Masaya ako mula nang malaman ko na ang lahat na 'daw' ng mga laban ng PBA ay mapapanood na sa TV5 ngayong season!. Ilang beses pinaulit-ulit ibinalita ni Magoo Marjon yan kapag s'ya ang nasa commentator seat sa nakaraang PBA Finals. - Ayos!, sang-ayon ako don. Kasi ang linaw ng picture kapag TV5 e. At hindi naman maipagkakailang mas malakas ang impact ng publicity kapag TV5 ang magko-cover ng show kumpara sa Aksyon TV (ch 41) o kaya sa IBC (ch 13). Diba?.
Pero ang korni pala e. Akalain mong ang mga first game ng PBA tuwing Miyerkules at Biyernes ay ipapalabas lang ng TV 5 kapag mahapdi na ang mga mata mo sa ganap na Alas-Onse ng gabi!. At kung hindi ka makapaghintay, may choice ka naman. Magtiis ka sa live coverage... ay hindi.. ng zero visibility coverage ng Aksyon TV. Na kahit mag-3D Glasses ka o maglagay ng pambalot ng yema sa harap ng mata mo e wala ka talagang makikitang malinaw sa channel na 'to.
Para malinaw, narito ang sistema ng schedule ng airing ng PBA ayon sa tweet ni Chris Tiu. "PBA Telecast: (Wed and Fri) 2nd game is live at 8pm, 1st game is delayed at 11pm. On Sat, 1st game is live at 3:30pm. On Sundays, both games live on TV5 starting at 3pm." - Tamo, kahit pinalinaw, maguguluhan ka parin. Smh
Kawawa tuloy ang mga teams na may maliit lang na fan-base, mas mahihirapan silang makakuha ng magandang exposure sa masa dahil sa ganitong schedule. At kahit sa mismong 8pm schedule ng second game ngayon, tagilid parin. Lalo na sa mga manunuod ng live. Dahil imbes na 9:30pm sila dapat uuwi kapag 7:30 schedule. Ngayon, alas-onse na. May dagdag isang oras?. Oo, dahil depende parin sa kung anong oras matatapos ang kinapipitagpitagang 'Madam Chairman' at sa overtime ng mga naunang shows. Sa sistema kasi noon ng PBA na 7:30pm ang second game, ay eksaktong 7:30 talaga nagsisimula ang laro dahil mga 7:15 palang, nage-air na ang Aktv-center. Pero ngayon, kahit 8pm na, wala paring nasisimulan. 'Yan yung tinatawag na: "Delayed na nga, na-delay pa!".
Hindi n'yo ba napapansin kagabi na hindi na gano'n karami ang mga nanunuod ng live?. Kitang kita na sa screen ng tv ang mga bakanteng upuan. Sunday-games nalang yata ang puntahin ng mga tao dahil bukod sa rest-day ng karamihan, medyo maaga din ang game. Pwede pang gumimik pagkatapos. Tho, ginugusto ko parin na 4pm&6pm ang mga schedule ng laro tuwing Linggo.
Hindi ba naiisip ng TV5 na hindi na sila masyadong kikita sa ticket-selling ng mga games dahil sa schedule na ganito. Hindi rin naman sila magre-rate kung ipipilit nilang itapat ang Madam Chairman sa Got to Believe nina Joaquin at Chichay. Hindi naman sa sinasabi kong magna-number 1 ang PBA kung magkataon pero hindi naman siguro kailangan ng survey para malaman kung mas magre-rate ba ang Madam Chairman kesa sa PBA-Game lalo na kapag Ginebra at SanMig ang maglalaban. Diba?
KAYA MAHAL NAMING TV5, SANA NAMAN, 'YUNG MAS MAGANDANG SCHEDULE NG PBA. 'YUNG HINDI NA NAMIN KELANGANG MAGHINTAY NG ORAS KUNG KAILAN HINDI NA NAMIN MAMULAT ANG AMING MGA MATA SA SOBRANG ANTOK. O BAKA MAKATULUGAN PA NGA. MINSAN KASI UMUURONG DIN ANG IBANG MGA FANS NG TEAM NA MANOOD NG LIVE DAHIL NAG-AALALA SILA SA PAG-UWI NILA NG SOBRANG GABI, NAUUBUSAN NA SILA NG MAKIKITANG SASAKYAN PAUWI LALO NA SA MGA TAGA-MALAYO. PERO KAPAG MAGANDANG SCHEDULE, MAS MARAMING MANUNUOD NG LIVE AT MAS KIKITA KAYO SA SHARE NG TICKET REVENUES NG PBA. MAHAL NAMING TV5, MARAMING PILIPINO ANG NAGMAMAHAL SA BASKETBALL. PATUNAY NA NUNG FIBA-ASIA, IPINAGPALIT NAMIN ANG 'JUAN DELA CRUZ' AT 'THE VOICE OF THE PHILIPPINES' PARA MANOOD SA MAGANDANG CHANNEL NIYO. KAYANG-KAYA DIN NAMING IPAGPALIT NGAYON ANG GOT2BELIEVE PARA KUNIN ANG REMOTE AT TUMUTOK SA KAPATID NETWORK. SANA NAMAN 'DI KAYO MATAKOT SA TULFO BROTHERS KAPAG ILILIPAT N'YO NG ORAS ANG T3. SANA NAMAN DI NA NAMIN KAILANGAN MAGPALIPAT-LIPAT NG CHANNEL DAHIL NAKAKA-SIRA NG REMOTE YUN. LALO NA NG TV. ANG NANGYAYARI TULOY, MINSAN KAHIT VOLUME-BUTTON ANG PINIPINDOT KO, CHANNEL NG TV ANG NALILIPAT. KAYA SANA NAMAN MAHAL NAMING TV5, FACE THE PEOPLE. MARAMI DIN KAMING TATANGKILIK SA INYONG MAHAL NA ISTASYON AT MAS MARAMI PANG MAEENGANYONG MANOOD KUNG MAS MAAYOS ANG PAGPAPALABAS NG ATING PAMBANSANG LIGA. BOW.
Salamat sa Pagbabasa.