Showing posts with label School. Show all posts
Showing posts with label School. Show all posts

Thursday, March 27, 2014

Ang Pagtatapos

Photo from: wallacechev.com

'Noong Highschool ako, palagi kaming tinatakot ng mga kaklase ko ng isa sa aming mga naging guro sa aming senior year. Ang magkakaro'n ng bagsak, hindi makakaakyat sa puting bato. 'Yan ang paulit-ulit naming naririnig sa panahong papalapit na ang Graduation-day ng aming pagiging High-school. Ang pagtatapos ng aking Prom-Year. Ang pagtatapos ng apat na taong pakikipagsapalaran. Magsusuot ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera. At aabutan nanaman ako ng nirolyong papel na magsisilbing diploma...

Kolehiyo na ang susunod. Ilang taon nalang; tapos na ang buhay-magaaral. Ilang taon nalang. Ilang taon nalang...

So syempre, gaya din ng iba, ako din bilang estudyante, ay nahirapang pumili kung anong kurso ang kukunin ko. At gaya ng iba, habang papalapit na ang susunod na pasukan, ako'y nangangalap ng aking posibleng larangan na tatahakin. At dahil ako'y isa lamang sa mga tipikal na 'estudyanteng-pinoy', ang sistema ng aking pagpili ay nagawa narin ng karamihan. Oo, binalewala ko ang suggestion ng National Career Assessment Examination (NCAE) ko. Mas nanaig sa'kin ang suggestion ng mga kaibigan kong papasok din sa eskwelahang papasukan ko. 'Yung ganitong sistema ba:
Ako: Ui anong kukunin mo dre?
Friend: IT ako e, mag IT ka narin, kasi IT din si ano, tyaka si ano. Tapos balita ko maga- IT din si ano.
Ako: Sige, yan din sa'kin!
Ang bilis diba? 'Yan ang pinoy. Kung saan ang karamihan, doon nadin. Parang, kapag kakain ang tropa sa Jollibee at nagdidiskusyon ang karamihan habang nasa pila sa harap ng counter. Kapag ang isa ay nagbanggit ng "Chickenjoy nalang sa'kin" Asahan mo narin ang iba pa na magsasabi ng "'Yun nalang din sa'kin" o kaya "Gano'n nalang din".

Balik tayo sa pagiging kolehiyo. Mahirap, oo. Mahirap maging estudyanteng-kolehiyo. Kailangan, puspusan. Mauubusan kana ng petiks-time. Mauubusan kana ng tulog habang tumatagal. Lalaki ang eye-bags mo dahil hindi na ito tulad ng pagiging Elementary o High-school student, na kapag natapos mo ang isang period na wala kang absent at late, malaki ang tyansa mong makarating sa susunod na baytang. Hindi kana maisasalba ng perfect attendance mo sa College.

Malaki ang pinagkaiba ng pagiging kolehiyo mula sa pagiging high-school. Hindi lang sa lebel ng mga pagtuturo ng mga guro sa atin, pero nand'yan yung pagaadjust mo sa mga nakagawian. Tulad ng pagpasok mo kahit kalahati lang ng mga mata mo ang nakakakita dahil sa antok. May biglaan kasing assignment si Prof at bukas na ang deadline. Wala e. Naisip n'ya e.

Kailangan mo ring masanay pumasok kahit bumabagyo. Kahit balu-baluktot na ang mga bakal sa payong mo dahil sa lakas ng hangin, pasok parin! College kana e. Hanggat hindi sumisilip ang mata ng bagyo sa eskwelahan mo, tuloy lang.

At sa klase, darating 'yung puntong ANO YUN? at ANO DAW? nalang ang tanging lumalabas sa isip mo dahil hindi mo ma-gets ang bagong lesson na tinuturo ng Professor mo sa Physics, Programming at Accounting.

Dadaan ka sa sitwasyong maguguluhan ang isip mo kung magiinternet kaba o magrereview kana dahil may exam ka kinabukasan.

May lalapit na pagkakataon sa'yong 'yung kaklase mo pang sabi nang sabi ng mga salitang "Di ako nakapagreview" ay s'ya pa 'yung highest pagdating ng exam-results.

At kapag bumagsak ka sa exam, o naramdaman mong makakakuha ka ng mababa. Di-bale-may-susunod-na-quiz-pa-naman. 'Yan lang ang itatatak mo sa isip mo, okay na.
-

Diba? Ang daming mga tagpo na sa eskwelahan lang natin makikita. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito. Kahit ilang beses kang napagod ng pag-aaral gawa ng puyatan para sa exams, thesis at project mo, hinding hindi mo parin maikakailang mamimiss mo paring pumasok pagkatapos.

At pagkatapos ng lahat ng ito, gigising ka sa isang umaga na hindi mo na kailangang umupo sa arm-chair na sinulatan ng cellphone number ng iba, text mate daw. Hindi kana papasok ng maaga para sa assignment na hindi mo ginawa nung isang gabi kasi mas pinili mong mag-surf sa Internet kaya kokopya ka nalang kinabukasan. At higit sa lahat, hindi mo na kailangang manghingi pa ulit ng yellow-pad.

Bagong yugto na ulit pagkatapos. At oras naman ng pagtutupad mo ng nasimulang hakbang ng pangarap.

Kaya kung ikaw ay nagaambisyon lang na maging Bilyonaryong tao gaya ni Steve Jobs at Bill Gates. Aba, e ngayon palang mag drop-out kana para maging kagayang-kagaya mo sila. Pero joke lang, hindi masamang mangarap, gawin mo lang makatotohanan. Kaya 'wag mong gawing goal ang pagiging isang Bilyonaryong Pinoy, baka magaya ka kay Manny Pacquiao ngayon, hala ka. Gawin mo lang direksyon ang isang matagumpay na buhay, sapat na.
-

Ngunit hindi ko akalaing bago ako magtapos ay magkakaro'n pa ko ng medalyang maikukubli ko hanggang pagtanda. Buti nalang, magaling ang mga kagrupo ko hehehe. Totoo ang kasabihang "Kumapit sa matatag para maka-survive" - Yup, hindi lang kapag lumilindol applicable yan. Matagal ko narin namang gustong magkaro'n nito. 'Nung Grade 6 kasi ako, sayang e, muntik na. Muntik na akong sabitan kaso binigay ang award sa kaklase kong magaling magwalis sa Classroom. Doon ko napatunayan na totoo pala ang kasabihang Daig ng Masipag ang Ma...... Deh joke lang ulit, hindi ako butt-hurt.  

At mula ngayong araw na 'to. Ilang araw nalang, aakyat ulit ako sa hagdanan papunta sa gitna ng isang entablado. Magsusuot na ulit ako ng Toga. Haharap ulit ako sa kamera at sa wakas, aabutan na ako ng pinaka-importanteng diploma sa lahat ng diploma.

Kaya para sa lahat ng magsisimula palang sa kolehiyo at sa mga konting panahon nalang ang hinihintay at gagraduate na rin, 'wag nating palampasin ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos. Dahil kahit ano pa mang kurso mo, ano pa mang eskwelahan ang pasukan mo, sasabihin at sasabihin mo parin na mahirap grumaduate. Kaya pagsikapan natin, okay lang 'wag magpasa ng assignment minsan, pero ipasa mo naman yung exams. Okay lang naman mag-text habang may nagtuturo basta ba naririnig at naiintindihan mo parin si Ma'am. Okay lang magpuyat dahil sa project, pero wag naman dahil sa inom. Kaya gawin natin ang lahat ng paraan. Pagsikapan nating abutin ang punto ng buhay na pwede na nating sambitin ang mga salitang...

Mahirap grumaduate, pero hindi ko sinabing hindi ko kaya.

Thursday, February 7, 2013

What will be posted soon?

ISANG MAGALING NA ARAW IV
Dahil ang tagal-tagal ko na talagang pinaplanong sundan ang Isang Magaling na Araw 3 sa loob ng ginawa kong series ng ISANG MAGALING NA ARAW. Balak ko sanang masundan na ang third installment ng ginawa kong mga kwento ngayong February. Well, katamaran lang magsulat ang kalaban ko sa tagpong ito. 

Bukod din kasi sa Isang Magaling na Araw 4 ay may matagal na 'kong draft sa aking Notebook na isang kwentong wala pa ring pamagat. Ang tagal kasi ng oras na ginugugol kong naka-upo sa harap ng computer ngayon kumpara noon na nakukuha ko pang magbasa sa mga ilang oras at malibang sa mga ilang bagay.

ANG SAKALING AKING GRADUATION SPEECH
Well, ito ang matagal ko nang plano, syempre gagawin ko nanaman s'yang comedy. Bilang 4th year College, siguro kailangan ko rin balik-tanawin ang mga naging buhay ko bilang mag-aaral mula noong pumasok ako ng Kinder noong ako'y 5 years-old pa lamang.

Ayun, sana magawa ko nalang lahat to.

Thanks for Reading.

Wednesday, January 16, 2013

Ang Retreat, bow.

At mahigit 48 hours akong wala sa bahay, dahil ako'y lumanghap ng malalamig na hangin ng Tagaytay. Retreat namin mga kaibigan, kanina pa dapat 'tong post na 'to pero ang tagal kasing mag-upload ng pictures ang mga classmate ko kaya eto. XD

Photo owned by: Joana (Classmate)
---
Walang humpay na dasal, pagninilay-nilay at matataimtim na pakikipagusap lang ang ginawa namin,  para makapag-reflect ng maayos. Gusto kasi naming panatilihing tahimik at mapayapa ang luga........................ Hep

Pero ang totoo talaga, walang humpay na kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain, kain at KAIN ang ginawa namin. Wala naman kaming magagawa, nakahain eh.... At may kasabihan ngang: "'Wag tumanggi sa grasya.". Kaya, subo, nguya, lunok hangga't gusto at kaya pa ng tiyan.

Anyway, unang-unang experience ko 'to ng isang retreat, hindi kasi ako sumama nung Highschool ako...... Pero ngayon ansarap sa pakiramdam, kung pwede sanang magpa-extend pa.

Gano'n pala kapag kasama mo sa dalawang malalamig na gabi ay ang mga kaibigan at Classmates mo lang. Walang napapanooran na TV at nakakapang Keyboard ng computer pero hindi mo parin nagawang ma-bored.

Gano'n pala matulog kung saan maririnig mong humilik ang iba't ibang lalamunan galing sa mga katabing kwarto.

Gano'n din pala ang experience kapag sa biyahe n'yo pauwi ay may live-boy-band kang kasama sa bus. Mula sa mga kantang; "Ako ay masaya kapag kasama ka", "kasama natin ang Diyos" at ang most repeated song na "In moment like this" na talaga namang saktong-sakto sa scenic view ng Taal.

Kaya Bro, salamat sa lahat ng mga taong naging parte ng retreat, mula sa mga chaperone, sa aming motivational speaker at sa mga tagapagluto. At sa hinain saming pagkain mula sa Pancit, Siopao, Turon, Paksiw na Oink-oink, Skinless Longanisa at iba pa.... na talaga namang nagpakulo sa tiyan ng iba. XD

At ang ending; umalis kami ng retreat house na maraming nakain, na may pictures at syempre, napulot na aral. =)

"If you don't want something, change it. If you can't change it, change your attitude. Don't complain."

Balik realidad na ulit bukas.
Thanks for Reading.

Friday, September 21, 2012

Takbo, Cheer, Shoot


Unang-una, hindi ako mahilig umattend ng mga activities sa School, pero hindi naman masamang magbago ng habit diba??.

Intrams. Isang Linggong puro games. Hindi kailangang athletic ang katawan mo para masiyahan ka sa event na 'to. Hindi kailangang alam mo yung terminologies ng mga Sports oh alam mo yung size at lapad ng court para hindi ka ma-O.P. sa extravaganza na 'to.

Eh kaya lang talaga ako na-tend na i-post to e, grabe kasi 'yung game kanina mga pare. Nanalo 'yung basketball team ng department namin, in Overtime. Salamat na lang dun sa number 6 na player at nag-ala Denzel Bowles siya [PBA Import] at ipinasok n'ya yung dalawang free-throw in the last 30secs. 

Kung magiging commentator po ako sa game e gagayahin ko 'yung analyst ng PBA na si Mico Halili. Talaga naman kasing nerve-breaking-game kasi come from behind win, YessSiRrrr.. at napa-ganda pa dahil maganda din 'yung game na sinundan, Basketball girls sa pagitan ng Controllers at Criminology. Haha syempre, sumuporta ako sa Controllers gaya ng majority ng nasa gym kahit hindi sila under ng department na 'yun. Masarap kasing suportahan ang mga underdog sa laban.

At balik ulit tayo sa department namin, nasa Finals na ang Basketball-team bukas. kung tatanungin niyo kung anong record namin last year?; Ehem, Overall Champion lang naman. Kung sa UAAP, masasabi nating ang ADMU ang toughest team. pwede ko na din bang sabihin na ang ICONS ang ATENEO ng liga namin?. Kaya lang baka sabihin ng iba mayabang. Anyway, BLUE din pala ang respected-color namin, Coincidence??.

Good-luck na lang sa lahat ng may natitira pang game.

Chants kanina:

ICONS: UWIAN NA, UWIAN NA, UWIAN NA!! [
AHA: Manalo - matalo magaling kame [di ako sure]
ICONS: WALA KAMING PAKE, WALA KAMING PAKE!!

Hahaha, what a turn of events :D

Thanks for Reading.

Saturday, October 15, 2011

Sa Ibang Araw na lang ang Problema

PINOY KA KUNG KAHIT MAY PROBLEMA KA NA NAKUKUWA MO PANG TUMAWA
oopz Pinoy ako siyet!

Failed grade, problema yun diba? kabilang yata ako sa mga estudyanteng nanganganib na 'di makapasa sa isang Major Subject ngayong 1st Sem. Kapag nakakaranas ka ng kaba na nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon maraming bagay ang pumapasok sa iyong isipan. mag suicide? 'wag naman. siguro yung mga bagay na hindi ka mapakali kasi natatakot kang malaman ng mga magulang mo na tagilid ka na sa isang subject mo. Natatakot kasi tayong masigawan at mapagalitan kasi alam naman natin na kapag nangyari nga eh yung negative side lang natin ang mapupuna.

Yung Feeling na ang sarap murahin ng professor, kaya lang ayokong gawin baka kasi lumapit ang karma.

Sa mga oras na ganito eh dalawa ang posibleng mangyari pagkatapos makuha ang grade. Kung pasa ka edi success kung hindi naman ay baka hindi kana makatuntong pa ng susunod na semester sa school.

Payo lang no, kung sakali man na hindi tayo makapasa ay wag naman masyadong isipin baka magkadiperensiya pa sa utak mas mahal ang pagamot kesa sa Tuition ng isang Subject. kumuha ka lang ng mga Positive Vibes tapos matulog ka para mapanaginipan mo yung mga oras na nakatawa ka at hindi yung mga oras na frustrated ka.

Haay pero syempre iisa lang ang pwedeng magdikta nang lahat, Bro, kayo na po ang bahala.

TFR!

Saturday, September 10, 2011

Dalawang klase ng lalakeng habulin sa school

Ok 3rd blog for this Month, Nakakatamad naulan kase kaya naisip ko tong title na to. hmmm may bago pang issue sa school namin dagdag pa naipon sa isip ko kaya isinulat ko na bago mapuno.

Actually siguro nga marami talagang uri ng lalake sa school, nanjan yung mga MUNtae, MUNtanga yung mga walang syota at yung maraming mga syota na pinapabayaan ang mga sarili na para lang may ipangdate hindi kakain ng lunch kase iniipon yung baon para lang makaraos iinom na lang sa fountain ng school taz kakain lang ng cream O busog na. pero iba naman kapag sinabi nating mga "lalaking habulin sa School" meron lang talagang dalawang uri niyan.

UNA syempre ang mga "habulin ng tsiks". oh yan yung mga katulad ng F4 gaya nila Jun pyo, Ji hoo pati si Dao Ming Si yan yung mga hindi pinapamlampas ng mga kababaihan kapag dumadaan. Kumbaga sabi nga ni Empoy eh kilabot ng mga girls kase sa tuwing dumadaan siya eh kinikilabutan daw ang mga girls, hindi sa tuwa kundi sa takot lol.

PANGALAWA. eto talaga hindi ito mawawala sa isang eskwelahan at malayo to na mapasama sa mga endangered species. sabi ko nga eh dalawa lang ang klase ng lalakeng habulin sa school. sino pa ba? edi ang mga lalaking "habulin ng Guard", eto yung mga klase na favorite tumambay sa DSA offices yung parang lageng may recognition na palaging sinasabitan, hindi ng medal kundi ng ID. sila din yung laging sinisigawan ng guard kapag dumaan sa entrance ng school na "Hoy! zipper mo bukas", "Hoy baliktad polo mo" pero kung ikaw naman eh schoolmate ko naku pinakakilala mo dapat si DORA walang patawad yun wala ng warning warning kuha agad ID. sa school nga namin mahigpit eh dahil catholic school kami eh kailangan yata laging mukhang malinis akalain mong bawal na ang bigote sa mga lalake wow haha! pero wag sisihin ang mga guard kasi sinabihan lang sila ng mas nakakataas sinusunod lang nila :D


Thanks for Reading!

Thursday, June 23, 2011

Naalala ko nung Hayskul, dahil umuulan

Nais ko lamang magkaroon ng newest post kaya naisipan kong gawin tong blog na 'to tutal eh napapanahon naman, hindi pa rin kase tapos yung kwentong ginagawa ko hahaha natatawa tuloy ako kapag naiisip ko yung gabigabi kong ginagawang kwento puno kasi yon ng mga kalokohan magaling ako dun eh. haha ewan ko ba kapag kasi nagpapagawa ang teacher o Prof namin ng kung anuman na ieeenterpret mo sa harapan ng klase eh parang kusa na lang na nalalagyan ko ng katatawanan.

at dahil nga diyan sa bagyong yan, natatandaan ko tuloy nung 3rd highschool ako (Speech and Drama ang Subject namin) pinag-group kami tapos gagawa kami ng news casting/news crew eh sabi pa naman ni Mam. Ar.... eh magimbento ng ibabalita, ayun todo isip sa mga ibabalitang kalokohan at pumasok agad sa isip ko yung Weather forecast "ok akin yung weather news ah!!" sabi ko sa mga ka group ko.

eto na simula na pinausod ang mga silya sa harap papalikod para malawak ang stage sari sari rin yung mga imbento ng ibang group nun eh sabi pa nung ibang weather din ang nakaassigned  "makakaranas kayo ng panaka-nakang pag ulan ng bloke blokeng yelo"

at nung malapit na ako eh ewan ko ba pa ngiti ngiti na lang ako haha syempre bago sumalang ay sign of the cross muna. ayan ako na iniintroduce na ako ng kasama ko, sinabi na ng main news caster (Ala Korina) at eto naman si (REGULARDREAMS) para sa ulat panahon,
yung pag intro ko eh ang lumabas na boses, boses ni Mike Enriquez, ewan ko ba kung bakit kapag may naglolokong nagbabalita oh kunwari eh nagbabalita sila laging boses ni Mike Enriquez yung ginagaya nila haha pero binago ko naman 

"Bagyong RAPER at bagyong NITSO papalapit na ng Pilipinas"
Bagyong raper papalapit na sa Luzon at papuntang Batanes
pero hindi naman daw mag laland-fall sa Lupa ang bagyo....
Kundi sa Sementadong Lugar ng Batanes!!.
pero magkaganon man mas pinaghahandaan pa rin ng gobyerno ang kasunod nitong bagyo na si Bagyong NITSO!!....
sa lakas daw kase nito ay kaya nitong tangayin, ang bubong,,,,, ng bahay,,,, ng tuta niyo!!.
si Bagyong NITSO ay may 500 kilometer away pa sa Luzon......
pero 500 kilometer per hour ang bilis nito!!!......
inaasahang tatama ang mata ng Bagyo sa CAVITE at sisilip... sa RI"

ayun yung naka BOLD na sentence yun yung pang finale at talagang tumawa yung buong klase namin tae nakakaflattered pag ganon HAHAHAHA pero swear walang halong pagyayabang pramis kung ayaw niyo maniwala punta kayo sa Rosario Institute sa Rosario, Cavite hanapin niyu si Mam Arbulante tanung niyu kung may natatandaan pa siyang phrase na ganyan hahaha oh kaya ask niyo mga classmates ko kung totoo lol. :D 

buti nga natatandaan ko pa yan, memorable kasi yung pagkakataon na yun 

haha pero siguro kasi kaya din sila nagtawanan eh yung pangalan kasi ng dalawang bagyo eh related sa isang classmate namin, at yun ang loko sa kanya hahaha ewan peace!!! ang gulo yun lang :D

Abangan niyo "ang Alamat ng Stik-O" ako sumulat non :D