Tuesday, August 6, 2013

Gary David, kailangan ka ng Pinas

Photo from: http://www.interaksyon.com/
Itong picture na 'to. Ito mismo ang pwedeng magpabalik-tanaw kung bakit maraming bumilib at nagalit sa kanya. Syempre, hindi maipagkakailang karamihan ng may ayaw sa kanya ay mga fans ng San-Mig Coffee ngayon.

Marahil, kung ikaw ay isang long-time San-Mig fan na kagaya ko. Kapag nabanggit ang pangalang Gary David; ito ang maaalala mo > http://www.youtube.com/watch?v=e7Em-d9KXJY

Yung pagtakbo n'ya sa court habang tinititigan ang mga kamay n'ya na para bang nagpapakita ng pagka-arogante (sa kabilang banda). At yung pag-harap at pag-sigaw n'ya sa crowd sa larong 'yon. 'Yung mga three-point shots n'ya na hinabol ka sa pagtulog mo sa gabing iyon. Marahil maging dahilan kumbakit ayaw mo sa kanya.

Sa madaling salita; tinalo ka n'ya, tinalo n'ya ko, tinalo n'ya ang team ko sa isang asdfghjkl na pangyayari.

Aminin mo, gusto mo s'yang ihawin nung mga panahong yon.

Siguro matagal pa bago mo makalimutan o pwede ring hindi na.


Pero eto na siya ngayon. Player ng pambansang koponan ng Pilipinas. Susuportahan mo ba siya?.

Ako?, Oo, bakit ko isusumpa yung taong nagpa-bigo sa sinusuportahan kong team noon. Bakit ko s'ya isusumpa habang-buhay e nakabawi naman tayo ng isang magandang championship pagkatapos no'n.

Oo, sinusuportahan ko na s'ya suot ang uniporme ng Pilipinas. Kahit naging dahilan s'ya kung bakit nawalan ako ng ganang kumain ng Adobo noong tinalo n'ya ang B-Meg team ko.

'Yung huling tatlong game ng Gilas na invisible s'ya? Isa ako sa mga nagtu-tweet ng: "Nasa'n na yung nagliliyab na mga kamay mo?"

At dumating yung kagabi. Napa-isip ako. Yung dating binu-boo ng mga tao. Ngayon, buong arena na ang sumisigaw ng pangalan niya.


Then he finally drained a three-point-shot.

Dumating ang three-point shot n'ya na para bang isang game-winner kahit hindi.

Ano?, Kailangan pa ba natin s'yang madaliin?. Kailangan pa ba nating magtanong at magduda sa abilidad nitong taong to?.

Aaminin ko; isa ako sa mga nagduda. Pero kaya kong baguhin ang isip ko at sabihing; "Sensya na, nainip lang ako". Nainip lang ako na pumasok ang mga jump-shots n'ya.

Ang sarap siguro ng pakiramdam n'ya habang naririnig n'ya ang libo-libong taong naghihintay na pagbigyan n'ya ang inaasam nila.

Ang sarap din siguro kung si James Yap o si Mark Caguioa o si Arwind Santos siya.

Pero narito ako, naging hater n'ya. At nagsasabing: Gary David, Kailangan ka ng Pinas.

Thanks for Reading.
Go Gilas Pilipinas!