Sunday, October 28, 2012

James Yap and the haters

Photo from Wikipedia
Kapag sinabi kong "King James", dalawa lang 'yan, it's either Lebron James o kaya si James Yap. Kapag "Big Game James" naman, isa lang 'yan, ibig sabihin nagsisigawan na ang mga tao sa loob ng Araneta Coliseum dahil tinatawag na ng event-barker 'yung pangalan at jersey-number ng binansagang "The man with a million moves".

Sino siya?. 'Yung magaling mag-basketball, 'yung may semi-original 3 point shot capture. 'yung isa sa mga clutch-players ng liga n'ya at yung may classical one-hand shot.

Ang daming fans nito, pero nahahati 'yun sa dalawa:

'Yung mga 'supporters' na nanonood ng live kada game nila, 'yung mga puma-follow sa account n'yang  @jcy18 sa Twitter, 'yung hundred thousand na facebook-users na nag-like ng page n'ya sa facebook. 'yung mga ate, kuya, bading at mga tatay na pumapalakpak kapag nakakagawa s'ya ng heroic moment. 

At syempre ang mga 'haters' na hindi naniniwalang magaling 'tong taong to, 'yung mga hindi papayag kapag sinabi kong si James Yap ang most popular player sa PBA, 'yung nagsasabing sumikat lang 'yan dahil kay Kris Aquino, at 'yung mga naniniwalang overrated na player lang 'tong si idol.

Minsan ko na din sinabing si James nga ang parang mukha ngayon ng PBA. Pero maniniwala ka naman diba kapag sasabihin ko naman na si Kobe Bryant ang main-face ng NBA?. Kasi tignan mo 'yung Smart-Ultimate-All-Star-Weekend na pinag-tapat ang PBA at NBA players, hindi ba't si James ang huling inintroduce na player para sa PBA at pinag-intro pa s'ya sa team n'ya na para bang representative s'ya ng PBA tapos si Kobe naman para sa NBA na para ding sinasabing si James Yap ang Kobe Bryant ng Pinas?. haha.

Kahit ano namang sabihin, marami pa ding aalma kapag sinabi n'yong s'ya ang pinaka-sikat. Kahit may ebidensya e, patay malisya pa din ang mga valedictorian kung makapag-isip. Kapag kasi all-star voting ay ang laki ng gap ng lamang n'ya sa susunod na bar ng susunod na player. Kaya lang hindi pa rin satisfied ang ilan na madami ang fans ni idol. Pinapatay daw nila ang tv kapag iniintroduce na ang starting 5 ng Purefoods/ B-Meg/ San Mig Coffee. Kaya 'di nila alam na kapag  babanggitin pa lang ang: "and guard number eighteen"  ay sobrang daming tao ang maglalabas ng carbon dioxide maka-cheer lang sa kanya.

At overrated lang ba 'tong two-time-mvp na 'to?.
Kung overrated s'ya, ang tanga naman ng Smart Gilas kung bakit lagi s'yang nasa first choices para sa National-team.
Kung overrated 'tong mamang 'to, bakit kelangan pagpalitin ni Chot Reyes sina Ranidel De Ocampo, Larry Fonacier, Jared Dillinger, Ryan Reyes at Kelly Williams para magbantay sa kanya. 'Diba, kung di naman magaling, si Pamboy Raymundo lang, sapat na dapat?.
Kung overrated 'tong si idol, ang engot naman ng mga reporters sa tv, writer ng mga newspapers, NIKE at ng mga ibang sponsors n'ya, para sayangin yung panahon nila para pagtuunan ng pansin ang pipityugin lang pala na player.
Kung overrated 'tong taong to, e di over-acted lang pala ang mga commentators at analyst para purihin s'ya. Tapos kada hawak n'ya ng bola ay makakarinig ka ng mga katagang: "What a move", "ohh, that's a tough shot" at iba pa..... At narinig n'yo na din ba 'to: "James Yap, step-back, CHALLENGED shot....... No problem,,,, NO PROBLEM!!!". Aha?

Reality bytes!, hindi pa rin ba magaling kapag sandamukal na awards ang meron ka kagaya nito?:
1x UAAP Most Valuable Player (2003)
1x UAAP Mythical First Team (2003)
2x PBL Mythical First Team (2003, 2004)
1x PSA Player of the Year (amateur basketball) (2003)
1x PBA All-Rookie Team (2004–05)
2x PBA Most Valuable Player (2005–06, 2009–10)
3x PBA Mythical First Team (2005–06, 2009–10, 2011-12)
2x PSA Player of the Year (pro basketball) (2006, 2010)
1x PBA Mythical Second Team (2010–11)
1x PBA All-star 3-point champion (2009)
1x PBA Philippine Cup Best Player of the Conference (2009–10)
1x PBA Philippine Cup Finals MVP (2009–10)
9x PBA All-Star (2004–12)
1x PBA Scoring Champion (2007–08)
9th Member of PBA 700 3-point club
1x PBA Commissioner's Cup Finals MVP (2012)
1x PBA All-Star Game MVP (2012)
Record holder for most points scored in a PBA All-Star Game (44 points)

At kung may magsasabing undeserved daw ang kanyang dalawang season-mvp, dahil naimpluwensyahan lang daw ni Ms. Kris Aquino. Ha? ang galing ah. 6-time s'yang naging MVP sa pro-career n'ya, 1 time naman na Best Player of the Conference, kahit i-cancel out ko yung sinasabing dalawa, 5/2 pa rin ang ratio dre. kung igigiit pa rin ang sablay na obserbasyon, i-kwento mo na lang sa pagong :D. 
Photo from: James Carlos Yap Facebook page 
Anyway, ano pa bang magagawa natin?, HATErs nga e diba. Pero 'wag silang magagalit sa'kin dahil sa article na 'to ha. Magalit sila kay Coach Tim Cone kase over-saluted s'ya kay idol maski si Coach Ryan Gregorio kahit hindi n'ya na player si JCY....... Magalit din sila kina Jason Webb, Rado Dimalibot, Quinito Henson, TJ Manotoc at Magoo Marjon kasi tinatawag nilang one of the best s'ya.... Naku, disgrace 'yun sa standard at damdamin ng mga haters..... Magalit din sila kay Bianca Gonzales, Charles Tiu at iba pang celebrity kasi nagagalingan daw sila kay James.

At haters magalit din kayo kay Mico Halili, kasi s'ya ang nagbansag sa kanya na 'the man with a million moves'...... Magalit din kayo kay Doug Kramer, kasi sinabi n'yang si James daw ang "FACE OF THE LEAGUE" tapos sabi pa ni Mico na: "I Agree, I Agree" do'n sa isang episode ng FTW...... Magalit na din kayo sa ring....... At magalit kayo kay Coach Erik Spoelstra ng Miami Heat , kasi tinawag n'ya si James Yap na FANTASTIC!!!.

'Yun lang :D
Salamat sa pagbabasa.
credit: Wikipedia for the info of awards.
'yung sinasabi kong FTW episode, ito po> * LINK * click to watch

Saturday, October 27, 2012

Ang "NG" at "NANG" na ginagamit mo

Ayon kay Lourd de Veyra. Sobrang daming pinoy ngayon ang may "Colonial Mentality". 'Yun bang pipiliing maging matalinhaga sa wikang ingles kesa mag-tagalog. Hindi naman porket nagtatagalog e korni at sosyal naman kapag nag-iingles, ah?. Bakit ka ganyan?.

Bakit mo pagtatawanan si Pacquiao, Jimmy Santos at Lito Lapid kapag nagi-ingles sila, Mali ba ang grammar?, napaka-rational naman natin kung ganon, dahil kapag si Jackie Chan ang gumagawa, okay lang, pero kapag kababayan mo, big deal na?.

Pero teka, pa'no naman pala 'yung mga mali na nga mag-ingles, pero akala nila OO, pero feeling naman nila tama silang mag-tagalog. FEELING lang ha.

Habang nagpapaka-sosyal sila sa sarili nila, nung nagtagalog naman e kampante pa silang gamitin ang NG at NANG sa maling paraan.

May isang taong gustong mag-mukhang sosyal, sabi n'ya:
"Nandito ako ngayon sa Starbucks NANG Moa."
"Ang sarap NANG Toblerone."
"Nakakapagod, galing ako NANG Airport" - eh ano?, naghatid ka lang naman ng kapamilya, hindi naman ikaw mismo 'yung nag-eroplano.

Magbibigay nalang ako ng example para sa pag-gamit ng dalawang salitang to.

Ang NG kasi ay ginagamit kapag meron kang tinutukoy na bagay o pangalan lalo na kapag noun o subject, halimbawa:

remote NG TV.
pakpak NG Ibon.
bumili NG Ice-cream.

Ang NANG naman ay para sa panahon, pagkilos at sa mga bagay na pinag-uulit-ulit gaya ng:

NANG dumating ang Linggo.
NANG sumikat ang araw.
NANG binigyan mo 'ko ng inspirasyon.
talon NANG talon, iwas NANG iwas, lakad NANG lakad.

Hindi naman sa ako'y nagmamarunong, nadala lamang ako ng aking obserbasyon sa iba. Sana nakatulong.
Salamat sa Pagbabasa, peace :D.

Friday, October 26, 2012

Puro kababawang makabuluhan.


"Ayos lang basta't okay sa'yo,
na-gets mo kahit malabo,
um-OO ka kahit nagdududa,
tama ka kahit hindi ako sang-ayon,
marunong pero hindi magaling,
naglalakbay nang hindi naglalakad,
nagsasalita nang walang kausap,
kumakain nang walang ulam,
perpekto pero mali,
pasado kahit tagilid,
pangit hangga't may nagsasabi,
galit kahit naka-ngiti,
masaya kahit lumuluha,
matangkad kahit naka-upo,
gwapo lang kapag naka-shades,
naging pilay nang nakaapak ng tae,
nagising kahit ayaw mo pa,
pumasok kahit labag sa loob,
nakapayong kahit walang ulan,
naka-jacket lang para magpa-sikat,
nakapag-english lang dahil kumakanta,
peksman na hindi promising,
sinagot ka ng tanong,
makabayang panay reklamo,
tama pero, pwede ba?,
kaya kung okay lang sa'yo ay ayos lang."

Sunday, October 21, 2012

Ang WORD-PLAY ni BLKD

Image from: BLKD (facebook fanpage)
Ito'y isang paglilinaw lang, AS IF, alam n'yo na rin.
May mga bars kasi sa kanyang laban na hindi pa rin daw GETS ng iba.

Kaya ko lang din naman naisip mag-post ay merong umalma sa akin last Friday.
Ganito ang eksena....

Sabi kasi n'ya: Luto naman 'yung laban nina BLKD at Apekz e.
Sabi ko: Ha?, pa'no mo naman nasabi??
Sabi n'ya: Mas malalakas kasi 'yung bitaw ni Apekz na mga lines. Ang hihina naman ng ibang lines ni BLKD. (Naisip ko na din sa puntong yun na, baka naman first time lang n'ya napanood lumaban si BLKD)
Sabi ko: Hindi ah, ang galing nga ng mga bitaw ni BLKD e. 'Di mo siguro na-gets 'yung iba. Iba kasi ang style nun. May mga punch-line s'ya na hindi mo agad mage-gets sa una
(tumingin sa'kin)
Sabi ko: Tignan mo na lang 'yung intro n'ya:
"Marami pa 'kong ipagkakamali, kasi nga bago lang. Minsan parang tanga lang, kasi nga tao lang."
Una pa n'yang sinabi na 'para sa kanyang nabigo'. Ibig sabihin prior talaga 'yung lines sa nakaraan n'yang dalawang battle. 'Yung binanggit n'yang PAGKAKAMALI, 'yun yung talo n'ya kina Loonie at Dello. Ano ba 'yung sumunod?. "MINSAN PARANG TANGA LANG", diba kanta 'yun ni Dello?. Tapos, "TAO LANG", diba single 'yun ni Loonie?.

Sabi n'ya: Ahhhhh, OO NGA NO?. (tumingin at tumingala na para bang naliwanagan)
'yun pala 'yun, akala ko wala lang.

Sabi ko: O diba, malalim. 'Yun yung tinatawag nilang word-play, hindi mo agad maiisip kung 'di mo talaga pagbibigyang pansin.

-----
'Yan yung conversation namin, pero may iba pang linya talaga si BLKD na hindi ko pa rin mawari, kaya inisip ko ulit yung iba. Ayun, nagets ko naman.

At siguro naman gets n'yo na 'yung iba gaya nitong mga to:
-Ikaw lang ang PEKZman na hindi Promising.
-'Tong Ape na 'to kahit may "KZ" sa pangalan, walang X-Factor.
-Lalim ko karagatan to, kaya kahit Seaman ka pa, lulubog ka sa BAR KO.
-Batong-bato, sa mga linya mong sinuka. Talo pa namin ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa.
-Ako'y Guro na habang ikaw, mag-aaral pa. Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na MARK, ka.

-----
"Natuto ka lang mag-freestyle, akala mo ikaw na si Super-Natural.
E 'yung free-style mo aral, sa kanya super-natural.
Taz haharap ka sa tulad ko na ang pagiging SUPER, NATURAL.
Pagka-tanggal ko ng kaluluwa mo, yun ang super natural."
-Eto, ang hina ng kiliti sa crowd, pero kung tutuusin, mabigat ang pagkaka-hibla at pagkaka-connect-connect ng mga lines sa key word na 'super natural'.

"Kaya nga 'yung PANAGINIP NG ALIKABOK ay propesiya ni Aklas.
Sa Gabing 'tong inuunos kita, kaya saktong Dream-Match mo 'to at pinupulbos kita."
-parang inihambing n'ya si Apekz na nakalaban naman ni Aklas kailan lang sa Alikabok.
Sakto, PANAGINIP NG ALIKABOK.
"PANAGINIP" - Saktong "DREAM" match mo 'to
"ALIKABOK" - at "PINUPULBOS" kita

'Yun lang, welcome po ang correction, kung may pagkakamali man ako sa pag-iintindi. haha
Magaling din naman si Apekz, natawa talaga ako sa kanyang Jollibee hits. 


At dahil kay BLKD, ginagamit na ng masa ang salitang AS IF sa mga Status at Tweets nila, hindi ko alam kung napanood din nila ang laban o nakiki-trend lang sila. Baka ma-overused ha, katunayan, ginamit ko s'ya sa intro ko. lols.

'Yun lamang
Salamat sa Pagbabasa.

Saturday, October 20, 2012

Bakit TAMA, si Andrew E.

Photo from: gulfnews.com 
"Kung gusto mong LUMIGAYA ang buhay mo" - Sikat na linya nitong mamang nasa itaas, pero sa paanong paraan? "Humanap ka ng pangit at ibigin mo'ng tunay".

Ito'y hindi pag-aanyaya, kundi isang pagpapatunay, pero hindi ko masasabing OO NGA, dahil hindi 100% sure ang aking ikakatha.

Kapani-paniwala man o hindi, ay kelangan mong may kampihan; kung sasang-ayon ka ba o 'wag na lang.

Sa dami ng aking nababasa sa Twitter, on-trend palagi ng mga quotes o "KOWTS" na may in-topic sa mga Malalandi, DAW. "Daw", ha "daw". At kung 'di naman ay 'yung mga pagdadrama ng ilan tungkol sa mga Manloloko at mga nang-iiwan sa ere na mga Lalaki, DAW. 

At kung bakit ko nalalaman at nababasa ang mga iyan ay dahil may isa akong Twitter-account na may kaibigang 1000 users. Sa dami ng nasa timeline na tweets n'ya ay pwede nang mag-ratio na 75% ng tweets na mababasa ko ay puro ganon ang sinasabi.

Pero syempre, malay ko ba. Malay ko ba kung totoo ang sinasabi nila, na iniwan sila. Malay mo sila rin ang may kasalanan kung bakit nagkaganon. Malay ko ba kung nakiki-KOWT lang sila.

Anyway, papasok din sa usapan ang kung sino ba'ng madalas mang-iwan. Mga Babae o mga Lalaki?. Well, ilang beses nang napatunayan ng mga movies 'yan. Perfect Example lang e ang One More Chance. May pa "I need space, I need space" pa kuno si Basha e sa bandang huli sasambit naman pala s'ya ng: "Ako nalang ulit, Ako na lang" O diba parang tanga lang?.

Bakit ba kasi may mga nangiiwan?. - Syempre ang quote na babagay d'yan e yung sinabi ni Popoy din. "Kase baka merong darating na mas OKAY". - Ang linya ay tama, e kasi naman bakit may ibang taong parang si Basta lang. Basta gwapo pwede na.

Ang ganyang adhikain ay talagang magdudulot sa inyo ng sleepless-night/s sa dulo. At kung bakit ay ganito: .... E di ang pogee nung lalake, e di naging crush mo, e ikaw naman maganda, e may kaibigan ka, e hindi mo mapatahimik ang kaibigan mo, e di sinabi n'ya tuloy ang sikreto mo, e di nalaman ng crush mo, e di naging crush ka n'ya din instantly at dahil nga crush mo, sa sobrang obsess mo e, bigay na bigay ka naman. At syempre hindi mo naman alam ang magiging pakay nitong si dodong dahil silaw ka sa kanya. Kaya kapag niligawan ka nito e boom, kayo na agad?. 'Wag ganon, hayaan mong magdala muna ang Lalaki ng ubas sa bahay n'yo.

Sa kakanda mali-mali mo ng pagpili sa bawat relasyon ay rumurupok naman ang pundasyon ng iyong puso kaya minsan pumapasok na ang overused na salita ngayon na "MANHID". Pa'no mo makikita si righteous one kung nakatingala ka sa ibang leeg?. Hindi ba't sayang ang panahon sa mga taong ireregret mo naman sa huli?. 

Kelangang maging wais ate, Dapat mahalin mo 'yung taong gusto ka talaga. Hindi yung naging gusto ka dahil nalaman n'yang gusto mo s'ya.

At kung alam mong may itsura ka naman, aba e 'wag kang magpapauto sa mga I Love You na peke, kasi sayang ang ganda kapag napupunta sa mga ewan. Katunayan, nanghihinayang nga ako kapag may Magagandang iniiwanan, 'yun bang tipong: Anghel na nga ang itsura, fashonista na nga rumampa, pang-artista na ang ganda e niloloko pa. "Aba kung ako yun, jackpot na ko't hindi ko na s'ya iiwan pa" hahaha 

At kung pa'no mo malalaman kung ang isang taong kaharap mo ay "SIYA NA NGA?", aba yung overused na salita ulit na on-trend ngayon. "MAGHINTAY". Sabi nga ni Tito Boy sa isang episode n'ya sa The Buzz. "Kung ikaw ay marunong maghintay, ang para sa'yo ay darating".

Sabi nga din sa kantang ni-revive ni Jovit Baldivino: "Hayaan nating puso ang magpasya" at dun sa kanta ni Say Alonzo na Magmahal muli: "'Wag hanapin ang pag-ibig, ito'y darating sa'yo". 

Advantage mo sa Gwapo: Gwapo s'ya. Disadvantage?. Dahil gwapo, malapit sa mga babae, marami s'yang nakikitang ibang mukha. At diba nga uso ang malandi ngayon?.
Advantage mo sa 'di kagwapuhan e hindi mo makikita sa pagmumukha, pero masisiguro mong ikaw lang makikita n'ya. Bihira naman ang choosy na walang itsura e diba? hahaha. 

'Wag naman nating sabihin na pangit, minsan, may mga ma-appeal pa rin e kahit hindi mo masabing gwapo. Lalo na kung mabango at malinis sa katawan, pero hindi porket maputi e malinis na sa katawan. nakadepende pa din sa batok at siko ang sagot.

So 'yun lamang po.
'Wag na wag magmimithi ng mala-mukhang Enrique Gil.

"Mas liligaya ka sa taong alam mong In-love na In-Love sa'yo"

Saturday, October 13, 2012

SKIP the Dream III

"PAIN INSIDE?, WRITE IT OUT"

"sladjfhksudfjdnlsierpoajdkf;lk" tweeters usually types like that whenever they're not on the mood or something bad happened or rather they are just freaking out themselves. This is my blog, right?. So i have the rights to write like this: lasdahoiajfdlakmslidjqouweajsndlajsdkanxlcmlaksjdlkjahxlclaksdjlafdg sdfsdfsdfsjdhfiuhsofkdlsf sdfkmsdlfkmsl;dkfmsrtslksnldm fuck the un-expressed feelings. Can't hide it. I over-thinking that same thing over and over this time, and it kills me inside.