Monday, November 11, 2013

ISSUE: Iglesia ni Cristo snob?

Itong post na ito ay reaksyon sa nabasa at sa mga nababasa pang ibang issue tungkol sa topic na ito. Ito ang article na kumakalat ngayon sa Internet, inyo munang basahin bago tayo magpatuloy magbasa pababa. Narito po ang link: IGLESIA NI MANALO REFUSED SHELTER FOR SUPER TYPHOON VICTIMS IN ILOILO
Photo from: http://www.splendorofthechurch.com.ph


Tingin n'yo?. Tama lang bang tanggihan ang mga taong nangangailangan ng tulong sa kabila ng malakas na unos sa lugar dahil lamang sa hindi sila kaanib ng simbahan?. Kung ang kanilang mithiin sa katatapos lang na aktibidad ng kanilang grupo ay makapag-bigay tulong-medikal sa mga taga maynila. Nasaksihan natin. Naibalita sa telebisyon. Ang kanilang slogan sa nasabing misyon ay "Kabayan ko, Kapatid ko" - malinaw na nais nilang bigyang asiste ang lahat ng Pilipinong dadalo sa aktibidad na iyon. Ngunit bakit ito taliwas sa bagong balitang lumalabas?.

Hindi ba't kung magnanais makatulong sa kapwa, ito ay dapat na walang pagaalinlangan?, pwede sa kahit anong paraan. Sa kahit anong oras at sitwasyon. At hindi na mangangailangan pa ng exposure sa camera ng iba't ibang channel sa TV.

Naalala ko ang isang blogger na nagtatanong sa kanyang artikulo n'yang: Tanga ka rin ba?, kung bakit kailangan pang gumawa ng INC ng isang aktibidad kung saan, ito ay sa loob ng isang araw (lang) at kailangan pang magdiklara ng ibang eskwelahan na walang pasok at isara ang mga kalsada sa maynila.

"Kung gusto talaga nilang tumulong, huwag ‘yung one-time, big-time na ganyan. Magpatayo dapat sila ng ospital na katulad ng sa PGH, mura at tinatanggap lahat. Hindi ‘yung dambuhalang coliseum sa may NLEX ang pinagkakagastusan nila." - ang eksaktong sinabi ng blogger na sinasabi ko. Hindi malayong isinasaad ng blogger na ito na parang may side ang nasabing misyon na gusto lang ng Iglesia na makakuha ng exposure sa sa buong bansa at makahikayat ng mga bagong aanib sa kanila. Ang kalahati tuloy ng isip ko ngayon ay sumasangayon sa kanya.

 
Paano kaya kung si Cristo ang nasa pintuan at ang hing'an ng tulong ng ating mga kababayan?. Siguradong alam na natin ang gagawin N'ya.