Saturday, January 5, 2013

Pangkaraniwang-Literal

Sa ilang taon kong pagko-convert ng Oxygen sa Carbon Dioxide sa buhay ko, may mga bagay na karaniwan nalang kung palagi itong mangyayari at literal lang kung ito'y sadyang ganyan o ganito.

Gaya ng karaniwang umaga ko, sasampalin ako ng liwanag ng araw na maaninag ko buhat ng bukas kong bintana na nagsasabing kailangan ko nang bumangon at pumasok sa eskwelahan, maliban nalang kung ito ay Sabado at Linggo o kaya'y may kailangan akong puntahan, o sabihin ko nalang na 'gala'. Road-trip, para sa mga sosyal. Lakad, para sa mga karaniwang tao.

Hindi nawawala ang kape sa aking umaga maliban nalang kung ako'y magigising ng lagpas Alas-dyis ng umaga. Hindi na kasi karaniwang uminom ng mainit na kape sa oras na 'yon. Literal lang na malamig na baso ng tubig ang kapareha ng kakainin ko sa isang tanghalian.

Ang pagkasimple ng isang araw ay karaniwang mong masasabi kung lilipas ang umaga't panahon na ikaw ay gising pa at mapapapayag kang makatulog ng mahimbing sa gabi nang wala kang iniisip na problema mula sa lumipas na mga sandali.

Kung ang buhay ko ay simple, aba'y sana nga'y gano'n nga. Dahil sa tingin ko'y kasiya-siya kung ako ay mapupunta sa panahon kung saan payapa at walang gulo; walang balitang pang-badtrip sa'yo sa gabi, walang paulit-ulit na pagtugtog ng kanta ni Psy, walang nagbi-videoke na kapitbahay tuwing gabi, walang pagpasok sa paaralan sa Umaga. Isang regalong maituturing kung mangyari ang mga 'to.

Ngunit maari ka rin namang gumawa ng simple mong araw sa mismong sarili mo, subukan mong 'wag tignan ang Cellphone mo sa pag-gising mo. 'Wag kang gumamit ng computer sa loob ng isang araw. 'Wag kang manonood Tv Patrol, Princess and I at kahit ano pang palabas sa telibisyon. magrefresh ka, mag-reminisce, 'wag mag-isip ng mga teknikal na bagay at ituon lamang ang sarili sa posibleng HAHARAPIN sa HINAHARAP. Makinig ka lang sa mga kanta ni Noel Cabangon at ng Beatles at hayaan mong maglaro sa isipan mo ang mga pangyayaring iyong ikanasaya noon. Sarap non dre.

Subalit IMPOSIBLE, imposible lalo na sa panahon ngayon?. Sino ba naman ang magaaksaya ng panahon sa kantang "Kahit maputi na ang buhok ko" at "Kanlungan" kung may "Oppa Gangnam Style" naman at mga kanta ni Justin Bieber. Sino ba naman ang may kayang hindi tumingin sa Cellphone n'ya e orasan to / flashlight napaka-literal na gamit diba?. 

Sa makatuwid ang post na to ay simpleng walang patutunguhan. dahil ito ay literal na WALA LANG.

tinamad na 'kong sundan e, kaya tapos na dito :P
Salamat sa Pagbabasa.