Napanood mo ba noong ginamitan ni Luffy si Arlong ng Goma-goma, at kung paano dumami si Naruto sa pamamagitan ng Kage bunshin teknik taz nag resengan pa . eh yung magic word na "Hoi Hoi" ni Miho narinig mo na ba?.
One piece, Naruto, iba pang Anime at mga koreanovela ang uso ngayon, pero nasubukan mo na bang magbalik ng tanaw mula nang una kang nanood ng TV, unang makadinig ng kanta at unang tumayo gamit ang sarili mong mga paa.
Isipin mo nga ngayon yung mga panahon na ang mga sinusuot mo eh,
Mga sando na ang tatak ay mga mukha ni Tom Sawyer at Zenki.
Tapos meron ka pang sapatos na umiilaw na may ulo ni Barney.
Hindi mo ba tanda, na naging kagrupo mo si Romeo na isang tagalinis ng tsimineya.
Naaasar ka pa nga kapag binabatukan ni Damulag si Nobita.
Eh ano naman na feel mo nung makita ng Nanay niya yung mga bagsak na grades niya?.
Sinubukan mo din bang pumasok sa malaking Cabinet para makapunta sa Narnia.
Nasilayan mo na ba ang Kalabaw sa pisong barya.
Eto sigurado ako ginagawa mo ring sigarilyo ang mga Stik-O,
Lumalakas ka hanggang ISANG DAANG PORSYENTO kagaya ni Taguro,
Sa unang sulyap mo sa test paper akala mo Moon yun pala Zero.
Napanood mo din ba sa sinehan sina Legolas at Smeagol?.
Una ka ring naglaro ng Basketball na hindi gumagamit ng dribble.
Panigurado nasarapan ka sa pag-kain nang Pochi.
Marunong ka din mag-feed ng alaga mo sa tamagochi.
At sa mga cartoons dati marami ka ding napagtawanan.
Sa tuwing hinahabol ng buwaya si Captain Hook sa Peter Pan.
Kapag nagtatalo sina Doctor Bruno at Kuro Chan.
Eh nakita mo na ba yung elepante ni Shin Chan.
Naglagay ka ba ng gell para maging isang Super-Saiyan.
Ilan lang yan sa mga maaalala mo kapag kinamusta mo ang baul ng nakaraan.
Sana may napaalala ako sa'yo at ikaw nama'y nasiyahan.
Minsan pagtanda mo maaalala mo ang mga ito, Sana sa susunod na taon hindi pa burado lahat ng ito sa isip mo, bawat pagpatak ng Oras at paglipas ng panahon ay nasusulat at natutunghayan at ang tangi lang makapagpapaalala sa'yo nito ay 'yung mga larawan. Na kahit niluma na at kumupas may nakatagong pa din na Ala-ala para maging inspirasyon para sa susunod na araw at mga bukas.
Kung hindi ka aware sa mga nasabi ko ay siguro wala kang masyadong matandaan sa sarili mong nakaraan. Ang naaalala mo lang ay pinatay ni Lapu-Lapu si Magellan. at Siguro isa ka sa mga mayaman ang pamilya, malaki ang bahay, tapos cable pa ang TV kaya ayun hindi ka nakakanood ng mga tipikal na palabas na napapanood ng mga kabataan noon.
April 26, 1993 Ako'y isang Generation Y pero lumaki sa Generation Z. kaya marami akong nasabi sa topic na to, Abangan niyo din yung second part nito, yun lang :D.
April 26, 1993 Ako'y isang Generation Y pero lumaki sa Generation Z. kaya marami akong nasabi sa topic na to, Abangan niyo din yung second part nito, yun lang :D.
Thanks for Reading!
Try also this one: Eto Na-naman
Cartoons told:
-The Adventures of Tom Sawyer -Zenki
-Barney -Ang Mga Munting Pangarap ni Romeo
-Doraemon -Ghost Fighter
-Peter Pan -Cyborg Kuro Chan
-Shin Chan -One Piece
-Naruto
Cartoons told:
-The Adventures of Tom Sawyer -Zenki
-Barney -Ang Mga Munting Pangarap ni Romeo
-Doraemon -Ghost Fighter
-Peter Pan -Cyborg Kuro Chan
-Shin Chan -One Piece
-Naruto