga e. Dapat yung mga ganyang mokong payakapin sa cactus nang nakahubad, tapos ibalot yung katawan sa twalyang puno ng langgam.

Boy1: Grabe ka tol, pero oo, naiinis ako dun....... Pero nasasaktan ako tol, alam ko kasing ang dami nang nangyari habang wala ako, iniisip ko tuloy, matutumbasan ko ba yun?.  
Boy2: Alam mo tol, hindi mo kailangang tumbasan lahat, kaya mo naman gumawa ng bagong memories kasama s'ya. Ang importante kung magiging kayo, kayo lang, wala nang iba.

Boy1: Hahahaha may point ka, handa naman akong mahalin s'ya at pasayahin s'ya araw-araw. Natatakot lang ako na baka hindi ako mabalikan ng mabibigay ko. Baka ako yung matalo sa huli, baka maiwanan din ako. Baka kasi kahit handa akong ibigay ang lahat, pero dahil nasaktan na s'ya dati, hindi na s'ya ganon ulit magtiwala sa mga kagaya natin.
Boy2: Naku pare, masakit masaktan. Kung ayaw mong umaray, e di wag mong sugurin yung laban na alam mo namang handicap sa'yo. Pero kung handa din naman s'yang ibigay sa'yo ang lahat at mahalin ka din nya pabalik. Pare naka-jackpot kana. Alam ko namang kagaya mo din ako, hindi na natin kailangan ng super-chix, basta yung mapapasaya at mamahalin din tayo, ayos na.

Boy1: WOW!!!, ikaw naman ngayon ang naging makata? haha. KOREK, dahil handa naman tayong tumupad ng mga pangako hahaha. Sana makita n'ya ako na kinabukasan n'ya hahaha
Boy2: Hahaha ganyan lang, wag kang magisip ng mga bagay na mamomroblema ka.

Boy1: Sana rin tol makalimutan n'ya na yung mokong na 'yun. At sana din mag move-on na s'ya hahaha
Boy2: Hahahahahaha yang pagmu move-on naman ay nasasa-kanya. Kung gusto din naman nyang makabangon mula sa nakaraan, kaya naman nya. Gawin lang nya yung dapat gawin, wag na syang mag-atubili pang mag-alinlangan. Dahil kung Gusto may paraan at kung ayaw may dahilan. Minsan kasi iniisip lang na mahirap, pero kapag nasimulan na, hindi na nya mamamalayan na nakalimot na s'ya.

Boy1: Anyway tol, salamat sa usapan, nakakabusog ng utak haha.
Boy2: Ayos lang, basta ikaw. Ano tara? Basketball?
Boy1: one on one? GAME!!
.................



Lumipas ang tatlong buwan matapos ang malalim na usapan nina Boy1 at Boy2, nagkatuluyan din silang dalawa....... Haha joke. Naging masaya na si Boy1, niligawan n'ya si babae at naging sila narin sa wakas. Nangako naman ang babae na hindi na lilingon pa sa iba at handang mahalin si Boy1 magpakailanman. Ang sarap diba?. Kung hindi mo iintindihin ang mga sagabal, yung mga masasayang bagay lang ang mangyayari at mararamdaman mo.

Good-vibes mga kaibigan, saluhin n'yo lahat.
Thanks for Reading

Thursday, February 7, 2013

What will be posted soon?

ISANG MAGALING NA ARAW IV
Dahil ang tagal-tagal ko na talagang pinaplanong sundan ang Isang Magaling na Araw 3 sa loob ng ginawa kong series ng ISANG MAGALING NA ARAW. Balak ko sanang masundan na ang third installment ng ginawa kong mga kwento ngayong February. Well, katamaran lang magsulat ang kalaban ko sa tagpong ito. 

Bukod din kasi sa Isang Magaling na Araw 4 ay may matagal na 'kong draft sa aking Notebook na isang kwentong wala pa ring pamagat. Ang tagal kasi ng oras na ginugugol kong naka-upo sa harap ng computer ngayon kumpara noon na nakukuha ko pang magbasa sa mga ilang oras at malibang sa mga ilang bagay.

ANG SAKALING AKING GRADUATION SPEECH
Well, ito ang matagal ko nang plano, syempre gagawin ko nanaman s'yang comedy. Bilang 4th year College, siguro kailangan ko rin balik-tanawin ang mga naging buhay ko bilang mag-aaral mula noong pumasok ako ng Kinder noong ako'y 5 years-old pa lamang.

Ayun, sana magawa ko nalang lahat to.

Thanks for Reading.

Friday, January 11, 2013

Basahin ang babasahin ng may pagbabasang-maayos sa lugar na hindi basa, para hindi ito mabasa, kaya pwede pa itong mabasa ulit (Pugad Baboy)


Ang aking pampalipas oras; ang pagbabasa ng komiks na mahigit dalawang taon ko na yatang kinokoleksyon. Labing-pitong libro na ang aking nalikom sa series ng Pugad Baboy Comics, habang dalawamput-anim ito lahat-lahat para makumpleto.

Taong 2010 ako unang nakapag-basa ng babasahin na 'to, binili ko ang Pugad Baboy 18. Tandang-tanda ko pa ang panahon kung kailan ko ito binili, ni hindi pa talaga ako mulat sa pagbabasa ng kahit anong libro noon maliban sa pagbabasa ng Tabloid na meron kami araw-araw sa bahay. Naisipan ko lang na isama 'to sa bibilhin ko kasama ng isang libro ng SODOKU, malakas ang loob ko na bilhin ang libro na 'to dahil kasama ko naman ang aking Ina nung mga oras na 'yon kaya kampante akong s'ya ang magbabayad. hehe

Deh, pero talagang binili ko s'ya dahil naisip ko rin naman na wala namang masama kung may pagkakaabalahan kang bagay na hindi naman ilegal, diba?. At idol ko kasi si Nobita sa Doraemon, minsan kasi na may episode ang palabas na 'yun na tawa siya nang tawa kakabasa ng isang komiks. kaya na-encourage din akong bilhin ito para naman sumaya ang buhay. XD

AAMININ KO, hindi ako agad nasiyahan sa pagbabasa ng librong nabili ko.

Nung nabasa ko kasi ang mga una n'yang pahina ay nakaramdam ako ng pagka-inip. Dahil ano ba 'tong topic nila na hindi ko maintindihan?. Ilang linggo din siguro na hinayaan ko lang na nakapatong sa ibabaw ng TV ang libro at hindi ko ito binabasa. Parehas siguro sa pakiramdam ng ibang sumusubok humiram ng libro ko. Nagdadala din kasi ako sa Baste ng ilang libro minsan at ilang kaklase ko ang sumusubok bumasa at sinasabihan nila itong KORNI.

'Yun din ang aking pananaw noong una, HANGGANG!!, may biglang dumapong kasipagan sa katawan ko at ako'y na-enganyong basahin na ng tuluyan ang libro. Wala din naman kasi akong ginagawa kaya ayun, inakyat ko ang libro sa kwarto at binasa, bago ako matulog. Inabot yata ako ng alas-dose bago talaga ako kunin ng antok. Tonginu, first time kong natawa nung gabing iyon sa librong ito. Hindi ko alam na ganito pala ang kakaibigang humor ng librong binabasa ko at hindi mo talaga malalaman kung hindi mo babasahin ng mabuti at hindi iintindihin.

Hindi ko naman natapos ang libro sa isang gabi lang, pero ganon pala, 'yun pala, kailangan mo lang maglaan ng oras para basahin 'to nang maintindihan. May kanya-kanya kasing pananaw at matibo ang bawat character sa kwento na pumapaloob sa bawat strips at pahina ng librong-komiks na 'to.

Iba-iba din kasi ang pagkakalikha ng author sa bawat character ng nilikha n'yang mundo sa pamamagitan ng Pugad Baboy. May kanya-kanya kasing topic ang bawat isa, gaya ng politika, mga tambay sa kalye, pagka-conyo ng mga pinoy, pagkakaroon ng colonial mentality at yung iba n'yang patama sa Gobyerno na hinahaluaan n'ya nalang ng jokes para masaya. haha

At simula no'n, pinlano ko nang bumili pa ng ibang libro, at ginawa ko na nga. Nakalikom na ako ng 17 na libro sa ngayon, ang pinaka The Best sa kanila para sa'kin ay ang Pugad Baboy 8, ang dami kasi n'yang strips na with COMEDY. Minsan nga'y dumadating din sa punto na nagbabasa ako tuwing gabi habang tahimik na ang palagid at ako'y tumatawa pa rin. XD








Hindi ko naman itatanggi na malaki ang impluwensya ng Pugad Baboy sa pagba-Blog ko. Sa paraan ng pagsulat palang at sa mga pabiro kong linya na minsan n'yo ding mapapansin kung magbabasa kayo ng mga nagawa kong akda. At hindi ko rin naman mapipilit ang iba na magbasa, may kanya kanya kasing sense-of-humor ang mga tao kaya hindi pwedeng pare-parehas kayo ng gusto. 

Thanks for Reading!!!

'WAG MONG SASABIHING KORNI, BAKA HINDI MO LANG NA-GETS!!

Saturday, October 27, 2012

Ang "NG" at "NANG" na ginagamit mo

Ayon kay Lourd de Veyra. Sobrang daming pinoy ngayon ang may "Colonial Mentality". 'Yun bang pipiliing maging matalinhaga sa wikang ingles kesa mag-tagalog. Hindi naman porket nagtatagalog e korni at sosyal naman kapag nag-iingles, ah?. Bakit ka ganyan?.

Bakit mo pagtatawanan si Pacquiao, Jimmy Santos at Lito Lapid kapag nagi-ingles sila, Mali ba ang grammar?, napaka-rational naman natin kung ganon, dahil kapag si Jackie Chan ang gumagawa, okay lang, pero kapag kababayan mo, big deal na?.

Pero teka, pa'no naman pala 'yung mga mali na nga mag-ingles, pero akala nila OO, pero feeling naman nila tama silang mag-tagalog. FEELING lang ha.

Habang nagpapaka-sosyal sila sa sarili nila, nung nagtagalog naman e kampante pa silang gamitin ang NG at NANG sa maling paraan.

May isang taong gustong mag-mukhang sosyal, sabi n'ya:
"Nandito ako ngayon sa Starbucks NANG Moa."
"Ang sarap NANG Toblerone."
"Nakakapagod, galing ako NANG Airport" - eh ano?, naghatid ka lang naman ng kapamilya, hindi naman ikaw mismo 'yung nag-eroplano.

Magbibigay nalang ako ng example para sa pag-gamit ng dalawang salitang to.

Ang NG kasi ay ginagamit kapag meron kang tinutukoy na bagay o pangalan lalo na kapag noun o subject, halimbawa:

remote NG TV.
pakpak NG Ibon.
bumili NG Ice-cream.

Ang NANG naman ay para sa panahon, pagkilos at sa mga bagay na pinag-uulit-ulit gaya ng:

NANG dumating ang Linggo.
NANG sumikat ang araw.
NANG binigyan mo 'ko ng inspirasyon.
talon NANG talon, iwas NANG iwas, lakad NANG lakad.

Hindi naman sa ako'y nagmamarunong, nadala lamang ako ng aking obserbasyon sa iba. Sana nakatulong.
Salamat sa Pagbabasa, peace :D.

Friday, October 26, 2012

Puro kababawang makabuluhan.


"Ayos lang basta't okay sa'yo,
na-gets mo kahit malabo,
um-OO ka kahit nagdududa,
tama ka kahit hindi ako sang-ayon,
marunong pero hindi magaling,
naglalakbay nang hindi naglalakad,
nagsasalita nang walang kausap,
kumakain nang walang ulam,
perpekto pero mali,
pasado kahit tagilid,
pangit hangga't may nagsasabi,
galit kahit naka-ngiti,
masaya kahit lumuluha,
matangkad kahit naka-upo,
gwapo lang kapag naka-shades,
naging pilay nang nakaapak ng tae,
nagising kahit ayaw mo pa,
pumasok kahit labag sa loob,
nakapayong kahit walang ulan,
naka-jacket lang para magpa-sikat,
nakapag-english lang dahil kumakanta,
peksman na hindi promising,
sinagot ka ng tanong,
makabayang panay reklamo,
tama pero, pwede ba?,
kaya kung okay lang sa'yo ay ayos lang."

Saturday, October 20, 2012

Bakit TAMA, si Andrew E.

Photo from: gulfnews.com 
"Kung gusto mong LUMIGAYA ang buhay mo" - Sikat na linya nitong mamang nasa itaas, pero sa paanong paraan? "Humanap ka ng pangit at ibigin mo'ng tunay".

Ito'y hindi pag-aanyaya, kundi isang pagpapatunay, pero hindi ko masasabing OO NGA, dahil hindi 100% sure ang aking ikakatha.

Kapani-paniwala man o hindi, ay kelangan mong may kampihan; kung sasang-ayon ka ba o 'wag na lang.

Sa dami ng aking nababasa sa Twitter, on-trend palagi ng mga quotes o "KOWTS" na may in-topic sa mga Malalandi, DAW. "Daw", ha "daw". At kung 'di naman ay 'yung mga pagdadrama ng ilan tungkol sa mga Manloloko at mga nang-iiwan sa ere na mga Lalaki, DAW. 

At kung bakit ko nalalaman at nababasa ang mga iyan ay dahil may isa akong Twitter-account na may kaibigang 1000 users. Sa dami ng nasa timeline na tweets n'ya ay pwede nang mag-ratio na 75% ng tweets na mababasa ko ay puro ganon ang sinasabi.

Pero syempre, malay ko ba. Malay ko ba kung totoo ang sinasabi nila, na iniwan sila. Malay mo sila rin ang may kasalanan kung bakit nagkaganon. Malay ko ba kung nakiki-KOWT lang sila.

Anyway, papasok din sa usapan ang kung sino ba'ng madalas mang-iwan. Mga Babae o mga Lalaki?. Well, ilang beses nang napatunayan ng mga movies 'yan. Perfect Example lang e ang One More Chance. May pa "I need space, I need space" pa kuno si Basha e sa bandang huli sasambit naman pala s'ya ng: "Ako nalang ulit, Ako na lang" O diba parang tanga lang?.

Bakit ba kasi may mga nangiiwan?. - Syempre ang quote na babagay d'yan e yung sinabi ni Popoy din. "Kase baka merong darating na mas OKAY". - Ang linya ay tama, e kasi naman bakit may ibang taong parang si Basta lang. Basta gwapo pwede na.

Ang ganyang adhikain ay talagang magdudulot sa inyo ng sleepless-night/s sa dulo. At kung bakit ay ganito: .... E di ang pogee nung lalake, e di naging crush mo, e ikaw naman maganda, e may kaibigan ka, e hindi mo mapatahimik ang kaibigan mo, e di sinabi n'ya tuloy ang sikreto mo, e di nalaman ng crush mo, e di naging crush ka n'ya din instantly at dahil nga crush mo, sa sobrang obsess mo e, bigay na bigay ka naman. At syempre hindi mo naman alam ang magiging pakay nitong si dodong dahil silaw ka sa kanya. Kaya kapag niligawan ka nito e boom, kayo na agad?. 'Wag ganon, hayaan mong magdala muna ang Lalaki ng ubas sa bahay n'yo.

Sa kakanda mali-mali mo ng pagpili sa bawat relasyon ay rumurupok naman ang pundasyon ng iyong puso kaya minsan pumapasok na ang overused na salita ngayon na "MANHID". Pa'no mo makikita si righteous one kung nakatingala ka sa ibang leeg?. Hindi ba't sayang ang panahon sa mga taong ireregret mo naman sa huli?. 

Kelangang maging wais ate, Dapat mahalin mo 'yung taong gusto ka talaga. Hindi yung naging gusto ka dahil nalaman n'yang gusto mo s'ya.

At kung alam mong may itsura ka naman, aba e 'wag kang magpapauto sa mga I Love You na peke, kasi sayang ang ganda kapag napupunta sa mga ewan. Katunayan, nanghihinayang nga ako kapag may Magagandang iniiwanan, 'yun bang tipong: Anghel na nga ang itsura, fashonista na nga rumampa, pang-artista na ang ganda e niloloko pa. "Aba kung ako yun, jackpot na ko't hindi ko na s'ya iiwan pa" hahaha 

At kung pa'no mo malalaman kung ang isang taong kaharap mo ay "SIYA NA NGA?", aba yung overused na salita ulit na on-trend ngayon. "MAGHINTAY". Sabi nga ni Tito Boy sa isang episode n'ya sa The Buzz. "Kung ikaw ay marunong maghintay, ang para sa'yo ay darating".

Sabi nga din sa kantang ni-revive ni Jovit Baldivino: "Hayaan nating puso ang magpasya" at dun sa kanta ni Say Alonzo na Magmahal muli: "'Wag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating sa'yo". 

Advantage mo sa Gwapo: Gwapo s'ya. Disadvantage?. Dahil gwapo, malapit sa mga babae, marami s'yang nakikitang ibang mukha. At diba nga uso ang malandi ngayon?.
Advantage mo sa 'di kagwapuhan e hindi mo makikita sa pagmumukha, pero masisiguro mong ikaw lang makikita n'ya. Bihira naman ang choosy na walang itsura e diba? hahaha. 

'Wag naman nating sabihin na pangit, minsan, may mga ma-appeal pa rin e kahit hindi mo masabing gwapo. Lalo na kung mabango at malinis sa katawan, pero hindi porket maputi e malinis na sa katawan. nakadepende pa din sa batok at siko ang sagot.

So 'yun lamang po.
'Wag na wag magmimithi ng mala-mukhang Enrique Gil.

"Mas liligaya ka sa taong alam mong In-love na In-Love sa'yo"

Friday, August 31, 2012

Sa Bintana ng Bus

ISANG MAGALING NA ARAW:

Kung nase-save ko lang as video-file ang mga nakikita ko kada araw, 
 E di sana may sarili na 'kong pelikula na ako mismo ang direktor.
--rEguLardReams
Sa Bintana ng Bus

MAGANDANG UMAGA, o hapon? o gabi? o kung kelan mo man 'to basahin. Ang hirap talagang mag-isip ng magandang intro no?.

Anyway, halina't samahan ulit si BERTO sa isa sa kanyang Magagaling Na Araw.  (Isipin n'yo na lang ulit na siya yung nagkukwento).

Hello, ako si Berto, hindi mayabang, hindi suplado, hindi pumapayag na masakop ng China ang Spratly Islands, hindi naniniwalang "Ang taong tamad ay walang kinabukasan" dahil 'yung kapitbahay naming tamad palaging nagigising kada Umaga. Gusto ko'ng nakakakita ng maganda pero ayaw ko sa mga suplada, wala akong Instagram sa Cellphone, pero meron akong Bluetooth, sosyal pa din naman 'yun diba?. 'Kung hindi, mabuti nang meron kesa wala. Ayoko sa Mayayabang, ayoko sa pa-Sosyal, ayoko sa mga Palaka, pls. lang :), ayoko sa mga pa-english-english pa sa Facebook-Status para lang mag-mukhang edukado. But I love using big words to sound smart. I mean utilizing gargantuan idioms to fabricate intelligence, haha.

So, nandito ulit ako para mag-kwento ng isa 'ko nanamang adventure. Nangyari ito isang Lunes, jusko, ayoko talaga sa araw na 'to. Mahirap kasing gumising ng maaga matapos ang Isang Magandang Weekend. Kaya nga tuwing Linggo ng Gabi, hinihiling ko na lang na; sana Sabado na lang ulit kinabukasan. Lagi na lang kasi akong late kahit ang aga-aga ko namang naga-alarm. Kanina nga, nag-alarm 'yung Phone ko ng 5am, sabi 'ko sa isip ko: "5 minutes na lang".... Pag-mulat 'kong muli 6am na. Grabe, ang unfair talaga ng oras tuwing Umaga.

Pero Okay lang, 50% lang naman ng aking pag-gising ang ayaw ko. Dahil masaya din namang gumising dahil alam mong binigyan ka pa ni Bro ng isa pang panibagong Araw. Masaya din namang gumising ng Madaling-Araw at malalaman mong may mga tumitilaok pa ring mga manok para mag-alarm sa mga amo nila. At makaka-kain ka pa ng mga bagong hango na mga Pandesal galing panaderya. At nararanasan mo pang kumanta ng Lupang-Hinirang dahil gising ka na bago pa man mag-start ng airing ang mga TV-Stations.

Pero kaya lang naman ako gumigising ng maaga ay dahil meron akong kelangang pasukan, ANG SCHOOL. Lumipat na nga pala ako ng bahay mga kaibigan, hindi na ako nakatira sa Lugar City. Ngayon, ako ay nasa tahimik na lugar na City of Place. Mukha s'yang sosyal pakinggan pero probinsya siya. Isang bayan lang ang namamagitan mula sa dati kong tinitirahan, yet, doon pa rin ako pumapasok sa aking mahal na eskwelahan; ang COLEGIO de COLLEGE. At dahil malayo na kami e Aircon bus na ang transport ko, kaya hindi ko na kelangan ma-curious sa buhok ko kapag buma-biyahe.

Maganda naman sa bago 'kong bayan, may isang SM na walking distance lang, siguro sampung tambling nandun na 'ko. May nakita akong isang traffic-light tapos hindi pa gumagana. 'Yung drainage system nila, pinaliwanag naman sa'min nang mabuti. Hindi naman daw bumabaha dito kapag SUMMER, kaya nakumbinsi kami. 'Yung bahay namin?, ayos naman, mas malaki kesa sa dati, 'yung mga kapitbahay? ayos lang, tahimik naman sila kapag Gabi.

At syempre, masarap ding bumiyahe ng mga malalayong destinasyon, pero depende pa rin. Depende pa rin sa sasakyan mong Bus, kung standing capacity o hindi. Alam 'ko, naglabas ng bagong transportation law ang Gobyerno na No-Standing policy sa mga bus. Weh? Di 'ko s'ya napansin na nag-exist. Siguro binase ang aspeto nito dun sa pagse-segregate ng mga cart ng MRT at LRT sa mga Babae at Lalaki.

Malas kasi 'yung mga babaeng malalaki ang hinaharap kapag standing sila sa bus, 'yung mga bumababa kasi minsan ay nakaka-tsansing na sa kanila. Pero pinaka-swerte naman ay ang mga kundoktor. Lalo na kapag full-house 'yung bus. Nagagawa n'ya kasing magpa balik-balik mula unahan hanggang dulo ng bus para magbigay ng ticket at maningil ng bayad. 'Yung talagang sobrang sikip na, pero si Manong may kasabihan: "We'll find a way"

Anyway, masarap talagang bumiyahe lalo na kapag nasa komportable kang sasakyan at syempre sa Komportableng-Pwesto: "sa tabi ng bintana". O, sino ba naman ang may ayaw na pumwesto sa tabi ng bintana?. Advantage sa'yo 'yun kapag doon ka naka-upo.

Una, nasa Teritoryo mo ang AIR-CON. Ikaw na ang mag-pasya kung paghahatian n'yo pa ng katabi mo 'yung dalawang roll-on na aircon ng bus.

Pangalawa, Ikaw ang may ari ng KURTINA. Kaya nasa'yo ang karapatan kung sasaran mo ba 'yung bintana o hindi. At syempre meron kang full-view ng mga dinadaanan mong lugar.

Pangatlo, Wala ka sa Danger-Zone. I mean, nasa permanenteng upuan ka hanggang sa bumaba ka na lang. kapag kasi nando'n ka sa way-side na upuan eh pwede ka pang mapaalis. Kasi syempre kapag may bagong sakay na pasahero at nag-standing sa tabi mo eh parang makokonsensya ka pang; ibigay na lang 'yung upuan mo sa kanya. pero syempre, effective lang to sa mga lalaki gaya 'ko. Kung gentleman ka, ibigay mo na lang 'yung upuan mo. Kung hindi naman eh, Magtulog-tulugan ka na lang.

At sinasabi ko sa inyo, 'yung mga lalaking nagpapa-upo lang kapag sexy o maganda 'yung sumakay, tapos kapag matanda e patay malisya lang? Hindi pa rin kayo pagpapalain mga dre. Kaya tularan n'yo ko. Pumwesto na kayo sa may bintana. Just kiddin.

At siguro naman, marami ang maga-agree sa'kin na mas masarap umupo sa pwesto na sinasabi ko. Sa oras kasi na nasa tabi ka na ng Bintana at nasa kalagitnaan ka ng iyong biyahe e, parang may pelikula sa TV kang napapanood. Minsan para ka nang walang paki-alam sa mundo 'pag nandun ka na sa pwestong 'yon. D'yan din sa lugar na 'yan, kusa mong maalala 'yung mga istorya ng iyong buhay mula pagka-bata. Minsan nga 'di mo mapigilang ngumiti at tumawa kapag may naaalala kang nakakatawa. Ingat lang, dahil baka may nakatingin sa'yo at akalain ka pang baliw. :)

At please mga Sir at Mam. Magdala ka ng ear-phone para naman may background-music ang moment mo sa bus at para hindi ka mag-mukhang O.P.. Mabuti nang may sarili kang mundo kesa naman mag-pipipindot ka sa Cellphone mo, eh sa totoo naman, wala ka talagang ka-text.  At 'wag mong idadahilang nagge-games ka. Dahil ginawa ko na. Hindi ako maka-concentrate, palagi akong game-over.

Kaya bago ka umalis ng bahay, gumawa ka na ng playlist mo. mag-download ka na ng mga kanta. 'Di talaga maiiwasang may mga kanta na ang sarap pakinggan lalo na kapag bumibiyahe ka. Ang sarap nga sa feeling kapag naka-shuffle setting 'yung playlist mo, tapos tamang-tama 'yung pagkakasunod-sunod ng mga kantang nagpe-play dun sa moment mo.

At ayun, kalimitan naman ay maganda ang biyahe 'ko. Minsan lang pangit, minsan kasi 'di mo mapigilang sumakay sa mga standing-mode na mga bus lalo na kapag late ka na at may oras kang hahabulin. Tapos minsan, may makakatabi ka pang hindi mo gusto. Ako kasi gusto ko lang na puro magaganda at sexy ang makakatabi ko. Hahahahaha. Ibig kong sabihin eh, minsan kasi may makakatabi kang amoy sigarilyo o kaya hindi ayos yung hygiene at 'yung mga MANANAKOP. 'Yun bang isang tao lang s'ya pero pang-dalawang tao 'yung sakop n'ya sa upuan.

At ayun nga mga kaibigan, dre, pre, tropz. Tandaan n'yo ang aking mga tips at habilin sa inyo. Hanggang sa muling pag-biyahe ng ISANG MAGALING NA ARAW!


▲▼▲▼ ▲▼▲▼▲▼▲▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲

Isang Magandang biyahe sa aking post. :)
Salamat sa Pagbabasa!!

REGULARDREAMS LEGENDARIUM

Roberto Zaragoza: Ang tunay na pangalan ni Bertong Tambling

LUGAR CITY: Ang Una at Sinilangang bayan ni Berto.

City of Place: Ang nilipatang bayan ni Berto [Isang probinsiya]

Colegio de College: Ang eskwelahan ni Bertong Tambling.

MANANAKOP: Mga taong, dalawang upuan ang saklaw ng pwet. Kaya lugi ang katabi sa upuan ng bus.

Isang Magaling na Araw Chronological Order:

Isang Magaling na Araw I:
Ang isang araw sa eskwela >> ✳LINK✳ Click to read

Isang Magaling na Araw II:
Kung bakit mahirap maging Torpe >> ✳LINK✳ Click to read