Wednesday, July 23, 2014

Charity Basketball Game to a Refundable Practice Game. Toinks

Milyong piso para sa mga Talent Fee. Daang-Libo para sa mga plane tickets. At Ilang libo pa para sa mga Hotel Reservations para sa mga NBA players na bumisita sa Pilipinas. Sila ay dumating para sa THE LAST HOME STAND event na inorganisa at binuo ng PLDT. Ito ay isang charity event. Charity Basketball game na nauwi sa..... nevermind na nga lang muna.

Binuo ang Fibr All-Star team ng mga NBA players na sina Terrence Ross, Damian Lillard, Demar De Rozan, Kyle Lowry at Kawhi Leonard. Kasama pa sina Tyson Chandler, Ed Davis, Nick Johnson and James Harden. Yup! Hindi man lang dumating kahit anino ni Blake Griffin at Paul George na silang inaasahan talaga ng marami.

Real work out? o Real Practice?

Mapapalaban daw.....

LAST PLAY daw oh!
Mukhang ang unang plano talaga ay Gilas vs NBA stars in a Basketball game. Halata naman sa mga tweets nina Coach Chot, MVP at Paul George. Pero bakit nga ba nagbago...... Siguro ganito:

Hindi dumating sina Paul George at Blake Griffin (Mga NBA Superstars) NBA superstars meaning, mas malalaking pangalan, mas malalaki ang talent fee. Idagdag mo pa yung ibang mga NBA stars. Hindi dumating sina Paul George at Blake Griffin dahil a week before the event, alam na nilang hindi maso-sold out ang tickets dahil sa hina ng bentahan.

Natural, san kukuha ng kick-back para masalo ang Talent-fee na ibabayad sa kanila? Syempre sa Game-tickets. Kaya ayun, Ang isang Patron ticket, katumbas na ng sweldo sa dalawang buwan ng isang Contractual Employee sa Pinas kasama pa ang O.T. pay.

Eto ang mga price ng tickets sa The last Home Stand ng PLDT at sa Ultimate All-Star Weekend ng Smart noong 2011.















Biglang umatras sina Griffin at George? Nakakapagtaka ba? Well, nagtataka karin siguro kung bakit panay ang plug ng mga players ng Gilas sa Instagram at Twitter at kahit sa Eat Bulaga. Mukhang sa unang limang araw palang ng pagbebenta ng Ticketnet, langaw ang pila.

Kaya nagpa-promo na ang mga organizers para may kumuha ng tickets. Namigay pa nga ng mga Free Tickets sa pamamagitan ng isang..... "Retweet" lang ang ibang page. Nag PRICE DROP pa days before the event. Pero kahit anong hakbang ang gawin nila (kahit 30% off na daw), ang kinalabasan kagabi, ang mga upuan, PURO BAKANTE.

Pero kung ginawa sana nilang Wallet-Friendly ang tickets? Yung tipong kagaya rin nung prices ng ticket sa Ultimate All-Star Weekend na kasama pa sina Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul at Derrick Rose. (Ang ilan sa mga  Top paid players sa NBA) Panigurado, masosold-out yan hanggang General Admission.

Isang malaking kapabayaan ang nangyari. Hindi napagisipan ang tamang-presyong ilalagay sa printed tickets. At dahil OLATS sa bentahan ng tickets, mababawi paba ang ibinayad sa mga NBA-Stars? Kaya imbis na palaruin sila, edi 'wag nalang silang magpa-pawis para may discount din sa TF nila.

At kung sakali mang hindi talaga pinayagan ang mga NBA-stars mag laro ng kanilang sinasalihang Liga, alam na 'yan dapat ng mga organizers ng event bago palang magsimula ang program na 'yan. Hindi 'yung last minute na saka mo sasabihing "AY MALI KAYO NG AKALA WALA KAMING SINABING GANO'N" sa mga fans na bumili ng pala-gintong tickets at sasabihing refundable nalang ang binayad kung hindi masisiyahan sa panunuod sabay segway na "for a good cause ito".

Ayan, dahil sa nangyaring ito. Baka wala nang magtiwala kapag sinabing "For Charity" ang gagawing event ni MVP. Nasira pangalan n'ya dito e. Hindi naman sisisihin ang mga organizers na nagayos. At kung sakaling gumawa ulit ng ganitong klaseng event dito sa Pinas, baka i-boycott nalang din ng mga Pinoy. Haaay Nevermind nalang.