Wednesday, November 30, 2011

B-Meg's number of devotee is getting bigger

Marami naman sigurong nakapuna na padami na ng padami ang mga B-Meg fans na lumalabas ng kanilang mga bahay at nanonood ng live at siguro eh may mga bagong admirer din na sumasali sa B-Meg Planet. Kita naman sa bilang ng mga nanood kahapon na umabot pa sa 10,019 na nangyari pa sa isang TUESDAY game oo Martes hindi Biyernes o Linggo.

May nakatayo pa sa Upper A
Ang dami pang nag-tweet at nagsasabing B-Meg ang bagong crowd favorite ngayon. pero bakit nga ba nila nasabi 'yon?

May dalawang dahilan ako:
Una, ang taas ng gate attendance kahapon kahit hindi Sunday's game eh lumagpas pa ng 10,000 mark!. at sabi pa nga ni Sir Quinito eh baka nga 11,000 na kung in-update nila ulit yon nung 2nd half.

Pangalawa, matagal na silang crowd favorite sunod sa Ginebra. (pero naniniwala pa din naman akong mas madami pa din ang Ginebra fans) yun lang, hindi naman masyadong malayo sa number of fans ng B-Meg.

Galit na galit ang Ginebra fan sa page nila sa facebook, NO WAY daw. edi ok hindi naman pinapanalo ng B-Meg ang mga game para dumami ang mga spectators nila at makakuha sa venue ng maraming crowd dahil gusto lang naman nila eh yung All-Filipino CROWN. Ang tao naman ang kusang gugusto at pipili kung sino ang mas magandang suportahan at para sa'kin mas maganda pa din suportahan ang mga humble.

Ilan sa mga matitinding banat ng Ginebra fan eh ganito:
nagsimula daw kay Joe Devance, bakit ano ba sabi ni JDV? diba ganito lang
Sabi lang naman niya na mas malakas ang cheer ng B-Meg fans don sa game nila against Ginebra, bakit niya nasabi? halata naman ah. Isang beses ko lang nga nadinig ang GI-NEB-RA don sa game na yon eh nung nag-rally sila sa 3rd quarter pero mas madami ang sigaw sa B-Meg kasi matagal na nasa kanila ang momentum. Even Jason Webb said "si Jayjay na boo-boo" (happened when he's taking free-throws in the ending time) sa mga hindi satisfied panoodin niyo ulet.

At aminado pa yung isang fan ni Jayson castro oh :))
palibhasa lame ngayon ang mga game ng team nila at yung 4 na huling laro ng B-Meg eh sobrang nakaka hyperventilate sa sobrang excitement. Tinawag pa nga ni Mico Halili na "Nerve-Breaking game" yung laban ng Llamados sa ROS eh.

Pero para don talaga sa mga kung makapang-giit eh wagas at sa mga fan ng ibang team diyan na palaging may pagkamuhi sa team namin, bah, kayo din ang mapapa-aga kapag inintindi niyo ang pagkagalit.
basta kami sa B-Meg planet calm lang hehehe.
Salamat sa Pagbabasa

Saturday, November 26, 2011

BLKD the future of HipHop


"LAKAS NG PAGSASAMA-SAMA ANG TAGLAY KAUNLARA'Y KINAKAMIT HINDI INAANTAY
PANGARAP NA PAGBABAGO AY PINAPANDAY SA SLEX LANG MAY FALLING STAR FROM THE SKY" --BLKD


BLKD, the future of HipHop says by Nothingelse

I've been a fan of FlipTop and I've been watching their videos on youtube since 2010 when they are starting to get in their prime. Saw Loonie's and Dello's battles and I've been a fan since then and now here's a new Battle emcee in the First Filipino Rap Battle League grabbing the attentions of the fans of FlipTop, welcome BLKD.

BLKD
He is a UP Student he revealed it in his fight with Sheyee.
MASYADONG MAKATA si BLKD

these past few days me and one of my friend (tropatuts) always getting forced to say the punchlines of BLKD in each other, here are some of his popular and great punchlines.

"AT SA RAP MERON KAMING BLKD KAYA WALA KAYONG BINATBAT SAMIN
AND JUST TO RUB IT IN ANG FINALS NIYO QUIZ LANG NAMIN"
 (Sheyee vs BLKD)

"STUDYANTE KA PALA SA ACCOUNTANCY.. PERO KA-TANGAHAN MO SA MATH, LEGENDARY. YUNG RAPPING SKILLS MO, SQUARE ROOT OF NEGATIVE ONE.. IMAGINARY"
(Sayadd vs BLKD)

"AT SA DONGALO 'TO SUMASABIT, ALAM NIYO BA KUNG BAKIT? SIYA YUNG NATAGPUAN NI ANDREW E NUNG HUMANAP SIYA NG PANGET"
(2Khelle vs BLKD)

"OO NA MESTISO KA NA WAG MO MASYADONG IPAGMALAKI. MALAKI ANG TSANSA NA ISA SA MGA LOLA MO, NIRAPE LANG NG PRAYLE"
(Sheyee vs BLKD)

"RIZAL, BONIFACIO, DEL PILAR, SAKAY MGA AKTIBISTA NG KANILANG PANAHON. KUNG HINDI DAHIL SA MGA AKTIBISTA INDIO KA PA RIN NGAYON"
(Tag team match BLKD/KAHIR VS HARLEM/JUAN LAZY)

Madami ng fans si BLKD kase kapag lumaban siya ng rap-battle may sense yung mga punch-line. Hindi din palamura at hindi masyadong bastos kaya palagi siyang pabor para sa marami.

BLKD vs SAYADD

BLKD vs 2Khelle

BLKD vs Mel Christ

BLKD vs Sheyee

BLKD/KAHIR VS HARLEM/JUAN LAZY

nakakatawa din tong si Kahir haha best battle so far na napanood ko.
Thanks for Reading

Friday, November 25, 2011

Eto Na-naman (Ang Noon At ang Ngayon)

Remembering and reminiscing the old days and realizing that we have a good memory, Look how many era's we have been through and generations is passing by and we still remember good days from past 
--rEguLardReams 
Madami nang nagbago, hindi lang sa paligid pati na din sa kaugalian. Pero may mga ilang bagay pa din na nananatili lang. Ang Pilipinas, developing country na noon, developing country pa din hanggang ngayon.

Noon, simple lamang ang buhay ng isang mag-aaral na katulad ko. Gigising ng maaga para pumasok sa eskwelahan, uuwi ng hapon gagawa ng Takdang Aralin at matutulog ng maaga para maagang magising kinabukasan.

Ngayon, Papasok ako ng maaga, uuwi ng maaga at matutulog kapag malapit ng mag-umaga.

Iba na kasi ngayon, ang dami na kasing nausong bago. Nawala na ang Tumbang Preso at Piko sa lansangan, napalitan na ng DOTA at ragnarok online. nawala na din ang Testi dahil pwede na din mag-usap pader sa pader dahil may Facebook na at hindi na Friendster. Dati naging favorite ko sina Morgan B1, B2 at Doding Daga sa Bananas in Pajamas. Ngayon nanonood na ko ng FlipTop sa youtube at sa bahay eh hindi na lumalabas. Di ko na din nasisilayan sina Cedie, Heidi at Romeo dahil may F4 na at 9 tails na Gumiho. Kung dati natatawa tayo kina Dono at Mojako ngayon kay Boy Pick-up, bakit? ewan ko. 

Pati din sa mga palabas sa telibisyon ay malaki ang pinagbago. Kung dati nakakanood ka ng science-environmental show na Sineskwela at history inspired program kagaya ng Bayani at Hiraya Manawari. Ngayon, Puro reality show na ang palabas. may bahay ni Kuya, Survivor sa Isla at ang Face to Face na kung saan makakakita ka ng anak na inagawan ng boyfriend ng Ina at isang Misis na sinapak ang Mister sa harap ng camera.

Noon, pag-gising mo ng umaga dalawang kape lang ang pagpipilian para inumin, may kapeng may gatas at kapeng puro. Ngayon, meron nang kinapipitagpitagang kape na nakakagising ang presyo.

Iba na din ang kinahihiligan ng mga kabataan ngayon, Dota na hindi na Piko. Text sa Cellphone hindi na yung text na may picture ng cartoons noon. Marami na ding hindi nasunod ang kanilang motto na "ayaw nilang lumaki na magsasaka sa bukid" dahil may Farmville na ngayon.

Noon kapag magrereport ka ang kailangan mo lang ay Manila Paper o kaya'y kartolina. Ngayon kelangan mo pang magpuyat para mag-type isaisa sa slide ng Power-point (depende din sa mga masisipag na copy & paste ang teknik). Noon ang sikat na tsinelas ay matibay na Rambo na pwede ding pamalo sa'yo, na ginagamit mo para mapahiga ang lata. Ngayon tao na ang kusang humihiga ng nakadapa sa kalsada. Noon may kalabaw at puno ng niyog sa Piso. Ngayon wala ng pandesal na tig-pipiso.

Noon Coloring Book...... Ngayon Facebook...

Noon pag sinabing berde ibig sabihin gulay..... Ngayon pag sinabing berde, ibig sabihin isip

Noon si Astroboy.... Ngayon si BUDOY :D

Noon hehehe...... Ngayon jejeje...

Noon Tamagotchi.... Ngayon Ipad..

Noon pinapalabas ang DragonBalls...... Ngayon pinapalabas pa din..

Noon gusto ng marami, maging Presidente....... Ngayon gusto ng marami na makulong 'yung dating Presidente..

Noon pala 'yon, di na Ngayon :D
Thanks for Reading

Pangatlong blog-post na may topic tungkol sa nakalipas. 'Di kasi umubra yung Sampung kanta (previous post) kaya Eto Na-naman, Subukan niyo ding basahin yung Eto Naman sa Top post po sa gilid :D

Eto Naman : http://theregulardreams.blogspot.com/2011/10/eto-naman-tara-na-at-ang-dati-ay.html
Another one soon.

Tuesday, November 22, 2011

Narnia 4 Will Be "Magician's Nephew"


Instead of referring to the book's chronological order, The Chronicles of Narnia jumped two books looking for the next Narnia movie that will be publish a couple of years from now.

Walden's media revealed that the next Narnia movie will be "The Magician's Nephew" instead of "The Silver Chair" that many fans expected. 

The first two Narnia films were produced by Walt Disney, which severed the partnership with Walden after "Prince Caspian" posted disappointing results. The first installment of the series placed on the top 41 of the World's Box Office Highest Grossing films while the Prince Caspian just stayed at the 127th place and The Voyage of the Dawn Treader placed at 130th spot right now.

Walden Media also says that "The Magician's Nephew" has the potential to be a blockbuster hit like "The Lion, the Witch and the Wardrobe" because it is the second most popular book in the Narnia series.

Many says that The Magician's Nephew is a great origins story. You get to learn so much about where the wardrobe came from, where the lamppost came from, where Narnia came from in this next installment.

So I'll just have to wait for this movie to come out in Theaters :D
Thanks for Reading

Monday, November 21, 2011

Chicken Joy


Ang pinaka masarap at pinaka paborito ng lahat
Masarap na Gravy at Fried Chicken na sikat
Natalo pa ang clown na madaming make-up
kaya lahat ng katabing Mcdo nababankrupt

Ang sarap kumain sa bahay ng bubuyog 

Thanks For Reading!

Saturday, November 19, 2011

Sampung kanta na nag-papaalala ng High-School

Ok, siguro naman nung high-school din kayo meron kayong mga naging theme-song o yun talagang naging favorite natin nung A.Y. 2005-2009

Well nung mga panahong yon eh wala pang K-pop at hindi pa lagamak ang pagpasok ng mga foreign songs hindi kagaya ngayon. At nung mga panahong 'yon eh mabilis ang pagsikat ng OPM dahil nga may MYX pa sa free TV at malakas pa ang appeal ng Radyo sa masa.

So eto, magbibigay ako ng Sampung kanta na talaga namang sumikat nung High-School ako, at nakakapagpaalala nga ng nakaraan sa high-school kapag napapakinggan ko ulit. Siguro kung ka-Generation kita alam mo din 'tong mga to hehe.

10. Magbalik by Callalily
Sisimulan natin ang listahan sa kantang ito, siguro naman natatandaan niyo pa 'to, sumikat to nung 2nd-year high-school ako kasabay ng Tuliro ng Sponge Cola.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag ibig di mapapagod. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag agos, pag ibig di matatapos"

9. Gemini by Sponge Cola
Etong pang number 9. based sa Romeo and Juliet, ang ganda ng lyrics nito although maikling song lang siya. sumikat to noong 1st-year highschool ako kasabay ng Tensyonado ng Soapdish.

"Let me know if I'm doing this right. Let me know if my grips too tight. Let me know if I can stay all of my life. Let me know if dreams can come true. Let me know if this one's yours too, Coz I see it.... And I feel it right here, And I feel you right here"


8. Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Itong next song na 'to sigurado ako na nakanta niyo na din to at kinakanta niyo pa din kapag napapakinggan niyo sa radyo. Tungkol to sa palihim na pagpaparamdam ng isang guy sa crush niyang girl.

"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso, tuwing magkahawak ang ating kamay. Pinapanalangin lagi tayong magkasama, hinihiling bawat oras kapiling ka." 



7. Kung Wala Ka by Hale
Sa lahat ng may gusto sa Hale, ito yung isa sa mga kanta nila na talaga namang pumatok. pagka-release pa lang nito sumikat na agad. Isa lang to sa dalawang kanta ng Hale na nasa list na 'to. Ang sarap nga pakinggan nito kapag umuulan eh lalo na kapag naka-headset ka, Try niyo.

"Sundan mo ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto. Sundan mo ang paghimig ko."


6. Dahil Ikaw by True Faith
Ito namang kanta na'to tanda ko eh theme-song ng isang teleserye sa ABS-CBN, at patok na patok naman talaga. at palagi mong madidinig na kinakanta sa videoke ng mga laseng haha. Ang daming mga magagandang kanta ng True Faith, pero ito talaga 'yung pinakakilala sa kanila.

"Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko ang nais ko ay malaman mo na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, pagibig ko'y sa'yo ibibigay. Ang nais ko ay malaman mo na mahal kita."

Isa din ito sa example ng simple't magandang kanta.


5. You'll be safe here by Rivermaya
Ok lagpas kalahati na, at ang nasa top 5 ko ang kanta na sumikat noong 2005. theme song ng SPIRITS sa ABS-CBN bida sina Maja, Rayver at Johnwayne tanda niyo pa ba?. Isa din to sa pinaka successful na kanta na nirelease ng Rivermaya bago umalis si Rico Blanco sa kanila. nainvite pa ang Rivermaya na magperform sa MTV-Asia Awards 2006 sa Thailand. first OPM band na nakapag-perform sa nasabing event.

Ang sarap pakinggan nito lalo na kapag gabi at nasa biyahe ka na pauwi, swear.

"When the light disappears and when this world's insincere, You'll be safe here. When nobody hears you scream, I'll scream with you,You'll be safe here."

lahat naman tayo siguro may mga paboritong part o line sa isang kanta at dito sa kanta na 'to favorite line ko to.

        "PUT YOUR HEART IN MY HAND YOU"LL BE SAFE HERE"


 4. Love Moves by Nina
Oh at last may love song na din sa list ko, nilagay ko sa top 4 to kasi nakakapagpaalala 'to ng mga love/crush moment sa school hahaha. anyway nagiisang kanta na hindi Alternative band ang kumanta. Sumikat noong 1st-year ako at pine-play sa mga JS prom.

"Love moves in mysterious ways it's always so surprising when love appears over the horizon.
I'll love you for the rest of my days but still it's a mystery. How you ever came to me which only proves
Love moves in mysterious ways"

dahil nga may Horizon naalala ko ang title ng journal namin sa english dati, HORIZON lol


3. The Day you said Goodnight by Hale
Ito ang pangalawang kanta ng Hale na ininclude ko sa list na 'to. Sobrang sikat nito noong first year ako. kapag may event sa school lagi ko tong nadidinig. at maganda pa din pakinggan kahit matagal na ang lumipas hehe. At payo lang, kapag nilagay niyo to sa playlist niyo ilagay niyo sa ending song.

Nakakapanghinayang lang nag-disband na ang band na 'to, pero magkaganon man mananatili pa din sa alaala ang mga kanta nilang Broken Sonnet, Kahit Pa, Blue Sky, Shooting Star at iba pa.

"If you could only know me like your prayers at night. Then everything between you and me will be alright."


2. Makita Kang Muli by Sugarfree
At ang top 2 sa ating listahan. Aba syempre ang theme-song ng Panday! Isa nanaman sa mga kantang Simple't magandang kanta, mula din sa idol kong vocalist na si Makatang Ebe Dancel. Isa sa mga magagandang kanta ng Sugarfree na nakakapag-reminisce sa mga nagdaang oras at taon.

"Bawat sandali ng aking buhay pagmamahal mo ang aking taglay. San man mapadpad ng hangin
hindi magbabago aking pagtingin. Pangako natin sa Maykapal na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay."



1. Gitara by Parokya ni Edgar
At syempre ang pinakamatagal na sumikat na kanta sa palagay ko ay ang Gitara ng Parokya. Mula sa nanatili na isa sa mga matagumpay at nananatiling matatag na OPM band sa ngayon. At talaga namang nakakaaliw pakinggan ang kanta na 'to. Siguro natatandaan niyo din na kapag nagdadala ng gitara yung mga kaklase niyo eh eto yung tinutugtog nila.

Ang ganda din ng music video kaya naman ang bilis din niya sumikat.

"Bakit pa kailangang magbihis sayang din naman ang porma
lagi lang namang may sisingit sa tuwing tayo'y magkasama"

"Bakit pa kailangan ang rosas kung marami namang nag-aalay sayo, uupo na lang at aawit maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa'yo, dadaan na lang kita sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara. Idadaan na lang sa gitara."


Itong list na 'to eh mga sumikat na kanta na nakakapagpaalala sa akin oh baka sa inyo din ng mga araw sa buhay high-school. Malay mo isa sa mga kanta na 'to ang kinakanta mo sa isip mo kapag wala kang nasasagot sa quiz niyo sa Physics. Oh kaya isa sa mga kanta na 'to ang makakapagpaalala sa'yo ng mga panahong kinikilala mo pa lang sina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Maraming mga bagay na pwedeng makapagpanumbalik sa nakalipas na era o time-frame hindi lang 'tong mga kanta na to kundi yung mga naging Class Picture niyo. Pagkatapos mo 'tong basahin 'wag mong kalimutang sulyapan ang mga class-picture mo na may mga nakapikit at may Stolen-faces pa din. 

Dahil nga sa pagsulpot ng iba't ibang Genre, at mga foreign songs, nagmumukhang endangered species ang mga OPM songs sa mga Pinoy. Pero syempre iba pa rin talaga ang epekto sa memorya ng mga kanta na sumikat dati, kahit yung mga kanta pa ni Jerimiah hindi pa rin nalilimutan ng iba.

At isa nga din ang mga kanta sa pwedeng makapag-paalala sa atin ng mga oras na nakalipas na, may mga kantang tinawanan mo ang lyrics at may mga kanta ding nagsisilbing ala-ala sa isang memorable na pangyayari sa buhay mo dati. Minsan mas nakakabuti na minsan mo lang sila marinig, pero kahit minsan lang ay nagagawa mo pa ring kantahin ng buo mula simula hanggang dulo. Ang sarap isipin kapag babalikan mo yung dati diba?, medyo nakakainis namang isipin na tumatanda ka na pala.

Naku, kung hindi lang nauso ang MP3-Players edi siguro-malamang laging nakatune-in sa radyo ang mga kabataan ngayon.

Sana nagustuhan niyo.
Salamat sa pagbabasa :D

Share your own top 10 songs na nakakapag-reminisce sa'yo ng high-school sa pamamagitan ng comment.

Monday, November 14, 2011

Things that maybe affected Manny's fight yesterday

Manny Pacquiao
These things are maybe distractions for Manny.

-The issue of having another kid on another Woman (not Jinkee)
I always read newspapers everyday, we have it always in our house, Issues Worldwide, Politics, Nature, Disasters, Sports and Showbiz intrigues are written there. I have writen some articles where writers says Manny and his wife Jinkee is having a problem in their own family.

-He is now a certified Singer, Host, Congressman in a same time.
Concerts, variety game show and reading papers and sign it with his signature is maybe a though work for him. Maybe after the training and practice he did for a day he also having a homework at night. I mean he is having a lack of sleep

If those distractions are not really the reasons why he did not show up well yesterday, maybe that is only an encouragement or a tactic for Mayweather to come-out and fight him.

But who knows maybe all I said is false.

Thanks for Reading

My conclusion to Pacquiao-Marquez fight result

Manny Pacquiao praying at his corner for his battle against Juan Manuel Marquez at MGM Grand
Photo from: sports.yahoo.com
" After ROUND 12, Marquez PRAISED himself while Pacquiao PRAYED. See the Difference?? "

Emotion flows and told to be the reaction of the people who watched the fight of Manny pacquiao and Juan Manuel Marquez yesterday. The reaction has been seen in Twitter and Facebook that saying Pacquiao got undeserved win. Many says Marquez was the one who wins the fight and there are also many on the side of Pacquiao. Who really wins?

I also think that Pacquiao will lose the fight after I watched it in live stream and I decided to watch it again in the freeTV coverage of GMA 7 and I choose to have a scorecard in my hand. and I scored the bout 116-114 for Pacquiao.

In Round one no doubt the round is for Pacquiao round two is for Marquez and my round three is back to Pacquiao 3-2 round. 29-28 in my scorecard.

Round four was so close but I gave it to Manny, just a little little bit advantage 39-37 for Pacquiao.

Round five was dominated by Marquez there is so much clean punch landed to Pacquiao that time so 48-47 there.

Round six was also the same as the round four so close to judge but I decided again to gave it to Manny, Manny win just point one (.1) 58-56 for Pacquiao.

Round seven is a clear round for Marquez, combination of Marquez has been thrown and cleanly landed to Pacquiao. so 67-66.

Round eight to ROund nine is a domination of both fighter, when one of them thrown and landed a punch  the another one answers back and I decided to make it all tie 10-10 from round eight to nine. 87-86

Round ten is for Pacquiao, the camera also shows Marquez got a black eye in his right eye it shows that Pacquiao made his punches connected to Marquez so i gave the round for Pacquiao 97-95.

Round 11: i said that round seven is clearly for marquez now this round is no doubt for Pacman. Many combinations landed that time by Pacman and got hit Dinamita in his face I give it 10-9 for Manny (107-104).



Round 12 is for Marquez, that time he is the one attacking cause he already knew that that was the last round and he want to knockout Pacquiao so it's 116-114. 

So that I persuaded myself Pacquiao won the fight.

Note: In boxing if you are the challenger, you must be­ the aggressor but Marquez is not. Remember the first fight of them that ended in a draw decision?. That time Pacquiao was the challenger and also the aggressive fighter. He made Marquez down three times in round one but of course JMM is the champion that time the favor is on his hand. instead of making 10-6 one judge made it 10-7 that little thing can effect large thing in boxing.

I am not saying that you should have to believe me maybe I am wrong you just have to make your own decision of picking who really wins. But if you do not have much knowledge in boxing so you just have to inhale and exhale and do not say final words.

After all I also think that that was not the real Manny Pacquiao, Why Pacquiao did not show up what he showed from his previous fights?. Is there any distractions effect his mind, distractions like the problem from him and his wife (we all know that thing). Or maybe this is just an encouragement for Mayweather to fight. Questions must be answered soon.

Thanks for Reading.

Sunday, November 13, 2011

Pray for Marquez's safety



After all Marquez's sayings and wearing a shirt that have a line of "I beat Pacquiao twice" Pacquiao now is so determined to knock him out. And you can assure things like this fight will be not going to end at round 12 or the winner of this fight will win via KO.

Yes Pacquiao got all the favors to win this fight and Marquez is the underdog this time but hey it doesn't mean that this will be a boring fight because the fighters is not evenly match-up. Cause this fight is going to be a Big-Time Derby, you know every time this two fighters will meet in the same ring it's always an exchange of three punch in three seconds.

But this third fight is a lot more different with the first two fight. In the first two fights they all have black-eyes and open wounds in the end. That time Pacquiao's only key to win is his powerful left hand, now he has both left and right with evenly power. And this fight now will be taken at 144 lbs so far from their last catch-up weight 130 lbs.

With the power of Pacquiao's punch he can end this fight likes he putted Ricky Hatton in the retired boxer's list. With his aggressiveness and a will to knock out Marquez and the pride of Marquez that never retreated an opponent, predict, hope, and presume that this fight will end that one of those two persons in the picture above will kiss the canvass.

Let's get ready to Rumble!!
Thanks for Reading!

Saturday, November 12, 2011

Ang laban ni Pacquiao

Photo from: bigp22y.com
Ang laban ni Pacquiao. Ang pinakaaabangan ng buong mundo lalo na dito sa Pilipinas. Dalawang beses lang sa isang taon kung mangyari kaya ang mga Pinoy hindi ito pinapalampas (pwera lang yung mga hindi pinoy sa isip). Kahit pa sabihing inaabangan ng buong Pilipinas meron pa ring ilan na wapakels pa din, madami na akong nakilalang ganon. wenks.

Kaya ko nasabi 'yon kasi meron talagang mga taong ganon. Yung mga taong hindi proud maging pinoy at ayaw tangkilikin ang sariling katribo. Kumbaga sa pamimili ng mga produkto, yung mga made in other country lang ang pinapakyaw. Pero sabihin mo mang hindi biglang nagiging Pinoy sila kapag nanalo na si Pacquiao.

Pacquiao-Marquez 3. Dalawang linggong headline sa balita sa telebisyon. Dalawang buwan namang laman ng sports section sa dyaryo. Kapag pinanood mo ang laban sa freeTV para kang naghintay ng dalawang taon para lang sa isang round.

Dalawang beses lang din nangyayari sa isang taon ang sunod-sunod na commercial ng Boysen, Alaxan, ginebra San Miguel, B-Meg Premium, B-Meg Derby Ace, Head and Shoulders, Tanduay, Nike atpb.

126-130 ang mga timbang na pinaglabanan sa mga naunang laban. Tabla sa una si Pacquiao ang nanalo sa pangalawa 'di pa nakuntento si Marquez at humingi pa nang isa. Ngayon yari siya sabi ni Freddie Roach "knock-out agad yan".

"Manny Pacman Pacquiao" sikat na talaga sa buong mundo. ang hindi lang maniniwala diyan ay 'yung mag-amang Negro. (siguro naman kilala niyo yung dalawang yun)

Gaano kadehado si Marquez?
Siguro naman alam na nang lahat kahit lagyan ba ng mga salitang bias at wala si Pacquiao ang pabor para manalo sa laban na 'to bukas.

Mas komportable si Pacquiao sa Welterweight kaysa kay Marquez. Yung huling laban nila nangyari pa noong 2008. pagkatapos non umakyat na ng timbang si pacquiao, tinalo niya yung mga taong mas sanay pa sa kanya sa Welterweight. Si Marquez naman yung lima sa 6 na huling laban niya sa Lighweight division lang. At nung lumaban siya sa timbang na mataas pa sa 140lbs ay natalo pa siya (syempre si Mayweather din naman yung kalaban niya) pero kita pa rin na bumagal ang kilos niya nang subukan niyang lumampas sa 140 pounds.

Mga magagandang bagay kung bakit magiging maganda ang laban bukas.
Una. nasa HBO na ulit yung rights ng laban ni Pacquiao, ibig sabihin si Michael Buffer ang magiintroduce ng laban. kung napanood niyo yung laban ni Pacquiao kay Mosley. Boring na nga yung laban boring pa yung intro kasi di nga narinig yung tag-line na "Let's get ready to Rumble".

Pangalawa. (siguro para sakin lang to) hindi si Kenny Bayles ang referee yehey! 

yun lang, Go Pacquiao para bukas.
Thanks for Reading!

Monday, November 7, 2011

Two upcoming Sunday will be great


Two upcoming Sunday will be a spectacular day for a Sports fan in the Philippines. (Nov. 13 & Nov. 20)



The first Sunday that will come is the day that Manny Pacquiao will face up Juan Manuel Marquez for their trilogy showdown.

Everyone expect Manny to win a knockout to Marquez, Favors is on his hand.

And that is also the time that commercial of Boysen, Alaxan, Ginebra San Miguel, Bmeg Premium etc. will be aired over and over again. Like Christmas this is also a rare moment cause it only happens twice a year.



The second Sunday is for me and for all the Bmeg and Ginebra fans in this oval world.

You know, every time this two team will have a match, it should have been the main event and it should have been Sunday.

And every time Ginebra and Bmeg will face one another is seems like it's a playoff's match

Big crowd yelling for their bet, and the Stadium should have an attendance in the General Admission seats.

Yeah right this is the two most Popular team in the PBA.

Done. I will just have to wait at the two Sunday to come.
Thanks for Reading!

Sunday, November 6, 2011

3 Most memorable line in Movies

Top 3. "My Precious" by Gollum

Gollum is a fictional character in the movie trilogy of The Lord of the Rings written as a book by J.R.R. Tolkien. Gollum also wins an award at MTV for the best virtual performance. The tag line "my precious" is so famous, Fathers took this lines when they want to scare their kids. haha it can really scared but it depends in how you say it with feelings. Dobby is gonna hate this guy they have the same color dude :D


Top 2. "To infinity and beyond" by Buzz Lightyear

Buzz Lightyear is a character in the trilogy cartoon film Toy Story. Buzz is a space ranger action figure and the co-leader of Andy's Room. The movie proves that a cartoon is not for children only, hey! Toy Story 3 ending makes me cry T.T, don't know if you too did. I have an action figure of Buzz came from a box of Happy Meal of McDonalds. And the biggest thing is Toy Story 3 wins 2 Oscars (the biggest movie awarding)  and ranked as the 7th film in the list of All-Time Worldwide box office earning over 1 Billion Dollars.


Top 1. "Expecto Patronum" by Harry Potter

And of course the top 1 in my list and the top 1 of all the list in the listing of all the listers lol, The Movie-world's most famoust line "Expecto Patronum" the magic word of Harry that makes all girls mesmerized. Harry is the leading character in the Movie series of Harry Potter consisting of 8 films. As of 2011 the Harry Potter franchise is the highest grossing film franchise of all time. with the eight films released grossing over 7.7 Billion worldwide. And like what I said on the top 3 this line also depends in how you will say it just use a British Accent to be done good.


So sad All this movie series has ended.
Anyway, Thanks for Reading!