Showing posts with label KWENTO. Show all posts
Showing posts with label KWENTO. Show all posts

Friday, August 31, 2012

Sa Bintana ng Bus

ISANG MAGALING NA ARAW:

Kung nase-save ko lang as video-file ang mga nakikita ko kada araw, 
 E di sana may sarili na 'kong pelikula na ako mismo ang direktor.
--rEguLardReams
Sa Bintana ng Bus

MAGANDANG UMAGA, o hapon? o gabi? o kung kelan mo man 'to basahin. Ang hirap talagang mag-isip ng magandang intro no?.

Anyway, halina't samahan ulit si BERTO sa isa sa kanyang Magagaling Na Araw.  (Isipin n'yo na lang ulit na siya yung nagkukwento).

Hello, ako si Berto, hindi mayabang, hindi suplado, hindi pumapayag na masakop ng China ang Spratly Islands, hindi naniniwalang "Ang taong tamad ay walang kinabukasan" dahil 'yung kapitbahay naming tamad palaging nagigising kada Umaga. Gusto ko'ng nakakakita ng maganda pero ayaw ko sa mga suplada, wala akong Instagram sa Cellphone, pero meron akong Bluetooth, sosyal pa din naman 'yun diba?. 'Kung hindi, mabuti nang meron kesa wala. Ayoko sa Mayayabang, ayoko sa pa-Sosyal, ayoko sa mga Palaka, pls. lang :), ayoko sa mga pa-english-english pa sa Facebook-Status para lang mag-mukhang edukado. But I love using big words to sound smart. I mean utilizing gargantuan idioms to fabricate intelligence, haha.

So, nandito ulit ako para mag-kwento ng isa 'ko nanamang adventure. Nangyari ito isang Lunes, jusko, ayoko talaga sa araw na 'to. Mahirap kasing gumising ng maaga matapos ang Isang Magandang Weekend. Kaya nga tuwing Linggo ng Gabi, hinihiling ko na lang na; sana Sabado na lang ulit kinabukasan. Lagi na lang kasi akong late kahit ang aga-aga ko namang naga-alarm. Kanina nga, nag-alarm 'yung Phone ko ng 5am, sabi 'ko sa isip ko: "5 minutes na lang".... Pag-mulat 'kong muli 6am na. Grabe, ang unfair talaga ng oras tuwing Umaga.

Pero Okay lang, 50% lang naman ng aking pag-gising ang ayaw ko. Dahil masaya din namang gumising dahil alam mong binigyan ka pa ni Bro ng isa pang panibagong Araw. Masaya din namang gumising ng Madaling-Araw at malalaman mong may mga tumitilaok pa ring mga manok para mag-alarm sa mga amo nila. At makaka-kain ka pa ng mga bagong hango na mga Pandesal galing panaderya. At nararanasan mo pang kumanta ng Lupang-Hinirang dahil gising ka na bago pa man mag-start ng airing ang mga TV-Stations.

Pero kaya lang naman ako gumigising ng maaga ay dahil meron akong kelangang pasukan, ANG SCHOOL. Lumipat na nga pala ako ng bahay mga kaibigan, hindi na ako nakatira sa Lugar City. Ngayon, ako ay nasa tahimik na lugar na City of Place. Mukha s'yang sosyal pakinggan pero probinsya siya. Isang bayan lang ang namamagitan mula sa dati kong tinitirahan, yet, doon pa rin ako pumapasok sa aking mahal na eskwelahan; ang COLEGIO de COLLEGE. At dahil malayo na kami e Aircon bus na ang transport ko, kaya hindi ko na kelangan ma-curious sa buhok ko kapag buma-biyahe.

Maganda naman sa bago 'kong bayan, may isang SM na walking distance lang, siguro sampung tambling nandun na 'ko. May nakita akong isang traffic-light tapos hindi pa gumagana. 'Yung drainage system nila, pinaliwanag naman sa'min nang mabuti. Hindi naman daw bumabaha dito kapag SUMMER, kaya nakumbinsi kami. 'Yung bahay namin?, ayos naman, mas malaki kesa sa dati, 'yung mga kapitbahay? ayos lang, tahimik naman sila kapag Gabi.

At syempre, masarap ding bumiyahe ng mga malalayong destinasyon, pero depende pa rin. Depende pa rin sa sasakyan mong Bus, kung standing capacity o hindi. Alam 'ko, naglabas ng bagong transportation law ang Gobyerno na No-Standing policy sa mga bus. Weh? Di 'ko s'ya napansin na nag-exist. Siguro binase ang aspeto nito dun sa pagse-segregate ng mga cart ng MRT at LRT sa mga Babae at Lalaki.

Malas kasi 'yung mga babaeng malalaki ang hinaharap kapag standing sila sa bus, 'yung mga bumababa kasi minsan ay nakaka-tsansing na sa kanila. Pero pinaka-swerte naman ay ang mga kundoktor. Lalo na kapag full-house 'yung bus. Nagagawa n'ya kasing magpa balik-balik mula unahan hanggang dulo ng bus para magbigay ng ticket at maningil ng bayad. 'Yung talagang sobrang sikip na, pero si Manong may kasabihan: "We'll find a way"

Anyway, masarap talagang bumiyahe lalo na kapag nasa komportable kang sasakyan at syempre sa Komportableng-Pwesto: "sa tabi ng bintana". O, sino ba naman ang may ayaw na pumwesto sa tabi ng bintana?. Advantage sa'yo 'yun kapag doon ka naka-upo.

Una, nasa Teritoryo mo ang AIR-CON. Ikaw na ang mag-pasya kung paghahatian n'yo pa ng katabi mo 'yung dalawang roll-on na aircon ng bus.

Pangalawa, Ikaw ang may ari ng KURTINA. Kaya nasa'yo ang karapatan kung sasaran mo ba 'yung bintana o hindi. At syempre meron kang full-view ng mga dinadaanan mong lugar.

Pangatlo, Wala ka sa Danger-Zone. I mean, nasa permanenteng upuan ka hanggang sa bumaba ka na lang. kapag kasi nando'n ka sa way-side na upuan eh pwede ka pang mapaalis. Kasi syempre kapag may bagong sakay na pasahero at nag-standing sa tabi mo eh parang makokonsensya ka pang; ibigay na lang 'yung upuan mo sa kanya. pero syempre, effective lang to sa mga lalaki gaya 'ko. Kung gentleman ka, ibigay mo na lang 'yung upuan mo. Kung hindi naman eh, Magtulog-tulugan ka na lang.

At sinasabi ko sa inyo, 'yung mga lalaking nagpapa-upo lang kapag sexy o maganda 'yung sumakay, tapos kapag matanda e patay malisya lang? Hindi pa rin kayo pagpapalain mga dre. Kaya tularan n'yo ko. Pumwesto na kayo sa may bintana. Just kiddin.

At siguro naman, marami ang maga-agree sa'kin na mas masarap umupo sa pwesto na sinasabi ko. Sa oras kasi na nasa tabi ka na ng Bintana at nasa kalagitnaan ka ng iyong biyahe e, parang may pelikula sa TV kang napapanood. Minsan para ka nang walang paki-alam sa mundo 'pag nandun ka na sa pwestong 'yon. D'yan din sa lugar na 'yan, kusa mong maalala 'yung mga istorya ng iyong buhay mula pagka-bata. Minsan nga 'di mo mapigilang ngumiti at tumawa kapag may naaalala kang nakakatawa. Ingat lang, dahil baka may nakatingin sa'yo at akalain ka pang baliw. :)

At please mga Sir at Mam. Magdala ka ng ear-phone para naman may background-music ang moment mo sa bus at para hindi ka mag-mukhang O.P.. Mabuti nang may sarili kang mundo kesa naman mag-pipipindot ka sa Cellphone mo, eh sa totoo naman, wala ka talagang ka-text.  At 'wag mong idadahilang nagge-games ka. Dahil ginawa ko na. Hindi ako maka-concentrate, palagi akong game-over.

Kaya bago ka umalis ng bahay, gumawa ka na ng playlist mo. mag-download ka na ng mga kanta. 'Di talaga maiiwasang may mga kanta na ang sarap pakinggan lalo na kapag bumibiyahe ka. Ang sarap nga sa feeling kapag naka-shuffle setting 'yung playlist mo, tapos tamang-tama 'yung pagkakasunod-sunod ng mga kantang nagpe-play dun sa moment mo.

At ayun, kalimitan naman ay maganda ang biyahe 'ko. Minsan lang pangit, minsan kasi 'di mo mapigilang sumakay sa mga standing-mode na mga bus lalo na kapag late ka na at may oras kang hahabulin. Tapos minsan, may makakatabi ka pang hindi mo gusto. Ako kasi gusto ko lang na puro magaganda at sexy ang makakatabi ko. Hahahahaha. Ibig kong sabihin eh, minsan kasi may makakatabi kang amoy sigarilyo o kaya hindi ayos yung hygiene at 'yung mga MANANAKOP. 'Yun bang isang tao lang s'ya pero pang-dalawang tao 'yung sakop n'ya sa upuan.

At ayun nga mga kaibigan, dre, pre, tropz. Tandaan n'yo ang aking mga tips at habilin sa inyo. Hanggang sa muling pag-biyahe ng ISANG MAGALING NA ARAW!


▲▼▲▼ ▲▼▲▼▲▼▲▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲ ▼▲

Isang Magandang biyahe sa aking post. :)
Salamat sa Pagbabasa!!

REGULARDREAMS LEGENDARIUM

Roberto Zaragoza: Ang tunay na pangalan ni Bertong Tambling

LUGAR CITY: Ang Una at Sinilangang bayan ni Berto.

City of Place: Ang nilipatang bayan ni Berto [Isang probinsiya]

Colegio de College: Ang eskwelahan ni Bertong Tambling.

MANANAKOP: Mga taong, dalawang upuan ang saklaw ng pwet. Kaya lugi ang katabi sa upuan ng bus.

Isang Magaling na Araw Chronological Order:

Isang Magaling na Araw I:
Ang isang araw sa eskwela >> ✳LINK✳ Click to read

Isang Magaling na Araw II:
Kung bakit mahirap maging Torpe >> ✳LINK✳ Click to read

Saturday, February 25, 2012

Isang Magaling na Araw

Ang isang araw sa eskwela

Bawat pagsikat ng Araw ay panibagong Yugto na maari mong isulat sa iyong Libro ng Buhay  rEguLardReams


Sa isang malayong lugar malapit sa amin, may isang taong tamad maging masipag na pangalanan natin sa pangalan na "Bertong Tambling" (Roberto Zaragoza), Isa siyang simple pero cool, arogante pero hindi expressive, itinatago niya lang sa sarili niya ang kanyang kayabangan, may pagka-maangas pero behave naman, dinadaan niya lang sa usapan ang anu mang gulo at pinapabayaan niya ang mga tropa niya na tumapos dito, Nakikipag-away lang siya kapag kinakailangan at kapag maliit ang kalaban.

At nagising na nga ang bida sa kwentong ito. Mahirap mag-isip ng pangalan kaya tinawag ko na lang siya na "Berto". (Isipin niyo na lang siya yung nagku-kwento).

Ako si Berto, masipag pumasok pero tamad mag-aral, minsan pumapasok lang ako para lang makakita ng magagandang dalaga sa School namin. Pero dati 'yon, kasi ngayong College na, doon ko na naunawaan kung gaano kahalaga ang bakasyon sa isang mag-aaral na kagaya 'ko. Kaya minsan na lang ako pumapasok hehe.

Baka naman isipin niyo eh galit ako sa salitang "ARAL" at sabihin n'yo din na 'wag na lang akong pumasok, kung ganon lang din. Pero hindi, 'di ako ganon. Hindi naman sa ayaw ko sa School. Ang ayaw ko lang eh yung mga Teacher, Quiz, Assignments at ang pag-gising ng maaga para lang pumasok.

Ang hirap kaya i-set up ang sarili sa pag-gising sa maagang oras lalo pa't malamig ang umaga sa panahon ngayon, ang sarap humimbing ng tulog.

Araw-araw hinihiling ko sa langit na bigyan n'ya naman ako ng isang MAGANDANG ARAW at ngayong araw na 'to na Lunes e, ewan ko ba kung maganda. Bakit ba kasi dumadating pa 'tong araw na 'to, hindi ba pwedeng Biyernes na lang ulit pagkatapos ng Linggo.....

Pero syempre, hindi na naman maibabalik pa ang oras kaya kailangan ko na lang harapin ang isa pang School-Week na 'to. At syempre dahil nga Lunes e makikita ko nanaman si Mrs. Santol (Teacher ng Religion). Ito ang hirap sa mga school na banal e, kelangan pang mag-take ng minor subjects na kung tutuusin e wala namang kinalaman sa napili mo na course.

Kung bakit kasi hindi pa ako pinayagan ng mga magulang ko sa HOGWARTS, tutal pumasa naman  ako sa entrance-exam at qualified ako sa requirement nila na: "Malawak dapat ang Imahinasyon". Well 'di ko naman sinasabing ayoko sa eskwelahan ko ngayon. Maganda din naman 'tong school ko e. Ito kaya ang pinaka-sikat na school sa LUGAR CITY (Ang bayan ni Berto)

At naisip ko rin naman na may punto din naman ang mga Parents ko kung bakit hindi nila ako pinapasok sa Hogwarts, Kapag kasi nagtapos ako e baka maging alalay lang ako nina Chris Angel at David Blaine. At kung gagayahin ko naman sina ALAKIM at Rico the Magician na sumasali sa talent show ay paniguradong 'di ako mananalo na Grand Champion.

Puro kasi mga Singer ang nananalo dun e. Tignan n'yo; Pilipinas Got Talent 1 - Jovit Baldivino (Singer, 1 BOSES),  Pilipinas Got Talent 2 - Marcelito Pomoy - (Singer, 2 BOSES), Pilipinas Got Talent 3 - Maasinhon Trio (Singers, 3 BOSES). So, dapat pala kung sasali din ako 4 boses ko, tsk!.

유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유

Ako'y patungo na sa aking paaralan (COLEGIO de COLLEGE)  at gaya pa rin ng dati, umalis ako sa  bahay namin na fresh-na-fresh, mabango at ayos na ayos ang buhok. As usual sumakay ako ng tricycle at bus na open window. pagdating ko sa patutunguhan, ako ay nag-mukhang lostred.

Buhok pa naman ang pinaka-ayaw naming mga lalaki na magulo, ayaw namin na may humahawak sa buhok namin pwera na lang sa Barbero at aming mga Crush. At naniniwala ako na lahat ng tao ay may mga crush pero hindi lahat ng tao e may lovelife. At speaking of lovelife e natural lang na wala ako n'yan, ang hirap kaya magkaroon ng Gerlpren taz isasabay mo sa pag-aaral, tsktsk! imbis na buo e magiging kalahati ang baon mo dahil ililibre mo siya ng lunch.

Naaalala ko lang ang aking nakaraan na pangalanan natin na "Prima" Naging kami noong first year, niligawan ko siya through TEXT at nakipagbreak siya sa'kin through FACEBOOK. Nanghihinayang ako sa mga nabigay ko sa kanya,

          hindi man lang n'ya naisip na kung ilang alok niya sa'kin na: "KAIN KA NA DIN" ganon din ang bilang na sinagot ko siya ng: "AYOKO, BUSOG PA 'KO".

         kinakaya kong hindi kumain, mapakain ko lang siya ng MAGIC FLAKES na apat ang laman, di pa siya nakuntento, binili ko pa siya ng REBISCO para mas malalaki 'yung laman.
     
          Ilang araw din na hindi ako umiinom ng Soft-drinks at nag-tiis lang na uminom sa fountain ng School, para ma-libre ko siya ng pamasahe pauwi. Tapos hihiwalayan niya 'ko? at sasabihan na Napaka-Kuripot ko daw. Pero mabuti na at sinabi niya agad para hindi na humantong sa lokohan ang lahat. Langya siya, yaman lang pala ang habol sa'kin.

유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유유

15 mins nanaman akong late sa pinaka-una kong subject, papasok ba 'ko? o hindi?, 'yan ang tanong ko sa sarili habang naglalakad patungo sa room, Nang malaman ko na nasa likod ko lang at kasabay 'kong pumasok ang magandang classmate ko sa subject na 'to. Napa-OO tuloy ako sa tanong ko kanina kung papasok ba ako.

Sabay kaming pumasok sa room. Ang hirap talaga kapag late ka, para kang lumalakad sa red carpet tapos nakatingin lahat sa'yo. Gaya pa rin ng dati ay mapungay pa rin ang aking dalawang mata sa 7:30 class ko tapos si Maam' Santol pa. 'Di ko na alam kung pang-ilang installment na siya sa listahan ng mga naging nakakaantok na teacher ko. Di naman kasi nawawala sa isang klase na magkaroon sila ng isang teacher na kapag nagtuturo e parang 3-O'clock Habbit.

Pero buti na lang at nandito si Ganda, nang dahil sa kanya nalalabanan ko ang antok, nang dahil sa kanya e palagi akong pumapasok. Pinagmamasdan ko lang ang kanyang mala-angelic na mukha. Kumbaga sa Tetris, siya ang kailangan ko para magkaroon ng ENERGY.

          Natapos ko na ang apat na subjects at ngayon ay papasok na 'ko sa pinaka-huling pahirap sa araw na 'to. Ang subject na Physics. Grabe, saludo ako sa mga estudyanteng sinisisiw lang ang subject na 'to at nakikiisa naman ako sa mga estudyanteng naglalagay ng #PhysicsSucks na hashtag sa mga tweet nila.

Sa totoo lang, Nung highschool ako, gusto ko ang Physics, 'yun 'yung mga panahon na ang kino-compute ko lang e yung rotation ng mga planeta sa Solar System. Pero nang makaharap ko na ang mga equation sa Newton's law e LANGYA! ayoko na, #TanginaBro Kung yung mismong puno na lang ang nahulog kay Isaac Newton at hindi yung apple, e di sana wala nang naghihirap na kabataan ngayon kagaya ko.

Ang lupet pa ng teacher ko dito na si Mrs Kamyas, kung anong dali ng mga problem sa lectures niya e, kabaliktaran naman ng mga problem sa binibigay n'yang exam, haaay nako. Buti na lang at recitation daw kami ngayon at hindi quiz. FAV. part ko to sa segment ng pagpasok ko sa school e. Natural lang kasi na kapag nagsabi si teacher ng tanong at naghanap siya ng volunteer na sasagot e walang tataas ng kamay sa klase namin, kaya mapipilitan s'yang kuhanin yung Class Record niya at magtatawag ng pangalan' alphabetically, YES!! eto naman ang swerte ko, Letter Z kasi ang surname ko kaya kampante akong hindi ako tatawagin, wag lang siyang mag-random call =))

    At ang ending ng aking school-hours ay ganito;
Magtatanong si teacher na "any question about our topic?" at bigla kaming mae-energize at sabay-sabay ang buong klase na magsabi ng "NONE!" at ayun,,,, maririnig na namin ang magic-line na "Ok, you may go class" Yan ang pinakamasayang parte ng pagpasok sa eskwela.

Haha yan ang pinakagustong parte ng karamihan ng estudyante, ang UWIAN, at dahil nga kasama din ako sa mga tipikal na kabataan e, gusto ko din ito.

Tipikal na tao, yun bang nagagawa mo din at nararanasan mo din yung mga nagagawa at nararanasan din ng karamihan, tipikal na tao ka kung hindi naman lahat ng Ten Commandments e nasusunod mo. Tipikal ka kapag meron kang Facebook account, nakapag-laro ka na ng Snake and Ladders at nasasabi mo ang mga salitang kagaya ng "Bahala na si Batman", Kagaya mo masarap pa rin para sa'kin ang lasa ng Stik-O nabibitin pa rin ako kapag kumakain ako ng PRINGLES, at naiinis ako kapag wala akong natatanggap na Likes sa aking Status kahit pinag-isipan ko namang mabuti 'yon bago i-post.

Haaaay, pero ang tanging pangarap ko lang sa buhay ay manalo sa lotto ang mga magulang ko, 'yun bang mapapanalunan nila yung Jackpot kapag umabot na nang 200,000,000 yung pot money, para hindi na 'ko mag-aaral pagkatapos haha. Siguro naman ay hindi namin agad mauubos yung ganong' karaming pera.

Hangad ko din na makahanap ng isang Marriageable na Babae, at siyang ititira ko sa magiging Mansyon ko at dahil nga nanalo na kami sa Lotto e mayaman na kami, wala kaming gagawin buong araw kundi mag, mag? ,mag! mag-pakasweet sa isa't-isa (wholesome to pare xD ) at hindi namin kelangang magtrabaho kaya aaliwin na lang namin ang aming mga sarili sa pagbibilang ng mga langgam sa Garden kapag Umaga at pagbibilang naman ng mga Tala sa langit, pagsapit naman ng Gabi. haaaay, Ang sarap mangarap pare, pero kelangan talagang magsikap hanggat hindi pa natutupad ang 1st step ng ating pangarap, gaya nang manalo kami sa Lotto. 

At eto na nga, ako'y pauwi na galing sa aking paaralan, natupad nanaman ang isa sa mga hiling ko na: "Sana may maka-sabay akong babaeng maganda at tumabi sa akin sa bus" ang sarap ng feeling lalo na kapag sexy ang tumabi sa'yo tapos magka-dikit ang inyong mga balikat at braso hanggang sa isa sa inyo ang bumaba.

Wala naman akong masasabing bagay na hindi ko ikina-gusto sa araw na 'to maliban na lang sa pag-gising ko ng maaga kanina, pero maaari ko pa din itong tawagin na "Isang Magaling na Araw" para sa'kin :D

Thanks for Reading
Salamat sa pag-basa sa isang adventure ni Berto.

REGULARDREAMS Legendarium

LUGAR CITY: ang sinilangang bayan ni Berto.

Institute of Institution: Ang naging eskwelahan ni Berto noong high-school pa siya.

Colegio de College: Ang eskwelahan ni Bertong Tambling.

PRIMA : ang Italian Word sa salitang "Before" o "Nakaraan" (pinangalanan ni Berto na Prima ang kanyang ex sa kwento.)

Mrs Santol: Guro ni Berto sa Religion Subject

Mrs Kamyas: Guro ni Berto sa Physics

Roberto Zaragoza: ANg tunay na pangalan ni Bertong Tambling

Isang Magaling na Araw Chronological Order:

Isang Magaling na Araw I:
Ang isang araw sa Eskwela >> Currently Reading

Isang Magaling na Araw II:
Kung bakit mahirap maging Torpe >> ✳LINK✳ Click to read

Isang Magaling na Araw III:
Sa Bintana ng Bus >> ✳LINK✳ Click to read

Monday, October 3, 2011

Hanep tawa ako dito!! ayts

Hahaha yan ang una kong reaksyon matapos kong mabasa 'to, di ko alam kung luma na 'tong joke na to pero tingnan niyo din. Kakabasa ko lang nito ngayon ngayon lang, eh napatawa ako nito share ko lang baka mapasaya din kayo :D

Ang istorya ng 3 bisaya

may 3 bisaya, ntrap sila sa isang time-space continuum(ang bongga), at para mkaalis dito, kelangan nilang dumaan sa isang warp gate, na siyang binabantayan ng isang gwardyang galit n galit sa mga bisaya. so ung bisaya1 sinubukan nyang kausapin ung gwardiya.

guard: bisaya ka ba?
bisaya1: indi! (hindi)

then BANG! patay ang unang bisaya. ngaun, nalaman ni bisaya2 ang mga nangyari at nagpraktis ito sa sarili niya.

bisaya2(sa sarili): besaya ba aku?
bisaya2(sa sarili): hindi!

aba, natuwa ang loko. kunsabagay, diretso na yung hindi nya. so pinuntahan na niya yung gwardiya.

guard: bisaya ka ba?
bisaya2: hindi! (naks naman!)
guard: anong pangalan mo?
bisaya2: jusip! (joseph)

BANG! patay ung pangalawang bisaya. sumabit. tsk tsk. edi nalaman din ito ng pangatlong bisaya so nagpraktis din sya.

bisaya3(sa sarili): besaya ba aku?
bisaya3(sa sarili): hindi!
bisaya3(sa sarili): anung pangalan ku?
bisaya3(sa sarili): e-le-na!

so nung naperfect na niya ito, pinuntahan na niya yung guard.

guard: bisaya ka ba?
bisaya3: hindi!
guard: anong pangalan mo?
bisaya3: elena!
guard: aba mahusay. mahusay. sige makakadaan ka na.

then BANG! hindi pa man nakakalayo pinatay din yung pangatlong bisaya. e kasi naman sa sobrang tuwa niya npasigaw siya, "yis! (yes)"

Ano, natawa ka ba?
Thanks for Reading!

Wednesday, May 25, 2011

Pugad Baboy Strips part 2

Ito ang pinagkakaabalahan ko tuwing walang ginagawa, ang magbasa ng Pugad Baboy Comics :D



























 


Friday, April 1, 2011

MAGALING NA ARAW

Balatikin mo ang Buwan :DD
Ine-examin nung doktor 'yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot.

Doktor: Kung ikaw ay palabasin ko ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?

Pasyente: Titiradorin ko po ang buwan!"

Doktor: Hindi ka pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan.
(Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung doktor ang pasyente.)

Doktor: Kung ikaw ay palabasin ko ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?

Pasyente: Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng magisa.

Doktor: Pag nakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?

Pasyente: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makapiling na panghabang buhay.

Gulat ang Doktor!

Mukhang matino na ang kanyang pasyente! Muli pang nagtanong ang doktor.

Doktor: Pagkatapos n'yong makasal, ano ang iyong gagawin?

Pasyente : Aba, Doktor, kami po ay maghahanimun!!!

Doktor: (Bilib na naman) Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?

Pasyente: Doktor, huhubarin ko ang blusa at palda ng aking bagong asawa."

Doktor: Pagkatapos....

Pasyente Huhubarin ko ang kaniyang bra at panty.

Doktor: Pagkatapos....

Pasyente: Kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!!!!

$200 Bucks

$200 Bucks It Is...
A guy goes over to his friend's house, rings the bell, and the wife answers.

" Hi, is Tony home?"

" No, he went to the store."

"Well, you mind if I wait?"

" No, come in."

They sit down and the friend says "You know Nora, you have the greatest breasts I have ever seen. I'd give you a hundred bucks if I could just see one."

Nora thinks about this for a second and figures what the hell - a hundred bucks. She opens her robe and shows one. He promptly thanks her and throws a hundred bucks on the table.

They sit there a while longer and Chris says "They are so beautiful I've got to see the both of them. I'll give you another hundred bucks if I could just see the both of them together."

Nora thinks about this and thinks what the hell, opens her robe, and gives Chris a nice long look. Chris thanks her, throws another hundred bucks on the table, and then says he can't wait any longer and leaves.

A while later Tony arrives home and his wife says "You know, your weird friend Chris came over. "

Tony thinks about this for a second and says "Well did he drop off the 200 bucks he owes me?"